Ngunit bilang isang normal na babae, hinding-hindi niya magagawang sampalin si Waltz, na mandirigmang may ranggong Mystic. Hinawakan siya ni Waltz sa pulso at hinampas ang kabilang kamay nito kay Claire.Pak!Malakas at malutong ang sampal.Gayunpaman, hindi si Claire ang nasampal, sumingit si Alex sa pagitan nila sa bilis ng kidlat.Natigilan si Waltz at tinadyak ang kanyang mga paa. “Alex, anong ginagawa mo?”Sabi ni Alex, “Bumalik ka na sa kwarto mo. Michelle, ikaw din!”Ayaw makinig ng dalawang babae, ngunit wala silang nagawa kundi ang tumango at bumalik sa kani-kanilang mga kwarto pagkatapos silang galit na tinitigan ni Alex.Bago umakyat si Waltz, sinadya niyang sabihin, “Sa kwarto mo o sa kwarto ko ba ako babalik? Hmm, ‘yong sa’yo na lang. Naiwan ko ang pantalon ko sa kama mo kagabi.”Naramdaman ni Alex na sasabog na ang kanyang isipan.Si Waltz, gayunpaman, ay nagmamadaling umakyat sa kanyang kwarto bago pa magkaroon ng reaksyon si Alex.“Rockefeller, naging mabait ang ate ko
Bam!Marahas na itinapon sa lupa si Claire at dumugo ang ilong niya nang unang tumama ang kanyang mukha. Agad siyang nagising dahil sa pagkabagsak.“Nabangga ang sasakyan! Nabangga! Sinong mga bastos ang bumangga sa kotse natin...?”Bago pa maintindihan ni Claire ang sitwasyon niya, sumigaw na siya dahil akala niya ay kakabangga lang ng sasakyan.Bigla siyang sinampal sa mukha at malamig na sinabi ng boses ng babae, “Manahimik ka, o papatayin kita!”Parang medyo kakaiba ang boses ng babaeng ito, parang hindi siya Amerikana.Namamaga ang mukha ni Claire dahil sa sampal, na nagpabalik sa kanyang katinuan. Napagtanto niyang siya ay nasa hindi pamilyar na kwarto at ang kanyang mga anak ay nakahiga sa lupa na walang malay.Sa tabi niya ay may tatlo pang taong nakamaskara, kaya hindi niya makita kung sino sila.Gayunpaman, ang mga tingin sa kanilang mga mata ay sapat na para magdulot ng takot sa kanyang puso.“Sino… sino kayo? Anong ginagawa ninyo? Gusto ba ninyo ng pera? Ibibigay ko sa inyo
Sa sandaling ito, isa pang lalaking nakamaskara ang tumawa at nagsimulang magsalita. “Envoy, mukhang maganda ang babaeng ito. Bakit hindi mo siya ialok sa akin bilang gantimpala? Makikipaglaro ako sa kanya ng dalawang araw. Hindi pa huli ang lahat para patayin siya,” aniya.“Gawin mo lahat ng gusto mo sa kanya!”Nang marinig ito ni Claire Assex, nanginig ang kanyang katawan.Sa kanyang puso, paulit-ulit niyang minumura ang buong pamilya ni Alex Rockefeller.Pakiramdam ni Claire ay sobrang minalas siya dahil sa pagkakaroon ng manugang na tulad ni Alex.Ngayon, nawalan ng katiyakan ang kanilang kinabukasan dahil kay Alex, at baka mauwi pa si Claire sa seksuwal na pananamantala ng ibang lalaki. Mas masahol pa ito kaysa sa kamatayan!Hindi tatantanan ni Claire si Alex kahit na maging multo siya!Hindi nagtagal, nagising sina Dorothy Assex at Beatrice Assex sa pamamagitan ng pagbuhos sa kanila ng malamig na tubig.Nang makita nilang dalawa ang mukha ni Claire na puno ng mga duguang sugat, p
Pak!Sinampal ng babaeng nakamaskara ang lalaki.Sabay natanggal ang maskara niyang tela.Kung narito si Alex Rockefeller, makikilala niya ang lalaking ito na walang iba kundi ang anak ni Frank Accardo, si Heath Accardo!“Manyak, puro basura laman ng ulo mo!”Ang babaeng nakamaskara ay isang sugo mula sa Gokudo Soshiki. Ang tunay niyang pangalan ay Maiko Chiba.Mula sa labas, mukhang kontrolado ni Frank ang Valtameri Co. ng California, pero sa katunayan, si Frank ay nagsisilbi rin para sa Gokudo Soshiki. Nang itinatag ng Gokudo Soshiki ang Valtameri Co. ng California, itinalaga din nito ang maraming sarili nitong mga tauhan sa loob ng organisasyon... Nang malupit na pinaslang ni Alex si Ono Yohei mula sa Japan, niligpit ang pinakamahuhusay na mga mandirigma sa organisasyon at kinontrol si Frank na pagsilbihan siya sa pamamagitan ng parasitic disease, nagbago ang namumuno sa Valtameri Co. ng California, at karamihan sa mga pasilidad sa pagmamanupaktura nito ay kinuha ng Thousand Miles C
Natatakot na si Heath Accardo kay Alex Rockefeller mula nang una silang magkita.Nasaksihan din ni Heath ang madugong eksena sa Valtameri Tower, naramdaman niyang hindi tao si Alex, kundi isang demonyo!Klang!Direktang naghagis ng kutsilyo si Maiko Chiba kay Alex. “Isaksak mo ang kutsilyong ito sa iyong tiyan, at pakakawalan ko sila.”Ano?Hindi lang si Dorothy Assex ang nagulat, kundi sina Claire Assex at Beatrice Assex ay parehong nabigla nang marinig nila ito.Hindi bababa sa tatlumpung sentimetro ang haba ng kutsilyo.Mabubuhay pa kaya si Alex matapos itong saksakin sa kanyang tiyan?“Baliw ka ba? Gusto mo bang magpakamatay siya?” Malakas na sigaw ni Dorothy.Kinuha ni Maiko ang isa pang kutsilyo at itinapat ito sa leeg ni Dorothy na may mapaglarong tingin sa kanyang mga mata. “Sasaksakin mo ba ang sarili mo o hindi? Huwag kang mag-alala, hindi kita hahayaang mamatay. Ang layunin ko ay ang Banal na Aklat.”Hindi alam ng pamilyang Assex kung ano ang Banal na Aklat, at nalito sila n
Patuloy na tumutulo ang dugong kulay pula.Hindi nagtagal, naipon at bumaha ang mga ito sa lupa.Naramdaman ng tatlong babae mula sa pamilyang Assex ang bahagyang panginginig ng kanilang mga binti, at hindi sila makatayo nang tuwid. Lahat sila ay mga ordinaryong babae, kahit nga pagmasdan lang ang malalang aksidente sa sasakyan ay sapat na para mahilo ang kanilang mga ulo, ano pa kaya kapag nakakita sila ng trahedyang kasing lala ng taong sinasaksak ang sarili sa tiyan.Halos mawalan ng malay si Dorothy Assex ng ilang beses. “Bakit ang tanga mo? Bakit ang tanga mo? Kung mamamatay ka, paano ako mabubuhay?” Sigaw niya.Natigilan din si Heath Accardo sa ginawang pananaksak ni Alex Rockefeller sa sarili.Ganito siya kalupit kahit sa sarili niya. Masyado itong kakila-kilabot.Kailangang mamatay ang mga taong tulad ni Alex!Mahinang tumawa si Maiko Chiba. “Hindi ako makapaniwalang malalim talaga ang nararamdaman mo para sa kanya. Sumunod ka talaga sa bilin ko. Sige. Ako, si Maiko Chiba, ay l
Namula rin ang mga mata ni Beatrice Assex. “Gina… ginawa niya iyon para makatakas tayo. Kung babalik tayo ulit, mawa… mawawalan ng kabuluhan ang kanyang pagkamatay. Ate, para kay Alex, dapat na tayong umalis,” sabi niya.Nag-usap ang grupo habang lumalayo sila palabas ng eskinita.Sa sandaling ito, huminto ang isang Lamborghini sa bukana ng eskinita.Masyadong maliit ang eskinita para makapasok ang sasakyan.Dalawang babae ang lumabas sa kotse, at sila ay walang iba kundi sina Waltz Fleur at Michelle Yowell.Nakita nila ang mga babae mula sa pamilyang Assex, at narinig din nila silang nagsasalita.Biglang nakaramdam si Waltz ng kaba sa kanyang puso.Tumakbo siya at hinawakan si Beatrice. “Anong sinabi mo? Anong nangyari sa senior ko?”Masyadong natatakot si Beatrice para magsalita.“Nasaktan siya. Sinaksak niya ang sarili sa tiyan. Dali, dali... tumawag kayo ng pulis. Maghanap kayo ng makakatulong ngayon,” nagmamadaling sabi ni Dorothy Assex.Biglang sumiklab sa galit ang mga mata ni W
“Paano…paano ito naging posible?” Hindi makapaniwala si Maiko Chiba na sa halip ay siya ang papatayin ni Alex Rockefeller.Lamang na siya pagdating sa oras, lokasyon, at bilang ng mga tauhan. Malapit nang mamatay si Alex. Bakit napakalakas pa rin niya?Hindi simpleng tao si Maiko.Isa rin siyang martial artist na may mataas na antas ng kultibasyon!Kahit na ang mandirigmang may ranggong Advanced-Mystic ay walang maitutumbas sa kanya.Dahan-dahang pinihit ni Alex ang kutsilyong nasa kanyang kamay, dahilan para mapasigaw si Maiko sa sakit.“Alam mo ba? Ang pinakaayaw ko ay kapag pinagbabantaan ako ng mga tao gamit ang pamilya ko. Kinidnap mo pa talaga silang tatlo at nilaslas mo ang mukha ng biyenan ko!” Mahinang nagsalita si Alex sa tenga ni Maiko. “Alam mo bang palyado na ang biyenan ko sa bawat aspeto? Sa mukha na nga lang siya bumabawi eh. Kapag nawala iyon sa kanya, paano ko pa siya magagawang tiisin sa hinaharap?”Sa sobrang sakit ni Maiko ay nanginig ang kanyang katawan.Gusto niy
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l