Share

Kabanata 258

Author: Evergreen Qin
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Bang!

Ang sagupaan ay nauwi sa ng pagsabog dahil sa malakas na inilabas na enerhiya ng Chi.

Matapos masuntok, tumilapon paatras si Robert. Sa kabutihang palad, nasalo siya ng isa sa kanyang mga disipulo sa oras at iniligtas siya mula sa pagkabagsak. Sa kabila nito, ang kamao ni Robert ay hindi tumigil sa panginginig.

Ang puso ng iba pa ay lumubog sa pagkabalisa, dahil hindi nila inaasahan na si Alex ay ganito kalakas.

Ang matandang lalaking mukhang bata, sa katunayan, ay taong hiningian ng tulong ni Robert. Ngayong malinaw na dehado si Robert, agad siyang sumulong. “Gusto kong hamunin ka.”

“Kahit sabay pa ninyong dalawa ako atakehin!” Tawa ng tawa si Alex.

Nagkatinginan ang matanda at si Robert. “Ang lakas din ng loob mo ha!”

Talagang sinimulan nilang dalawa na atakehin si Alex. Bukod dito, naagtulungan pa sila at naglunsad ng atakeng pincer kay Alex.

Tinipon ni Alex ang kanyang lakas sa Chi at umungal, “Dragon-Tusk: Thousand Blades!”

Bang! Bang!

Dalawang malakas na ingay ang narinig.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 259

    Hinatid ni Azure si Alex sa Premier Hospital ng California.Iyon ay dahil ang kotse ni Alex ay nakaparada pa rin sa undergorund basement doon.Nang huminto ang kotse, tumingin si Azure kay Alex, ngunit hindi niya napigilan na magsalita.Kanina lang, parang nangako si Alex kay Azure na tutulungan niya siyang umusad sa ranggo ng Peak-Royal pagkatapos ng pagsubok ngayong araw.“Ano ‘yon?” Sumimangot si Alex at tinanong siya matapos makita ang parang natataeng ekspresyon ng mukha ni Azure.“Eh... Wala naman.” Masyadong nahihiya si Azure na sabihin ito.“Oh, naalala ko na. Narito, kunin mo ito,“ Kinuha ni Alex ang isang bote sa kanyang bulsa at inilabas ang tatlong pulang tabletas na mukhang kasing laki ng mga capsules ng cod liver oil, at pagkatapos ay inilapag ito sa gitna ng kotse.“Ano ang mga ito?” Tanong ni Azure.“Mga tabletas ng enerhiya sa dugo,” sabi ni Alex.“Anong ginagawa ng mga ito?” Tanong ulit ni Azure.“Tumutulong silang mapunan ang iyong enerhiya sa dugo,” sagot ni Alex.“

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 260

    Halos umangat na ang binti ni Waltz sa bewang ni Alex.“Nakita kitang nagsasanay. Sa totoo lang, ang pamamaraan na iyon ay medyo mahusay at meron itong tinataglay na katangi-tangi tungkol sa’yo. Pinakamahalaga, nililinang mo na ito sa loob ng maraming taon, nakakahinayang naman kung isusuko mo ito. Ganito kaya? Tutulungan kitang mas pagalingin pa ito sa paglaon,” sabi ni Alex.“Sige,” sabi ni Waltz.“Narito, para sa’yo ang mga ito. Uminom ka ng isang tableta kada tatlong araw. Makakatulong ito sa iyong paglilinang,“ sabi ni Alex bago inabot ang maliit na bote, na naglalaman ng sampung tabletas na enerhiya sa dugo, kay Waltz.Anong mararamdaman ni Azure kapag nalaman niyang kailangan niyang magsumikap upang makuha ang dalawa sa mga tabletang ito, ngunit si Waltz, sa kabilang banda, ay kailangan lamang na sundutin si Alex sa kanyang mga binti upang makakuha ng sampu at inalok pa niyang baguhin ang teknik ng paglilinang nito? Dapat nang pag-isipan ni Azure kung nais niya palitan ang kanya

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 261

    Sa sandaling ito, sina Beatrice at Claire ay papunta sa bahay ng kanyang lolo, na nagmamaneho ng BMW M8 na ibinigay ni Alex kay Dorothy.Ang lolo ni Beatrice ay si Aidan Bardot. Meron siyang dalawang anak na babae: Si Claire ang nakatatanda habang ang nakababata ay pinangalanang Adrianna Bardot.Si Adrianna ay mas maldita pa kay Claire, palagi niyang susubukan na ihambing ang sarili kay Claire sa bawat aspeto. Mula pa nang ang asawa ni Claire, si Henry Assex, ay nawala pagkatapos ng paglalakbay kasama ang kanyang sekretarya, ininsulto at binabaan siya ng tingin ni Adrianna sa tuwing magkikita sila.Higit sa lahat, si Adrianna ay may isang anak na babae, na mas bata ng isang taon kay Dorothy, palagi niya itong ipinagmamalaki sa harap ni Claire.Sa ilalim ng gayong mga pangyayari, natural na hindi pwedeng dalhin ni Claire ang kanyang pinaglumaang kotse sa pagbisita sa bahay ng kanyang ama. Ang BMW M8 lamang na nagkakahalagang dalawang milyong dolyar ang maaaring magpahiwatig ng kanyang k

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 262

    Nagulat si Claire. Matapos tumingin sa Ferrari at pagkatapos ay bumaling sa kanyang sirang kotse, agad siyang nawalan ng masasabi, na para bang kumain lang siya ng insekto at nakatanggap ng kritikal na hit na may taglay na limampung libong pinsala. Gayunpaman, hindi niya maiwasang sumpain si Alex nang palihim.Higit sa lahat, hindi pa ito ang katapusan nito.Dinala ni Sharpay ang kasintahan upang magpakitang-gilas. “Tita, Pinsan, ipinakikilala ko sa inyo ang kasintahan kong si Edison Hood. Siya ay ehekutibo ng Yowell Group, na may taunang suweldo na limang milyong dolyar! Ang kotseng ito ay pagmamay-ari ng kasintahan ko nga pala. Oh tama, bakit wala pa dito ang pinsan kong si Dorothy at ang kanyang walang silbing alinsunurang… Ibig kong sabihin, asawa dito?”Habang binanggit niya ang salitang “walang silbi”, may mapangutyang ekspresyon ang nakapalitada sa buong mukha niya.Sinabi ni Beatrice, “Si Ate ay nagtatrabaho pa rin sa kanyang kumpanya, kaya medyo mahuhuli siya.”Humingal si Adr

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 263

    “Anong bagong manugang?”“Mom, anong kalokohan ang sinasabi mo?” Si Dorothy, na nakasuot ng business attire, ay bumaba rin sa sasakyan. Si Sharpay, na nakabihis nang kaakit-akit, ay hindi maihahalintulad sa kanyang kalangitan na kagandahan at pagiging elegante sa sandaling iyon.Kahit na ang kasintahan niyang si Edison, ay nakatitig din kay Dorothy na may mga matang puno ng napakalawak na pagkahumaling at inggit.Malugod na inakala ni Claire na sa wakas ay tinaboy ni Dorothy si Alex at nahanapan ang kanyang sarili na mayamang manugang. Gayunpaman, nang makita si Alex na kilalang-kilala niya, labis na nabigo si Claire.“Dorothy, wala bang mayamang tagapagmana na sumundo sa’yo gamit ang isang Lamborghini? Bakit ang basurang ito ang lumabas?“ Galit na humingal si Claire.“Anong mayamang tagapagmana? Si Alex ang sumundo sa akin. Mom, may asawa na ako, pakiusap, huwag kang magsabi ng ganyang kalokohan,“ sabi ni Dorothy habang nakatingin siya kay Beatrice. Alam niyang si Beatrice ay naidagda

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 264

    Sa loob ng Bardot Manor, merong halos apatnapu hanggang limampung katao sa kabuuan ng mga kamag-anak ni Aidan at ng kanyang mga disipulo. Ang ilang malalaking mesa ay inilagay sa hall.Oras na upang ihandog ang mga regalo.Pinaghandaang mabuti ni Dorothy ang isang regalo para ihandog ni Alex kay Aidan: ito ay isang inkstone na nagkakahalagang sampu-sampung libong dolyar. Mahilig sa kaligrapiya ang matandang lalaki, kaya't, naisip niya na magugustuhan niya ito.“Ibigay mo sa kanya ang inkstone na ito mamaya, at sabihin na regalo ito mula sa aming dalawa.” Paalala ni Dorothy sa kanya na may marahang boses.“Hindi na kailangan pa, naghanda rin ako ng mga regalo,” nakangiting sabi ni Alex.Sa harap nila, ang unang naghandog ng regalo kay Aidan ay ang nakatatandang anak na babae, si Claire. “Dad, inihahandog ko sa’yo ang jade scepter na ito. Nawa’y maging maganda ang iyong suwerte at kalusugan sa hinaharap.”Sumunod ay sina Adrianna at Taylor, binigyan nila siya ng gintong estatwa ng Buddha

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 265

    “Ito... Ito rin ba ang The Landscape?”“Bakit kapareho nito ang hitsura no’ng isa?”“Posible bang magkaroon ng dalawang kopya ng The Landscape sa mundong ito?” Nagtatakang bulalas ni Sharpay.Dali-dali namang lumapit si Adrianna upang tumingin at dali-daling sinabi, “Bakit mo pa tinatanong? Malinaw namang peke ‘yan. Bakit magkakaroon ng dalawang parehong painting na gawa ng tanyag na pintor sa mundong ito? Kahit na ang mga bobo ay kayang masagot ‘yan.”Sumagot si Alex, “Ang akin ang orihinal na piyesa.”Sarkastikong ngumisi si Taylor. “Iyo ang orihinal? Sinasabi mo bang peke ang inihandog ng aking manugang? Bakit hindi mo tingnan ang iyong sarili sa salamin, sa palagay mo ba talaga kaya mong bilihin ang orihinal na kopya ng The Landscape? Kahit katiting nga ay hindi mo kaya bilhin kahit gamitin mo pa lahat ng perang ibinibigay ng mga Assex sa’yo.”Umigting si Edison. “Nabili ko ang akin mula sa auction ng aking kaibigan na may itinakdang presyong higit sa sampung milyong dolyar. Tatanu

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 266

    Si Alex ay pinanghihinaan ng loob habang sinabi niya, “Ito ay snow lotus.”“Ha, snow lotus ba talaga ‘to?”Sinabi ng isa sa mga alagad, “Snow lotus nga, ngunit mukha itong kakaiba.”May nagdagdag, “Nakita ko ito sa Amazon, bumili ang asawa ko para sa sarili niya.”Agad itong hinanap ni Sharpay sa Amazon. Sa susunod na segundo, tumawa siya. “Noong una akala ko matino na ‘to. Ang snow lotus dito ay nagkakahalaga lamang ng 23.8 dolyar, meron din itong libreng shipping! Kung kaya mong magmaneho ng Lamborghini, bakit ka maghahandog ng ganitong basura? Kahit aso ay hindi gugustuhin ito!“Agad niyang itinapon sa lupa ang snow lotus, na nagkakahalagang milyun-milyong dolyar.Galit na itinaas ni Claire ang kanyang paa at tinapakan ito nang maraming beses, hanggang sa madurog ito.Habang nakaturo kay Alex, sumigaw siya, “Talunan ka! Isinumpa ng diyos na talunan! Tapos ka na bang mangloko? Ikaw ata ang kalaban ng mga Assex? Wala kang anumang nagawa sa iyong buhay, ang magagawa mo lang ay dumampot

Pinakabagong kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

DMCA.com Protection Status