PANGALAWANG araw ng hindi nagpapakita sa'kin si Beberly. Tinanong ko rin si Wesley subalit wala raw siyang ideya kung nasaan ito. Dahil mag-iisang linggo na rin silang may tampuhan at nang dalawin niya raw ito sa condo ay tanging si Manang Arlyn lang daw ang kanyang naabutan.
Sinubukan kong tawagan ang kanyang ina ngunit, katulad ni Wesley ay wala rin itong alam. Gusto kong maniwala sa kanya subalit imposible naman yata na hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Gayo'ng wala akong nababakas na pag-aalala mula sa kanya.
Nahinto lamang ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumawag si Thana. "Hon! Nasa office ka ba?" Aniya.
"Yeah. Why?"
"Uhm... gano'n ba. Sige. Kay Molly na lang siguro ako magpapasama." Bigla ay naging malungkot ang tinig nito.
"Bakit? Saan ang punta mo honey?" Naguguluha'ng tanong ko sa kanya.
"So, kinalimutan mo pala na check up ko ngayon." Bahagya pan
"HAY NAKU, nakasimangot ka na naman Beberly! Alam mo ba'ng malas sa negosyo ang ganyan'g klase ng awra mo?" sarkastikong saad ko, dahilan upang mapilitan itong mag-angat ng tingin."Eh, kasi naman sir, pakiramdam ko nadagdagan na naman ang kasalanan ko kay Wesley." Nakangusong wika niya."Huh? Bakit naman?""Paano kasi, katulad ni Miss Thana ay nakita rin pala ni Wesley 'yong pagyakap mo sa'kin. Hindi nga lang siya nagpakita sa'tin kasi mas pinili niyang umalis na lang." Parang bata itong nagsusumbong saakin habang patuloy na nakasimangot."Ano ba 'yan? Pakiramdam ko tuloy ang guwapo ko na!""Tsk... huwag ka nga'ng feelingero diyan sir! Mas lalo lang nasisira ang araw ko eh." Reklamo nito."Haist... ano na ba'ng nangyayari sa mga mahal natin? Ba't nagkagano'n na sila?" wala sa sariling naibulalas ko."Hindi ko rin alam sir eh! Sa totoo la
UMAGA na ng magising ako. Namilog pa ang mga mata ko nang mahagip ng tingin ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng kuwarto.Alas siyete na pala ng umaga kaya't tinatamad na bumangon ako at kapagkuwa'y naupo ako sa gilid ng kama. Naihilamos ko na lang din ang dalawa kong palad matapos kong maalala ang birthday party ni Tita Beatrice na kagabi pa ginanap.Binalingan ko si Thana na ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Muling sumagi sa isip ko ang nangyari sa kanya kagabi, kaya't mataman ko siyang pinagmasdan.Wala naman akong nakikitang kakaiba kay Thana. Kung sakali naman na totoong nahimatay nga siya, eh bakit gano'n? Bakit, mukhang payapa naman ang kanyang pag tulog?Sunod-sunod na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko dinampot ang tuwalya at kapagkuwa'y dumiretso na ako sa banyo upang maligo.Halos kalahating oras din akong nag-stay sa banyo at paglaba
BAGO ako pumunta sa kompanya ay napagdesisyunan kong sadyain na lang sa bahay nila si Tita Beatrice. Kailangan ay personal akong humingi ng paumanhin sa kanya nang sa gayo'n ay hindi sumama ang loob niya sa'kin.Eksaktong pagbaba ko ng kotse ay siya naman'g paglabas ni Tita. Ito na rin ang unang bumati sa'kin kaya't kahit pa'no ay nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan sa aking dibdib."Hello, my handsome inaanak!" Maarteng bati nito sa'kin."Hi, tita!" Nakipagbeso pa ako rito at kapagkuwa'y niyaya niya akong pumasok sa loob.Naabutan ko pa si Beberly na nakaupo sa silya habang nakapangalumbaba at nakatuon ang buong atensiyon sa tasa ng kape na naroon sa kanyang harapan.Kaagad ko itong nilapitan at mariin kong ibinagsak ang aking kamay sa mesa para lang magising ang kanyang diwa.Napatakip pa ito sa kanyang bibig habang gulat na gulat akong tinitingnan.
ALAS nuwebe na ng makauwi ako sa aking condo. Sinadya ko rin na gano'ng oras ako umuwi upang hindi na kami mag-usap ni Thana.Tinatamad na pumanhik ako sa itaas at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto upang hindi ako makalikha ng ingay.Buong akala ko ay natutulog na si Thana. Subalit gayo'n na lamang ang panlulumo ko ng maabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama habang binubuklat ang isang magazine."Oh, mabuti naman at nandiyan ka na Simoune. Makakatulog na rin ako ng mahimbing." Walang buhay na sambit nito at kaagad ng itinabi ang hawak niya.May kaunting kirot na sumikdo sa aking dibdib matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko akalaing nagtiyaga siyang hintayin akong makauwi, pagkatapos ay hindi ko man lang siya nagawang pansinin.Subalit sa halip na magpadala sa emosyon ko ay mas pinili ko na lang ang manahimik. Dumiretso na ako sa aking closet upang magpalit
NAKAHINGA ako ng maluwang matapos makatulog ni Thana. Kahit nangangalay na ang aking bisig dahil ginawa niya itong unan, hindi ko pa rin maiwasan ang mapangiti lalo pa't nagkaaayos na ulit kami.Mas pinili ko na lang ang manatili sa kanyang tabi kaysa bumalik pa sa opisina. Gusto kong pagdilat ng kanyang mga mata ay mukha ko kaagad ang una niyang mabungaran, nang sa gayo'n ay makabawi na ako ng tuluyan sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya.Dahan-dahan kong inalis ang aking braso upang matawagan ko si Beberly. Dapat kong ipaalam dito na hindi na 'ko babalik sa office kaya't kailangan kong ipakansela ang ibang appointment ko sa mga investor."Oh, ano, babalik ka pa ba?" Pambungad na tanong sa'kin ni Beberly."Tsk... kaya nga tumawag ako sa'yo eh. Dahil gusto kong ipaalam sa'yo na hindi na ako babalik diyan.""Okay. So, i-cancel ko na ang mga 'to ah." Aniya na ang tinutukoy ay ang m
GABI na ng bumalik ako sa condo. Ang inaasahan ko ay nasa kuwarto na si Thana at mahimbing ng natutulog subalit naroon pa rin pala ito sa sala at hinihintay ang pagdating ko."Hon, ba't ngayon ka lang?" Kaagad niyang tanong matapos akong gawaran ng halik sa pisngi."Uhm... napasarap kasi ang kuwentuhan namin ni Iñigo kaya hindi agad ako nakabalik." Tinulungan pa ako nitong hubarin ang aking coat."Halika na, ipaghahain na kita ng makakain mo. Pasensiya na, nauna na akong kumain, nagugutom na kasi ako eh." Todo explain ito habang sinisimulan ang paghahanda ng pagkain."Busog na ako eh. Kumain na ako sa restaurant ni Iñigo." Hinaplos haplos ko pa ang aking tiyan para lang patunayan sa kanyang busog na nga ako."Huh? Eh, pa'no 'to? Sayang naman 'yong mga niluto ko. Sana pala tinawagan mo ako para hindi na ako nag-abalang magluto." May himig ng pagtatampo sa tinig nito na halatang pin
NASA kalagitnaan ako ng meeting with my investors nang bigla na lang mag-vibrate ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinilip at ng makita ko sa screen nito ang mukha at pangalan ni Thana ay dali-dali akong nagpaalam sa kanila upang sagutin 'yon."What is it honey?" masuyong tanong ko sa kanya."Kuya, ako 'to. Si Molly!""Oh, bakit?'' puno ng pagtataka'ng tanong ko sa kanya. "Sabihin mo na kaagad Molly kung ano ang kailangan mo. May meeting ako at wala ngayon si Beberly dito kaya hindi ako magkandaugaga kung ano ang uunahin ko.""Kuya, mas kailangan ka ngayon ni Thana.""Molly, pakibilisan mo! Ang sakit na eh!" Dinig kong sigaw ng isang babae sa kabilang linya."Molly, sino 'yon?""Sumunod ka na lang kuya. Itetext kita kapag nakarating na kami ng hospital. Sige na, k
six months ago............ DAHAN-dahan kong imunulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y pinakatitigan ko ang puting kisame. Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa dingding na kulay puti rin ang kulay. Nangunot pa ang aking noo matapos kong igalaw ang aking kamay at mapagtanto kong maraming tubo ang nakakabit saakin.Iniangat ko ang kaliwa kong kamay, dahilan upang masagi ko ang babaeng nakaunan sa kanyang mga braso habang nakasubsob sa gilid ng aking kama."Who the hell are you?" bulalas ko. Kaagad naman itong naalimpungatan."OMG! Thanks God! Gising ka na kuya!" Aniya na aambahan sana ako ng yakap. Subalit mabilis ko itong napigilan."Kuya? What's wrong?" Namimilog ang mga mata'ng tanong niya saakin."Who are you? Ba-bakit tinatawag mo akong kuya?"Sa halip na sumagot ay
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa