ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naubos ko na rin ang isang bote ng wine subalit hindi man lang ito tumalab saakin. Sinubukan kong tawagan ang aking mga kaibigan ngunit wala ni-isa sa kanila ang sumagot. Sabagay, sino pa nga ba ang gising sa mga oras na ito. Marahil ay ako na lang talaga.
Sunod kong tinawagan ay ang sekretarya kong si Beberly. Tatlong beses ko itong tinawagan bago nito nagawang sagutin 'yon."Bakit ba sir? Masyado pang maaga para pumasok." Puno ng iritasyon na sagot nito na halatang naalimpungatan lang kaya napilitan akong sagutin.
" Tsk... ang sungit mo naman sa boss mo!" kunwari ay pagrereklamo ko. "Gusto ko lang sana'ng itanong sa'yo kung nasaan na 'yong mga papeles, akala ko ba ay ihahatid mo dito sa condo ko?"
"Hay naku sir! Kung tumawag kayo para lang alamin kung umobra ba 'yong plano niyo, aba'y sana hindi
PAGDATING ko sa aking opisina ay halos mahimatay ako sa ga-bundok na tambak ng papel sa aking mesa. Kaya naman parang gusto ko na tuloy pagsisihan na pumasok pa ako ngayon.Napakamot na lang ako sa aking batok at kapagkuwa'y tinatamad akong umupo sa aking swivel chair. Inisa-isa kong tingnan ang mga papeles at halos hindi ako magkandaugaga kung alin ba ang dapat kong unahin sa mga 'yon."Hay naku! Salamat naman at sa pagkakataong ito ay legit na ang mga sinabi mo!" Bulalas ni Beberly na hindi ko man lang namalayan ang kanyang pag pasok."Tsk! Manahimik ka na lang kasi. Sige ka, baka mausog pa ang kasipagan ko ngayong araw." Pabirong sagot ko rito."Oh, ayan, kape! Para ganahan kang mag trabaho." Nakairap na saad ng sekretarya ko."Nagkape na kami nina Wesley." Pasimple ko siyang sin
TUWING umaga ay nakasanayan ko na ang dumiretso sa restaurant ni Iñigo. Ewan ko ba, pero sa araw-araw na ginagawang pag-iwas saakin ni Thana ay mas lalo lang akong ginaganahan na suyuin siya. Ilang beses ko na rin na ipinangako sa aking sarili na kailanma'y hinding hindi na ako magmamahal ulit. Subalit heto at nagpapadala na naman ako sa tukso.Kanina pa akong nakaupo sa pang dalawahang mesa na ito, ngunit walang Thana na lumalabas. Baka nainis na rin ito sa araw-araw kong pangungulit kaya't ngayon ay tinaguan niya na ako."Sir, ano pong order niyo?" Anang isang waitress na may taglay rin na kagandahan."Is it okay if si Miss Thana na lang ang mag-serve sa'kin?" Nahihiyang pakiusap ko dito."Ay, sige po sir! Sasabihan ko po siya." Nakangiting sagot nito na kaagad rin akong tinalikuran.Maya-maya lang ay si Thana nga ang bumalik. Malayo pa man ay tanaw na tanaw ko
ISANG linggo na rin buhat ng huli kaming mag-usap ni Thana. Simula kasi ng nakawan ko ito ng halik sa labi ay hindi na ako nito nagawang pansinin pa. At hindi niya na rin ako inaasikaso tuwing pupunta ako sa restaurant ni Iñigo."Hoy kuya! Ang lalim na naman ng iniisip mo!" Sita sa'kin ni Molly, isang umaga habang sabay kaming nag-aalmusal sa condo niya."Huh? Ano kasi, may naalala lang akong gawain ko sa office." Palusot ko. Napakamot pa ako sa aking ulo habang nag-iisip ng idudugtong ko."Sus! Kunwari ka pa! Naalala mo lang si Thana eh." Pang-aasar ni Molly. "Thana is so damn sexy and gorgeous 'diba kuya?" Pangungulit pa nito.Bahagya lang akong tumango, ngunit hindi pa rin ito nakuntento. Pinilit pa talaga ako nitong magbigay ng komento tungkol sa papuri niya kay Thana."Ano, pag tango lang talaga? Hindi mo man lang dudugtungan ang papuri ko?""Tsk! Anong
NASA kalagitnaan ako ng meeting, nang bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Kinansela ko ang tawag na iyon ng makita kong pangalan ni Tiffany ang nakarehistro sa screen. Subalit paulit-ulit pa rin siyang tumatawag. Kaya naman napilitan na lang akong lumabas at sagutin 'yon. "Oh!" Naiiritang panimula ko. "Are you out of your mind?" Singhal niya, dahilan upang halos mabitawan ko ang aking cellphone. "Bakit mo ba ako sinisigawan?" reklamo ko. "Eh bakit kasi pumayag kang maging model ang haliparot na waitress na 'yon?" Nanggagalaiti niyang tanong saakin na si Miss Thana ang tinutukoy. "Tsk...alam mong hindi ako ang magdedesisyon niyan. At mas lalong hindi ako ang namamahala ng clothing enterprise. Alam mo naman siguro na si Molly ang boss niyo at hindi ako di'ba?" Seryoso kong pahay
PAREHO kaming walang kibo ni Thana habang lulan sa aking sasakyan. Ilang beses ko pa siyang sinulyapan para sana makakuha ako ng buwelo na kausapin siyang muli. Subalit nanatiling nakatuon sa labas ang kanyang atensiyon kaya naman nag-aalangan tuloy akong magsalita.Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot at napansin kong tila mas lalong naging malungkot pa ang awra ng kanyang mukha. Kaya naman mas lalo lang akong nawalan ng pag-asang makausap siya ng masinsinan."Uhm, sir... dito na po ang bahay namin." Aniya na halatang bigla itong naging balisa. "Salamat na lang po sa paghatid. Babawi na lang po ako sa susunod sir." Dagdag pa niya na hindi magkandaugaga sa pagbukas ng pintuan ng aking kotse."Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko matapos niyang makababa ng sasakyan."Okay lang ako sir." Nakayuko niyang pahayag."Hindi ka okay! Kan
KINABUKASAN ay maaga akong pumunta sa restaurant ni Iñigo. Nagulat pa ako ng maabutan ko ang tatlong baliw kong kaibigan."Hey buddy!" Sabay-sabay nilang bati saakin."Can i talk to Thana?" Bulong ko kay Iñigo nang makaupo na ako sa tabi niya."Hindi 'yon papasok ngayon." Aniya na bahagya pa akong siniko.Bigla akong nanlumo. Marahil ay nagbibiro lamang pala ito kagabi na makikipag-usap sa'kin ngayon."Hoy! Ba't mukhang biyernes santo na naman 'yang mukha mo buddy?" Sita sa'kin ni Aston."Oo nga bud! May problema ka ba?" Segunda ni Wesley na kasalukuyang ka chat si Beberly. Sa kabila ng kalungkutan ko ay talagang nagawa ko pang ngumiti ng masulyapan ang kanilang conversation. Nakakainggit lang na kahit madalas silang parang aso't pusa sa personal ay nagagawa din pala nilang maging malambing sa isa't-isa tuwing sila ay magka-chat."
"CONGRATULATIONS sir!" Masiglang pagbati saakin ni Beberly na sinabayan pa ng pagpalakpak matapos mailapag sa mesa ko ang isang tasang kape."Why did you congratulate me?" Kunot noong tanong ko sa kanya.Nakapamaywang na humarap ito saakin at humagalpak muna ng tawa bago sinagot ang aking tanong."Well, the first reason is nakumpleto mo ang five days na pagpasok sa opisina. Pangalawa, lahat ng meetings mo ay nakapag-attend ka. At pangatlo, natapos mong pirmahan ang lahat ng papeles na nakatambak diyan sa mesa mo!" Mahaba niyang paliwanag, dahilan upang ako ay matawa."So, naniniwala ka na bang masipag ang boss mo?""Hindi!" Giit niya. "Inspired ka lang this week kaya ganado ka magtrabaho." Nakairap nitong sagot."Sus! How about you, inspired ka lang din ba this week kaya hindi masyadong huma
ILANG araw ng naka-confine sa hospital ang kapatid ni Thana. At habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang na lumalala ang kondisyon nito.Ilang gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil palitan kami sa pagbabantay sa kapatid niya. Kaya naman heto at para akong lasing na pasuray-suray habang naglalakad."Sir, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong saakin ni Beberly."Yeah, kulang lang siguro ako sa kape.""Sus! Baka sa tulog. Paano kasi ay para kang pusang naglalampong sa gabi." Natatawa niyang sambit."Tsk! Ang dami mong alam. Ipagtimpla mo na nga lang ako ng kape.""Okay." Kaagad itong tumalima ngunit nanatili pa rin'g nakangisi.Habang hinihintay ko si Beberly ay naisipan kong kumustahin si Thana, kaya't nagmamadaling kinuha ko ang aking cellphone.Tatlong beses na itong nag-ring subalit wala pa rin'g T
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa