“Ano? Ito…” Namutla ang mukha nina Cooper at John nang makilala nila ang mga bangkay.Lahat sila ay ang mga personal na guwardiya ni John.Nag-aalala siyang baka may magtangkang pumatay sa kanya, kaya kinuha niya ang mga bihasang mandirigmang ito gamit ang malaking halaga ng pera. Ang ilan ay mga mandirigma galing sa underground; ang ilan ay natuto ng sinaunang martial arts; habang ang iba ay galing sa militar. Lahat sila ay may kakayahan labanan ang malalaking grupo ng mga tao nang mag-isa.Sa kabila nito, patay na sila ngayon, pinaslang ng dalagang ito na parang nangangatay lamang ng mga hayop.Siya ay walang iba kundi si Holly Yates.Nakatayo siya sa pintuan na may nakakalokong ngiti, nakahalukipkip ang mga braso sa likod niya. Ang kanyang hitsura ay parang hindi niya kayang manakit ng langaw, ngunit nakita siya ng dalawa bilang lobo nababalutan ng tupa.“John, binigyan na kita ng pangalawang pagkakataon. Sinabi ko sa’yong matatalo kita sa pagnenegosyo, at nangako akong hindi ako ga
Tumagos sa ibabang likod ni Cooper ang punyal. Ngunit wala siyang pakialam sa sakit habang binilisan niya ang pagtakbo at humarurot patungo sa kaliwang bintana, umaasang makakatakas.Sa kanyang katapusan, mas mabilis si Waltz kaysa sa kanya. Natamo na ni Waltz ang ranggong Mystic, pagkatapos ng lahat.Nang makarating si Cooper sa bintana, hinawakan siya ni Waltz sa kanyang leeg mula sa likuran at kinaladkad siya pabalik. Gayunpaman, naninibago pa rin si Waltz sa kanyang bagong lakas. Hindi niya sinasadyang nabali ang leeg at gulugod ni Cooper.Na may malakas na kalabog, si Cooper ay bumagsak sa lupa nang marahas, hindi na magawang galawin ni isang kalamnan.Dahil hindi pa siya namamatay, binaha siya ng matinding takot.Napasigaw siya. “Hindi! Ayokong mamatay! Ayokong mamatay…”Gayunpaman, pakiramdam niya ay dumidilim ang paningin niya sa bawat segundo. Nagpatuloy ito hanggang sa siya ay naging walang laman na lang na balat.Matapos masaksihan kung paano namatay si Cooper, kasama ang ma
Gusto lang ni John na mabuhay.Pinag-isipan niya ito nang mabuti. Kahit na namatay ang kanyang anak, maaari namang siya laging manganak ng isa pa.Kahit na hindi makapanganak si Olivia, makakahanap naman siya ng ibang babaeng gagawa nito.Bukod dito, hindi magiging problema para sa kanya na makakuha ng pito o walong anak na lalaki.‘Mayaman ako, anong problema dito?’Agad niyang sinabi, “Sikreto ito tungkol sa pagkakakilalanlan ng iyong ama. Gusto mo bang malaman ‘yon? Maaaring patay na ang iyong ama, ngunit hindi mo ba gustong malaman ang anumang bagay tungkol sa iyong kadugo? Sa iyong mga ninuno? Ayaw mo bang mahanap ang tunay mong lolo’t lola?”Parehong gusto malaman nina Alex at Brittany.“Magsalita ka.”Umiling si John. “Brittany, pinag-isipan ko na ito. Kung pakakawalan mo ako sa pagkakataong ito, hindi na kita guguluhin mula ngayon. Sinong may pake kung namatay si Spark? Ginusto niya ‘yon. Ngunit kailangan mong hayaan akong mabuhay pagkatapos kong sabihin sa’yo ang sikreto ni Wi
Nakahinga nang maluwag si John. “Salamat sa Diyos at handa kang tuparin ang iyong pangako.”Pero muling nagsalita si Alex. “Ngunit kumuha ka ng mga assassin para dakipin ang aking ina at para patayin ang aking pamilya. Ang malala pa ay nagkaroon ka ng mga kasuklam-suklam na pantasya sa aking ina. Parang hindi tama para sa’kin na hayaan kang mabuhay.”Nataranta si John. “A-Anong ibig mong sabihin?”Sabi ni Alex, “Hahayaan kitang mabuhay at masaksihan ang pagkawasak ng Rockefeller Group! Noon, pareho kaming itinuring mo ng iyong ama na parang mga tanga, niloloko at ginagamit ang aking ama bilang susi para tulungan kayong kumita ng pera... Kukunin lang namin ang iyong kalayaan upang mapagbayaran mo ang iyong mga kasalanan.”“Are... dadakipin mo ba ako at ipapakulong?”“Tama, pero hindi kita ikukulong sa pisikal na paraan. Ikinulong ko ang iyong kaluluwa.”“Ha? Kaluluwa?”Gustong tumawa ni John. ‘Niloloko mo ba ako?’Sa sandaling iyon, inabot ni Alex ang kanyang braso habang nakabuka ang k
“Pwede ba kitang makatabing matulog ngayong gabi?” Tinaasan ng balahibo si Alex sa sinabi ni Waltz.Noon lang niya naalalang palabas na sana ang kanyang asawang si Dorothy mula sa banyo, hinihintay siyang sumulong sa ikatlong base ng kanilang relasyon.Gayunpaman, tumakbo siya palabas ng kwarto at tinakasan si Dorothy. Wala siyang ideya kung anong reaksyon ni Dorothy.Noong una ay gusto niyang magmadaling bumalik sa Apollo Hotel, ngunit naalala niya ang hitsura niya ngayon.Mukha siyang tumanda ng tatlumpung taon pa. Maaari pa nga siyang magmukhang ama ni Dorothy..Kung nakita ni Dorothy ang hitsura niya ngayon, malamang na hindi siya maniniwala na si Alex ang nasa harapan niya, lalo na’t kung itutuloy ang dapat na dati pa nilang ginawa.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.Ngumuso si Waltz. “Bakit ka bumubuntong-hininga? Sabihin mo lang kung gusto mo! Bakit ba parang manok ka? Hindi ko naman sasabihin kay Dorothy. Sasalungat ka ba sa mga sinabi mo? Paano pa kita pagkakatiwa
Isinama ni Azure ang kanyang mga tauhan mula sa Thousand Miles Conglomerate at nilinis ang lahat ng bangkay sa Rockefeller Manor.Isang oras pagkatapos ng kanilang paglaho, nagkaroon na ng malay si Carol at ang iba pa.Ilang minuto lang ay nagkukumpulan na ang buong pamilya sa sala.“Anong nangyari ngayon lang?”“Hindi ko alam!”“Biglang nawalan ng kuryente. Saka sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos noon.”“Ako rin! Ako rin!”“Buweno, kakaiba ‘yon. Ninakawan ba tayo?”Maya-maya lang ay lumabas na rin si Natalie ng kwarto niya.Pagkagising ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop at nagsimula ng isa pang stream. Ipinaalam sa kanya ng kanyang mga tagahanga na may taong nakamaskara ang nagpatumba sa kanya at tinapos ang kanyang livestream.Sa pamamagitan nito, naalala niyang nakaengkwentro niya nga ang taong nakasuot ng diyablong maskara na may pigura ng isang babae.Agad niyang isinigaw sa kanyang pamilya pagdating niya sa sala. “M
‘Anak ng!’Laking gulat ni Alex na parang sasabog na ang utak niya at namamanhid ang anit niya.Kung hindi siya nagkakamali, abo ito ng baboy.Sa nakalipas na anim na buwan, umiiyak siya sa harap ng libingan ng kanyang ama nang wala siyang ibang mapagsabihan ng kanyang kalungkutan.Hindi bababa sa anim na beses siyang pumunta rito.‘Bale nakikipag-usap pala ako sa baboy? Walanjo?‘Pero ang totoong tanong, bakit nilagay ang abo ng baboy sa urn?‘Saan napunta ang abo ng aking ama?“Pinaltan ba ito?‘Di kaya… noong una pa lang, wala naman talagang abo?’Nagulat si Alex sa sarili niyang mga palagay.‘Ang aking ama’y... hindi patay?’Pagkatapos ay itinabi niya ang saloobing ito. Noong nakaraang Oktubre, nakita niya ang bangkay ng kanyang ama nang isugod siya sa ospital mula sa kanyang kasal sa araw ng aksidente sa sasakyan.Siya ang nagpadala ng kanyang katawan sa incinerator.Kung hindi siya namatay doon, tiyak na isa siyang diyos.Gayunpaman, meron lamang isa pang posibilidad dito. Noong
Mapagpakumbaba si Keith Yowell nang makipagkita siya kina Alex Rockefeller at Brittany Rockefeller. Sobrang lawak ng kanyang ngiti, na bumakas ang mga kulubot sa mukha niya nang lumapit siya para salubungin sila.Nagalak si Brittany. “Mr. Yowell, bakit ka nandito? Pasok, pasok. Alex, pakihiwa ang pakwan para kay Mr. Yowell. Masyadong mainit ngayong tanghaling tapat, makakatulong ito sa kanya para labanan ang init! Mr. Yowell, sana sinabi mo na lang sa’kin kung anong kailangan mo. Personal sana kaming pumunta ni Alex para bisitahin ka. Bakit pa namin hahayaang ikaw pa ang pumunta sa’min?”Nang marinig ito ni Michelle Yowell, napangiti siya.Nanghina ang mga binti ni Keith at halos mapaluhod siya.Hindi mangangahas si Keith na hayaan si Grandmaster Rockefeller na maghiwa ng pakwan para sa kanya kahit gaano pa siya katapang. Mas gugustuhin pa niyang putulin na lang ang sarili niyang ulo. “Hindi na kailangan iyon, hindi na... hindi ako nauuhaw,” mabilis na sabi ni Keith.“Tingnan mo sarili