Sa halip na sagutin ako ay pumihit lang siya patalikod sa gawi ko. Halata namang nahihirapan pa siyang gumalaw pero ginawa niya ang abot sa kanyang makakaya para deadma-hin ako. Sobrang taas pa rin ng pride ng lalaking ito. Hindi ko ma-reach. "Move gently, Grantt. I am not going to eat you alive," asik ko sabay singhap. "Hinintay kitang magising ng ilang buwan tapos…" Muli akong napasinghap. "I'm going home now. Makakahinga na ako nang maluwag at makakatulog nang maayos dahil may malay ka na," dagdag ko pa.Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi. Gusto kong silipin kong gising ba siya o tulog na dahil wala naman akong sagot na nakuha. Napailing na lang ako at napapalatak. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya sa nangyayaring ito. Bago pa man ako makahakbang papalabas ng kwarto ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy Gretchen. Ngayon lang uli kami nito nagpang-abot dito."Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no? Sa ilang buwan na hindi ka nagpakita rito ay susulpot k
Iniwan ko na muna silang tatlo sa sala at pumasok ng kwarto. Ramdam na ramdam mo pagbagsak ng aking mga balikat. Palagi talagang magkakambal ang good news at bad news, eh 'no? Ang good news ay nagising na si Grantt. Ang bad news naman ay hindi niya maalala ang lahat. Ang good news ay case solve na pero ang bad news naman ay dalawang magkapatid pa ang nawalan ng buhay dahil lang sa pagkawala rin ni Greel. Nakakaalarma na ang sitwasyon na ito. Naabutan ko ang dalawa na tawang-tawa habang nilalaro si Graxylla. Ang bata naman ay mukhang sinusubukan lang na makisama sa dalawa. Kung makakapagsalita lang ang anak ko ay baka minura na ang dalawang ito. "Hi," matamlay kong sabi. Kaagad naman akong sinuyod ng tingin ng dalawa. Tingin pa lang ay alam kong hindi na maganda ang mga salitang lalabas sa bunganga nila. "What happened, gurl? Parang akala mo ay galing kang lamay," usisa ni Judie habang nanghuhusga ang kanyang tingin sa akin."Parang nalugi ka sa sugal, Mareng Yongsann. Milyon ba a
"Ang cute naman po ng baby ninyo, Ma'am," puna ng nurse na nakasalubong namin. Si Sabrina anbmay hawak kay Graxylla. Palalabas na rin kasi kami ng hospital."Ay talaga ba? Salamat, ha?"gatong pa ng loka na mukhang tuwang-tuwa pa na napagkamalan silang mag-ina ng anak ko. Nagkangitian pa sila ng nurse bago tuluyan kaming nilagpasan nito. Sumampa na rin kami sa elevator. Mabuti na lang at wala kaming kasabay."Did you hear that, Mrs.Gomez?" nagmamayabang nitong usisa. "Hindi ako bingi. Kahit magbulungan pa kayo ay maririnig ko ang usapan ninyo." Humagalpak lang siya ng tawa dahilan para mapabungisngis naman si Graxylla. Walang dudang maayos na nga uli ang pakiramdam nito. "Tuwang-tuwa rin ang baby ko Llala ko, oh. Payag siyang maging anak ko..." "Ewan ko sa'yo," nakabusangot ko ng sabi dahilan para tumawa na naman siya. Saktong bumukas ang elevator senyales na nasa ground floor na kami. "Nagseselos ang Mommy Yongsann mo, Llala. Eh, kasalanan ba nating pareho tayong maganda, 'di b
"Oh? Anong mukha 'yan?" bungad na tanong sa akin ni Sabrina. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at basta na lang akong umiyak sa harap ng aking kaibigan. Ramdam ko ang kanyang pagpa-panic. Marahan niya akong hinila papasok sa bahay at ini-lock ang pinto. "Hoy, bakit, ha? Anong nangyari? May ginawa na naman ba ang biyenan mong tigre sa'yo?!" galit nitong sunod-sunod na tanong. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilaang balikat ko."A-Ayaw na sa a-akin ni G-Grantt," humihikbi ko pang sabi. "H-Hindi niya man lang kayang pagsabihan ang nanay niya at n-nandon din ang f-first love niya," dire-diretso ngunitl kong sabi. Pakiramdam ko ay para akong batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop. "What?! Sige, umiyak ka muna diyan bago mo sabihin sa'kin ang nangyari at hindi kita maintindihan, Yongsann. Hinaan mo rin ang boses mo at baka magising ang anak mo."Impit naman akong napahikbi dahil sa huling paalala nito. Ilang minuto rin siguro ang nakalipas bago ako kumalma
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
"Mabuti naman at umuwi ka na," bungad na saad ni Sabrina. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Tumawag sa akin sina Tita Chan kanina at iyak nang iyak daw ang anak mo dahil hinahanap ka. Seriously, Yongsann?!" dagdag sermon nito sa akin. Kakarating ko pa nga lang ay sermon na kaagad ang inabot ko sa isang ito. Sarap sambunutan, eh. Alam naman niyang busy ang industriyang kinaroroonan ko. Sumaglit nga lang ako, eh. Kailangan kong makabalik bago mag 4:00 p.m. Ang alam ni Charry ay uuwi ako dahil masama ang aking pakiramdam. "Huwag mong gawing excuse ang busy ka dahil responsibilidad mong dalawin ang anak mo kahit pagod na pagod ka na. Ginusto mo ang lahat ng ito, eh. Kung hindi mo kaya ay mas mabuting ipakilala mo na lang si Graxylla sa ama niya…""Shut up, Sabrina," naiinis kong sabi at hinawi ito. Nakaharang kasi sa pinto na para bang security guard, eh. Ni hindi man lang ako pinapasok muna. Pagalitan daw ba ako sa pinto na para bang siya ang magulang ko.Tsk. "Graxylla, baby!"
~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a