Two months ago...
EXCITED na akong makita si Thana. Ngayon kasi namin idaraos ang kanyang ika-dalawampu't apat na kaarawan at ngayon ko rin balak na mag-propose sa kanya."Molly, ba't ang tagal niyo naman'g lumabas?"hindi na ako nakatiis pa at tinawagan ko talaga si Molly na siyang nag-make-up sa kanya.
"Kalma lang kuya, maya-maya lang ay lalabas na rin kami. Siguro kailangan mo ng kausapin ang host for tonight para simulan niya ng ipakilala ang celebrant.
"Fine."Maikling tugon ko at pagkatapos ay nagmamadaling pumunta ako sa back stage upang kausapin ang host.
Binalikan ko sina Molly sa dressing room, at gayo'n na lamang ang labis kong paghanga nang makita ko si Thana. Hindi ko maiwasang mapanganga habang pinagmamasdan siyang naglalakad, suot ang isang Pink-A-Line-V neck Floral Beaded Side Slit Slip
INABOT na ako ng umaga sa paghahanap kay Thana, subalit hindi ko man lang ito natagpuan. Ang daming what if's na pumapasok sa utak ko, lalo pa't sa panahon ngayon ay napakadelikado na ng sitwasyon. Hanggang sa sumagi sa isip kong baka nasa puntod siya ni Justin.Balak ko sanang magmaneho pang muli papunta sa pinaglibingan ng kapatid niya ngunit hindi ko na yata kaya pang labanan ang aking antok. Dumiretso muna ako sa aking condo upang kahit pa'no ay makaidlip man lang bago ako muling magmaneho.Naabutan ko si Molly na prenteng nakaupo sa couch habang nanonood ng tv. At nang mapansin nito ang aking presensiya ay kaagad naman akong sinalubong at nag-usisa ng patungkol kay Thana."Oh, nakita mo na ba si Miss Thana?" aniya."Hindi."Tipid kong tugon."Kuya, paano kung totoo nga ang mga sinabi ni Tiffany?" dagdag pa niya."Imposible 'yon Molly! Kilala mo si Thana di'ba? W
ILANG beses na akong nagpabalik-balik sa bahay ni Aston para sana sunduin at suyuin si Thana. Subalit palagi na lang akong bigo. Ni-minsan ay hindi man lang ako nito nagawang kausapin."Kumusta kuya?" Ani Molly ng minsan'g dalawin ako sa condo."Heto, wala pa rin'g pagbabago. Bigo pa rin ako!" puno ng hinanakit na sagot ko sa kanya."Haist, ano'ng wala! Eh, tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin, ang dami ng nagbago sa'yo kuya, hindi mo ba napapansin?"giit ni Molly."Molly naman! Nang-aasar ka pa eh!" reklamo ko."Look at yourself, mukha ka ng ermitanyo. Nakakahiya na rin ang kapayatan mo kuya. At saka, hoy, mag-isip ka nga! 'Yong kompanya ay pinapabayaan mo na rin. Paano ka nga ba'ng babalikan ni Thana kung ganyan'g daig mo pa ang napariwara na." Patuloy na sermon ni Molly. Hindi pa ito nakuntento sa pagsesermon. Hinalughog pa nito ang buong kabahayan na animo'y pulis na naghahanap n
NANG sumunod na mga araw ay mas lalo kong pinag-igihan ang pag-aasikaso sa kompanya. Pansamantala ko muna'ng isinantabi ang problema ko kay Thana kaya't kahit pa'no ay nakakapag-isip ako ng tama."Sorry sir, I'm late!" Ani Beberly na kakarating pa lamang."Oh, ba't ang dami mo'ng dalang pagkain?" hindi ko maiwasan'g magtanong dahil talaga'ng nagulat ako sa dami ng bitbit niya."Actually, si Miss Molly ang nag- order ng lahat ng mga 'to. Celebration daw para sa pagiging hardworking businessman mo these past few days." Nakangising pahayag nito."Hay naku! Magsisimula na naman kayo sa mga kalokohan niyo."Natawa na lang din ako."Ano ka ba! Hayaan mo na! Gusto ka lang namin na makitang nakangiti eh.""Tsk... ano pa-" hindi na natuloy pa ang iba kong sasabihin dahil bigla na lang tumawag ang aking private investigator.Dali-dali akong lumabas ng aking opisina
HALOS paliparin ko na ang aking kotse para lang makarating agad ako sa airport. Subalit hindi ko rin lang naman naabutan si Thana. Nakaalis na pala ang eroplanong sinakyan nito papuntang Ontario, Canada.According to Aston, nagbakasyon daw ang kanyang ina. Kaya nang malaman nitong buntis si Thana at sinabi ng OB-GYNE na maselan ang pagbubuntis nito, nagpresenta ang kanyang ina na isama na lang ito para malibang daw at maiwasan ang stress."Nakaalis na siya buddy." Malungkot kong naisatinig nang balikan ko sa sasakyan si Aston."Tsk... ang tigas kasi ng ulo mo! I told you naman na babalik din 'yon ng Pilipinas. Hayaan mo na lang muna kasi siyang makapag-relax. Tutal si mommy naman ang kasama niya. 'Yon nga lang hindi ko alam kung kailan sila babalik." Ani Aston. Naihilamos ko na lang ang dalawa kong palad dala ng pagkabigo."Miss na miss ko na siya eh!" reklamo ko pa, ngunit
KINABUKASAN ay napabalikwas ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Kaya't pupungas-pungas na bumaba ako ng hagdan at nakasimangot na binuksan ko ang pinto."Hey kuya! puwedeng magpa-ampon muna sa'yo?" Ani Molly na siya pa'lang kumakatok." Bakit? Magkaaway na naman ba kayo ni Iñigo?""Hindi." Tipid niyang sagot. Kahit naman magsinungaling siya sa'kin ay kabisado ko na ang mga kilos niya. Alam ko kapag may problema siya. At alam ko rin kapag magkaaway sila ni Iñigo dahil agad siyang nagsusumiksik dito sa condo ko."Okay." Tanging nasabi ko."May dala akong almusal kuya, sabay na lang tayong kumain huh!" Aniya habang inilalapag sa couch ang kanyang mga gamit."Ba't ang dami mong bitbit na gamit?""Wala, naisip ko lang na pansamantala muna'ng tumira dito sa condo mo. Wala naman si Miss Thana eh.""Ibenta mo na lang kaya 'yong condo
KINABUKASAN ay napabalikwas ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Kaya't pupungas-pungas na bumaba ako ng hagdan at nakasimangot na binuksan ko ang pinto."Hey kuya! puwedeng magpa-ampon muna sa'yo?" Ani Molly na siya pa'lang kumakatok." Bakit? Magkaaway na naman ba kayo ni Iñigo?""Hindi." Tipid niyang sagot. Kahit naman magsinungaling siya sa'kin ay kabisado ko na ang mga kilos niya. Alam ko kapag may problema siya. At alam ko rin kapag magkaaway sila ni Iñigo dahil agad siyang nagsusumiksik dito sa condo ko."Okay." Tanging nasabi ko."May dala akong almusal kuya, sabay na lang tayong kumain huh!" Aniya habang inilalapag sa couch ang kanyang mga gamit."Ba't ang dami mong bitbit na gamit?""Wala, naisip ko lang na pansamantala muna'ng tumira dito sa condo mo. Wala naman si Miss Thana eh.""Ibenta mo na lang kaya 'yong condo
DALAWANG linggo na rin ang lumipas buhat ng pumunta si Thana sa Canada. Sa totoo lang ay labis na ang aking pangungulila sa kanya. Subalit wala naman akong ibang magawa kundi ang maghintay na lamang sa kanyang pagbabalik. Kaya heto, nililibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho.Alas sais pa 'lang ay naluto ko na ang almusal namin ni Molly kaya't agad rin akong kumain para makapasok ako ng maaga sa opisina."Bud! Baka naman puwedeng makiligo ako oh!" Nailuwa ko pa ang pagkain sa aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat ko matapos kong marinig ang humihiyaw na boses ni Aston."What the hell is wrong with you?" singhal ko sa kanya nang tuluyan na akong makalabas ng pinto."Sorry bud, pero gusto ko lang sana'ng mag-almusal at makiligo dito eh." Napakamot pa ito sa kanyang batok matapos magsalita."
SIMULA pa kanina ay hinihintay ko ng lumabas ang doctor na nag-asikaso kay Thana, at halos isang oras na rin kasi akong naghihintay dito ngunit wala pa rin'g resulta sa kalagayan niya.Naisipan kong tawagan si Aston upang ipaalam sa kanya ang nangyari. Kaagad naman itong sumagot at ilang minuto lang ang lumipas ay bigla na itong dumating."Wow huh! Para kang si The Flash!" sita ko kay Aston matapos nitong umupo sa tabi ko."Nandiyan lang din kasi ako sa malapit kaya mabilis akong nakarating. Actually, magkasama kami ni Zilla." Pag-amin niya."Gano'n ba? Pasensiya na at naabala ko pa ang date niyo. Sa totoo lang ay natakot kasi ako ng biglang mabuwal si Thana at mawalan ng malay. Naisip ko kaagad ang kalagayan niya kaya't nag-panic ako kanina." Paliwanag ko sa kanya."Wala 'yon bud. By the way, epekto lang 'yon ng pagbubuntis ni Thana kaya wala kang dapat na ipag-alala.
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa