Share

FOUR

"Hey! Saan tayo gagala?" pagbungad agad sa amin ni Nica na nasa parking area na ng school, ang bilis naman ng babaeng ito. Kanina lang ay nasa klase niya pa siya at kausap ni Hani sa cellphone para yayaing gumala.

Napailing na lang ako at ngumisi.

"Amusement park?" sambit na patanong ko sa kanilang dalawa. Nagningning naman ang kanilang  mga mata sa narinig. We love amusement parks that much dahil pangpawala kasi ito ng stress and sadness namin. At dahil stress at sad ako dahil kay Daniel, gusto kong pumunta roon.

"Libre mo ito ha. Wala na akong pera eh."

Tinignan ko naman si Nica ng masama, na ikinangisi niya lang sa akin. Tsk! Lagi na lang siyang walang pera.

"Seriously, Ate Nica? Ikaw pa ba mauubusan ng pera? Siguro…" Tinignan naman ng masama ni Nica si Hani at ginulo ang buhok nito.

“Keep quiet, princess,” sambit naman nito na ikinasimangot lang din ng isa. Ow how Hani hates calling her a princess, even though isang prinsesa naman talaga siya. Napailing na lang ako sa dalawang ito at tumingin kay Nica.

"Lagot ka talaga sa tatay mo, Dominica Falcon! Kailan mo ba ititigil iyan?" medyo napalakas ang pagsambit ko, kaya hinampas niya ako sa balikat. Ang sadista talaga ng babaeng ito.

Dominica Falcon, the Senator's rebellious daughter. Oh well, dalawa silang magkapatid, Dominic Falcon, kaibigan ko rin naman iyon pero mas close sila nina Daniel, Kuya Leyson, at Anthony. And knowing… the boys? Boys will be boys, pagtatakpan at pagtatakpan nila ang mga kabaro nila.

Balik tayo kay Dominica or Nica for short. Kaedad ko siya at graduating din ngayong taon. Kami nina Nica, Daniel at Anthony Dela Vega, anak ni Tito Art ay graduating na this school year. While si Kuya Dominic ay may degree na kaya busy na siya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo at ng school na ito. At siguro ay may plano ring sumunod sa yapak ni Ninong David sa politika… habang si Kuya Leyson, my dearest brother ay nagho-home schooling siya while managing the Guevara Estate full time, Wilford Corporation at ang Frank Group of Companies. Ako dapat ang magpapatakbo ng WILCO., Dad's company pero ayoko, kaya nga inasawa ko na kaagad si Daniel eh. Para siya maging katuwang ni Kuya Leyson sa pagpapatakbo no’n. And the FGC should be handled by Riko, our younger brother, Frederiko Leo Wilford, pero syempre si Kuya muna at Daniel for the mean time ang bahalang magpalago no’n. Sa FGC may shares of stock talaga si Daniel dahil mana iyon dapat ni Tita Diana, my mom's adopted sister. Medyo naging magulo ang nangyari sa love story ng mga magulang namin ni Daniel, but then it was all okay now… ay hindi pa pala lahat okay at maayos, lalo na sa pagitan namin ni Daniel.

Kaya pinush din na kami ang magkatuluyan ni Daniel, iyon ay dahil part na rin talaga siya ng pamilya namin. Lalo na at naging pansamantalang ama niya rin naman ang aking Papa noon. Kaya laki ng tiwala ni Papa sa kaniya na mamahalin at aalagaan niya ako ng totoo… sana nga.

Because how I see this marriage thingy? It’s not a contract of love but a contract of assurance, para sa ikakatibay at ikakabuti ng bawat kompanya, a bind made for the success of all the companies.

"Oh com'on, I just love buying guns and such. And please, hinaan niyo lang ang mga boses niyo dahil baka may makarinig. It’s a top secret you know.." parang wala lang na sambit nito. Baliw na talaga ang babaeng ito.

"Eh bakit kailangang sa black market pa? Nako, just be safe, Dominica. Alam mo namang may katungkulan ang tatay mo sa gobyerno. It’s not good you know," pangaral ko sa kaniya na ikinanguso niya lamang.

Kotse ni Dominica ang ginamit namin papuntang Enchanted Kingdom sa Laguna. Mabilis naman kaming nakarating dahil wala gaanong traffic.

At sobrang saya! Amusement Parks are my stress reliever kahit noong bata pa ako. I love the adrenaline rush that extreme rides giving me and the magic feeling when I am riding a carousel. Damn! It’s all I needed right now, lalo na at kasama ko ang dalawang ito, Hani and Nica. They knew everything about me, kahit ang tungkol sa pagsasama namin ni Daniel ay alam din nila, kung gaano ko kamahal ang lalaking iyon na asawa ko na ngayon. But they also saw how Daniel treats mebad, kaya minsan sila ang gumagawa ng paraan para ma-lessen ang sakit na naidudulot ng pagmamahal ko kay Daniel.

Halos pagabi na at nakaupo lang kaming tatlo rito sa bench habang hinihintay ang fireworks display. Medyo nakahinga naman ako sa mga iniisip ko kahit sandali lang, kahit ngayong araw lang. I felt so alive, ngayon ko lang ulit naramdaman kung paano magkaroon ng sariling buhay. Ngayon ko lang ulit napagtantong tao rin pala ako at hindi manika na kailangang susian para gumalaw, na kaya ko rin palang mag-decide para sa sarili ko at hindi i-asa ang lahat ng bagay kay Daniel. Napagtanto ko ring hindi pala ibig sabihin na mahal mo ang isang tao ay hahayaan mo na ring i-take for granted ka niya ng ganoon lang. It doesn’t mean na porke’t mahal mo ay ibibigay mo na ang lahat… ‘cause you still need to love yourself more para kahit hindi niya man masuklian ang pagmamahal mo ay hindi ka mauubos at paniguradong may matitira na para sa ‘yo kahit anong mangyari. Napangiti na lamang ako habang nakatingala lang sa mahinahong kalangitan na unti-unting napupuno ng mga bituin.

"You should smile often, Ysa. Mas lalo kang nagiging attractive kapag nakangiti ka…" pahayag naman ni Nica na nakatingin pala sa akin. I just smiled at her bilang pagtugon.

"Siguro, Ate Ysa… andami mong stress ngayon kasi nagyaya kang mag-amusement park, ganoon ba nakaka-stress mahalin ang isang Daniel Apolonio Jr…" komento naman ni Hani habang inilingkis niya sa aking braso ang kaniyang mga kamay.

Bigla namang nagliwanag ang kalangitan at napuno ito ng iba’t-ibang kulay. Fireworks… how I wish na mapanood namin ito ng magkasama ni Daniel.

Napabuntong-hininga na lang ako…

"Medyo gumaan ang pakiramdam ko, ang bigat kasi. Ang bigat-bigat na ng pagmamahal ko kay Daniel. At parang gusto… gusto ko ng i-release iyong bigat na ito. I just want to set him free."

When I said those words… naramdaman ko na lang ang pagyakap nina Nica at Hani sa akin at ang pagpatak ng mga butil ng tubig mula sa aking mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status