Nanlamig ang mukha ni Alex Rockefeller. “Imposible. Kung gusto mong dilaan ang mga inidoro, ikaw na lang. Hindi kita pipigilan,” sabi niya.Nang maisip ni Claire Assex ang pagdila sa mga inidoro, nakaramdam din siya ng pag-aatubili.Sa sandaling iyon, nakatawag na ang store manager. “Darating agad dito si Ms. Fernandez. Kasama niya ang mahigit sampung security guard. Kung may utak ka, gagawin mo na kaagad ang sinabi ni Ms. Tyler. Lumuhod ka, yumuko sa kanya at dilaan ang mga inidoro. Kapag huli na, hindi ka na sisikatan ng araw bukas,” sabi niya.Sa sobrang takot ni Claire ay nanginginig ang kanyang mga labi at hindi man lang siya makatayo nang tuwid.Napakagat labi si Beatrice Assex habang nakatingin kay Alex. May gusto siyang sabihin pero tanging luha lang ang lumabas sa mga mata niya.Hindi komportable si Alex na tinititigan siya. “Beatrice, umalis ka na kasama si Mom. Ako na ang bahala sa iba. Huwag kang mag-alala. Kakayanin ko kung may mangyari man. Hindi kayo madadamay,” sabi niy
Agad na namigay ng sermon si Lord Lex Gunther sa phone.Parang galit na galit siya.Sa katunayan, habang naka-loudspeak ang phone, napakalakas ng boses niya kaya maririnig siya ng lahat sa store ng Chanel.Natuliro ang store manager, gaya ng mga security guard.Ilang minutong sumigaw si Lord Lex Gunther, paulit-ulit ang mga sinasabi niya. Pagkatapos noon, susugod daw siya agad doon.Sa wakas, ibinalik ang phone kay Alex Rockefeller.“Hihintayin kita ng sampung minuto,” sabi ni Alex sa phone.“Okay, okay. Darating ako kaagad sakay ng helicopter, at sisiguraduhin kong bibigyan ka ng kasiya-siyang resulta,” nagmamadaling sabi ni Lord Lex Gunther.Ang ruta mula sa Hell’s Angels hanggang California Plaza ang may pinaka-abalang trapiko. Sa oras na ito, ang siksikan sa trapiko ay napakahirap na ang sinuman ay magkakaroon ng mental breakdown. Ang hangaring makarating sa California Plaza sa loob ng sampung minuto ay pangarap ng isang hangal. Sa kabutihang palad, si Lord Lex Gunther ay may saril
Agad namang gumaan ang pakiramdam ng mga security guard na sobrang takot kanina matapos marinig ang sinabi ni Penelope Fernandez.Lumalabas palang pineke lang ni Alex Rockefeller ang buong senaryo.“Mga pre, tara!” Sigaw ng isa sa mga security guard.Malamig na tinitigan ni Alex ang mga taong ito, na para bang nakatingin siya sa mga taong malapit nang mamatay.“Baliin lahat ng sampung daliri niya. Lakas ng loob niyang sampalin ako? Gusto kong magdusa siya nang husto na mas gugustuhin niyang mamatay na lang!” Mayabang na sabi ni Vanya Tyler.Hahampasin na sana ng mahigit sampung mga security guard gamit ang kanilang mga batuta si Alex nang may sumigaw.“Tumigil kayo!”Sa sandaling iyon, isang napakalakas na tunog ng dagundong ang maririnig mula sa pasukan ng Chanel outlet.Pumasok ang lalaking may edad kwarenta na nakasuot ng pormal na kasuotan.Merong dose-dosenang mga security guard sa likod niya, at lahat sila ay mukhang nakakatakot.“Mr. Baxter, bakit ka nandito?” Agad namang ngumit
Mabilis na sumugod si Lord Lex Gunther, at sa wakas ay nakarating siya sa oras.Pagkababa ng helicopter, tinakbo niya ang natitirang bahagi ng daan.Hindi siya martial artist. Kaya naman agad siyang hiningal.Ni hindi man lang niya nilingon si Penelope Fernandez at dumiretso agad kay Alex Rockefeller. “Mr. Rockefeller, ahh... hindi naman ako late, ‘di ba?”Tiningnan ni Alex Rockefeller ang oras: “Binigyan kita ng sampung minuto. Late ka ng isang segundo.”Pak!Direktang sinampal ni Lord Lex Gunther ang sarili sa mukha. “Napadami ata kain ko kaninang tanghali.”Natigilan ang madla.Nang tumingin siya kay Alex, parang mas kinilabutan pa siya.“Buweno, isa siya sa mga tauhan mo. Kaya wala akong ginawa. Ikaw na bahala sa kanya,” mahinahong sabi ni Alex Rockefeller.“Sige, sige.” Tumango si Lord Lex Gunther at yumuko kay Alex.Sa sandaling tumalikod siya at humarap kay Penelope, ang ekspresyon ng mukha niya ay agad na naging malamig.“Penelope Fernandez, tama ba? Napagpasyahan mo bang dedma
Ilang inidoro ang meron sa buong California Plaza?May apat na banyo sa bawat palapag, at sa bawat banyo, hindi bababa sa anim ang mga inidoro. Kapag pinagsama ang mga inidoro sa mga banyo ng parehong kasarian ay aabot sa 48 inidoro ang meron sa bawat palapag.May sampung palapag sa kabuuan ang California Plaza!Sa kabuuan, aabot sa 480 ang mga inidoro. Balewala na ang posibilidad na mamatay dahil sa pandidiri. Ang mas mahalagang tanong dito ay kung may mas unang mamamatay dahil sa pagod!Pinakamahalaga, tanong ng isang tauhan na may maingat na tono, “Paano kung may tae sa inidoro?”“Pakainin mo sa kanila,” galit na sagot ni Lord Lex Gunther.Tinanggap ng mga lalaki ang utos at agad na kinaladkad ang dalawang babae para isagawa ito.Biglang napansin ni Lord Lex Gunther na ang store manager ng Chanel ay may mga marka ng palad sa kanyang mukha.“Anong nangyari sa mukha mo? Sinong sumampal sa’yo?” tanong niya. Bakas sa mukha ang gulat na ekspresyon ng store manager. “Hindi, hindi ako sina
Napakunot-noo si Alex Rockefeller, agad siyang tumakbo.Kasunod sa tabi niya, si Lord Lex Gunther ay natigilan saglit. Ni hindi niya makita nang malinaw kung paano nakalapit si Alex. Sa isang kisap-mata, ang laki na ng agwat nila ni Alex.“Talagang napakadalubhasa niya!” Sagad sa puso ang pagkamangha ni Lord Lex Gunther. Itinulak niya ang mga shopping bag mula sa kanyang mga kamay sa katabi niyang bodyguard bago din tumakbo.“Beatrice, anong nangyayari? Bakit sumuka ng dugo si Mom at nahulog sa sahig? Kagagawan ba ito ng mga security guard ng California Plaza?” Walang oras si Alex para tingnan ang kalagayan ni Madame Claire Assex. Ang una niyang akala ay malamang na hinabol silang dalawa ng mall security pagkalabas ng Chanel store.Kaagad, naging matatag ang kanyang mga mata, at nagkaroon siya ng hangaring pumatay.Sa ilang kadahilanan, naging ligtas ang pakiramdam ni Lady Beatrice Assex nang makita niya si Alex. “Hindi ko alam, Hindi... Hindi ko masyadong nakita...” hinawakan niya ang
Mabilis na kumilos si Alex Rockefeller para buhatin sina Madame Claire Assex at Lady Beatrice Assex, isa sa bawat braso.Nagsimula siyang tumakbo palabas sa pinakamabilis niyang makakaya.Natigilan ang lahat nang makita siyang may buhat na dalawang matanda, pero nakakagalaw pa rin siya sa gayong sobrang bilis. Lalo itong napatunayan nang si Alex ay direktang tumalon sa bakod sa gitna ng kalsada, walang kahirap-hirap na nakarating sa kalapit na parking lot.Tao pa ba siya?Habang nasa mga bisig niya ang dalawang babae, sumakay siya sa kotse at mabilis na nagmaneho patungo sa Maple Villa.Kailangan niyang gumawa ng medisina para gumaling sa parasitic disease.Samantala, sa Dorothy-Alex Constructions.Sa gitna ng pamumuno sa isang meeting, biglang nagbago ang mga ekspresyon ni Lady Dorothy Assex. Inilagay niya ang isang kamay sa kanyang dibdib at huminto ng ilang segundo. Pagkatapos noon, ibinuka niya ang kanyang bibig at marahas na sumuka ng maraming dugo.Agad siyang napaupo sa kinauupu
Swoosh!Ang malaking dakot ng pulbos ay kulay itim, at meron itong kakaiba, malansang amoy.Nagulat si Alex Rockefeller.Higit sa lahat, nakaupo siya ngayon sa upuan ng drayber sa kotse. Habang suot ang kanyang seat belt, imposibleng makatakas.Pilit siyang napabuga ng enerhiya ng Chi.Tulad ng isang unos, tumulak ito pasulong, tinatangay ang karamihan sa mga pulbos. Gayunpaman, may maliit na bahagi ang nakapasok sa loob ng kotse at dumapo sa kanyang katawan.“P*ta!” Galit na nagmura si Alex. Nararamdaman din niya ang desperadong bagay na tumutusok patagos sa kanyang katawan.Ang parasitic disease!Ito ang parasitic disease na binigay ng kakaibang matandang babaeng ito kina Madame Claire Assex at Lady Beatrice Assex.Nahulaan agad ito ni Alex. Sa katunayan, tinatangka rin ng babaeng ito na hawaan siya ng parehong sakit.“Sino ka? Bakit mo dinadala sa amin ang sakit na ito?” Galit na sigaw ni Alex habang nakatitig kay Granny Blackwood.Matapos magtagumpay, marahil ay naramdaman ni Grann
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l