Artia's POV
Hindi ako nakatulog kaagad. Iniisip ko si Kingsley. Napatawag pa nga ako kay Rom, tinanong siya kung nakita niya ba siya sa bar pero hindi niya rin daw nakita doon si Kingsley. Iniisip ko tuloy na baka nga wala siya doon, na hindi naman talaga pumunta pero may nakakita sa amin ni Rom na kakilala niya at sinabihan siya.Pero bakit naman siya babalitaan tungkol sa akin? Nag-utos ba siya na mag-update sila sa kaniya tungkol sa mga ginagawa ko? Wala naman kasing nakakaalam sa sitwasyon namin. Wala pang maraming nakakaalam na ikakasal ang mga magulang namin, so that makes it obvious na wala pa ding nakakaalam na magiging magkapatid na kami. So no one would make an effort to report to him what I am doing since no one thinks were acquainted.
Nandoon ba talaga siya? O pinapasundan niya ako at doon siya kumakalap ng impormasyon? Bakit niya naman gagawin iyon? Ako lang naman itong aligagang makakuha ng impormasyon tungkol sa kanila kasi
Artia's POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Ang gaan ng pakiramdam ko at parang nasasabik sa kung anu man ang naghihintay sa akin ngayong araw na ito. Naghilamos na ako at wala pang balak na bumaba para mag-almusal. Alasais palang ng umaga, hindi ko alam kung may nakahanda na bang agahan. "Open sesame!" I said casting a spell, hoping this freakin door will eventually open itself. Ginulo ko ang sariling buhok. Paano ba kasi ito nabubuksan? Bakit napakadali para kay Kingsley tapos ako ay hindi ko malaman kung anong pinindot o hinila niya doon. Baka naman may fingerprint scanner doon tapos ay fingerprint lang ni Kingsley ang makakapagbukas dito. Tinawana ko ang sarili. Konti nalang ay maiistress na talaga ako dito sa pinto na ito. "Alohamora!" I tried to cast a spell again I heard from the book harry potter. Kinamot ko ang ulo at nagdesisyon ng itigil ang pagbitaw ng mga spell na naririnig ko sa
Artia's POV Kinabahan ako sa tono ni mama. Atsaka sa nakita niyang posisyon namin ni Kingsley lalo na't suot ko pa ang pantulog ko at si Kingsley naman ay walang suot na damit. Hawak pa naman niya ako sa bewang at magkalapit kaming dalawa. "Ma," mahina at bahagyang nanginginig ang boses ko. Malalaki ang hakbang niya papunta sa amin. Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata. Kabado akong tumingin kay Kingsley. Saktong nakita ko siyang lumunok ng laway at bakas din ang kaba sa mukha. "Nakarinig kami ng sigaw." Sambit niya. Agad kong napansin ang tao sa likod niya, papanik na rin sa hagdanan si Conrad. Napakurap-kurap ako at lumunok ng laway. Pinagmasdan ko kung paano yumuko si Kingsley, dumoble ang kaba at namutla ang labi. Lumayo siya at tumayo. Bakit siya tumayo? Hindi niya na ba ako tutulungan makatayo? Hindi na niya ako aalalayan? Kinabahan siya nang makita ang Dad niya kaya itong lumayo sa akin. Natata
Artia's POV Sinubukan kong tumayo nang makitang sasapit na ang hapon. Kumirot ang likod ko, lalo na sa bandang ibabaw ng pwet. Pero kahit ganoon ay itutuloy ko parin ang pagtayo at maglakad-lakad kahit paikot lang sa loob ng kwarto. Ayoko naman humiga maghapon. Masasanay lang ang katawan kong nakahiga kaya mas mabuting gumalaw-galaw ako para maalis na ang sakit. Natawa ako nang makita ang mga nakahandang kakaibang tsinelas sa gilid ng kama ko. They look weird but I still wanna wear them. Sayang naman ang effort ni manang at ang care niya kung 'di ko namana susuotin. She gave me one piece of her slippers. Ang sabi niya ay binili ni Kingsley sa kaniya ang tsinelas na ito, at meron pa daw maraming pares sa kwarto niya kaya huwag na daw akong mag-alala na baka wala siyang suotin. Ang alam nila ay nadulas ako. Kaya heto, binigyan ako ng tsinelas na hindi raw madulas kahit pa basa ang tile so kahit anong klase pa ng sahig ang iuong a
Third P POV "Akin na." Masungit na sambit ni Kingsley. Nakaabang na ang kamay para kuhanin ang bulak na hawak ni Artia. Mabagal na ibinigay sa kaniya ni Artia ang bulak. Ngumunguso ang mapulang labi nito. Kingsleu squatted in front of Artia so he could see closely her wound. At para narin maayos niya itong malagyan ng betadine. Tahimik ang dalawa. Pinapanood ng dalaga ang kaniyang ginagawa. "Okay lang sayong tumira sila sa Cebu?" Biglang banggit nito. He knows she's referring to their parents. Hindi na nawala sa isip niya ang pagtatanong kanina ng dalaga sa kaniyang ama kung maaari ba silang sumamang dalawa sa kanila sa pagtira sa Cebu. "Oo." Tipid niyang sagot. Ayos lang naman sa kaniya dahil hindi na bago sa kanuya ang mahiwalay sa ama. He's been leaving separately. Ngayon lang siya nagstay ng matagal sa bahay na ito kasama ang ama. He was also staying in his condo before and he also have his own house. Umuu
Artia's POV "We'll leave by monday. I need to pack my things now." Ani mama. Nakasandal ako sa hamba ng pinto sa kwarto nila. Ayokong pumasok sa loob. Ni ayoko ngang makita ang loob ng kwarto nila. But I have no choice, nandito si mama kaya nandito din ako. They'll leave on monday, I should make use of the time while she's still here. "You can work anytime you want. Hindi naman porket nasa Cebu na ako ay kailangan mo ng pumasok sa opisina. Tignan mo muna kung nasa kondisyon na ba ang katawan mo at isip sa mga trabaho. You might make a mistake again." Matutuwa na sana ako dahil sa concern niya, pero concern lang pala siya na baka pumalpak nanaman ako. "Anong oras ang misa bukas, Ma?" Pagbabago ko ng topic. Ayokong tuluyan masira ang mood ko. "The mass starts at 7. We'll leave at 6:30. Maaga kang gumising. Ayokong malate tayo sa misa." Napatayo ako ng maayos nang makitang naglalakad papun
Artia's POV "You're hot." He said serious. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Literal na mainit ako. Pero gusto ko siyang biruin. "I know." I said confidently and smirked. Nagagawa ko pang ngumisi kahit masama na ang pakiramdam. He glared at me. Natahimik ako hindi dahil pinandilatan niya ako ng mata kundi dahil idinampi niya ang palad sa leeg ko. Inulit niya pa iyon sa kabila. Bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok ng laway. Dahil lang siguro ito sa lagnat ko. Kaya ako nagrereact ng ganito sa paghawak niya. "Have you told your mom about this?" Sobrang seryoso niyang tanong. Hindi na ako magbibiro, nahawaan na ako sa kaseryosohan niya atsaka lumalala ang sama ng pakiramdam ko. Bumibigat ang ulo ko at katawan. "No." "Si manang?" "Hindi rin. Hayaan mo na. Itutulog ko lang ito." Tumalikod ako sa kaniya at naglakad na papunta sa aking kama. "Yo
Third P POV "You sure you can attend the mass, iha?" Conrad worriedly asked to Artia. They're now heading out of the house to attend the mass. Artias eyes were looking for Kingsley. Mula nang umalis ito sa kwarto niya kagabi matapos niyang halikan ito ay hindi pa niya nakikita hanggang ngayon. Kanina ay binalak nuyang magpatulong sa binata na suotin ang dress niya pero naudlot ang plano dahil dinalaw siya ni manang sa kaniyang kwarto at ito ang tumulong sa kaniyang magsuot noon. Sayang ang pagkakataon na iyon. Pagkakataon na ni Artia iyon upang maakit ang binata. Kunwari sana ay magpapatulong siyang ibuhol ang ribbon na disensyo sa likod ng dress niya at kung papayag nga si Kingsley ay magkukunwaring aksidenteng mahuhubad ang damit niya at siya na ang bahalang kikilos upang magkaroon sila ng mainit na interaksyon. When there are clothes undone, clothes unworn, the heat will visit your body and a fire will start to flame the
Artia's POV "What made you think I'm mad?" He answered serious. "Hindi kana bumalik sa kwarto ko pagkatapos kitang..." halikan. Hindi ko tinuloy ang sinabi. "You know you shouldn't do that." Lumamig ang tono niya at naging suplado ang mukha. "Galit ka nga?" Pabebe kong tanong. "Stop talking. May sakit kapa diba?" May halong sarkastiko ang tono niya. Hindi ko alam kung nag-aala ba o iritado at gusto nalang akong manahimik. "Galit ka nga. Sorry na." Suyo ko sa kabiya. Gusto siyang hawakan sa braso at kung pwede ay yumakap sa kaniya pero baka sipain niya ako palabas ng sasakuan at iwan kung saan. Hindi pa ganoon kalalim ang relasyon namin kaya hindi ko pa gagawin. Hindi siya umimik. Nasa kalsada lang ang tingin. "Huwag ka na magalit. Mabisang gamot ang kispirin galing sayo. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi. Ngayong umaga nalang uli ako nilamig." Sinubukan kong magbiro. Mas lalong