HINDI MAN nahanap ni Samarra ang daan papunta sa Ms. Oh na pagmamay-ari niya. Si Ezekiel naman ang nakahanap sa kaniya ng sumuko na siya sa kakaikot sa loob ng Zafaria mall. Natagpuan siya ng binata na nakaupo sa isang mahabang couch na malapit sa isang bookstore. Pagod at inaantok na rin siya, kaya laki tuwa naman niya ng mahanap siya ng lalaki.Isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa kaniya at may inuusal ito na hindi niya maintindihan. Bukod sa mahina ang boses nito na tila hindi talaga nito gustong iparinig sa kaniya ay hindi niya rin masyado maintindihan. Nang pakawalan siya nito ay katakot-takot na sermon naman ang narinig niya.Gusto na nga niya itong patigilin at tanungin kung saan ito humuhugot ng energy. Dahil kung siya ang tatanungin gusto na niyang ihiga ang katawan sa malambot na kama. Naubos na rin ang energy niya sa lalaking naka-engkwentro niya kanina at sa ginawa niyang paghahanap sa shop niya. Hindi naman niya kasi aakalain na sobrang lawak ng Zafaria Mall at may
ZACH POVSa Isla kung saan niya natatanaw mula okupadong silid nila ni Claudel siya nagpunta. Sa paglalaro sa tubig gamit ang Jet Ski niya ibinuhos ang lahat ng hinanakit niya sa nobya. Hindi rin alintana sa kaniya ang init ng sikat ng araw dahil mas masakit pa rin ang nararamdaman niya kaysa sa init ng araw.Hindi niya aakalain sa tinagal-tagal nilang magkarelasyon ni Claudel ay nagawa pa siyang lokohin ng ganoon-ganoon lang! Maliwanag pa sa sikat ng araw na matagal na siyang pinagtataksilan nito at ng manager nitong si Rance Punzalan. Hindi niya alam kung kailan pa ang nag-umpisa ang relasyon ng mga ito. Pero may hinala na siyang nabubuo na dati pa ang relasyon ng mga ito.Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya.Kaya pala!Kaya pala kung makangisi sa kaniya si Rance sa kaniya ay ganoon lang! Dahil simula’t sapul para siyang tanga na walang kaalam-alam na may namamagitan na pala sa dalawa. Kaya pala malakas ang loob ni Rance na hawak-hawakan ang nobya niya kahit nandoon siya ay dah
ZACH POVWALANG IMIK si Zachary sa loob ng kotse kasama si Claudel habang nasa biyahe. Papunta sila sa B-TOWER Condominium kung saan ang okupadong unit ng nobya na nasa unahan lang ng San Carlos. Hindi niya ito matingnan sa mata na may pagmamahal katulad ng dati dahil natatakpan na iyon ng galit sa dibdib niya.Ang buong akala niya ay umuwi na ito kasama ang mga kaibigan niya ng makabalik siya kaninang umaga sa Amanpulo. Natigilan pa siya ng makita ito kasama si Rance sa may lobby. Nakaupo ang mga ito na tila hinihintay siya. Hindi man magkatabi ang mga ito sa upuan pero hindi maalis-alis sa isip niya ang pagdududa.Anong bang malay niya noong wala pa siya?Sa isip niya gusto na niyang bugbugin si Rance pero hindi niya ginawa. Pinilit niyang maging kalmado sa lahat ng oras na kasama niya ang mga ito. Sabay-sabay pa silang umalis sa Amanpulo at bumalik sa San Carlos.“Babe, we’re here,” pag-aanunsiyo ni Claudel ng huminto na ang kotse sa tapat ng B-TOWER Condominium.Isang buntong-hini
SA LABAS pa lang ng pinto si Zachary nakaramdam na siya nang matinding kaba. Hindi niya alam kung para sa Daddy Calvin niya o kay Samarra na alam niyang nasa loob na ng bahay nila.Napa-sign of the cross pa siya bago niya pinihit pabukas ang nakapinid na pinto. Halos panginigan pa siya ng tuhod ng makita ang Daddy Calvin niya sa mismong pinto. Halos hindi na maipinta ang mukha nito na tila inip na inip sa pagdating niya. Marahil naitawag na iyon ng Kuya Zeke niya sa ama niya na pinauwi siya nito.Bago pa niya maihakbang ang mga paa papasok sa loob ng bahay ay sinalubong na siya nito ng sermon. Galit na galit ito dahil sa ginawa niyang hindi pagsundo kay Samarra sa airport at sa hindi rin niya pagsipot sa pananghalian.Wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang katakot-takot na sermon nito sa kaniya. Ipinasok niya iyon sa isang tainga at inilabas sa kabila. Hindi pa nga ito titigil kung hindi ito inawat ng kaniyang Mommy Lorraine. Doon parang natauhan ang ama niya ng ipinaalala ng mom
HINDI kaagad nakasagot si Zachary sa babaing nasa harapan niya. Saglit lang ito natigilan kapagkuwan ay yumuko para ayusin ang laylayan ng suot nitong dress na hindi umabot sa tuhod. Kung ito ay nakabawi kaagad sa pagkatulala. Siya, ay parang hindi makapaniwala sa nakikita.Hindi niya alam kung sadya bang huminto ang oras ng mga sandaling iyon at nawala ang mga tao sa loob ng roof deck. O, talagang naka-focus siya sa babaing nasa harapan niya.Effortless ang kaharap niya. Bagong paligo ito dahil bukod sa basa pa ang mahabang buhok nito ay nanunuot sa ilong niya ang mabangong shower gel na gamit nito.Nang umangat ang mukha nito sa kaniya roon ay para lalo siyang natulala.Maamo at napaka-inosente nitong tingnan na mapagkakamalian mo na tila kinse anyos lang ang kaharap niya. Ang mga mata nito na tila nangungusap na kulay abuhin. Ang matangos na ilong na binagayan na mahahabang pilikmata na namimilantik. At ang mapulang labi nito na animo nilagyan ng kulay pulang lipstick na parang hin
Halos mawalan pa ng panimbang si Samarra sa pagmamadali na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa lamesa. Gusto na niyang makaalis sa tapat ni Zachary. Sa tanang ng buhay niya ni minsan hindi sumagi sa isip niya na magagawa niyang mang-akit ng lalaki. Lalong-lalo na kay Zachary. Parang gusto pa nga niya na pagsisihan ang ginawa niyang iyon dahil parang wala naman epekto iyon kay Zachary. Mataman na nakatingin lang iyon sa kaniya kanina. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang nakatingin sa kaniya. Kaya hinamig na niya ang sarili baka hindi lang pang-iinsulto ang matanggap niya sa lalaki.Wala siyang ideya sa pang-aakit sa lalaki dahil ni minsan hindi naman niya iyon ginawa sa kahit sinong tao. Hindi nga niya alam kung anong pumasok sa isip niya para gawin niya iyon. Basta ang alam niya hindi siya puwedeng matalo kay Zachary.Huminga siya nang malalim para punuin ng hangin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay pangangapusan siya ng hininga dahil sa nag-uunahan na emosyon na
Natulala na lang si Zachary sa kaniyang kinauupuan sa kawalan ng maisasagot kay Samarra. Maang lang siya na nakatingin dito lalo na ng tumayo ito sa harapan niya. Wala na siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil buong sistema ata niya nawala bigla ng sinadya ni Samarra na idikit ang labi sa tainga niya. Tila bang nalunon na niya ang sariling dila at hindi man lang niya nagawang makapagsalita. Hanggang sa makaalis ito sa kaniyang harapan. Gusto man niya na habulin ito ng tingin ay hindi niya magawa. Para bang pati ata leeg niya nanigas sa hindi niya malaman na dahilan.Kung dahil ba sa ginawa ni Samarra sa kaniya o dahil hanggang ngayon ay ninanamnam pa rin niya ang amoy na naiwan nito na tila nakapagkit na sa katinuan niya?Hindi niya sukat akalain na bukod sa ama niyang si Calvin Buenavista ay may isa pang tao na kayang panginigin ang tuhod niya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi niya napaghandaan si Samarra. Hindi niya alam na may itinatago itong katarayan na para bang kayan
Ilang beses pa naipilig ni Zachary ang kaniyang ulo habang hinihimas ang panga kung saan ipinadapo ni Samarra ang palad nito. Pakiramdam niya nangangapal ang mukha niya at namamahid sa lakas niyon. Hindi niya aakalain na sa liit at sa pangangatawan ni Samarra ay may kakaibang lakas ito. Wala ni sino man ang nangahas na nakasampal sa kaniyang mukha, noon. Kahit ang Mommy Lorraine niya ay never na pinagbuhatan siya ng kamay. Kahit ang Daddy Calvin niya never din siyang sinaktan kahit inis na inis na ito sa pagiging pasaway niya. Namumukod tanging si Samarra lang ang nakagawa ng ganoon sa kaniya. At parang hindi matatanggap ng ego niya ang ginawa nito.D*mn! Mahinang pagmumura niya ng tumayo siya nang tuwid. Ramdam pa rin niya ang sakit sa tiyan kung saan siya tinuhod nang malakas ni Samarra. Hindi niya pinaghandaan ang nangyari kaya ininda niya talaga ang sakit.Naipikit niya ang mga mata dahil sa iritasyon na nararamdaman niya. Taas-baba ang dibdib niya at habol ang paghinga para pakal
"Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na
Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
“Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar
BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba
Madilim ang paligid pagpasok pa lang ni Zachary sa kuwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kwarto sa hindi niya malaman na dahilan. Nauna kasi siyang naligo kay Samarra at lumabas ng kuwarto pagkatapos niyang makapagbihis ng damit. Kaagad niyang hinayon ang parteng sala ng treehouse kung saan nila inilapag sa lamesita ang tira nilang pagkain kanina sa tabing-dagat. Iniligpit niya muna ang mga kalat bago siya naghanda ng snack nila ni Samarra.Hawak niya sa isang kamay ang isang tray na may laman ng charcuterie board at wine para sa snack nila habang nanonood ng movie at ang isang kamay naman ay umabot sa switch ng ilaw sa gilid.Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang siyang paglaki ng mata niya. Kung siya ay nagulat sa nakikita. Mas mukhang nagulat ata si Samarra ng biglang lumiwanag ang silid at nakita siya sa tabi ng pinto nakatayo. Ilang segundo pa sila nagkatitigan bago ito napatili nang malakas at napatakip ng mukha.Damn! Mahinang pagmumura niya.Parang kahit ata siya bi
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mga ulap ay nagsisimula ng tumakip sa haring araw. Ang mga bituin sa kalangitan nagsisimula ng sumisilip.Pasado alas singko pa lang ng hapon pero nagsisimula ng dumilim. Lumalamig na rin kaya pareho silang naupo ni Samarra. Kanina ay nagtampisaw sila sandali sa dalampasigan hanggang sa magyaya ang asawa niya na maupo sila saglit. Parehas na rin basa ang suot nilang pang-swimming pero hindi pa sila nakakalangoy dahil ayaw ni Samarra na lumayo pa sila sa tabing-dagat kahit na sinabi na niyang marunong siyang lumangoy. Inalok pa niya ang asawa na tuturuan niya ito na lumangoy pero tumanggi ito. Hindi na lang niya pinilit dahil bukas sa lalayag sila gamit ang yate."Since you want to court me, let's set some rules." Out of nowhere na basta na lang niya narinig na sinabi ni Samarra. Mahina pero puno ng determinasyon nitong sinabi sa kaniya. Hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya o talagang narinig niya iyon.Napalingon siya sa asawa na nakatan
PASADO alas tres ng hapon nang magising si Zachary. He didn’t want to wake up his wife, but he had to. Kailangan na niyang gisingin si Samarra para makapaghanda sa dadalhin nila sa treehouse na malapit sa tabing-dagat. Doon kasi niya naisipan na matulog silang dalawa ng asawa ngayong gabi. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag umaga. May mga kagamitan na roon na maaari nilang gamitin. May malaking kama roon at sariling banyo. May kuryente rin doon kaya hindi naman nakakatakot kung sakaling mag-stay sila roon ng isang gabi. Solar panel ang nagpapagana sa mga ilaw na nakapalibot sa isla. May generator din na backup. Napuntahan na niya iyon at halos bago pa ang mga kagamitan doon. Pinasadya iyon ni ‘Tay Joaquin para kung sakali na ayaw ng mga ito mag-stay sa bahay ay sa treehouse ang mga ito natutulog. Sa cottage na malapit sa tabing-dagat sila maghahapunan pagkatapos nilang maligo at manood ng sunset. Hindi iyon ang pinuntahan nila kagabi dahil malayo iyon kumpara sa cottage na pinu
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa