ILANG araw ng naka-confine sa hospital ang kapatid ni Thana. At habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang na lumalala ang kondisyon nito.
Ilang gabi na rin akong walang maayos na tulog dahil palitan kami sa pagbabantay sa kapatid niya. Kaya naman heto at para akong lasing na pasuray-suray habang naglalakad.
"Sir, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong saakin ni Beberly.
"Yeah, kulang lang siguro ako sa kape."
"Sus! Baka sa tulog. Paano kasi ay para kang pusang naglalampong sa gabi." Natatawa niyang sambit.
"Tsk! Ang dami mong alam. Ipagtimpla mo na nga lang ako ng kape."
"Okay." Kaagad itong tumalima ngunit nanatili pa rin'g nakangisi.
Habang hinihintay ko si Beberly ay naisipan kong kumustahin si Thana, kaya't nagmamadaling kinuha ko ang aking cellphone.
Tatlong beses na itong nag-ring subalit wala pa rin'g T
NANG makabalik ako sa opisina ay itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa mga papeles na naroon sa mesa. Ni-hindi ko man lang nga nagawang hawakan pa ang aking cellphone hanggang sa sumapit ang alas singko.Balak ko sanang mag-over time subalit naisipan kong umuwi na lang sa aking condo upang makapagpahinga at makatulog rin ako ng maayos.Dali-dali akong nagligpit ng aking mga gamit ngunit bago pa man ako matapos ay dumating naman si Molly."Ano na naman?" May bahid ng iritasyon na tanong ko sa aking kapatid."Naku! May regla ka pa rin? Kaninang umaga pa 'yan ah!" Pang-aasar niya saakin."Molly, kung mang-aasar ka lang ngayon, puwede bang bukas na lang? Marami akong iniisip ngayon kaya huwag ka ng dumagdag pa.""Tsk! Wala akong balak mang-asar. Actually, balak kong sumabay sa'yo pauwi. At do'n muna ako magpa
NANGHIHINA na napaupo si Thana matapos kausapin ang doctor ng kanyang kapatid. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Simoune."Mangiyak-ngiyak na wika niya habang nakapangalumbaba at nakatingin sa kawalan. "Anong sabi ng doctor?" "Kailangan na daw ni Justin ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon, dahil patuloy ng lumalala ang kanyang kondisyon." Walang buhay niyang saad. "Di'ba't sinabi ko naman sa'yo na tutulungan kitang makahanap ng donor?" "Pero hindi naman puwede na i-asa ko na lang sa'yo ang lahat. You have your own life na kailangan-" Hindi ko na siya pinatapos sa iba pa niyang sasabihin. I really hate dramas kaya hangga't maaari ay ayokong makarinig ng ganitong klaseng kadramahan. "Enough! Kakausapin ko ang doctor at aayusin ko na ang lahat, including the b
NAPABALIKWAS ako dahil sa sunod-sunod na pag tunog ng aking cellphone. Kaya naman pupungas-pungas na dinampot at sinagot ko iyon."Buddy! Malakas na sigaw ni Aston sa kabilang linya."Ba't ba ang aga mong mang buwisit?"Paangil na singhal ko sa kanya."Tsk... bud, masyado pang maaga para uminit kaagad 'yang ulo mo. Ni-hindi pa nga nalabas si haring araw oh." Pang-aasar niya."Bakit ka ba kasi tumawag?" Puno ng iritasyon na tanong ko sa kanya."Hurry up honey! Let's take a shower na!"Sabad ng maarteng tinig ng isang babae sa kabilang linya."Fuck you Borromeo! May babae ka na naman!""Yeah, susunod na lang ako honey." Dinig kong malambing na sagot ni Aston sa babae."Hoy! Ano na?" Untag ko ng tanging paghalinghing na lang ng babae ang naririnig ko. Marahil ay hinahalikan ito ni Aston. "Kung wala kang importanteng sasabihin ay papatayin ko na ito!"
NAGDALAWANG isip pa si Thana kung tutuloy ba siya o hindi sa condo ko. Hinakot ko na kasi rito ang lahat ng gamit nilang magkapatid."Hey! Tatayo ka na lang ba diyan sa labas?" Sita ko sa kanya matapos kong maipasok ang kanilang mga gamit."Eh kasi...baka...-" Halos kaladkarin ko pa ito papasok sa loob. Dahil mababakas na naman sa mukha nito ang takot at pag-aalala."Tsk! Kalma lang okay? Wala akong gagawin'g masama sa'yo. Nasa guest room ang lahat ng gamit niyo. Wala akong ginalaw do'n at never ko man lang na sinilip ang laman ng mga maleta mo.'' Seryosong sambit ko, dahilan upang makita kong pasimple siyang ngumiti."Ano bang nangyayari sa'yo?Wala naman akong sinasabi ah." Kunwari ay kalmado niyang sambit."Wala ka ngang sinasabi pero halata naman sa kilos mong natatakot kang tumuloy sa bahay ko." Halos pabulong ko lang 'yon na sinabi ngunit hind
DUMIRETSO ako sa opisina ni Molly matapos kong ihatid si Thana sa hospital. Naabutan kong nakasimangot ito habang tangan ang isang kopita na puno ng alak."Hey li'l sis! What happen to you?" Gulat na tanong ko sa kanya."Oh, hi kuya! Uhm...wala! Am just relaxing. Medyo napuyat kasi ako kagabi sa pag-iisip ng bagong designs para sa mga gown. At saka, stressed na din ako sa-""Sa relasyon niyo ni Iñigo. Tama ba?" Dugtong ko sa iba pa niyang sasabihin."Kuya, you're so annoying huh!" Aniya na inisang lagok lang ang laman ng kopita. Akmang magsasalin pa ito ng bigla kong agawin ang bote."Kuya, ano bang ginagawa mo?" Naiiritang sita niya saakin."Tapatin mo nga ako Molly, ano ba talagang problema niyo ni Iñigo?""Kuya, it's none of your business, okay? Hayaan mong kami ang mag-ayos nito.""Well, am just asking you Molly. Ayoko lang naman na n
KINABUKASAN ay maaga kong ihinatid si Thana sa office ni Molly."Good morning Miss Molly!" Pambungad na pagbati ni Thana sa aking kapatid."Good morning din Miss Thana." Anang kapatid ko na kaagad pa kaming nilapitan at masayang nakipagbeso."Salamat naman kuya at naisipan mong ihatid si Miss Thana." Maarteng wika ni Molly."Yeah. I have to go na, may meeting pa kasi ako with Mr. Chua.""Salamat Simoune. Mag-iingat ka." Nakangiting sambit ni Thana.Bahagya naman'g kinilig ang puso ko matapos niyang sabihin 'yon. Maging si Molly ay napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha at lihim pa itong napangiti.Nginitian ko lang si Thana at akmang aalis na ako ng muli pang magsalita si Molly."Sure na ba kuya, ayaw mo talagang maging escort ni Miss Thana?""No. I-I mean, yes! Gustuhin ko man kasi pero hindi talaga puwede eh. Look, a
PAGKATAPOS namin kumain ay napagpasyahan kong ipasyal muna si Thana upang kahit papa'no ay ma-relax siya at pansamantala niyang makalimutan ang pangit na nangyari kanina. Gabi na ng maisipan kong ihatid siya pauwi at pareho kaming walang imik sa loob ng sasakyan. Eksaktong pagbaba ko ng kotse ay siya naman'g pag lakas loob niyang kausapin ako. "Uhm...Simoune!" aniya at kaagad ko naman itong nilingon. ''What is it?" "Ba-baka lang kasi may ibang trabaho ka pa na puwedeng i-offer sa'kin bukod sa modeling." "Ibig mo bang sabihin ay hindi mo na ipagpapatuloy ang pagiging modelo?" Gulat kong tanong sa kanya. "Parang ayoko na. Iba na lang siguro." Dagdag pa niya habang mariing nakayuko. "Sumusuko ka na agad Thana? Akala ko ba para ito sa kapatid mo?" Nilapitan ko ito at dahan-dahan kong iniangat ang kanyang mukha upang malaman ko kung seryoso nga
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng aking silid. Kunot-noong nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Thana ngunit hindi ko man lang ito nahagilap. Marahil ay maaga itong nagising. Baka sinadya niyang hindi magpaalam nang sa gayo'n ay hindi na maistorbo pa ang pag tulog ko.Dali-dali akong bumangon at bahagya akong natawa sa aking sarili matapos kong mapagtanto na tanging kumot lang pala ang bumabalot sa aking buong katawan. Kaya naman nagmamadaling tinungo ko ang banyo.,Nagbabad ako sa bath tub na naroon at muli kong sinariwa ang mga nangyari kagabi. Kapagkuwa'y inisip ko rin kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Thana kapag nagkita kami mamaya.Paano kong nadala lang pala siya sa bugso ng kanyang damdamin? Paano kung hindi niya ako magustuhan kapag muli akong nagtapat ng nararamdaman ko sa kanya?
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa