Sinsero si Cheryl Coney. Problemado siya, at hindi siya nag abala sa iniisip ng iba.“Ayos lang!” Ang sab ni Alex. “Magiging ayos lang ang lahat! Para naman sayo, ilang araw ka nang hindi natutulog? Alam ko nang pagod na pagod ka sa huling beses na nakita kita. Seryoso, hindi ka pa ba natutulog ng isang linggo?”“Ayos lang ako. Mahalaga ang sitwasyon.”“Edi mas maraming rason ito para alagaan mo ang sarili mo!” Ngayon, tumingin siya kay Guilherme. “Guilherme, dapat mo siyang bantayan sa tabi mo at ‘wag mo siya hayaan na kumilos ng basta basta. Kapag oras na ng tulog, dapat siyang matulog. Kapag hindi nakapagpahinga ang utak mo, hindi mahalaga kung gaano karaming research ang ginawa mo; magiging walang kwenta ito.”Tumayo si Guilherme sa isang tabi at sinabi niya, “Hindi naman sa hindi ko siya sinubukang kumbinsihin dati, masyadong magiting lang ang puso ng babaeng ito, at mas pinahahalagahan niya ang kaligtasan ng pasyente kaysa sa kahit ano. Nasasayang ang lahat ng payo ko.”Natu
Kumunot ang noo ni Jade Benmore. “Alex, ano ang pinagsasabi mo?”“May regulation runes na nagpoprotekta sa katawan niya,” Ang sabi ni Alex. “Ang innate divine collection niya ay bahagyang nakabukas, at may tatlong pulso siya, hindi siya maikukumpara sa kahit sinong nakita natin sa mundong ito. Isa siyang isinilang na diyos. Hindi siya isang anak na isinilang ng isang napakalakas na tao, maaaring isa siyang reincarnation! Kaya, Master, noong sinabi niyo na nawala ang paa niya dati, pero ngayon ay may paa ulit siya, ito ay dahil sa regenerative function ng divine body niya.”Habang nakikinig si Jade, mas lalong lumaki ang mga mata niya.“Isang diyos ang anak ko?!|“Hindi mo gawa-gawa ang mga sinasabi mo, hindi ba?” Ang sabi ni Cheryl.“Tama, naaalala ko na ngayon,” Ang sabi ni Guilherme. “Minsang sinabi sa akin ng master ko na ang katawan ng isang diyos ay may tatlong pulso, at hindi pwedeng kulang sila ng isa. Nahahati ito sa human pulse, immortal pulse, at divine pulse! Diyos ko,
Tumingin si Dorothy Assex sa kanya at tumawa siya. “Doctor Coney, alam ko na isa kang tradisyonal na babae at virgin ka pa. Kaya responsable ako na sabihin sayo na ang boyfriend mo ay hindi isang uri ng lalaki na ikaw lang ang mamahalin sa buhay niya. May oras pa para bumalik ka ngayon.”Ang mukha ni Cheryl ay nabigla at nagalit, ngunit hindi siya bumitaw sa paghawak sa kamay ni Alex.Hindi inaasahan ni Alex na aatake si Dorothy kay Cheryl sa simula pa lang, kahit bago pa pumasok sa pinto. Mukhang ang sama ng loob ni Dorothy kay Cheryl ay malalim.Kung hindi, bakit wala siyang sinabi kay Waltz o Maya?Medyo nagsisi siya at dinala niya si Cheryl sa bahay.Sa mga oras na ‘yun, nadala siya ng sandali. Nang maisip niya ang tungkol sa pagiging mag isa sa laboratory, nag aaral ng antidote ng buong araw at gabi, pati sa New Year’s Eve, masyadong nakakaawa ito.Ito ang rason kung bakit inimbitahan niya si Cheryl.Ngayon, mukhang may mangyayari.Agad na sinabi ni Alex, “New Year’s Eve n
Si Freya Mayer, Xyla Stoermer, ang mga babae mula sa Eight Desolated Killing Formation…Nandito rin si Hailey Lawson at Nora Stewart…Napapalibutan siya ng lahat ng mga magagandang babaeng ito, may higit sa dalawampu.Hindi ito kapanipaniwala.Iniisip niya ba na isa siyang emperador ng dating panahon?Parang mahihimatay si Cheryl Coney sa sandaling ito.Tila naramdaman ni Dorothy Assex ang gulat ni Cheryl. Ngumiti siya kay Cheryl at sinabi niya, “Ano sa tingin mo? Mainit sa puso ang sumama sa malaking pamilya namin, hindi ba?”Namutla ang mukha ni Cheryl, at tumingin siya kay Alex, pagkatapos ay napailing siya. “Hindi… Hindi maganda ang pakiramdam ko. Aalis muna ako.”Para sa kanya, ang problemang ito ay biglaan.Kung hindi isang lalaki si Alex, ano pala siya?Ang tatay niya ay pinagtaksilan ang nanay niya at namatay ito sa galit, at kinamumuhian pa rin ni Cheryl ang tatay niya! Ngunit si Alex ay may higit sa dalawampung babae, at naisip ni Cheryl na isang biro kung sumama pa
Agad na sinagot ni Alex ang phone call, ngunit hindi niya inaasahan na sa halip na boses ni Snow Whitney, ang boses ni Martiny Mayer ang tumunog. Tila balisa ang boses niya sa phone, “Alex, limitado lang ang oras ko. Makinig ka ng mabuti, pumunta ka sa Flying Eagles Academy, hanapin mo ang gatekeeper, si Uncle Drake, at sabihin mo sa kanya na dalhin ang Exorcism Bell papunta sa Japan sa Kaga…”Sa oras na makarating sa puntong ito, may malakas na ‘boom’ ang maririnig sa kabilang linya.Pagkatapos, tila narinig ni Alex ang malungkot na boses bago maputol ang phone call.Beep beep beep…Nang marinig na naputol ang linya sa phone, mabilis na tumalon ang puso ni Alex sa dibdib niya. Alam niya na napunta siguro sa gulo sina Martiny at ang iba.Mabilis siyang pumunta kay Jade Benmore. “Master, may sasabihin ako sa inyo.”Tumingin siya sa ekspresyon ni Alex at alam niya na may malaking bagay na nangyayari.Pinanood ng lahat habang naglakad si Jade at Alex sa isang sulok at nagtaka sila
At ngayon, marami nang nagbago.Kalimutan na ito. Dapat niyang tanggapin ang sitwasyon ng may mabuting loob!Naisip ni Alex na biktima siya ng mga emosyon, isang biktima ng mga babae na pinag aawayan at hinahabol ng mga babae, habang siya… Hinahabol niya lang si Dorothy noong nasa eskwelahan pa siya!Ang lahat ng ito ay hindi niya ginusto.Tulad ng kasabihan, kung walang bagay sa una pa lang, ano ang mahihila nito?Habang nakangiti siya ng peke sa sarili, dumating na sila sa Flying Eagles Academy.Sa oras na dumating sa gate sina Alex at ang Fairy Doctor, nakita nila ang maraming estudyante na nagbubulungan sa mga maliliit na grupo ng dalawa hanggang tatlo, at ang ilan ay nag set up pa ng mga booth.Natuklasan ni Alex na ang karamihan sa mga estudyanteng ito ay mula sa Gossip Club, at sa pagtitipon nila sa mga gate, nakakakolekta sila ng pinakabagong impormasyon tungkol sa eskwelahan at nakakapag usap sila sa isa’t isa. Kahit ang personal na impormasyon ay pwedeng kunin dito.N
Tumango si Alex, “Hindi ako nagkakamali. Ito ay ang Exorcism Bell.”Nagbuntong hininga ng mahaba si Uncle Drake.Mukhang matanda si Uncle Drake. Ang balbas niya ay puti, at payat siya, parang isang matandang lalaki na papasok sa kabaong. Kumunot ng malalim ang noo niya, mas lalong nagmukhang matanda ang mukha niya.Ito ay para bang sinasabi niya, ‘Dahil sinabi ito ng Dragon Lord, wala na tayong magagawa.’Sinabi ng Fairy Doctor, “Uncle Drake, may problema ba?”Kumaway si Uncle Drake, sumunod kayo sa akin.”Pagkatapos magsalita, naglakad si Uncle Drake palabas ng gatekeeper’s room.Naglakad siya patungo sa academy.Sumunod sina Alex at ang Fairy Doctor sa likod.Mukhang mabagal maglakad si Uncle Drake sa bawat hakbang. Ngunit sa katotohanan, mabilis ito; si Alex at ang Fairy Doctor ay halos hindi makahabol; nagbigay atensyon si Alex sa mga paa ni Uncle Drake at nabigla siya, nakita niya na sa ilalim ng mga paa nito, may mga lotus na lumabas sa bawat hakbang.“Ang mga ito ay… a
“Malibog!”Habang nagsasalita ang dalawa, dumaan sila sa passage opening.Ito ay parang isang teleportation door.Dahil dito, pagkatapos pumasok, si Alex at ang Fairy Doctor ay halos napaluhod.May makapal na negative aura sa loob.Tila meron ding negative energy sa loob - kalungkutan, sakit, luha, at pagkalito. Ang lahat ng mga emosyon na ito ay pumasok at nakaapekto sa damdamin nila sa punto na naguluhan sila.Tila may naalala ang Fairy Doctor at umiyak siya.Hindi rin mapigilan ni Alex na isipin ang tatay niya. Naalala niya ang lahat ng ginawa niya dati, at ang isip niya ay napuno ng ganito, kaya mahirap para tumakas siya.Tumunog ang mga bell.Ang klaro at malinaw na tunog na ito ay galing sa kawalan.Nawala ang mga negatibong emosyon sa puso nila.Nakatayo si Uncle Drake sa tabi niya at ipinaliwanag nito, “Ito ang Dragon Tomb Mountain, ang mga unang henerasyon ng mga Dragon Master ng Exorcist Dragon Clan ay nakalibing dito! Ang pagiging negatibo sa lugar na ito ay makap