Home / Urban / Sukdulan ng Buhay / Kabanata 651

Share

Kabanata 651

Author: Evergreen Qin
Dahan-dahang itinaas ni Alex ang kanyang braso.

Dahil dito, umayos ng tayo si Lord Lex matapos siyang paunatin ng hindi kilalang puwersa.

“Sino si Janice? Huwag mong sabihin anak mo ang lalaking ito, ano?” Tila naguguluhan si Alex habang sinasabi niya, “Kung ganoon nga, hindi naman makakasakit na pagbigyan ang kanyang buhay.”

Agad namang umiling si Lord Lex. “Hindi, hindi. Kasambahay ko lang si Janice.”

Dahil doon, napansin ni Lord Lex na kumikinang ang titig ni Alex, na tila ba nauusisa sa puno’t dulo ng bagay na ito. Mapait siyang ngumiti. “Sige, magiging tapat ako sa’yo, Mr. Rockefeller. Nagkaroon kami ng nakaraan ni Janice, ngunit p*kpok ang babaeng iyon, meron siyang ibang mga lalaki at…”

Tinigil ni Lord Lex ang kanyang mga salita, hindi tinatapis ang kanyang pangungusap.

Ngumiti si Alex at hindi na nagtanong pa. Sa halip, itinuro niya ang mga tao sa sahig. “Miyembro rin ba sila ng Thousand Miles Conglomerate?”

Sumagot si Lord Lex, “Hindi, kaming Thousand Miles Conglomerate ay hin
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 652

    “Paano kung sabihin ko sa’yong alagad ko siya? Maniniwala ka ba sa akin?”“Uy, nagbibiro ka, hindi ba?”“Sige, sasabihin ko sa’yo. Nagkataon lang. Kung inaakala mong malakas siya, wala talaga siyang silbi. Karaniwan lang siyang mandirigma, baka nga hindi ka pa niya matalo. Minsan kong nailigtas ang buhay niya,” paliwanag ni Alex.“Hindi bale, tandaan mo lang na kakampi at hindi natin kaaway ang Thousand Miles Conglomerate. Ibibigay ko sa’yo ang kanyang numero. Kung meron kang anumang mga kinakailangan at hindi mo ako makontak, pwedeng siya na lang muna ang tawagan mo.”Binigay ni Alex ang numero ni Lord Lex at isang blood energy pill bago siya umalis.Dahil kailangan niyang pumunta sa Michigan bukas, kailangan niyang talakayin ang ilang bagay tungkol sa SCBA Battles kasama si Lex nang pribado. Gayunpaman, napakaraming tao doon kanina, kaya hindi ito ang angkop na oras para gawin iyon.Sa kabilang banda, gulat na gulat pa rin si Sharpay.Simula kaninang hapon, para siyang lumulutang sa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 653

    “Alex Rockefeller? Sinong Alex Rockefeller?” Natigilan si Adrianna, pakiramdam niya ay pamilyar ang pangalang ito.Ito ay higit sa lahat dahil hindi niya karaniwang tinatawag si Alex sa pangalan nito, tinatawag lang niya itong talunan o basura.Tanong ni Taylor, “Hindi naman siguro iyan ang dating asawa ni Dorothy, tama ba?”Saka lang naalala ni Adrianna na ang basurang asawang hiniwalayan lang ni Dorothy ay tinatawag ngang Alex Rockefeller. Dismayado siyang humingal. “Bakit ang basurang iyon? Kung siya talaga, kakainin ko ang sapatos ko... Sharpay, huwag mo na kaming pahulain. Bilisan at ipaliwanag mo nang maayos.”Sinabi ni Sharpay, “Kainin mo muna iyang sapatos mo!”Bahagyang nainis si Adrianna sa sinabi niya, “Sabi ko, kung... Ah, teka. Bale, sinasabi mong ang CEO ninyo nga ay talagang ang basurang si Rockefeller? Siya ang may-ari ng City Salon? Pero, paano?”Malamig na napaungol si Sharpay. “Buweno, iyon ang katotohanan. Higit pa dito, masisiguro kong kukuwestiyunin ninyo ang mga

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 654

    Pagkatapos nito, nakarating ang dalawa sa Golden Age of Youth Hotel.Nagpareserba ng kwarto si Alex kanina bago sila dumating.Ang hotel na ito ay pag-aari ng Thousand Miles Conglomerate, ito ang pinaka-marangya at natatanging hotel sa California.Pagkapasok sa kwarto nila, binuhat ni Alex si Dorothy papunta sa banyo.Ano pa bang masasabi sa puntong ito?Sinimulan na nila, at hindi na kinailangan pang malaman ng iba ang proseso.Hinaplos ni Dorothy ang kanyang mga daliri sa dibdib ni Alex at tinanong, “Hubby, martial artists ba ang lahat na nag-eespiya sa’yo? Hindi ba iyon nangangahulugang nasa malubha kang panganib? Kaya mo ba silang harapin nang mag-isa?”Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, medyo malakas din naman ako.”May bigla siyang naisip. Sabi niya, “Ganito kaya? Tutulungan kitang maging martial artist! Sa ganitong paraan, mapoprotektahan mo ang iyong sarili kahit na wala ako.”Iginalaw ni Dorothy ang kanyang mga pilikmata, nagtataka. “Kaya mo rin iyon?”Sagot ni Alex, “Siyem

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 655

    ‘Lord Bale ng Hydra Group?’Nagkatinginan sina Alex at Waltz, parehong nagulat. Ang presidente ng SCBA ay si Lord Bale ng Hydra Group, at siya rin ang pinakamalaking karibal ng Thousand Miles para sa proyekto ng Sky Tower.Ikinasorpresa nilang gusto ni Lord Bale na imbitahan si Brittany.‘Bakit?’Nakarinig ang babae ng boses sa likod niya. “Bakit ikaw ang ipinadala ni Lord Bale kung gusto niyang imbitahan siya? Ang sama din ng ugali mo, parang wala kang magandang-asal. Umalis ka na nga at si Lord Bale mismo ang papuntahin mo dito.”Mabilis na lumingon ang babae at nakita niyang binata ang nagsalita.Labis siyang nagalit nang marinig ang mga sinabi nito.Syempre, ang nagsabi ng mga salitang iyon ay si Alex.Dahil ang babaeng ito ay napakawalang-galang sa kanyang ina, alam niyang hindi niya kailangang maging magalang din sa babaeng ito.Napansin tuloy ng babae sina Waltz at Michelle na nakatayo sa tabi niya, hindi niya maiwasang mabigla sa sandaling iyon. Akala niya ay natatangi na ang

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 656

    Pagkatapos niyang magsalita, sumakay sa kanyang Ferrari at nagmaneho na si Queenie.Pinakitid ni Brittany ang kanyang napakarilag na mga mata at sinabing, “Kung hindi ako nagkakamali, itong Lord Bale ng Hydra Group ay interesado sa ating Lush Cosmetics.”Napabuntong-hininga si Alex. “Mangarap siya.”Sabi ni Brittany, “Medyo makapangyarihan ang Hydra Group sa Michigan, pero makapangyarihan lang sila sa underworld, hindi sila masyadong kilala sa mundo ng negosyo. Maaaring siya ang presidente ng SCBA, pero minamaliit siya ng maraming malalaking pamilya, hindi man lang nila magawang magpanggap na magalang... Oh, oo nga pala, ang ating Lush Cosmetics ay sumikat nang husto dahil sa mga patalastas ni Zendaya. Pero marami pa rin ang nag-iisip na pipitsugin lang tayo, iniisip nilang madadaig nila tayo hangga’t gusto nila. Maaaring makakalaban natin ang Hydra Group sa pagkakataong ito, ngunit maaaring kailanganin nating harapin ang napakalaking pamilya sa susunod. Depende na lang kung gaano kala

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 657

    Habang papasok si Alex at ang dalawa pa, naramdaman ni Queenie na parang wala sila dito para sa handaan pero mukhang nandito sila para sa isang outing.Iyon ay dahil bawat isa sa kanila ay may hawak na sundae cone. Kumakain sila ng sorbetes habang nakatingin sa paligid na para bang grupo ng mga promdi na nakapasok sa malaking siyudad sa unang pagkakataon.At saka, napansin niyang naghaharutan sina Alex at Maya.“Kuya, gusto ko iyan, mas masarap yung sa’yo.”“Hindi ba sila pareho?”“Paano sila magiging pareho? Melon yung iyo at matcha naman yung akin. Palit tayo…”Bago sila makapagpalit ng sorbetes, inilabas ni Maya ang kanyang dila at dinilaan yung kay Alex.Nang makitang parang mga bata ang dalawa, hindi napigilan ni Brittany na makaramdam ng labis na kagalakan.Ipinaalam sa kanya ni Waltz na nakipagdiborsiyo ang kanyang anak kay Dorothy kamakailan. Tuwang-tuwa si Brittany kaya naisip niyang ayusin ang susunod na kasal para sa kanyang anak. Gayunpaman, ang lahat ng mga kababaihan sa p

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 658

    “Oo! Panoorin mo ako mamaya, sinisigurado kong bubugbugin ko sila!”May isa pang lalaki na tila mas naging mapagmatyag at sinabing, “Lord Bale, narinig kong binanggit ng inaanak mo ang Lush Cosmetics, tama ba? Hindi ba iyan produktong pampaganda na inendorso ng sikat na artista na si Zendaya kamakailan? Diyos ko, pinag-uusapan na rin naman, nakakagalit lang. Patuloy akong kinukulit ng asawa ko na bilhan siya ng kanilang mga produkto. Loko-loko sila, alam mo ba kung gaano kamahal ng mga produkto nila? Ang isang bote ng mask cream ay ibinebenta sa halagang 380,000 dolyares! P*ta!”“Ano? Ang isang bote ng mask cream ay nagkakahalaga ng 380,000 dolyar, ngunit binibili pa rin ito ng mga tao? Alibughang talaga ang asawa mo!”“Diba? At heto pa, hindi man lang niya iyon mabili. Kinailangan pa niyang pumila para sa mga pre-order. Nabalitaan kong umabot na sa mahigit dalawampung libo ang mga nakapila ngayon! Totoo nga, napakarami talagang tanga sa mundong ito.”Nagulat ang iilang tao sa mesa.Ga

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 659

    Hindi bababa sa limampung miyembro ng Hydra Group ang tumayo, lumilingon para sumilip sa pinakamalaking mesa.Biglang tumahimik ang kapaligiran, sobrang nakakakilabot, parang nakakahimatay pa nga.Lalo na yung ilang mga hindi gaanong mahalagang karakter na walang ideya kung anong nangyayari. Gayunpaman, ang nakatayong lalaki na umuungal ay ang mismong lalaki na ipinakilala ni Lord Bale kanina. Isa siyang martial artist mula sa California North, ang pangalan niya ay Lucas Olsen.Dalubhasa siya sa sining ng pagiging defensive, ang Steel Cloth, na naging dahilan para hindi mapinsala ang kanyang katawan. Isa siya sa mga sikat na lalaban sa SCBA Battles bukas.Ngayong sumigaw ang nakatayong si Lucas, halatang may malaking nangyari.Sa sandaling ito, si Queenie, na nakita si Alex na patuloy na nag-uudyok sa gulo, ay hindi napigilang mapangiti nang palihim. Naramdaman pa niyang may magandang palabas ang magaganap maya-maya.‘Mas masaklap pa sa kamatayan ang pagdurusang mararanasan ng tatlong

Pinakabagong kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status