Nang makitang kumikilos si Maoi tulad ng kanyang anak, tila hindi kakayanin ni Colton ang pagkabigla.‘Sinusubukan kong kontrolin si Michael ngayon, kaya hindi talaga puwedeng mahawaan ako ng sakit na ‘to!’Bilang Left-wing Lieutenant na may sampu-sampung libong sundalo, mahihiya siyang ipagpatuloy ang kanyang buhay kung may makakakita sa kanyang humahalay siya ng puno, sumisigaw, “Mahal ko ang Fairy Doctor.” Ni hindi niya kakayaning panatilihin ang kanyang posisyon sa loob ng hukbo.Kaya naman agad niyang binitawan si Michael.Maski si Petunia ay hindi pinigilan ang kanyang anak. Sa huli, umungol si Michael at nagmamadaling bumalik upang yakapin ang puno, kinukuha ang kabilang banda habang iniuumbok niya ito kasabay ni Maoi.Mapapaungol pa nga siya, hihingal, at magpapakawala ng biglaang pagtawa, tila nasisiyahan. Kakila-kilabot na tanawin ito.Pak! Pak!Humakbang paabante si Colton at tinapik ang mga ito sa likod ng leeg gamit ang kanyang kamay, na naging dahilan ng pagkahimatay nila
Nagtungo si Alex upang ipaalam sa kanyang mga alagad sa kursong formation circle ang tungkol sa kanyang pag-alis.Pagkatapos ay nakipagkita siya kay Holly, na nasa battle course, at nagpaalam din dito...Gayunpaman, hindi niya nagawang mahanap si Yuno. Wala rin siyang telepono noon. Kaya naman, sinabihan niya si Holly na ipaalam ito sa kanya kapag nagkasalubong sila.Pagkatapos noon ay lumabas na siya sa malalaking gate.“Alex Rockefeller!”Saktong pagdating niya sa gate ay may tumawag sa kanya.Paglingon niya, nakita niya ang isang lalaking nasa edad trenta. Meron itong mahabang buhok na malayang tinatangay sa simoy ng hangin na para bang ito si Dragon Shiryu mula sa Saint Seiya.Ang kanyang buhok ay malasutla kaya sayang naman ang potensyal kung hindi siya ang kinatawan ng Head & Shoulders.Bukod sa buhok niya, medyo magara din ang itsura niya. Si Alex mismo ang nag-rate sa lalaki bilang walo sa sampu.“Tinatawag mo ba ako?” Napatingin sa kanya si Alex. Hindi niya kilala kung sino an
Pak!Plakda si Hubert sa lupa. Nagsimulang dumugo ang kanyang ilong habang natanggal ang dalawa niyang ngipin. Hindi siya makapaniwala na may nangyayaring ganito. Bilang estudyanteng niranggong siyam sa lakas sa pakikipaglaban, hindi man lang niya magawang pumalag sa baguhan na ito.‘Paano ito naging posible?’‘Malamang ay dahil... dahil hindi ko lang naihanda ang sarili ko!’Kaya naman, tumalon si Hubert mula sa lupa, ginagamit ang buong lakas habang inilunsad niya ang isang pag-atake kay Alex bilang ang pinakahuling paghihiganti.“Shura Exploding Kick!”Naapektuhan pa ng pag-atake ang hangin sa paligid niya. Ang kapaligiran ay parang pinipiga, pagkatapos ay sumabog na parang bomba sa sumunod na segundo. Sumabog ang enerhiya habang papalapit ang paa niya sa noo ni Alex.Napabuntong-hininga ang lahat habang pinapanood ang laban.“Ito ang pinakamalakas na kasanayan ni Hubert, ang Shura Exploding Kick! Nabalitaan kong isa itong cultivation skill ng may ranggong Earth!”“Ang galing. I eve
Kasabay nito, may mga estudyanteng nanonood na dilat ang mga mata nang umalis si Alex.“Anong ginagawa niya?”“Baguhan siya, at sa tingin ay wala pang tatlong buwan ang nakalipas mula nang mag-enroll siya. Hindi pa siya dapat puwedeng umalis. Gusto ba niyang makulong sa Soul Refining Tower?”“Haha! Hindi ba alam ng lalaking ‘to ang mga patakaran dito? Huwag na nating sabihin sa kanya at panoorin na lang siyang lumakad papunta sa kanyang kasawian. Hindi dapat sinusuway si Uncle Drake. Makakanood tayo ng magandang palabas kapag ikinulong siya sa tore.”Ang lahat ay patuloy na nakatitig kay Alex, ngunit walang nangyari kahit na nakalabas na siya ng akademya.Si Drake na nakaupo sa guard station ay kalahating nakapikit. Pinagmasdan niya ang paglabas ni Alex, ngunit wala siyang ginawa para pigilan ito.Agad namang sumugod si Jinvy para paalalahanan si Drake. “Uncle Drake, gising! Tatakas sa academy ang isang baguhan! Dapat siyang hulihin at ikulong sa Soul Refining Tower sa loob ng tatlong
Noong una, inakala ni Alex na may ginagawa itong stretching, kaya napaungol ito sa sakit dahil sa pananakit ng mga binti nito.Gayunpaman, pagkatapos ng karagdagang pagmamasid, napansin niyang may mali.Si Claire ay hindi umuungol dahil sa sakit mula sa pag-uunat, ngunit ito ay dahil nasobrahan niya ang kanyang posisyon sa yoga. Hindi makayanan ng kanyang katawan ang ganitong pag-uunat, na humantong sa pananakit ng kanyang sarili at pagpuwersa sa kanyang hamstring. Parang may pumilipit sa kanyang mga kalamnan gamit ang mahika.Gaya ng inaasahan, pagkatapos matagal na panatalihin ang posisyong iyon, hindi na nakayanan ni Claire ang sakit at nagsimulang umiyak para humingi ng tulong.Lumapit sa kanya si Alex at agad na napaluhod, idinidiin ang mga binti nito gamit ang kanyang mga kamay.“Hah?”Napansin tuloy ni Claire ang lalaking humarap sa kanya at ang mga kamay nito ay nasa mga hita niya. Natigilan siya, natakot hanggang sa napagtanto niyang si Alex iyon.Nakahinga siya ng maluwag. “A
Ang problema lang ay hindi gaanong alam ni Alex ang martial arts na pinaka-angkop para sa mga babae.Sa kabilang banda, ang Reincarnation Stone ni Dorothy ay merong maraming impormasyon tungkol dito. Kaya naman, pinakamahusay na si Dorothy mismo ang gumawa ng desisyong ito.Sa huli, walang masyadong sinabi si Alex tungkol dito at nagtanong, “Nasaan si Dorothy? Oh, at bakit wala pa si Beatrice sa bahay? Malapit nang matapos ang taon. Dapat bakasyon niya na ah, di ba?”Sumusuot ng jacket, sinabi ni Claire, “Lumabas si Dorothy dahil may tumawag sa kanya! At si Beatrice, ah, ang pasaway na dalagang iyon... nagawa niyang matikman ang isang tunay na negosyo pagkatapos magtrabaho para sa Lush Cosmetics ng pamilya mo. Kaya pagkatapos niyang kumita ng sapat na pera, nagpatayo talaga siya ng club. Ngayon, pumupunta siya sa club at nag-aayos ng mga event paminsan-minsan. Lumabas siya kaninang umaga, at sa palagay ko ay mamayang gabi pa siya babalik. Kawawang ako, ano? Lagi akong mag-isa sa bahay.
Napabuntong-hininga si Dorothy habang nakatitig kay Emma, na mukhang sabik at nagdiriwang ng tagumpay.Mula noong sila ay mga bata pa, ang babaeng ito ay hindi kailanman gumawa ng anumang bagay na tama. Kakaladkarin niya ang isang tao pababa o gagawa ng mga kalokohang hindi naman niya mapapakinabangan.Si Dorothy ay naguguluhan din.‘Paano kaya nagawang mabuhay hanggang ngayon ng ganitong delulu na babae sa mundong ito?’“Emma, sasabihin ko lang ito dahil magkamag-anak tayo. Bibigyan kita ng huling pagkakataon. Lumayas ka sa harapan ko at magpatuloy na mabuhay bilang duwag. Huwag ka nang magpapakita dito. Nandidiri ako sa’yo. Kaya kong magpanggap na walang nangyari ngayong araw,” sabi ni Dorothy, walang ekspresyon.“Hahaha!” Tumawa nang malakas si Emma. “Dorothy Assex, kalahating tulog ka na ba? Hindi mo ba nakikita kung gaano kalakas ang mga lalaking ito dito? Ang mga ito ay napakalakas na mandirigma na kinuha ko mula sa Michigan. Sa tingin mo ba talaga matatalo mo sila?”Pagkasab
Nagsimula silang magmakaawa para sa kanilang buhay.“Pakiusap! Maawa ka, binibini!”“Nalinlang kami ni Emma Assex. Wala talaga kaming kinalaman dito!”Malamig ang mga ekspresyon ni Dorothy. “Kung isa lang akong mahinang dalaga, na nahuli ninyong lahat, papakawalan ninyo ba ako kapag humingi ako ng awa?”Natigilan silang apat.Sa ganoong sitwasyon, sila ay labis na matutuwa, magmamadaling hawakan siya. Walang paraan na palayain siya sa pamamagitan lamang ng pagmamakaawa.Pshhhh!!!Ang bola ng apoy sa kamay ni Dorothy ay naging apat na apoy na palaso, na nakatutok sa apat na lalaking nakaluhod sa lupa.Sa pagkakataong ito, silang apat ay nasunog sa loob ng dalawang segundo.Nagulat si Emma; hindi niya kayang paniwalaan ang alinman sa mga ito.Ibang-iba ito sa inaasahan niya.‘Kailan naging ganito kalakas si Dorothy?’‘Hindi ito makatuwiran. Imposible.’Napatakip si Emma sa kanyang mga ngipin sa takot habang pinagmamasdan ang isa pang bola ng apoy na namumuo sa loob ng palad ni Dorothy na