Nahawakan ng daliri ni Alex ang hamog ng dugo. At saka, ang Netherworld Blood Poison ay pumasok kaagad sa katawan ni Alex. Takot na takot si Neela. Hinila niya si Alex at siniyasat ng mabuti. “Panginoon ko, bakit mo hahawakan ang mga ganyang bagay? Baka may seryosong mangyari! Ito ay napaka-dominante, at nakakahawa kahit na ito ay hinawakan ng mga ordinaryong tao. Kamusta ka? Paano ito magiging maayos?”Pumikit si Alex at tumigil sa paggalaw.Nakita ng kanyang panloob na paningin na pagkatapos na sumugod ang Netherworld Blood Poison sa kanyang katawan, ang napaka-kaawa-awa at kakaunting banal na kapangyarihan sa loob ng kanyang ginintuang core ay mabangis na naging isang ginintuang liwanag na biglang lumabas upang balutin ang Netherworld Blood Poison bago ito kinaladkad sa gintong core. Tapos, nilunok ito!Ilang sandali pa, napansin ni Alex na tumaas ang banal na kapangyarihan.Kung idinagdag niya ang mga naunang puntos sa labindalawang puntos, labing-apat na puntos na ngayon.Ang isan
“Ito…”Sa pagtingin sa mga papasok na tao, lalong sumama ang mood ni Alex.Ang bilang ng mga papasok na tao ay hindi bababa sa limampu at kalahati sa kanila ay mukhang babaeng lobo. Merong iba’t ibang mga miyembro ng tribo ng demonyo na may mababang cultivation at maging ang kanilang palit-anyong estado ay hindi masyadong matatag. Lalo na ang ilan sa kanila ay simpleng kalahating tao at kalahating demonyo na may kakaibang hitsura at buntot na nakasunod sa likuran. Maging ang mga damit na suot nila ay hindi bagay.Gayunpaman, kalahati sa kanila ay mga tao.Ang mga taong ito ay parang yung kambal sa palengke. Ipinanganak sila na may espesyal na bloodline ngunit nawala ang kanilang muwang matapos mahawa ng lason ng Blood Cult. Hindi lang iyon, nagsimula nang mag-mutate ang kanilang mga katawan, ang kanilang buhok ay tuyo at naglagas na. Ang kanilang mga mata ay duguan, at ang kanilang mga mukha ay natatakpan ng kakaibang mahiwagang mga tattoo.“Panginoon, bumagsak na ang nayong ito!” sabi
Matapos magbigay ng utos, napangiti si Mariah Hamilton at muling umatras, na parang may kailangan pa siyang gawin.Hindi nagtagal, nagsimulang salakayin si Alex ng mga nilason na naging miyembro ng demon tribe at mga espesyal na bloodline holder.Whoosh!“Mukhang ultimate killing move ko lang ang magagamit ko!”“Kung hindi ako ang susugal, sino? Amitabha!”Agad na nagsimulang kumilos si Alex, na parang umiikot na dragon.Gamit ang Sword of the Universe sa kanyang kanang kamay, isinaaktibo naman niya ang selyo ng Ksitigarbha’s Ten Wheels Earth Incantation sa kanyang kaliwang kamay.Ang babaeng lobo, na pinakamalapit kay Alex, ay mabangis na sumugod sa kanya.“Ksitigarbha’s Ten Wheels Earth Incantation, Seal of Noble Light!”Boom!Sa muling paglaslas ng Sword of the Universe, ang ulo ng babaeng lobo ay tumalsik sa hangin bilang tugon sa tunog.“Isa!”Kinain ni Alex ang Netherworld Blood Poison na nagmumula sa bangkay ng babaeng lobo at malakas na sinabi, “Babaeng lobo, maaari kang humayo
Napalingon si Alex sa pinanggalingan ng boses.Pakiramdam niya ay hihimatayin na siya!Si Freya Mayer iyon!Ang babaeng ito ay may mahinang cultivation base. Mamamatay siya sa isang suntok ng mga baliw na demonyong ito at mga espesyal na bloodline holder, ngunit sumugod pa rin siya kahit malalagay sa peligro ang kanyang kaligtasan, sinusubukang tulungan si Alex na patayin ang mga kaaway.“Umalis ka na! Bilisan mo at umalis ka na!” Malakas na sigaw ni Alex sa kanya, para hindi siya masangkot sa gulong ito at makaalis kaagad.Gayunpaman, tila hindi niya ito naiintindihan at dumiretso sa ilang mga demonyo upang salakayin sila.“Dragon God Edict, Ghost God Law, lahat ng kasamaan!”Boom!Eto’ng sa inyo!Ang mga miyembro ng demon tribe na ito, na nahawa ng Netherworld Blood Poison, ay makapangyarihan, may malalakas na depensa at ang kanilang mga katawan ay meron ding bahagyang katangian ng tribong Shura. Ang mga ordinaryong atake ay walang silbi laban sa kanila, dahil maaari nilang tanggalan
Sa sorpresa ni Alex, sinabi ni Freya, “Hindi iyon maaari, hindi magagalaw ngayon ang nanay ko.”Sinamaan siya ng tingin ni Alex. “Anong hindi magagalaw? Hindi ko naman siya pinapagalaw, inuutusan kitang dalhin mo siya.”“Hindi rin pwede iyon.”“...”Nang makitang hindi naintindihan ni Alex, ipinaliwanag ni Freya, “Gumagamit ang nanay ko ng mystic art mula sa Exorcist Dragons namin, at pinupunan niya ang nawalang dugo sa pamamagitan ng pag-upo sa lupa. Makakaupo lamang siya dito ngayon, at hindi talaga siya makakagalaw.”Nang marinig ito ni Alex ay natigilan siya.“May ganoong mystic art? Hindi na siya makakatayo kapag naupo na siya? Nakadikit ba sa lupa ang puwet niya?”Bahagyang namula ang mukha ni Freya. “Ang aura ngayon ng nanay ko ay konektado sa dragon Chi sa lupa, at hindi ito masisira sa kalagitnaan. Ito ang mahirap sa mystic art, pero ayos lang. Mababawi niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan sa loob lamang ng kalahating oras.”“Pero…”Gayunpaman, huli na para sabihin ang anum
“Hay grabe! Anong nangyayari?!”Napatulala si Alex habang pinagmamasdan si Martiny na nakaupo sa lupa, hinihigop ito... Ay, teka hindi, nakaupo siya sa lupa nang hindi gumagawa ng anumang kilos para mapunan muli ang dugo niya, hinahayaan si Mariah na hampasin siya ng palad sa ulo. Medyo hindi kapani-paniwala ang pagbaliko ng resulta, kaya hindi agad na nagkaroon ng reaksyon ang mga taong nanonood.Ayos lang nga talaga siya.Si Mariah pala ang tumilapon palabas.Hindi lang iyon, umubo pa si Mariah ng dugo matapos bumagsak sa lupa, halatang nasugatan nang husto. Napadilat din siya sa pagtataka. “Sino ka? Anong klaseng teknik iyon?!”Walang sinabi si Maritny.Ipinikit niya ang kanyang mga mata, hindi pa rin kumikibo, na para bang wala siyang narinig.Pagkatapos lang ng isang hampas, gaano man katanga si Mariah, alam niyang kakaiba ang babaeng nasa harapan niya, kaya hindi na siya muling umatake.Sa kabilang banda, gulat na sabi ni Neela sa loob ni Alex, “Panginoon ko, kakaiba ang babaeng
Natigilan din si Freya dahil hindi pa siya nakakakita ng ganoon.Si Martiny ay nasa ganoon ding estado.Sumigaw si Neela, ‘Aking panginoon, ito ay mga Grovel Demons mula sa kaharian ng Shura, ngunit ito... Hindi, hindi ito tama. Hindi ito ang tunay na Grovel Demons, ngunit ang mga resulta ng assimilated na mga tao!’‘Nagpalit-anyo rin sila mula sa pagiging mga tao?’‘Tama iyan! Napakalupit nito. Ang mga orihinal na isipan at kaluluwa ng mga tao ay nananatili pa rin sa mga katawan ng mga kalahating tapos na produkto. Pilit silang na-asimilate, at ang kanilang mga katawan ay kinokontrol ng isang mala-virus na substansiya mula sa kaharian ng Shura. Tignan mo, umiiyak pa nga sila dahil sa sakit na nararamdaman nila.’Hindi napigilan ni Alex ang panginginig na bumalot sa kanyang gulugod matapos pakinggan ang paliwanag nito.Merong higit sa isang dosenang kalahating tapos na Grovel Demons dito.Nawawari niya ang sakit ng kanilang orihinal na kaluluwa sa sandaling ito.“Hayup ka, Mariah Hamil
Ang Persephone’s Folly Bridge ni Ksitigarbha Bodhisattva ay maaaring maghatid sa mga kaluluwa ng mga tao.Ang mga mag-aaral sa kolehiyo na ito, na nalason ng Netherworld Blood Poison, ay nahawahan din ng kanilang mga kaluluwa ng asimilasyon. Kapag sila ay namatay, ang kanilang mga kaluluwa ay maglalaho mula sa eksistensya, kaya’t hindi makakayanan ni Alex na mangyari iyon.Siya ay isang manggagamot na may kabaitan ng isang doktor.Sa kabilang banda, ang Persephone’s Folly Bridge ay isang banal na artifact na maaaring magsilbing daanan sa anumang uri ng abnormal na kaluluwa, maging ito ay tao, hayop o kahit na mga demonyo. Lahat sila ay maaaring tumawid sa River Styx sa ilalim ng Persephone’s Folly Bridge at ihayag ang kanilang tunay na pagkatao, na babalik sa reincarnation cycle.Gayunpaman, ang paggamit ng Persephone’s Folly Bridge ay nangangailangan ng mga banal na kapangyarihan.Hindi sigurado si Alex kung sapat na ang banal na kapangyarihan mula sa kanyang ginintuang core, ngunit w