Medyo naiinip na si John sa lahat ng paghihintay na ito. Inutusan niya silang dalhin sila dito, patay o buhay.Dalawang hanggang tatlong oras na ang nakalipas mula nang ibigay niya ang kanyang mga utos sa mga assassin, ngunit hindi pa rin sila nag-uulat ang mga ito kanya.Sobrang hindi siya mapakali dahil dito. Hindi siya makatulog kahit nakahiga na siya sa kanyang kama, kahit na ramdam niya ang pagkibot ng kanyang mga talukap, na para bang may malaking mangyayari.“Cooper, anong ibig sabihin nito? Naisagawa na ba ng mga assassin na kinuha mo ang operasyon? Patay o buhay pa ba si Brittany?” Tinawag ni John ang kanyang gwardiyang si Cooper. Halatang nagulat at nataranta siya.Sumagot si Cooper, “Mr. Rockefeller, pakiusap, maghintay ka muna. Ang mga tanyag na assassin na ito ay kilala sa pagiging misteryoso, ngunit tiyak na sanay sila sa kanilang larangan. Nakapatay ang kanilang mga phone mula nang magsimula ang operasyon. Kokontakin nila ako kapag tapos na sila.”Nag-aalala si John. “Na
May mga katulad na insidente ay nangyayari sa buong Rockefeller Manor.Si Carol, na naliligo, ay nagpasya nang lumabas sa bathtub nang mamatay ang mga ilaw. Gayunpaman, nakarinig siya ng magaan na yapak sa dilim.Pagkatapos, nakaramdam siya ng matinding sakit sa likod ng kanyang ulo at nawalan ng malay.Nawalan rin ng malay sina Noah at Mariah habang nagtatalik sila.Nawalan ng malay ang lahat ng kasambahay at caretakers nang hindi ito napagtatantuan.“Bakit mawawalan ng kuryente?”“Meron kayang... nasa likod nito?” Nagsimulang mataranta si John.Takot talaga siya kay Alex.Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang maging maayos ang operasyon at patayin sila doon mismo.Kung hindi sila magtatagumpay, posibleng iyon ang maglantad sa kanya bilang may pakana. Hindi siya makakatulog kung nangyari iyon.Gayunpaman, sa loob lamang ng ilang segundo, bumalik ang kuryente.“Baka nagloko lang saglit ‘yong breaker!” Ngumiti si Cooper. “Huwag kang mag-alala, Mr. Rockefeller. Talagang magiging maayos
“Ano? Ito…” Namutla ang mukha nina Cooper at John nang makilala nila ang mga bangkay.Lahat sila ay ang mga personal na guwardiya ni John.Nag-aalala siyang baka may magtangkang pumatay sa kanya, kaya kinuha niya ang mga bihasang mandirigmang ito gamit ang malaking halaga ng pera. Ang ilan ay mga mandirigma galing sa underground; ang ilan ay natuto ng sinaunang martial arts; habang ang iba ay galing sa militar. Lahat sila ay may kakayahan labanan ang malalaking grupo ng mga tao nang mag-isa.Sa kabila nito, patay na sila ngayon, pinaslang ng dalagang ito na parang nangangatay lamang ng mga hayop.Siya ay walang iba kundi si Holly Yates.Nakatayo siya sa pintuan na may nakakalokong ngiti, nakahalukipkip ang mga braso sa likod niya. Ang kanyang hitsura ay parang hindi niya kayang manakit ng langaw, ngunit nakita siya ng dalawa bilang lobo nababalutan ng tupa.“John, binigyan na kita ng pangalawang pagkakataon. Sinabi ko sa’yong matatalo kita sa pagnenegosyo, at nangako akong hindi ako ga
Tumagos sa ibabang likod ni Cooper ang punyal. Ngunit wala siyang pakialam sa sakit habang binilisan niya ang pagtakbo at humarurot patungo sa kaliwang bintana, umaasang makakatakas.Sa kanyang katapusan, mas mabilis si Waltz kaysa sa kanya. Natamo na ni Waltz ang ranggong Mystic, pagkatapos ng lahat.Nang makarating si Cooper sa bintana, hinawakan siya ni Waltz sa kanyang leeg mula sa likuran at kinaladkad siya pabalik. Gayunpaman, naninibago pa rin si Waltz sa kanyang bagong lakas. Hindi niya sinasadyang nabali ang leeg at gulugod ni Cooper.Na may malakas na kalabog, si Cooper ay bumagsak sa lupa nang marahas, hindi na magawang galawin ni isang kalamnan.Dahil hindi pa siya namamatay, binaha siya ng matinding takot.Napasigaw siya. “Hindi! Ayokong mamatay! Ayokong mamatay…”Gayunpaman, pakiramdam niya ay dumidilim ang paningin niya sa bawat segundo. Nagpatuloy ito hanggang sa siya ay naging walang laman na lang na balat.Matapos masaksihan kung paano namatay si Cooper, kasama ang ma
Gusto lang ni John na mabuhay.Pinag-isipan niya ito nang mabuti. Kahit na namatay ang kanyang anak, maaari namang siya laging manganak ng isa pa.Kahit na hindi makapanganak si Olivia, makakahanap naman siya ng ibang babaeng gagawa nito.Bukod dito, hindi magiging problema para sa kanya na makakuha ng pito o walong anak na lalaki.‘Mayaman ako, anong problema dito?’Agad niyang sinabi, “Sikreto ito tungkol sa pagkakakilalanlan ng iyong ama. Gusto mo bang malaman ‘yon? Maaaring patay na ang iyong ama, ngunit hindi mo ba gustong malaman ang anumang bagay tungkol sa iyong kadugo? Sa iyong mga ninuno? Ayaw mo bang mahanap ang tunay mong lolo’t lola?”Parehong gusto malaman nina Alex at Brittany.“Magsalita ka.”Umiling si John. “Brittany, pinag-isipan ko na ito. Kung pakakawalan mo ako sa pagkakataong ito, hindi na kita guguluhin mula ngayon. Sinong may pake kung namatay si Spark? Ginusto niya ‘yon. Ngunit kailangan mong hayaan akong mabuhay pagkatapos kong sabihin sa’yo ang sikreto ni Wi
Nakahinga nang maluwag si John. “Salamat sa Diyos at handa kang tuparin ang iyong pangako.”Pero muling nagsalita si Alex. “Ngunit kumuha ka ng mga assassin para dakipin ang aking ina at para patayin ang aking pamilya. Ang malala pa ay nagkaroon ka ng mga kasuklam-suklam na pantasya sa aking ina. Parang hindi tama para sa’kin na hayaan kang mabuhay.”Nataranta si John. “A-Anong ibig mong sabihin?”Sabi ni Alex, “Hahayaan kitang mabuhay at masaksihan ang pagkawasak ng Rockefeller Group! Noon, pareho kaming itinuring mo ng iyong ama na parang mga tanga, niloloko at ginagamit ang aking ama bilang susi para tulungan kayong kumita ng pera... Kukunin lang namin ang iyong kalayaan upang mapagbayaran mo ang iyong mga kasalanan.”“Are... dadakipin mo ba ako at ipapakulong?”“Tama, pero hindi kita ikukulong sa pisikal na paraan. Ikinulong ko ang iyong kaluluwa.”“Ha? Kaluluwa?”Gustong tumawa ni John. ‘Niloloko mo ba ako?’Sa sandaling iyon, inabot ni Alex ang kanyang braso habang nakabuka ang k
“Pwede ba kitang makatabing matulog ngayong gabi?” Tinaasan ng balahibo si Alex sa sinabi ni Waltz.Noon lang niya naalalang palabas na sana ang kanyang asawang si Dorothy mula sa banyo, hinihintay siyang sumulong sa ikatlong base ng kanilang relasyon.Gayunpaman, tumakbo siya palabas ng kwarto at tinakasan si Dorothy. Wala siyang ideya kung anong reaksyon ni Dorothy.Noong una ay gusto niyang magmadaling bumalik sa Apollo Hotel, ngunit naalala niya ang hitsura niya ngayon.Mukha siyang tumanda ng tatlumpung taon pa. Maaari pa nga siyang magmukhang ama ni Dorothy..Kung nakita ni Dorothy ang hitsura niya ngayon, malamang na hindi siya maniniwala na si Alex ang nasa harapan niya, lalo na’t kung itutuloy ang dapat na dati pa nilang ginawa.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.Ngumuso si Waltz. “Bakit ka bumubuntong-hininga? Sabihin mo lang kung gusto mo! Bakit ba parang manok ka? Hindi ko naman sasabihin kay Dorothy. Sasalungat ka ba sa mga sinabi mo? Paano pa kita pagkakatiwa
Isinama ni Azure ang kanyang mga tauhan mula sa Thousand Miles Conglomerate at nilinis ang lahat ng bangkay sa Rockefeller Manor.Isang oras pagkatapos ng kanilang paglaho, nagkaroon na ng malay si Carol at ang iba pa.Ilang minuto lang ay nagkukumpulan na ang buong pamilya sa sala.“Anong nangyari ngayon lang?”“Hindi ko alam!”“Biglang nawalan ng kuryente. Saka sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos noon.”“Ako rin! Ako rin!”“Buweno, kakaiba ‘yon. Ninakawan ba tayo?”Maya-maya lang ay lumabas na rin si Natalie ng kwarto niya.Pagkagising ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop at nagsimula ng isa pang stream. Ipinaalam sa kanya ng kanyang mga tagahanga na may taong nakamaskara ang nagpatumba sa kanya at tinapos ang kanyang livestream.Sa pamamagitan nito, naalala niyang nakaengkwentro niya nga ang taong nakasuot ng diyablong maskara na may pigura ng isang babae.Agad niyang isinigaw sa kanyang pamilya pagdating niya sa sala. “M
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l