Kabanata 86 KASALUKUYAN na nasa sasakyan sina Lawson at Clea, tinatahak ang daan patungong Casa Lecaroz kung saan naghihintay ang mga magulang niya. “Okay lang ba talaga sa’yo na i-meet ang parents ko? I know it’s not necessary…” “It is necessa—” Tumikhim ito at nag-iwas nang tingin. Hindi mapakali si Lawson habang nakaupo sa driver’s seat. Panay ang hinga niya ng malalim para makalma ang sarili na kinakabahan. Kinakabahan siya dahil ito ang unang beses na makakaharap niya ang magulang ni Clementine. Sa dinami-rami ng nakaharap niya na tao ay hindi man lang siya pinaghinaan ng loob. Ito ang unang beses. Ano ang ipapaliwanag niya kung tanungin siya ng magulang ni Clea kung kalian at saan sila ikinasal? Shit! He can’t just say na pinikot niya ang babae. Clea poked his cheek. “Are you nervous?” tudyo niya rito. Dapat siyang magpakatatag. Dapat maging matapang siya para sa nararamdaman niya sa babae. He never thought na dito pa siya magkakaroon ng daga sa tiyan. “Hell. No.” Mariin
Kabanata 87Lunes na naman. Napabuntonghininga si Clea. Ayaw pa sana niyang pumasok sa kumpanya dahil sa dami ng nangyari pero hindi naman siya pwedeng um-absent. Nakasandal siya pader ng elevator at nakapikit ang mga mata. Kanina pa nasa kaniya ang atensyon ng lahat at hindi niya naman masisi ang mga ito. Ever her was surprised by the sudden announcement by Lawson. She’s now married and rumored pregnant because of him.Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang katabi niyang nakatingin sa kaniya. Halos malaglag ang eyeballs niya.“A-anong ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong nang makita si Lawson.Tumagilid ang ulo nito at umarko ang kilay. “Don’t you know how dumb your question is?” Humalukipkip ito. “Of course, working. Tss.”“That’s not what I mean,” mahina niyang sambit habang pasimpleng nilingon ang mga kasabay niya sa elevator. Tahimik ang mga ito at mukhang nagulat din. “Hindi ka naman gumagamit ng elevator na for employees. You have your own, right?”“Then why ar
Kabanata 88KASALUKUYANG nasa opisina si Clea at hindi maganda ang pakiramdam niya. Ilanga raw niya na itong iniinda. Ilang araw na ring pauli-uli si Lawson sa opisina niya kahit wala naman itong kailangan. Para itong batang nagpapapansin. Halos hakutin na nito ang mga papeles at dito magtrabaho kasama siya. She remembered one time na tinanong niya ito.“Anong ginagawa mo nanaman dito?” Umarko ang kilay niya.Umupo ito sa clinical bed at tumingin sa kaniya, “I just want to recharge, wife. I’m so tired. I need your care.”Umismid lang siya sa dahilan nito dahil walang ibang lumalabas sa bibig kung ‘do ka-corny-han.Hinilot niya muna ang sintido bago kinuha ang ilang papel at tumayo nang biglang umikot ang paningin niya at nabuwal siya sa pagkakatayo. Buti nalang at nandoon si Lawson para saluhin siya at alalayan.Pinangko siya nito saka mabilis na ihiniga sa kama ng clinic. "Ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalalang tanong nito. “Are you not feeling well? Gusto mo bang mag-take muna tayo
KINAUMAGAHAN ay maagang gumising si Clea para paghandaan ang pagpasok niya sa trabaho. Medyo bumubuti na rin naman ang lagay niya kaya nakakakilos na siya nang maayos. Nagsuka lang siya saglit pagkagising niya, at bumalik din naman agad sa normal ang kaniyang pakiramdam. Napag-usapan na rin nila ni Lawson na saka lang siya hihinto sa pagtatrabaho kapag malaki-laki na ang kaniyang tiyan at hindi na niya kayang kumilos ng pangmatagalan. They even had a small argument last night because of it. Pero sa huli si Clea pa rin ang panalo. He lowered his pride for her. Walang kahahantungan kung magpatuloy silang dalawa sa pagtatalo kung sino ang dapat na masusunod sa kanila. Ika pa nga ng doctor ni Clea kay Lawson; as long as she's in good condition, walang dapat na ikabahala si Lawson. At huwag din bigyan ng stress ang asawa dahil nakakasama ito sa kalusugan ng bata. Iilan sa mga sinabi ng doctor ay labag sa kalooban ni Lawson, hindi siya sanay na hindi siya ang nasusunod. Ngunit wala na siyan
SINUBUKANG SUNDAN ni Clea ang kaniyang asawa, ngunit paakyat pa lang siya ng hagdan nang makita niya itong nagmamadaling bumaba. Halatang tapos na itong maligo at nakasuot na rin ito ng puting long-sleeve na nakatupi hanggang siko, at may itim na blazer din na nakasampay sa kaliwang braso nito. Napagtanto niyang hindi pala ito ang mga kasuotan na inihanda niya kanina para rito. Naaamoy niya rin mula sa kaniyang kinatatayuan ang ginamit na panligo nito saka ang paborito nitong pabango na siyang ikinarindi ng kaniyang sikmura dahil sa mabahong amoy nito. Ito ang kaniyang dating paboritong pabango na ginagamit ni Lawson, ngunit ngayon ay parang isinusumpa na niya ito dahil sa hindi na niya gusto ang amoy nito. Hindi niya maiwasang mapaatras nang bahagya nang ilang hakbang na lang ang pagitan nilang dalawa ni Lawson. Nanggigigil niya itong tiningnan. Bakit ba napakatigas ng ulo ng lalaking ‘to? Akala ba niya'y nagkakaintindihan na sila? Bakit parang nagbago na naman ang takbo ng utak n
KASALUKUYANG nasa harapan ng vanity mirror si Clea. Nag-aayos, at may malapad na ngiti ang nakaukit sa mamula-mula nitong mga labi. She's excited to see her dearest cousin again. Marami pa silang kuwentuhan na kailangang habulin at hindi na siya makakapaghintay pa. Nakasuot lang siya ng simpleng bestida na sa tingin niya'y komportableng suotin ng kaniyang katawan. Naglagay siya ng kaunting kolorate sa kaniyang mukha saka pinakulutan ang bandang dulo ng kaniyang may kahabaang buhok. She smiled at her own reflection. Napahawak din siya sa maliit na umbok ng kaniyang tiyan. "Hello, baby... kikitain natin ngayon si Tita Madonna mo. Ang best friend at pinsan ni mommy." She giggled. She can't wait to tell Madonna about her pregnancy, too. Ilang sandali siyang nakaharap sa vanity mirror habang hinihintay na dumating si Madonna. Napagkasunduan kasi nilang dalawa na ito na ang susundo sa kaniya mula sa bahay nila ni Lawson. Nasa kalagitnaan siya paglalagay ng lipstick nang makarinig siya ng
HINDI mapakali si Madonna sa kaniyang kinatatayuan. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng Emergency Room, pabalik-balik ang lakad at naghihintay sa kung sino mang nasa loob ang lalabas. Kumakabog ng malakas ang dibdib niya, walang mapaglalagyan ang kaniyang kabang nararamdaman para sa kaniyang pinsan na nasa loob. Pinagtitinginan na rin siya ng mga taong dumadaan mula sa kaniyang likuran, ngunit hindi niya ito pinagtutuonan ng pansin. Masiyado siyang kinakabahan para sa kaniyang pinsan. Aksidenteng nakakain si Clea ng mani sa in-order nilang pagkain kanina. She's allergic to peanuts. Sa tuwing nakakakain siya nito ay mahihirapan siya sa paghinga at magiging dahilan nang kaniyang pagkahimatay. Nagkakaroon din ng pantal ang kaniyang balat kapag hindi agad ito naagapan. Mabilis na napahinto si Madonna sa walang tigil niyang pabalik-balik ng lakad sa kaniyang kinatatayuan nang makita niyang paparating si Lawson. Malalaki ang hakbang nito habang pumapalapit sa kaniya ang asawa ng kaniyang pin
MABILIS NA kumalat sa angkan ng mga Lecaroz ang pagdadalang tao ni Clea nang dahil sa nangyari sa kaniya. Nagagalak ang mga ito sa balitang nakarating sa kanila. I-ilan sa mga pinsan ni Clea ang dumalaw sa kaniya, lalo na ang kaniyang mga magulang na siyang higit na natutuwa sa nalamang pagbubuntis niya. Habang ang mga matatanda naman sa pamilyang Lecaroz ay pinagkalooban siya ng regalo marahil bisi ang mga ito. Lubos niyang naiintindihan ang sitwasyon dahil hindi rin madali ang trabaho ng kaniyang mga lolo. Walang mapaglalagyan ang kaniyang kabang nararamdaman sa mga oras na iyon. Buong akala niya galit ang mga ito dahil sa nasagap na balita, ngunit kabaliktaran ang mga iniisip niya. Kasalukuyang nakatingin si Lawson sa dalawang taong nagbabangayan, mula sa ground floor ng kaniyang mansiyon. Malamig man ang awra nito ay hindi maiwasang mapataas-kilay ni Lawson sa nakikita. Si Keigo at ang pinsan ng kaniyang asawa na si Madonna ay masamang-masama ang tingin nito sa isa't isa. Napai