KINABUKASAN ay napabalikwas ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Kaya't pupungas-pungas na bumaba ako ng hagdan at nakasimangot na binuksan ko ang pinto.
"Hey kuya! puwedeng magpa-ampon muna sa'yo?" Ani Molly na siya pa'lang kumakatok.
" Bakit? Magkaaway na naman ba kayo ni Iñigo?"
"Hindi." Tipid niyang sagot. Kahit naman magsinungaling siya sa'kin ay kabisado ko na ang mga kilos niya. Alam ko kapag may problema siya. At alam ko rin kapag magkaaway sila ni Iñigo dahil agad siyang nagsusumiksik dito sa condo ko.
"Okay." Tanging nasabi ko.
"May dala akong almusal kuya, sabay na lang tayong kumain huh!" Aniya habang inilalapag sa couch ang kanyang mga gamit.
"Ba't ang dami mong bitbit na gamit?"
"Wala, naisip ko lang na pansamantala muna'ng tumira dito sa condo mo. Wala naman si Miss Thana eh."
"Ibenta mo na lang kaya 'yong condo
DALAWANG linggo na rin ang lumipas buhat ng pumunta si Thana sa Canada. Sa totoo lang ay labis na ang aking pangungulila sa kanya. Subalit wala naman akong ibang magawa kundi ang maghintay na lamang sa kanyang pagbabalik. Kaya heto, nililibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho.Alas sais pa 'lang ay naluto ko na ang almusal namin ni Molly kaya't agad rin akong kumain para makapasok ako ng maaga sa opisina."Bud! Baka naman puwedeng makiligo ako oh!" Nailuwa ko pa ang pagkain sa aking bibig dahil sa sobrang pagkagulat ko matapos kong marinig ang humihiyaw na boses ni Aston."What the hell is wrong with you?" singhal ko sa kanya nang tuluyan na akong makalabas ng pinto."Sorry bud, pero gusto ko lang sana'ng mag-almusal at makiligo dito eh." Napakamot pa ito sa kanyang batok matapos magsalita."
SIMULA pa kanina ay hinihintay ko ng lumabas ang doctor na nag-asikaso kay Thana, at halos isang oras na rin kasi akong naghihintay dito ngunit wala pa rin'g resulta sa kalagayan niya.Naisipan kong tawagan si Aston upang ipaalam sa kanya ang nangyari. Kaagad naman itong sumagot at ilang minuto lang ang lumipas ay bigla na itong dumating."Wow huh! Para kang si The Flash!" sita ko kay Aston matapos nitong umupo sa tabi ko."Nandiyan lang din kasi ako sa malapit kaya mabilis akong nakarating. Actually, magkasama kami ni Zilla." Pag-amin niya."Gano'n ba? Pasensiya na at naabala ko pa ang date niyo. Sa totoo lang ay natakot kasi ako ng biglang mabuwal si Thana at mawalan ng malay. Naisip ko kaagad ang kalagayan niya kaya't nag-panic ako kanina." Paliwanag ko sa kanya."Wala 'yon bud. By the way, epekto lang 'yon ng pagbubuntis ni Thana kaya wala kang dapat na ipag-alala.
Kapwa kami walang imik ni Thana habang lulan sa aking kotse. Sa wakas ay napapayag ko rin ito na sumama sa'kin. Thanks to Aston dahil napaniwala niya agad ito.Balak ko sana'ng kausapin siyang muli subalit, nang balingan ko ito ay nakapikit na ang kanyang mga mata. Marahil ay sinadya niya 'yon para hindi kami mag-usap.Napailing na lang ako at kapagkuwa'y itinuon ko na ang aking pansin sa pagmamaneho.Maya-maya lang ay narating na namin ang aking condo kaya't napipilita'ng ginising ko si Thana. Ngunit totoo na yata'ng nakatulog siya. Ilang beses ko na siyang tinawag subalit hindi pa rin ito dumidilat. Kaya naman dahan-dahan ko na lang itong binuhat.Eksaktong pagdating ko sa may pinto ay siya naman'g pagbukas ni Molly, kaya't hindi na ako nahirapan pa'ng hanapin ang aking susi."Oh my God! Bumalik na pala si Miss Thana." Ani Molly na biglang napaatras at bahagya pa'ng
"WALA ka ba'ng balak na pumasok ngayon kuya?" Ani Molly, matapos namin'g kumain."Wala." Walang ganang sagot ko."Gano'n ba. Sige, ikaw na muna ang bahala rito kuya. Nag-text na kasi ang assistant ko at nando'n daw si Mr. Ricaforte baka may importanteng sasabihin sa'kin. ""Okay." Muli kong tugon."Bye Miss Thana!" Aniya na hinalikan pa ito sa pisngi bago tuluyang umalis."Mag-iingat ka Molly." Pahabol na sigaw niya kay Molly at kaagad naman itong kumaway sa kanya.Nang kami na lang ang naiwan ay kaagad ng tumayo si Thana at nagligpit ng aming pinagkainan."Ako na lang ang gagawa niyan." Pagpresinta ko."Kaya ko na 'to." Ani Thana na patuloy pa rin sa ginagawa."Ako na nga! Bumalik ka na lang sa kuwarto para makapagpahinga ka." Utos ko sa kanya, subalit hindi pa rin ito sumunod."Simoune, buntis lang ako, pero hindi ako baldad
KINABUKASAN ay hindi ako magkandaugaga sa pag-asikaso ng mga pagkain at inumin na dadalhin namin ni Thana. Maging ang picnic mat at tablecloth and napkins ay isinilid ko na rin sa basket. Balak ko kasi siyang yayain na mag-picnic para naman kahit pa'no ay pareho kaming makapag-relax at makalanghap ng sariwang hangin sa parke."Wow! Ang dami naman niyan kuya! Saan ang lakad niyo?" Gilalas ni Molly. Hindi ko rin namalayan na nakalapit na pala ito sa'kin.''Oh, ikaw pala 'yan Molly. Uhm,-""Magpi-picnic kayo?" Dugtong niya sa iba ko pa'ng sasabihin."Yeah.""Okay na ba ulit kayo ni Miss Thana?" patuloy niyang usisa."Sus, ako pa ba! Syempre okay na okay na ulit kami!" puno ng pagmamalaking sagot ko sa kanya."Tsk... yabang!" nakairap na sagot nito. "Hmm... baka naman puwedeng maki-join ang beauty ko sainyo? Kahit photographer niyo na lang oh!
"SIMOUNE, ibaba mo nga ako!" Ani Thana, isang umaga'ng binuhat ko siya patungo sa hapag kainan."Ano ka ba? Ayokong mapagod ka Mrs. Buenaflor." Nakangising sambit ko."Tumigil ka nga! Hindi pa tayo kasal. Nakakahiya sa makakarinig sa'tin baka isipin na feelingera ako." Nakangusong wika niya matapos ko siyang paupuin ."Tsk! Pagkatapos mong manganak, magpapakasal nanan kaagad tayo kaya't magiging Mrs. Buenaflor ka na rin." Giit ko pa."Bahala ka nga! Kumain na lang kaya tayo, baka nagugutom ka lang kaya't kung anu-ano ang mga sinasabi mo." Suhestiyon niya na."Honey, ayaw mo bang ikasal sa'kin?""Baliw ka ba? Sa tingin mo kaya, tatanggapin ko ang singsing na ito kung hindi lang din ako papayag na makasal sa'yo?" aniya na halatang naiirita na."Sorry na! Excited lang kasi akong tawagin ka'ng Mrs. Buenaflor." Seryosong pag hingi ko sa kanya ng paumanhin."Kumain
NAABUTAN kong nanonood ng tv si Thana habang prente itong nakaupo sa couch na naroon sa sala."Hon!" tawag ko sa kanya bago ko ito dinampian ng halik sa pisngi. Subalit para itong walang nakita't narinig. Ni-hindi man lang ako nito pinansin. Dahil mas itinuon niya lang ang buo niyang atensiyon sa kanyang pinapanood.Umupo ako sa tabi niya, ngunit kaagad rin siyang umurong palayo para lang hindi magkadikit ang aming balat."Hey, what's wrong?" Sita ko kay Thana na hindi pa rin ako pinapansin. Sa halip na sumagot ay inirapan lang ako nito."Honey, may nagawa ba akong mali?" masuyong tanong kong muli sa kanya."Wala!" pabalang na sagot niya sa'kin."Hmm, nagpapalambing lang pala ang honey ko eh. What if sa kuwarto na lang tayo mag-usap?" Dagdag ko pa. Subalit tila wala pa rin siyang pakialam.Sinubukan ko siyang lambingin at halikan'g muli, baka sakaling sa gano'ng paraan ay
PANGALAWANG araw ng hindi nagpapakita sa'kin si Beberly. Tinanong ko rin si Wesley subalit wala raw siyang ideya kung nasaan ito. Dahil mag-iisang linggo na rin silang may tampuhan at nang dalawin niya raw ito sa condo ay tanging si Manang Arlyn lang daw ang kanyang naabutan.Sinubukan kong tawagan ang kanyang ina ngunit, katulad ni Wesley ay wala rin itong alam. Gusto kong maniwala sa kanya subalit imposible naman yata na hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Gayo'ng wala akong nababakas na pag-aalala mula sa kanya.Nahinto lamang ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumawag si Thana. "Hon! Nasa office ka ba?" Aniya."Yeah. Why?""Uhm... gano'n ba. Sige. Kay Molly na lang siguro ako magpapasama." Bigla ay naging malungkot ang tinig nito."Bakit? Saan ang punta mo honey?" Naguguluha'ng tanong ko sa kanya."So, kinalimutan mo pala na check up ko ngayon." Bahagya pan
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa