Tumingin si Azure kay Matthew na may nalilitong ekspresyon. Nagmamadali niyang sinabi, “Mr. Rockefeller, hindi ko naman siya sinumpaang kapatid…”Pagkatapos ay sinigawan niya si Matthew, “Hoy Mikail! Kapal ng mukha mong gumawa ng kuwento? Sinong nagsabing kapatiran tayo?”Nagulat na sinabi ni Phoebe, “Naku, kasinungalingan lang pala ang lahat! Kayo pala talaga yung nagpapanggap dito huh. Mga pakitang-tao.”Hindi maiwasan ni Alex na mapatingin sa katulong niya. Naisip niya, ‘Kani-kanina lang pinagsabihan siya. Mukhang napakalalim ng hinanakit niya!’“Tayo!” Bahagyang nagtaas ng kamay si Alex.Pagkatayo ni Azure at ng kanyang mga tauhan, magalang silang tumayo. Hindi man lang sila nangahas na magpakita ng pahiwatig ng pagsuway.Lahat ng naroroon ay hindi maiwasang magtaka tungkol sa kaugnayan ni Alex kay Azure mula sa Thousand Miles.Samantala, tinanong ni Alex si Azure, “Sinabi niyang isa rin siyang senior executive sa Thousand Miles Conglomerate, pero bakit hindi ko pa siya nakita dati
Napaupo si Bethany sa sahig, iniisip ang eksena ng pagtatrabaho bilang masahista sa Global Traders Hotel. Kinilabutan ang buong katawan niya.Dahil ang hotel ay pag-aari ng kanyang pamilya, marami siyang alam na mga kuwento sa loob. Sa katunayan, may espesyal na serbisyo talaga ang mga masahistang babae. At meron pang iba bukod pa riyan.Siya ang asawa ng may-ari. Kung ganoon ang trabaho niya, hindi ba siya magiging katatawanan?’Sinong nakakaalam kung paano matutuwa sa kamalasan niya ngayon yung mga taong pinahiya at binugbog niya noon!Baka nga kunin pa mismo ng mga lalaking may hinanakit sa kanya yung serbisyo niya.Kung gayon, mas gugustuhin niyang mamatay!Gayunpaman, bigla niyang naalala. ‘Hindi yan tama! Asawa ako ng may-ari. Maging masahista man ako o hindi, nasa aking pa rin ang huling sabi. May sakit siguro sa ulo yung mokong na ito…’Gayunpaman, hindi niya ito sasabihin.Pagkatapos, may ibang tumulong sa kanya na sabihin ito sa halip: si Phoebe Larsen iyon.Tinuro niya ang G
‘Puwede ba iyon?’Sa pagtingin sa tatlumpu’t walong palapag na Global Traders Hotel, lahat ng nasa eksena ay nagpakita ng hindi maipaliwanag na takot na ekspresyon. Masyadong brutal ang gayong matalinong paraan ng pandarambong ngunit puno ito ng brutal na kagandahan! Tumitig kay Azure nang may kakaibang kinang ang isa sa mga babaeng dinala ni Jack.Natigilan si Matthew kaya dali-dali siyang lumuhod kay Azure. “Bro Azure, Global Traders Hotel ang buhay ko! Pakiusap, huwag mong gawin sa akin ito! Luluhod ako sa harap mo, hindi pa ba sapat iyon? Kung wala ang Global Traders Hotel, mas gugustuhin kong patayin mo na lang ako!”Tumango si Azure. “Maganda iyang suhestyon mo. Magsasayang lang ng pagkain ang mga basurang tulad mo kung hahayaan kitang mabuhay. Kung patay ka na, saka lang malilinis ang hangin sa mundo!”“Mga tauhan, lapit!”“Dalhin ninyo siya sa dog fight arena ni Hector, pakainin siya sa mga aso pagkatapos siyang katayin.”“Ah! Ah—”Nang marinig iyon, nanginginig ang buong kataw
“Lolo, ano pong meron? Bakit kayo galit na galit?” Tanong ni Cheryl habang nakahawak sa mga braso ni James. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, palaging magiliw ang kanyang lolo. Hindi pa ito nakikipagtalo kahit kanino. Ito ang unang pagkakataong nakita niya itong namumula ang mukha at nakikipagtalo sa isang tulad nito, parang gusto pa ngang magsimula ng away.Medyo nabigla agad si Cheryl dito habang inaalalang muntikan nang matigok dati si James.Hindi siya dapat magalit sa ganoong edad, baka may mangyaring masama sa kanya.Nagsimulang pagpawisan ang noo ni James dahil sa galit. Magsasalita pa sana siya pagkatapos niyang makita ang apo, bigla niyang napansin na nasa tabi niya rin si Alex. Agad na lumuwag ang kanyang ekspresyon, sinabi niya na may labis na magiliw na ngiti, “Alex, nandito ka rin pala! Ayos talaga ito, isang karangalan!”Nang marinig ito, nagulat si Phoebe, hindi siya makapaniwala dito.Kanina lang, sinabi sa kanya ni Cheryl na mataas ang pagpapahalaga ng kanyang lolo
Galit na galit ang matandang babae. Tinuro niya si Darven at sinabing, “May mas iwawalanghiya ka pa ba, tanda? Hindi ka ba marunong rumespeto sa mga master mo? Kahit isang araw lang mo pa siyang magiging guro, dapat mo pa rin siyang ituring na parang ama mo sa buong buhay. Tinuruan at tinulungan ka ng iyong master na makatapos ng iyong pag-aaral, pero kinalimutan mo siya. Hindi ka man lang bumalik para dumalo sa libing ng master mo pagkamatay niya. Ikaw na walang utang na loob na bastos, gusto mo pang kunin ang marka ng iyong master. Saan nanggagaling yung kumpiyansa mo? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para gawin ito?”Tumango lang si Darven sa matandang babae, sa kabila ng pagtatanong nito. “Wala ka na doon, okay? Manang, huwag ka nang makisawsaw dito. Mag-ingat ka, baka bigla ka pang mamatay!”“Anong sinabi mo?” Sa sobrang galit ng matandang babae ay malapit na siyang sumabog doon.Isa siyang sikat na tradisyonal na doktor. Isa siyang taong karaniwang may birtud at prestihiyo. Kailan
Agad na kumonekta ang tawag.Agad na binuksan ni Alex ang speaker at tinanong, “Azure, anong sitwasyon ngayon? Nandiyan pa rin ba si Matthew Mikhail?”Narinig ang boses ni Azure. “Halos tapos na kaming mag-asikaso, Mr. Rockefeller. Dumaan na kami sa mga pormalidad, kaya wala nang kinalaman sa hotel ngayon ang lokong iyon. Sinabihan ko na siyang bantayan ang parking lot, binabantayan din siya ng dalawa kong tauhan mula sa Thousand Miles. Sisiguraduhin naming maiintindihan niya yung trabaho sa lalong madaling panahon.”“Naku, napakahusay mo!”“Mr. Rockefeller, sa’yo na ang Global Traders Hotel mula ngayon.” Nakangiting sabi ni Azure sa kabilang linya.Hindi rin niya akalain na ang babaeng nakasabay sa paglalakad ni Alex ay ang first daughter ng mahistrado sa Michigan.Noong una, medyo mahirap bumili ng ganoon kalaking Global Traders Hotel gamit lang ang sigarilyo na dumedepende sa unilateral strength ng Thousand Miles Conglomerate. Gayunpaman, sa pamamagitan ng malaking tulong mula kay P
Nagalit si James at napasigaw, “Darven Mikail, ang kapal ng mukha mo. Ikaw pala talaga ang nagnakaw ng Heaven Defying Dragon Bone Needles noon. Loko ka, bakit mo pinagtaksilan ang akademya natin? Paano mo nagawang ipinagkanulo si Master?”Kaswal na ngumiti si Darven. “Tsk, nagnakaw? Huwag mong gamitin ang pangit na salitang iyan, hiniram ko lang ito kay Master. Nangako siya na ipapahiram niya ito sa akin sa loob ng isang daang taon.”Sumigaw si James, “Kag*guhan! Noon, wala kay Master ang Heaven Defying Dragon Bone Needles na kinailangan niyang gamitin para sa asawa niyang may malubhang karamdaman, dahil lang sa ninakaw mo ang mga ito. Namatay siya at dinanas ni Master ang panghihinayang at poot sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Hayup ka! Nararapat sa’yong mamatay!”Sa oras na ito, masasabi na ng lahat kung anong klaseng tao si Darven.Bawat isa sa kanila ay nagsenyas at nagtsitsismisan tungkol sa kanya na may mapanlilibak na mga titig.Sa kabilang banda, puno ng tuwa ang mga mata
“Hah? Ano ang mga ito?”“Hindi naman siguro basta-bastang babasagin iyan, ano? Dalawang dolyares na ang pinakamahal na presyo niyan sa mga bangketa! Kahit ilan pa nga bilhin mo! Heaven Defying Dragon Bone Needles o anupamang tawag diyan, nangangamba akong kalokohan lang ang lahat ng iyan!”Agad namang may natawa sa eksena matapos makita ang tatlumpu’t anim na karayom sa loob ng kahon. Isa siyang binata.Siya ang apo ni Jack Hauffer–-si Georgie Hauffer.Marami rin ang may parehong saloobin dahil hindi naman lahat ay nakakita na ng mga kakaibang kayamanan sa kani-kanilang mga buhay.Kahit na ang matandang babae na isang tradisyunal na doktor ay narinig lamang ang mga alingawngaw, hindi niya pa nakikita ang tunay na hitsura ng mga karayom.“Hmph, bata ka lang! Anong alam mo?” Binatuhan ni Darven si Georgie ng mapanlait na tingin. “Ipapakita ko sa inyong mga normies kung gaano kalakas ang mga bone needle na ito!”Kinuha niya ang isa sa mga bone needle at marahang tinusok ang mesang gawa
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l