Pagak naman siyang natawa at napaiwas ng tingin. "You said 'love' and not 'loved'. Present tense, right?" Sinalubong niya ang aking tingin. "Nasaan pala ako, Yongsann? Paulit-ulit kitang tinatanong kung mahal mo pa ba siya pero hindi mo sinasagot. Ngayon ay alam ko na rin ang totoong nararamdaman mo.Ang tono ng kanyang pananalita ay walang kaibahan sa tono na aking ginagamit. Mabigat at puno ng sakit at hinanakit. Pareho kaming magiging selfish sa pagkakataong ito. Iniisip niya ang nararamdaman niya at gano'n din ako. Pareho kaming nararamdaman pero hindi namin maiintindihan ang isa't-isa ngayon. "Naiintindihan mo ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi, 'diba? Hindi mo maiintindihan kahit na kailan!" puno ng hinanakit kong sambit habang masagana pa rin ang luhang nagsisibagsakan sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay namatay na naman uli ako. Namatay nabg paulit-ulit."Mahal na mahal mo talaga siya, 'no? Hindi ko talaga siya kayang palitan diyan sa puso mo. Naiintindihan ko ang sak
Dahil wala akong magawa ay pinili ko na lang na magbasa ng mga na libro ni Sab Isa itong bookworm kaya naman tambak ang libro sa mini-library nito. Ngayon ay naiintindihan ko ang pagmamahal ng mga mambabasa sa mga libro. Isa ito sa mga paraan para matakasan ang reyalidad. Halos isang linggo na ang nakakalipas at nandidito pa rin ako sa lungga ng aking kaibigan. Wala pa akong balak umuwi pero nandon pa rin naman 'yong pakiramdam na gusto ko ring ayusin ang gulo namin ng lalaking iyon. But not now, not too soon. Hindi ko pa kayang kalimutan ng tuluyan si Greel. Gusto ko pang parusahan ang akong sarili sa mga nagawa kong maling desisyon noon. Ayaw kong magkamali lang ulit. Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Awtomatikong napatingin ako sa screen nito at nakita ko ang ID name ni Ate Olga. Napalunok pa ako at nagdalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay pinindot ko rin naman ang answer button. After all ay hindi naman ito ang nananakit sa akin eh. "Hi, Yon
"Get yourself together, Yongsann." Ang malamig at nag-uutos na boses na iyon ang siyang pumukas ng diwa kong patulog na sana. Sinadya pa nitong isara nang pahampas ang pintuan ng kwarto namin. Isang linggo lang naman akong nawala sa pamamahay na ito ay pakiramdam ko ang daming nagbago kahit wala naman. "Mind your own business, Grantt," mahinang usal ko at tumalukbong ng kumot.Kanina pa ako nakahiga lang. Mga isang oras na rin siguro simula nang magsialisan ang mga kaibigan niya. Buong akala ko ay itatanggi niya pa rin ang tungkol sa amin pero hindi naman. Nakita ko kung paano nagulat ang kanyang mga kaibigan nang malaman ang totoo patungkol sa amin. "Ganyan ka na lang ba palagi? Magmumukmok kapag may problema at sisisihin ang lahat sa nangyayari?" panenermon niya pa sa tonong stress na stress. Parang noong mga nakaraan lang ay siya ang senesermonan ko, ngayon ay ako naman ang nalagay sa kanyang sitwasyon. Nga
"May party daw pala sa kila Ate Olga. Welcome party para sa kapatid ni Kuya Tristan," rinig kong saad niya pa nang makalabas na ako ng kwarto namin. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin at awtomatikong nakakunot-noo at paniguradong dahil iyon sa suot ko. Sinadya ko talagang magsuot ng short shorts at fit na v-line crop top. Alam kong ayaw na ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito ka-revealing na outfit. Base sa nakikita kong emosyon sa kanyang pagmumukha ay tagumpay akong buwisitin siya. Alam kong gusto niya akong pagsabihan na magpalit ng damit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili."Okay, let's go," kaswal kong saad at nagpatiuna na palabas. Pareho kaming walang imik na sumampa sa aking sasakyan. Ako ang nasa driver seat since ako naman ang may-ari ng sasakyan.Napansin kong napatingin siya sa kamay ko. Suot ko kasi ngayon ang relo na regalo sa akin ni Kenth at hindi ang bracelet na bigay niya. Aware din siyang regalo ito ng kaibig
"May party daw pala sa kila Ate Olga. Welcome party para sa kapatid ni Kuya Tristan," rinig kong saad niya pa nang makalabas na ako ng kwarto namin. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin at awtomatikong nakakunot-noo at paniguradong dahil iyon sa suot ko. Sinadya ko talagang magsuot ng short shorts at fit na v-line crop top. Alam kong ayaw na ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito ka-revealing na outfit. Base sa nakikita kong emosyon sa kanyang pagmumukha ay tagumpay akong buwisitin siya. Alam kong gusto niya akong pagsabihan na magpalit ng damit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili."Okay, let's go," kaswal kong saad at nagpatiuna na palabas. Pareho kaming walang imik na sumampa sa aking sasakyan. Ako ang nasa driver seat since ako naman ang may-ari ng sasakyan.Napansin kong napatingin siya sa kamay ko. Suot ko kasi ngayon ang relo na regalo sa akin ni Kenth at hindi ang bracelet na bigay niya. Aware din siyang regalo ito ng kaibigan ko sa'kin. Sinadya ko rin iyong iwan na lang
"At talagang basta mo na lang iniwan ito rito?!" asik ng haduf na Grantt nang makita ang bracelet na nasa kama lang namin. Kakarating lang namin galing kila Ate Olga at halos nagbangayan lang kami habang papauwi kami dahil kay Xyril. Anong gagawin ko kung gusto akong kausapin at lapitan ng dati kong ka-MU, 'diba? Eh, hindi rin naman kasi siya nagre-react nang harapan. Wala siyang imik habang kinakausap ako ni Xy tapos noong nasa sasakyan na kami ay tsaka niya ako aawayin. Kesyo ganito, kesyo ganyan.Ewan, hindi ko na siya maintindihan. Wala na akong maintindihan pa. I need some space to think. Perhaps, we need enough time to heal and cool down our boiling head and blood.We can't just be in the same right now. Mag-aaway at mag-aaway lang kami hanggang sa lumala ang alitan namin. Walang ingay na dinampot ko ang bracelet na bigay niya at ibinalik sa box nitong nasa drawer ko. Tuluyan akong lumabas ng bahay. Gamit ang sasakyan ko ay mag-isa ak
"Ma'am Yongsann, right?" tanong sa'kin ng lalaking nurse na umasikaso kay Grantt. "Yes, how's Grantt?" kaagad ko namang tanong at tumayo. Ilang minuto na rin akong nakaabang lang dito sa labas ng clinic nila. "Magiging okay naman na ho si Sir Grantt. Mataas ang lagnat niya kanina pero humupa naman na. Kailangan lang niya ng pahinga dahil over fatigue na rin siya tsaka may anxiety po ba siya?"Napalunok naman ako sa huling tanong nito dahil hindi ko alam ang magiging sagot. Wala akong alam kay Grantt lalo na nitong mga nakaraan. Pero hindi iyon imposible dahil sa trabaho niya at nangyayari sa amin. "Iwasan na lang po muna ang ma-stress siya nang sobra. Hindi po biro ang magkaroon ng anxiety. Hindi niya maiiwasan ang sucidal thoughts. Pwede na po kayong pumasok."Nagpakawala pa muna ako ng buntonghininga bago tuluyang pumasok. Marahan kong hinawi ang kurtina at tumambad sa'king paningin ang walang malay na Grantt. Habang natutulog pa siya ay sinuri ko ang galos sa kanyang hita na na
"Ito na lang ang isuot mo, Grantt," rinig kong saad ni Olive. Ito na ang bagong manager ng lalaki at kasamaang palad ay iisa lang kami ng Rehearsal, Conference at maging Dressing Room. Simula noong huli naming kita sa beach ay ngayon lang uli nasundan. Pareho kaming naging busy, lalo na siya kaya wala ng time pa na umuwi ng Tagaytay. Ako na lang ang nakakapunta doon.Nitong mga nakaraang araw naman ay busy din ako kay Venice at sa bagong alaga kong si Zone. Hindi naman bagong artist si Zone pero katulad ni Grantt ay nagpalit lang siya ng management kaya napunta siya sa akin. In demand din siya sa taong ito kaya puro mall show ang pinuntahan namin nitong mga nakaraan. Ngayon nga ay naghahanda kami para sa pre-recording ng isang variety show, na delay pa ang shooting dahil diumano sa technical problem. 3:00 p. m dapat ang shoot pero almost 4:00 p. m na. Hindi ko maiwasang lingonin ang gawi nila dahil sa boses ng babae na nangingibabaw. Hindi naman ito bagohan sa industry pero bagoha
"Ito ang bahay mo?" tanong ni Grantt nang makababa na kami. Dinala ko siya rito sa bahay ni Sabrina sa Antipolo. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Ngayon ko sa kanya ipapagtapat ang tungkol sa kay Graxylla. "Ah, kay Sabrina bahay ito," sagot ko habang kinakalma ang aking sarili."Oh, pwede na tayong bumalik sa bahay natin sa Tagaytay. Nakausap ko na si Mommy and she's fine with that. Gusto ka rin niyang makausap at mag-sorry sa'yo."Ngumiti naman ako at tumango. May natanggap din akong message kahapon mula sa kanyang ina. Hindi ko na lang muna ni-reply-an dahil gusto ko munang malaman nilang lahat ang tungkol sa anak namin."L-Let's get inside," saad ko na lang at hinawakan ang kanyang kamay."Nanlalamig ang kamay mo, ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Yong?"Nakagat ko naman ang pang-ilalim na labi ko para hindi niya mahalatang nangangatal din ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang kabang mararamdaman ko."I'm f-fine," simpleng sagot ko at binuksan na ang main door. Igin
Kinakabahan na pumasok ako sa venue ng event ni Grantt. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko sina Wendy, Judie at Venice. Si Grantt ay nasa backstage na, naghahanda para mag-perform. Naka-set up na rin nang maayos ang sikat na banda na kilala sa MoonSun na magiging ka-collab diumano niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang titig ng mga taong nandidito, mas lalo lang na dumadagungdong ang aking dibdib.Umakyat na si Grantt sa entablado at nagsimula na rin ang banda na tumugtog."First time I laid my eyes on someone like you..."Gamit ang aking paningin ay agad na hinanap ko ang may-ari ng boses na pumailanlang. Natagpuan ko ang main vocalist ng banda sa kaliwang bahagi ng stage na siyang kumakanta ngayon."Hey, Yongsann Lim!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Grantt, idagdag pa ang paraan ng pagkakatawag niya sakin. Parang asong siga sa kanto."Aish, this jerk!" naiusal ko rin, nakalimutan kong maraming tao pala sa kinaroroonan namin.Pumailanlang ang tawanan habang a
"OMG, Yongsann Lim! Finally, you're back!" malakas na sabi ni Judie. "Oh my goodness! So, totoo ngang nakabalik ka ng bruha ka! Welcome back to the Philippines, ang bansang mataas pa sa kalawakan ang requirements sa mga job hiring!" segunda ni Lou na ikinatawa ko pa. Hindi pa ang mga ito nakontento at niyakap pa ako nang mahigpit."Aray ko naman, dahan-dahan lang," reklamo ko pa dahil hindi na halos ako makahinga. Agad naman silang kumalas. "Ay, sorry! Masaya lang talaga kaming makita ka."Mas nakakaganda ba talaga ang mangibang bansa? Parang kailangan ko na ring idagdag sa bucket list ko," tudyo pa sa akin ni Lou. "Kugtong 'to! Huwag mo ng pangarapin na manirahan sa ibang bansa. Mahirap.""Really? Sabi mo, eh. So?""So, what?""Balik ka na ba sa career mo?""I don't know. Sa ngayon ay wala pa akong plano. May natanggap akong offer na work from home mula sa company na pinagtrabahuan ko sa Canada.""Ohh, iba talaga ang isang Yongsann. How about you, Grantt and Graxylla?"Hindi nam
"Uhm, dito ka na lang matulog. Doon ako sa kwarto ni Lovi," saad ko kay Grantt. Lumabas din kami kanina para kumain at bumili ng damit niya dahil ayaw niya na talagang pumunta ng hotel kung saan sila naka-check in.Bilang respito na rin sa kay Apple bilang manager niya ay ako na rin ang tumawag sa babae para ipagpaalam siya. Mabuti na lang at mabait din ang bago niyang manager at alam din pala nito ang tungkol sa amin. "Stay here," puno ng pakiusap niyang sabi at hinawakan ang aking kamay para hindi ako makalabas ng kwarto."Grantt...""Please? I missed you so much," parang bata niya pang sabi. Napabuntonghininga na lang din ako at sumusukong naupo sa kama."Fine," tipid kong sabi.Kaagad niya akong hinila pahiga sa kanyang tabi at walang salita na ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap niya rin ako at tila ba komportableng-komportable siya na katabi ako kahit halos dalawang taon din kaming hindi nagkaintindihan. Para bang walang nangyaring samaan ng loob sa isa't-isa. Marahil ay pa
Naghahanda kami ni Lovi para um-attend sa concert ni Grantt. Eksaktong 7:00 p. m ang start pero dapat mga 5:00 p. m ay nasa venue na kami. May dalawang oras pa naman kami bago tuluyang pumanhik ng venue."This is me praying that, this was the very first page. Not where the story line ends. My thoughts will echo your name, until I see you again," rinig kong kanta ng alaga ko mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Mas excited pa ito kaysa sa akin, eh. "Tama na 'yan, baka mamaya ay wala ka ng boses para maki-jamming!" sigaw ko para marinig ako nito. Ang lakas pa naman ng volume ng music player nito. "Ay naku, Ate Yongsann! Bilisan mo na diyan!""Ako pa talaga? I'm done, ikaw na lang hinihintay ko diyan. Huwag ka ng magpaganda pa. Hindi ka papansinin ni Kuya Kenth mamaya dahil may girlfriend na iyon!" Ang alam ko kasi ay mag-on na rin sa wakas si Sab at ang kanyang Grayson. Nasabi sa akin ni Kenth na plano niyang mag-propose kay Sab ngayong taon. Naghahanap lang siya ng tamang ti
~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a
"Mabuti naman at umuwi ka na," bungad na saad ni Sabrina. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Tumawag sa akin sina Tita Chan kanina at iyak nang iyak daw ang anak mo dahil hinahanap ka. Seriously, Yongsann?!" dagdag sermon nito sa akin. Kakarating ko pa nga lang ay sermon na kaagad ang inabot ko sa isang ito. Sarap sambunutan, eh. Alam naman niyang busy ang industriyang kinaroroonan ko. Sumaglit nga lang ako, eh. Kailangan kong makabalik bago mag 4:00 p.m. Ang alam ni Charry ay uuwi ako dahil masama ang aking pakiramdam. "Huwag mong gawing excuse ang busy ka dahil responsibilidad mong dalawin ang anak mo kahit pagod na pagod ka na. Ginusto mo ang lahat ng ito, eh. Kung hindi mo kaya ay mas mabuting ipakilala mo na lang si Graxylla sa ama niya…""Shut up, Sabrina," naiinis kong sabi at hinawi ito. Nakaharang kasi sa pinto na para bang security guard, eh. Ni hindi man lang ako pinapasok muna. Pagalitan daw ba ako sa pinto na para bang siya ang magulang ko.Tsk. "Graxylla, baby!"
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang