“Diyos ko! Jusmiyo” Natulala ang mga receptionist.Maayos na nakalagay sa kahon ang mga pera. Ang bawat bundle ay sampung libong dolyar, kaya ang dalawampung bundle ay umabot sa dalawang daang libong dolyar.Normal para sa isang biyenan na magbigay ng dalawang daang libong dolyar sa kanyang manugang para sa kanyang kasal.Gayunpaman, bilang kaeskuwela, ang dalawang daang libong dolyar bilang regalo ay masyadong nakakagulat.Agad na tinanggal ng mga receptionist ang mga salitang ‘lumang kahon’ at pinalitan ito ng dalawang daang libong dolyar.Dahan-dahang naglakad si Barry papunta sa mesa nila, nag-aapoy ang mukha na para bang sinampal siya nang maraming beses sa mukha.Hindi naiwasang magtanong ng kanilang mga kaeskuwela, “Barry, nakita mo ba ang kahon? Magkano ang laman?”Tila walang mailabas na salita si Barry mula sa kanyang bibig, nauutal nang husto.Sa huli, pumunta sa reception ang babaeng may dimples para tumingin. Sumigaw siya sa direksyon ng mesa pagkabalik niya. “Diyos ko, Al
Nagsalubong din ang mga kilay ni Alex. Nilingon niya si Dorothy. “Sa palagay ko ay hindi magiging masaya si Amanda na ikakasal siya sa ganoong pamilya.”Napabuntong-hininga si Dorothy. “Ayos lang, tiisin na lang natin ‘to! Hindi ba ang lipunan mismo ay mapang-uyam? Kailangan ng pamilya ni Amanda ang lahat ng tulong na maaari nilang makuha dahil marami sa kanyang mga kapatid ang nangangailangan ng pera para makapag-aral. Ang pagkakaroon ng mayamang asawa ay kahit papaano papagaanin ang pasanin sa kanyang mga balikat.”Kasabay nito, habang hinihila si Amanda papasok sa isang silid ng hotel, pumasok ang kanyang biyenang lalaki. “Honey, dumating ‘yong mga matandang kamag-anak natin mula sa probinsya. Hindi natin sila naisama sa listahan at ang dami nila! Puno na ang lahat ng mesa at sa tingin ko ay wala nang natitirang espasyo sa bulwagan para sa isa pang mesa. Anong gagawin natin?”Nagmuni-muni ang kanyang biyenang babae at sinabing, “Nakaupo sa isa sa mga mesa ang mga kaeskuwela ni Amand
“Alex, anong ginagawa mo dito?” Sabi ni Michelle habang nagmamadaling lumapit, nagulat. Nakatutok ang mga mata niya kay Alex, na para bang wala siyang nakikitang ibang tao sa paligid nila, pati na si Dorothy.Para sa kanya, hindi karapat-dapat si Dorothy para kay Alex. Dahil sila ay nagmula sa magkaibang mundo, naisip niyang tiyak na maghihiwalay sila pagdating ng panahon.“Nandito ako para dumalo sa kasal.” Kalmadong sagot ni Alex habang sinulyapan ang mga McKellen.Narinig ni Alex na binanggit ng matandang babae kanina na dadalo ang mga direktor ng Yowell Group. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya naging matiyaga na umupo sa labas ng pasukan.Kung hindi, kanina pa siya umalis. Walang sinumang nasa tamang pag-iisip ang handang tiisin ang gayong kahihiyan pagkatapos ng lahat.“Nandito ka rin para sa kasal? Kakilala mo ba ang lalaking ikakasal?”Kinaladkad ni Michelle ang lalaking kaeskuwela ni Alex mula kinauupuan nito at uupo na sana sa tabi ni Alex. Gayunpaman, napagtanto niyang ma
Sinampal ng matandang babae ang sarili nang maraming beses sa mukha.Si Michelle ay patuloy na nakatitig sa kanya, ngunit hindi nagbago ang kanyang isip.Ang kaguluhan sa pasukan ay nakakuha ng atensyon ng maraming bisita sa bulwagan. Nagulat ang mga kamag-anak, kaibigan at maging ang mga kabataan nang makitang sinampal ng masungit at aroganteng matandang babae ang sarili sa harap ng isang dalaga.Karaniwang umaasta ang matandang babae na para bang isa siyang reyna, kaya ikinabigla ito ng marami.Gayunpaman, medyo ikinasaya ito ng ilan sa kanila, lalo na ang pamilya ng babaeng ikakasal.Alam nila kung gaano ang pagkiling ng pamilya ng lalaki sa kanila, palaging minamaliit at iniinsulto sila nang malupit.Gayunpaman, kailangan nilang pigilan ang kanilang sarili mula sa pagpalakpak at pagsuporta.Ang matandang babae ay isang malupit na tao sa kabuuan. Siya ay malupit kay Amanda, ngunit siya ay malupit din sa kanyang sarili.Malamig pa rin ang tingin ni Michelle sa kanya. Lahat ng mula sa
Nagulat ang lahat sa hiling ni Michelle.Nanlaki ang mga mata ni Barry, at napanganga ang kanyang bibig. Parang kaya niyang lumunok ng buong dalawang itlog.Bahagyang namula ang pisngi ni Lauren habang nakatingin kina Alex at Dorothy. Pakiramdam niya ay nakatanggap siya ng bagong impormasyon at ang kanyang mukha ay puno ng kagalakan, umaasa sa higit pang tsismis.Ang mga tao mula sa Yowell group ay natigilan din, hindi makapaniwalang nakatingin.Bagama’t ang mga taong ito ay mga direktor ng Yowell Group, hindi sila malapit sa pangunahing pamilyang Yowell at wala silang ideya kung sino si Alex sa mga Yowell.Inilagay ni Dorothy ang kanyang dalawang daliri sa bewang ni Alex at kinurot ito nang mariin.Nagsisimula na siyang magselos.Natulala si Alex sa gulat. Agad niyang nileksiyunan si Michelle na may mabagsik na tono. “Michelle, ‘wag ka ngang magsalita ng kalokohan.”Nag-aalala siya na baka ibunyag ng babaeng ‘to na naghalikan na sila dati.Kung mangyayari iyon, siguradong mawawasak an
Ganyan din ang sasabihin ng bawat babaeng pumunta para kumuha ng kwarto.Bahagyang naasar si Dorothy sa pekeng ngiti ng lalaki. Malinaw na hindi siya naniniwala sa kanya.Agad na binuksan ni Alex ang kanyang phone at binuksan ang isang litrato mula sa kanyang gallery bago inilapag ang kanyang phone sa counter.Ipinapakita sa screen ang kanilang wedding certificate.Pagkatapos tingnan, sumagot ang receptionist, “Bibigyan ko na kayo ng kwarto.”Sa halos parehong oras sa Rockefeller manor, nakatanggap si John ng ulat mula sa isa sa kanyang mga bodyguard. “Mr. Rockefeller, nahanap na namin si Brittany.”Matatag ang ekspresyon ni John. “Saan?”Sagot ng bodyguard. “Sa Maple Villa. Binabantayan siya ng mga tauhan natin mula sa malayo.”Ang mga mata ni John ay naging malamig at sakim, mukhang medyo baliw.Ang pagkamatay ni Spark ay nangangahulugang nawala sa kanya ang nag-iisa niyang anak na lalaki. Patuloy na pinaramdan sa kanya ng pagkawalang ito na para siyang masisiraan anumang sandali. Ka
Sa isang suntok lang, namaluktot ang mukha ng assassin sa ilalim ng kanyang maskara. Ang napakalamig na inner force ay dumaloy sa kanyang mga laman-loob na para bang ito ay isang avalanche.Sa mismong segundong iyon, naramdaman niya na parang nanigas ang lahat ng kanyang mga laman-loob at nangilabot ang kanyang buong katawan habang nanghihina ang kanyang mga binti.“Ano ‘to? Hindi ito totoo!”Laking gulat ng assassin kaya napasigaw siya nang malakas. Masusi silang nag-imbestiga bago isagawa ang operasyon. Kakagaling pa lang ni Brittany mula sa coma noong isang buwan kaya tiyak na hindi pa siya dapat magkaroon ng anumang uri ng kasanayan sa martial arts. Dapat normal na babae lang siya.Gayunpaman, ang tanging gustong gawin ng assassin ngayon ay sumigaw.‘Walangya ka! Niloko mo kaming lahat!’Hindi maipagtanggol ng assassin ang kanyang sarili. Masyadong mabilis ang lahat ng nangyari. Ang kanyang katawan ay pinalipad sa pamamagitan ng suntok, habang siya ay bumulwak ng dugo sa hangin.Sa
Napasigaw si Brittany sa pagkataranta.Sumugod si Holly at tumingin. May maliit na sugat sa balikat ni Waltz.Nang iniwasan ni Waltz ang atake, nadaplisan siya ng punyal.Naging itim ang kanyang sugat.“Nalason siya! At napakalakas ng talab nito!” Agad na sinundot ni Holly ang ilan sa mga pressure point ni Waltz upang pabagalin ang pagkalat ng lason.Habang dinadampot ni Holly ang punyal, napansin ni Holly na kumikinang ito na may asul na liwanag. May kakaibang amoy din ito. Natitiyak niya na ang punyal na ito ay nilublob sa lason.“B*stardo ka! Nasaan ang lunas? Ibigay mo sa amin!” Pinandilatan ni Holly ang assassin na nanakit kay Waltz.“Heh, walang lunas sa lason ko.” Malamig na tumawa ang assassin.Binaliktad ni Holly ang punyal at inihampas ito patungo sa assassin, sinasaksak siya sa dibdib. Dalawang pulgada lang ang layo ng sugat sa kanyang puso.“Dahil walang lunas, eh ‘di mamatay ka na lang.”Sa hindi inaasahang pagkakataon, napangiti ang assassin habang nakatingin kay Waltz. “
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l