Share

FIVE

"WHERE HAVE YOU BEEN?" Nagulat naman ako sa biglang pagsalita ng tao na nakaupo sa may sala ng Mansion.

Sobrang lamig ng mga tingin nito sa akin. Mukhang any time ay bigla niya na lamang akong aambangan in a bad or in a good way.

Humakbang pa ako palapit sa kinaroroonan niya and I sit in the single sofa in front of him.

"Just somewhere…" tanging tugon ko lang.

Wala rin kasing kwenta kung sasabihin ko ang totoo. He doesn’t even care. Actually he never cares for me, he just cares for himself.

Ngumisi naman ito.

"Hmm. Really? Nagtataka talaga ako sa ‘yo, Mrs. Apolonio, you are so tight na hindi ko man lang naiisip na nakikipagkalantari ka na sa iba. Doon ka rin ba galing ngayon?"

Wow. Just wow!

So, ako na ngayon ang may lalaki? Ibang klase rin talaga itong asawa ko, pointing to me his dirty deeds.

Tinignan ko rin siya at ngumisi… nakakasawa na.

"Oo, bakit? Sarap na sarap nga siya habang pinapaligaya ko eh… hmm. Thanks sa moves–"

Hindi ko inasahan nang bigla niya akong hinablot at kinorner sa sofa. He even get a hold of my jaw… damn! Ang sakit ng pagkakahawak niya. Pinaharap niya ako sa kaniya, ang lapit ng mga mukha namin and I can see raging madness in his dark brown eyes. Walang nagsasalita at tanging mabibigat na paghinga lang namin ang maririnig.

"Shit, Ysabel. Huwag mo akong susubukan… I hate you, I really do…" bawat bitaw niya ng mga salita ay ramdam na ramdam ko rin ang mga diin doon at pagkadisgusto niya sa presensya ko.

And it hurts, he hates me. Kailan niya nga ba ako nagustuhan parang never naman eh. Kahit noong mga bata palang kami… he just takes me for granted dahil alam niyang mahal ko siya and I am willing to give and do everything that he wants. He actually just playing with my feelings, noon kahit mapa-hanggang ngayon din naman. At sobrang nakakapagod na, kaya kahit mahirap I need to make a choice for the better… for the two of us.

"Then… let’s get a divorce." Tinignan ko siya ng may pagmamahal habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.

I love him… so much that it’s already killing me.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na hamunin siya na makipaghiwalay.

Napansin ko ang pagkatigil niya at binitawan niya na rin ang pagkakahawak niya sa panga ko. And he stands still in front of me. I can’t see any emotions in his face, naka-poker face lang ito.

"No." No? ‘Di ba ito naman ang gusto niya ang maghiwalay kami. Maalis na ang burden ng pakikisama sa akin. Eh bakit ngayon, sasagutin niya ako ng no?

I am not going to assume anything dahil sa bibig niya na mismo nanggaling… he hates me. At ilang beses na ba niya iyan naipamukha sa akin, hmm.

And eventually he will leave me anytime soon. Ramdam ko iyon, iiwan at iiwan niya pa rin ako. So we better end this now, kasi baka… baka kapag hindi ko pa ito ginawa ngayon. Hindi ko na magagawa sa mga susunod na araw. Kaya hangga’t kaya ko pa at may lakas ng loob pa akong makipaghiwalay sa kaniya ay dapat gawin na namin dahil hindi ko na sigurado ang takbo ng puso ko. At baka sa susunod ay hindi ko na kayaning mawala pa siya sa akin at makagawa lang ako ng mga bagay na ikagagalit niya sa akin.

"Don’t worry, you can still manage the companies that under my name kahit hiwalay na tayo. Hindi ko naman kailangan ng sobrang yaman…” Kasi pagmamahal mo lang sana ay dapat sapat na pero hindi mo kayang ibigay iyon. At ayaw ko ng ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga para sa akin.

“…and hindi mo na kailangang makisama sa akin dahil sa utang na loob mo kay Papa noong inalagaan ka niya. You don’t have to…" sambit ko at ngumiti sa kaniya. But deep inside, I am already crying. I can’t… I just can’t break up with him like this but I have to dahil wala ng patutunguhan itong pagsasama na ito, magkakasakitan lang kami. Enough na ang isang taon at kalahating buwan ng paglolokohan.

Pero hindi siya nagsasalita… nakatingin lang siya sa akin. Kaya nagsalita ulit ako…

"Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ibibigay ko na, Daniel. And she needs you more than that I do. Pero kailangan din kita… Her name is Faith, right? And she's sick... and I am sick too."

Faith Torres, isang Pilipina na inampon ng mag-asawang Amerikano. Nagkakilala sila ni Daniel noong mga panahong nangibang bansa sila ng tatay niya nang mamatay si Tita Diana. Simpleng babae, mabait, maganda… and I already met her once at ang taong talagang mahal na mahal ni Daniel.

And I see the change of his reactions. He is affected, pagkabanggit palang ng pangalan ni Faith, bigla na siyang nagkaemosyon. And it’s killing me seeing those eyes full of love and care for that woman.

"How? How did you know…"

Nginitian ko lang siya at nagkibit-balikat.

"I am Freda Ysabel Wilford, as if you didn't know…" I can get anything that I want. Ikaw lang naman ang hindi ko kayang maangkin kahit ubusin ko pa ang yaman na nakapangalan sa akin.

And being Freda Ysabel Wilford, Daniel Apolonio Jr. can’t love me, because I have that name. He loves a woman who was simple and kind-hearted and it’s Faith… it will never be me.

Hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha.

"I know it all, Daniel. That everytime you flew out of the country… pinupuntahan mo siya. But don’t worry, our parents didn’t know about it," paga-assure ko pero ngumisi lang ito.

"It’s good then… you already know about her. Kaya’t hindi ko na kailangang maglihim pa sa ‘yo."

Bigla namang bumalik sa cold stares ang kanina lang ay puno ng pagmamahal na mga mata para kay Faith.

"What do you mean?" tanging naitanong ko.

"Staying with this marriage and staying with you will protect the woman that I really love…"

At halos mawasak ang puso ko dahil sa mga sinabi niyang iyon.

"That's why, you answered me a no, dahil ayaw mong pumayag na makipaghiwalay sa akin para sa ikabubuti niya…" But how about me? I also need someone to protect me from this pain and heartbreak. Napayuko na lamang ako sa pagkakatuklas ng mga bagay-bagay… ang sakit.

Siya pa rin pala ang dahilan, ang babaeng kinaiinggitan ko, ang babaeng totoong mahal ni Daniel.  Sa sobrang pagmamahal niya sa babaeng iyon ay kaya niyang isakripisyo ang kalayaan niyang magmahal para maproteksyunan lamang siya. Wow, Faith Torres is one lucky person, nakakainggit.

He is staying with me to protect the one he truly loves. And damn it, Daniel Apolonio Jr., you monster.

You are really just using me for your convenience. Hindi mo ba alam na ikamamatay ko ang ginagawa mong ito sa akin… you evil!

"Paano mo iyan nagagawa?" biglang tanong ko sa kaniya.

"Ang ano?"

"Ang pakikipag-usap sa akin ng tungkol sa taong talagang mahal mo… knowing that it will just hurt me big time."

"What? You started it, Ysabel. Ikaw ang nagbanggit ng pangalan niya in the first place," parang wala lang sa kaniya ang pagsagot sa akin. Wala ka man lang ba talagang ni katiting na feelings para sa akin Daniel… kahit awa man lang?

Close naman tayo noon pero bakit? Bakit hindi mo ako natutunang mahalin? Mas una rin kitang nakilala kaysa ikaw sa kaniya… but why, bakit mas minahal mo pa rin siya?

I look at him…

“Tutal magkakasakitan lang din naman tayo… so I decided, why not play this game too?” sambit ko sa aking isipan.

"Okay. If you don’t want to get a divorce then let’s tell everyone about this marriage… how about that, Mr. Apolonio?" malamig kong pagsambit ng isang offer na hinding-hindi niya matatanggihan…

"What? Are you crazy?" tanging nasambit niya lang at sinuklian ko lang siya ng isang napakatamis na ngiti before saying…

"Maybe… just maybe, because you made me crazy, loving you makes me damn crazy, honey…"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status