"What did you say? Bakit mo naman papatayin si Kenth, aber?" asik ko naman habang nilalabanan ang kanyang matalim na titig.
He and his annoying choice of words!"Because he's getting on my nerves." May diin ang bawat salita na kanyang pinakawalan.Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Matagal ka naman na talagang bwisit sa kanya, eh. Wala naman sa'yong ginagawa ang tao ay bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya? Mabait naman sa'yo si Kenth, ikaw lang ito parang palaging mainit ang ulo sa kanya," pagtatanggol ko naman sa isa.Matagal ko ng kaibigan ko si Kenth at sa mga panahong wala akong matakbuhan para masabihan ng mga problema at agam-agam ko sa buhay ay nandoon siya palagi. Sa totoo lang ay simpleng tulong lang naman din ang hiningi niya sa akin kanina. Hindi naman iyon malaking bagay at wala namang nawala sa akin."Really? Wala? Eh, 'yong ginawa niyo kanina, ha? Wala lang 'yon, ha? Sinasabihan mo ako palagi na cheater but look"Hoy!" untag sa'kin ni Lou na naabutan akong tila patulog na habang nakatutok sa aking laptop."Ay, hey, Lou. Bakit?" usisa ko. Ni hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nito. "Dumating na sila Wendy at Pritz ba 'yon? Hinahanap ka nila kaya naisipan kong daanan ka rito sa office mo."Agad naman akong napatayo at napasapo sa aking nakaawang na bibig. Nakalimutan kong ngayon nga pala sila magpa-finalize ng lyrics nila. Masyado ako nabusy sa preparation ng MV shooting ni Venice bukas. "Oo nga pala. Salamat, Lou.""O siya, mauna na ako. Papuntahin ko na lang ba sila rito?""Yes, please," sang-ayon ko naman na may halong pakiusap. Mas magiging abala pa ngayong araw na ito. "Tsk. Natutulog ka pa ba? Matulog ka naman, halatang pagod ka," paalala pa nito sa nito bago lumabas. Napaupo na lang ako at dinampot ang aking cellphone. Hinanap ko at number ni Grantt at tinawagan siya. Nakailang ring pa muna bago nito
Tumayo na rin ako at isinukbit ang aking sling bag. Umalis ako ng studio para bisitahin ang magiging set ng MV shooting ni Venice. Lahat ay abala na. Sinipat ko rin ang kabuuan para masigurong safe ang artist ko sa filming. May apat na set kaya medyo nakakapagod din mag-ikot. Nagkita pa kami ni Direct. Hannah at nag-usap saglit sa isang cafe. Chineck ko rin lahat ng outfits at lahat ng bagay na gagamitin bukas. Nang masigurong okay na ang lahat ay tsaka palang ako napanatag. Nagpapahinga si Venice para ihanda ang sarili bukas kaya pinuntahan ko rin sa kanila para lang kamustahin. Nang masigurong relax lang naman ito ay bumalik na ako ng studio. Halos apat na oras din pala akong nawala sa opisina ko. Malamang ay tapos na rin kanina pa ang rehearsal nina Grantt. Gusto ko siyang tawagan at tanungin kung ano na ba ang nangyayari pero wala na akong lakas na gawin iyon. Pabagsak akong nahiga sa mahabang couch at ipinikit ang aki
[FLASHBACK FROM YEARS AGO] ~YONGSANN AND GREEL~"Judie…" Napanganga ako nang makita si Judie habang nakatulalang nakatitig sa basag na glass wine sa sahig. "What happened?" tanong ko at nilapitan ito. Bakas sa mukha nito ang kaba. Pareho kaming first time lang na maging staff sa isang photoshoot ngayon. "N-nasagi ko kasi," natatakot nitong sambit. Ang rinig kasi namin ay istrikto ng team nina Greel Gomez. Malinaw din na sinabi sa amin na mag-iingat sa mga galaw namin dahil pwede kaming sisantihin ng manager ng lalaking model. "It's fine, okay?" pankakalma ko pa sa dito. Hindi naman pwedeng pareho kaming mag-panic. "Anong nangyari dito?" Pareho kaming napalingon. Bumungad ang mukha ni Ma'am Celine at si Greel Gomez. Kahit first time kong makita ang lalaki sa personal ay pamilyar na ang mukha nito dahil isa ito sa rising star pagdating sa commercials and fashion industry. He's undeniably handsome. Usually, he's seen wearing a bright aura in all his magazine photos, and even his c
"Jud, naalala mo ba iyong first time nating maging staff ng isang photoshoot?" usisa ko sa babaeng kanina pa nilalantakan ang fried chicken na binili namin sa labas. Kasama din naman namin si Lou ngayon. "Paanong makakalimutan ko iyon, akala ko katapusan na ng career ko, eh," himutok nito."Why? What happened?" usisa ni Lou. Agad namang ikinuwento ng isa kung paano niya nabasag ang wine glass sa photoshoot ni Greel noon."Hmmm, yeah. I've heard a lot about Ma'am Celine that time too. Nasa ibang department lang naman ako noon," komento naman ng isa. "Hindi ba at si Greel ang nangsalba sa atin noon?" patanong kong tanong. Bigla ko na lang kasi naalala ang kaganapan at parang may mali talaga ng araw na iyon.Napakunot-noo naman ito. "Hindi ko ba na kwento sa'yo?""Ang? Wala ka namang naikwento," saad ko naman habang interesado sa kanya sasabihin. Napaayos pa ito ng upo at uminom muna ng tubig. "Si Grantt iyon at hindi si
"Holy shit!" malakas na sabi ni Judie na naging dahilan ng pagkagulat namin ni Lou. Kasalukuyan kaming nasa studio café ngayon. Pagkatapos ng eksena namin ni Wendy kaninang umaga ay wala namang nagbago. Tuloy pa rin ang kanya-kanyang buhay namin.Halata sa mukha ni Judie ang pag-aalala nang tumingin sa akin kaya hindi ko rin maiwasang kabahan lalo pa at nakatitig ito sa kanyang cellphone. Marahil ay internet issue na naman ito. "Why?" tanong ko. Marahang ibinigay nito sa akin ang kanyang cellphone. Kaagad naman naming inusisa ni Lou kung ano ang ganap. "Oh my goodness," usal din ng isa sabay dampot ng cellphone at nag-scroll down sa twitter."Ikaw at si Grantt 'yan, 'diba?" pangungumpirma ni Jud. Simpleng tango lang ang itinugon ko. "Bakit kasi hindi rin kayo nag-iingat?" "Naka-mask naman ako diyan kaya bahala sila," sukong sabi ko. Pagod na ako sa ganitong dating scandal ni Grantt. "See? Sabi ko naman sa inyo, 'diba? Hindi lang tutunganga at magpapaka-sad girl si Wendy sa nalama
Nakahalukipkip lang ako habang nakamasid kay Grantt na busy sa paglilinis ng sala namin. I mean, hindi naman magulo pero hindi ko alam kung bakit iniba niya na naman ang arrangement ng sofa at couches namin. Papalitan niya rin daw ang flower sa vase mamaya. Tiyak na may balak din itong magyaya gumala dahil nabanggit niya kaninang gusto niya mag-unwind pagkatapos maglinis.Sa tulong kasi nina Ate Pia, Lou at Judie ay nagawa ng agency na i-announce ang hiatus statement ni Grantt. Iyon daw ang mas makakabuti para makaiwas muna kami sa isyu. Hindi pa rin namin alam kung sino ang nagpakalat sa chismis na nagkaroon daw ng third wheel sa relasyon nina Wendy at Grantt pero hindi naman nila binaggit kung sino ang third wheel na tinutukoy nila. Sa ngayon ay puro speculation lang ang kumakalat sa internet."Grantt," tawag ko sa kanya nang may maalala. Dahil sa busy kami nitong mga nakaraang linggo dahil sa release ng album ni Venic
Kinuha ko ang aking dating laptop na nakatago sa pinakailalim ng drawer ko at sinubukang i-open. Napangiti ako dahil gumana pa naman ito. Bago ko ito inabandona ay tinanggalan ko muna ng password kaya naman mas mabilis ko lang siyang nabuksan. Agad akong pumunta sa Gmail at sinuri ang mga dati kong account. Namiss ko ang mga panahong wala akong ibang ginawa kundi ang tumunganga sa laptop na ito at magtipa ng mensahe para kay Greel.Dati kasi ay mas nag-e-enjoy akong mag-open ng social medias dito kumpara sa cellphone. Tsaka mas magpalitan ng mensahe sa Gmail kaysa sa social media accounts lalo pa at nauso rin ang hacking ng account ng mga celebrity noon. Napahinto ako sa pag-i-scroll nang may mamataan akong message galing sa kay Greel. Napakurap-kurap ako at kinapa ang aking dibdib dahil sa lakas at bilis ng tibok nito. Napalunok pa ako. Wala akong maalalang iniwan kong unread messages galing kay Greel. Lahat ay nabasa ko at halos paulit-ulit pa nga ba
"D-dead what? Stop lying to me, Grantt! I don't want to know anything but the truth!" malakas kong bulyaw habang sinasamsam ang sarili sa sahig. Halos mabingi ako sa lakas ng kalabog ng aking dibdib. Masakit ang at pinapahina ako. Hindi ko matanggap ang sinabi nito. Hindi patay si Greel. Mas gugustuhin ko pang makita ang kanyang kapatid ngayon at makausap kaysa sa sabihin na wala na talaga ito. No, Yongsann. Nagsisinungaling lang siya. Gusto ka lang niyang saktan."Nagsisinungaling ka lang, 'diba?! Don't do this to me, Grantt!" asik ko na puno ng pakiusap. Napaiwas siya ng tingin sa akin habang nag-iigting ang panga at nakakuyom pa."Just calm down first, Yong," walang emosyon niyang sabi. "Calm down? Fuck you, Grantt! Paano ako kakalma, ha?!""Hindi ko rin alam kung paano ka kakalma! Ni hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganyan ka, eh. Okay na okay pa tayo kanina tapos sasalubungin mo ako nang ganito?" "But you said Greel is dead, right?!""Yes and I am telling you the truth, Yon
"Ito ang bahay mo?" tanong ni Grantt nang makababa na kami. Dinala ko siya rito sa bahay ni Sabrina sa Antipolo. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Ngayon ko sa kanya ipapagtapat ang tungkol sa kay Graxylla. "Ah, kay Sabrina bahay ito," sagot ko habang kinakalma ang aking sarili."Oh, pwede na tayong bumalik sa bahay natin sa Tagaytay. Nakausap ko na si Mommy and she's fine with that. Gusto ka rin niyang makausap at mag-sorry sa'yo."Ngumiti naman ako at tumango. May natanggap din akong message kahapon mula sa kanyang ina. Hindi ko na lang muna ni-reply-an dahil gusto ko munang malaman nilang lahat ang tungkol sa anak namin."L-Let's get inside," saad ko na lang at hinawakan ang kanyang kamay."Nanlalamig ang kamay mo, ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Yong?"Nakagat ko naman ang pang-ilalim na labi ko para hindi niya mahalatang nangangatal din ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang kabang mararamdaman ko."I'm f-fine," simpleng sagot ko at binuksan na ang main door. Igin
Kinakabahan na pumasok ako sa venue ng event ni Grantt. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko sina Wendy, Judie at Venice. Si Grantt ay nasa backstage na, naghahanda para mag-perform. Naka-set up na rin nang maayos ang sikat na banda na kilala sa MoonSun na magiging ka-collab diumano niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang titig ng mga taong nandidito, mas lalo lang na dumadagungdong ang aking dibdib.Umakyat na si Grantt sa entablado at nagsimula na rin ang banda na tumugtog."First time I laid my eyes on someone like you..."Gamit ang aking paningin ay agad na hinanap ko ang may-ari ng boses na pumailanlang. Natagpuan ko ang main vocalist ng banda sa kaliwang bahagi ng stage na siyang kumakanta ngayon."Hey, Yongsann Lim!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Grantt, idagdag pa ang paraan ng pagkakatawag niya sakin. Parang asong siga sa kanto."Aish, this jerk!" naiusal ko rin, nakalimutan kong maraming tao pala sa kinaroroonan namin.Pumailanlang ang tawanan habang a
"OMG, Yongsann Lim! Finally, you're back!" malakas na sabi ni Judie. "Oh my goodness! So, totoo ngang nakabalik ka ng bruha ka! Welcome back to the Philippines, ang bansang mataas pa sa kalawakan ang requirements sa mga job hiring!" segunda ni Lou na ikinatawa ko pa. Hindi pa ang mga ito nakontento at niyakap pa ako nang mahigpit."Aray ko naman, dahan-dahan lang," reklamo ko pa dahil hindi na halos ako makahinga. Agad naman silang kumalas. "Ay, sorry! Masaya lang talaga kaming makita ka."Mas nakakaganda ba talaga ang mangibang bansa? Parang kailangan ko na ring idagdag sa bucket list ko," tudyo pa sa akin ni Lou. "Kugtong 'to! Huwag mo ng pangarapin na manirahan sa ibang bansa. Mahirap.""Really? Sabi mo, eh. So?""So, what?""Balik ka na ba sa career mo?""I don't know. Sa ngayon ay wala pa akong plano. May natanggap akong offer na work from home mula sa company na pinagtrabahuan ko sa Canada.""Ohh, iba talaga ang isang Yongsann. How about you, Grantt and Graxylla?"Hindi nam
"Uhm, dito ka na lang matulog. Doon ako sa kwarto ni Lovi," saad ko kay Grantt. Lumabas din kami kanina para kumain at bumili ng damit niya dahil ayaw niya na talagang pumunta ng hotel kung saan sila naka-check in.Bilang respito na rin sa kay Apple bilang manager niya ay ako na rin ang tumawag sa babae para ipagpaalam siya. Mabuti na lang at mabait din ang bago niyang manager at alam din pala nito ang tungkol sa amin. "Stay here," puno ng pakiusap niyang sabi at hinawakan ang aking kamay para hindi ako makalabas ng kwarto."Grantt...""Please? I missed you so much," parang bata niya pang sabi. Napabuntonghininga na lang din ako at sumusukong naupo sa kama."Fine," tipid kong sabi.Kaagad niya akong hinila pahiga sa kanyang tabi at walang salita na ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap niya rin ako at tila ba komportableng-komportable siya na katabi ako kahit halos dalawang taon din kaming hindi nagkaintindihan. Para bang walang nangyaring samaan ng loob sa isa't-isa. Marahil ay pa
Naghahanda kami ni Lovi para um-attend sa concert ni Grantt. Eksaktong 7:00 p. m ang start pero dapat mga 5:00 p. m ay nasa venue na kami. May dalawang oras pa naman kami bago tuluyang pumanhik ng venue."This is me praying that, this was the very first page. Not where the story line ends. My thoughts will echo your name, until I see you again," rinig kong kanta ng alaga ko mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Mas excited pa ito kaysa sa akin, eh. "Tama na 'yan, baka mamaya ay wala ka ng boses para maki-jamming!" sigaw ko para marinig ako nito. Ang lakas pa naman ng volume ng music player nito. "Ay naku, Ate Yongsann! Bilisan mo na diyan!""Ako pa talaga? I'm done, ikaw na lang hinihintay ko diyan. Huwag ka ng magpaganda pa. Hindi ka papansinin ni Kuya Kenth mamaya dahil may girlfriend na iyon!" Ang alam ko kasi ay mag-on na rin sa wakas si Sab at ang kanyang Grayson. Nasabi sa akin ni Kenth na plano niyang mag-propose kay Sab ngayong taon. Naghahanap lang siya ng tamang ti
~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a
"Mabuti naman at umuwi ka na," bungad na saad ni Sabrina. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Tumawag sa akin sina Tita Chan kanina at iyak nang iyak daw ang anak mo dahil hinahanap ka. Seriously, Yongsann?!" dagdag sermon nito sa akin. Kakarating ko pa nga lang ay sermon na kaagad ang inabot ko sa isang ito. Sarap sambunutan, eh. Alam naman niyang busy ang industriyang kinaroroonan ko. Sumaglit nga lang ako, eh. Kailangan kong makabalik bago mag 4:00 p.m. Ang alam ni Charry ay uuwi ako dahil masama ang aking pakiramdam. "Huwag mong gawing excuse ang busy ka dahil responsibilidad mong dalawin ang anak mo kahit pagod na pagod ka na. Ginusto mo ang lahat ng ito, eh. Kung hindi mo kaya ay mas mabuting ipakilala mo na lang si Graxylla sa ama niya…""Shut up, Sabrina," naiinis kong sabi at hinawi ito. Nakaharang kasi sa pinto na para bang security guard, eh. Ni hindi man lang ako pinapasok muna. Pagalitan daw ba ako sa pinto na para bang siya ang magulang ko.Tsk. "Graxylla, baby!"
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang