“Ikaw!” Sa sobrang galit ni Michelle ay wala siyang masabi.Gayunpaman, sa sandaling ‘yon, ang likod ng kotse nila ay nabangga.“Ano’ng nangyari? May nabangga ka ba? G*go ka, sabi ko mag-focus ka sa pagmamaneho mo, eh! Ang galing!” Sabi ni Michelle. Bago pa man niya maintindihan ang nangyayari, isa pang malaking kotse, na bumabaligtad sa trapiko, ay patungo sa kanilang kotse nang may buong bilis.Sa sobrang liwanag ng ilaw nito ay hindi nila mabuksan ang kanilang mga mata.“Ah!” Agad na napasigaw si Michelle.Kung mababangga ng kotse na ‘yon, kahit ang M8 ay hindi makakayanan ang pwersa at baka ito ay napirat na parang isang meatloaf.Sa sandaling ‘to, inapakan ni Alex ang pedal at nagawang iwasan ang papalapit na kotse sa isang mabilis na paglikod niya. Ang malaking kotse ay gumasgas sa likod ng M8 bago bumangga sa itom na Honda, na nakasunod sa likod nila.Bang!Ang sitwasyon na ‘yon ay nakakaalarma.Nang walang pag-aalinlangan, muling inapakan ni Alex ang pedal at lumayo sa eksena.
Ano’ng mararamdaman mo kapag may nakita kang isang kotse na nahulog sa isang lawa mula sa isang malaking tulay na may taas na tatlumpong metro?Isang kahanga-hangang tanawin pa rin ‘yon.Isang malakas na tunog na may kasamang pagsabog ang maririnig, at ang tumalsik na tubig ay umangat sa taas ng sampung metro.Wala itong pinagkaiba mula sa pagbangga sa isang batong pader.Ang airbags ng kotse ay agad na bumukas.Hinimatay si Michelle sa isang kalagayan ng matinding takot.Sa ibabaw ng malaking tulay, ang ilang dumadaan na kotse ay tumigil upang tingnan kung ano ang nangyari habang may ilang tao ring tumatawag ng pulis. Isang babae, na mayroong suot na maskara at sumbrero, ang lumabas mula sa isa sa mga truck ng basura.Siya ay si Pepper Kimmich.Naglalakad patungo sa gilid ng tulay, tumingin siya nang ilang beses sa ilalim ng katubigan bago magmadaling magsalita sa kaniyang headset upang magbigay ng utos, “Manatili kayo sa tabi ng lawa kung sakaling subukan nilang tumakas. Mga maninisi
Noong ibaba niya ang telepono, sumigaw si kalbo, “Sasamahan mo ang matandang lalaki na ‘yon? Sino ba siya, bakit hindi na lang natin siya patayin?”“‘Wag muna, makakatulong pa rin siya sa ‘tin,” sabi ni Pepper....Splash!Sa hilagang bahagi ng East River, gumapang si Alex palabas ng tubig, buhat-buhat si Michelle, patungo sa mabuhangin na pampang.Agad siyang nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation kay Michelle, kasunod ng isang mouth-to-mouth resuscitation at panggigising ng electric Chi needle. Sa loob lamang ng kalahating minuto, binuga ni Michelle ang tubig ng ilog at nagising.“Buhay pa ako?”“Muntik ka na.” Nahirapan si Alex na umupo sa lupa.Ang nangyari kanina ay talagang mapanduya.Ang bumukass na airbags ay humarang sa pagtakas niya. At saka, pagkatapos ng pagsalpukan kanina, ang harap ng kotse ay nayupi at ang mga binti ni Michelle ay naipit sa loob ng kotse.Pagkatapos maglagay ng matinding pwersa, nagawa niyang pakawalan si Michelle mula sa kotse, pagkatapos ay nadala
Sa sumunod na araw, dalawang kotse ang dumating sa harap ng Maple Villa bago mag-alas siyete ng umaga.Sa loob ng harap na kotse na isang yayamaning Porsche, ay sina Spark, Carol, Olivia, at Mariah. Ang braso ni Spark ay hindi pa ganap na gumagaling; kaya si Carol ang siyang nagmaneho. Kasunod nila ay isang truck, sa loob nito, isang kabaong na binili nila kagabi.Napupuno ng pananabik at saya kagabi, hindi makatulog si Spark. Ang kawalan ng tulog ay nagsanhi sa kaniya na magkaroon ng pulang mga mata.Gayunpaman, mukhang masigla pa rin siya.Sadyang hindi siya makatulog, iniisip ang pagkamatay ni Alex. Ngayon, siya ay nagpadala ng isang kabaong sa bahay nito, at magagawa rin niyang insultohin si Brittany. Ang lahat ng ‘yon ay kapana-panabik, mas nakakapanabik pa kaysa ang matulog kasama ang kahit na sinong babae...Iyon, gayunpaman, ay may pinaalala sa kaniyang ‘di maganda. Pagkatapos ‘di magawang sagutin ng isang modelo dati, pakiramdam ni Spark ay nagbara ang kaniyang isipan.Nitong
Ang dalawang manlalaban naman ay naglipat ng isang rosewood na kabaong palabas ng truck. Noong ilapag nila ito sa lupa, nagsanhi ito ng malakas na tunog, naglalabas ng isang ulap ng alikabok mula sa daanan.“Ah!”Kahit si Waltz ay napasigaw noong makita ang kabaong, ang ekspresyon sa mukha niya ay madilim.Sa kanilang kultura, ang pagbibigay ng isang kabaong bilang regalo ay isang matinding pinagbabawal.Nawalan ng kulay ang mukha ni Brittany, ang buo niyang katawan ay nanginginig.Muling tumawa si Spark at nagpapanggap na sinabi, “Ano? Nagustuhan mo ba? Kung alam mo lang, ang kabaong na ‘to ay gawa sa rosewood na mataas ang kalidad. Sayang lang at si Alex, ang minamahal kong pinsan, ay namatay nang ganito kabata!”“Sayang lang at kinailangan niyang umasa sa mga Assex. Hindi man lang siya hinahayaan ng asawa niya na samahan siyang matulog! Ang magagawa niya lang ay ang humiga sa isang masikip na kwarto, inaalagaan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng tatlong babae. Araw-araw rin si
Naglakad si Alex patungo sa gate, hawak-hawak ang isang bag ng almusal. Lumabas siya upang magsanay nang maaga at napagdesisyunan na bumili ng almusal pagkatapos no’n.Hindi niya inaasahan na umuwi sa isang pulang kabaong sa harap ng bahay niya, pati na rin ang makita si Spark at ang iba pa.Kalmado ang tono niya, ngunit ang kaniyang mga mata ay lubos na malamig.‘Sino’ng g*go ang magpapadala ng kabaong sa bahay ng iba kung wala namang libing noong una pa lang?’“Anak!” Lumapit si Brittany kay Alex at niyakap siya nang mahigpit sa sandaling makita siya nito. Tumulo ang luha sa kanilang mga pisngi, at hindi na niya mapigilan ang mga ito.Bago bumalik si Alex, siya ay lubos na nasindak sa balitang ito.Si Brittany ay malambot ang emosyon sa puntong ‘to. Hindi niya matiis ang mawalan ng isa pang minamahal sa buhay.“Ina, may mali ba? Hindi ba’t nakatayo ako rito sa harap mo, buhay at masigla? Nag-aalala lang ako na napapagod ka na sa pagluluto ng almusal araw-araw. Kaya bumili na lang ako
Pinagpag ni Waltz ang mga alikabok sa kaniyang mga kamay. “Tapos na ako, brother.”Si Brittany, gayunpaman, ay bahagyang natakot sa eksena na ‘yon. “Alex, nakakahinga ba sila roon? Kamag-anak pa rin naman natin sila, eh, at sapat na ang kaunting parusa. Kapag may nangyaring masama sa kanila, hindi ito ang wakas ng lahat.”Sumagot si Alex, “‘Wag kang mag-alala, ina, walang mangyayaring masama sa kanila.”Ginamit niya ang kaniyang hintuturo para maglagay ng ilang butas sa kabaong, sinisiguro na mayroon silang sapat na oxygen upang mahinga.“Waltz, alagaan mo ang ina ko. Ibabalik ko na ang kabaong na ‘to, kasama ang mga g*go na ‘to.”Alam ni Brittany na kung hahayaan niyang mag-isa ang kanyang anak, palalalain lang nito ang problema. Agad niyang sinabi, “Alex, sasama ako sa ‘yo.”Ninais ding sumama ni Waltz, tila nananabik.“Kung gano’n… Sige! Pero mag-almusal muna tayo bago umalis. Hindi naman masamang magpahinga sandali.Pagkatapos ng ilang sandali, isang malaking Mercedes Benz ang nagm
Katatapos lamang ng pagpupulong ni John. Bumalik siya sa opisina niya at naisip kung paano nagpadala ang kaniyang pamilya kay Brittany ng isang kabaong.Lubos niyang kinamumuhian ang babaeng ‘yon, kahit na ito ay ang kaniyang hipag.Noong buhay pa si William, si Brittany ang ikalawang namumuno sa sales at finances ng Rockefeller Group. Lubos na mahirap na gumawa ng mga kalokohan sa likod nito noong nagtatrabaho pa siya sa ilalim nito.Ilang beses na siya nitong napagalitan dahil sa pagbago ng mga dokumento, at pinapahiya siya. Dati pa man ay ninais na niyang magbayad ng mga tauhan upang ipadakip ito at pahiyain nang dalawang beses ng ginagawa nito sa kaniya.Gayunpaman, dahil sa isang pagpupulong kasama ang directors, sayang lang at nalagpasan niya ang magandang palabas.Agad niyang tinawagan ang anak niya, ngunit hindi ito sinagot ni Spark.‘Ang batang ‘to, ang lakas naman ng loob niyang ‘wag pansinin ang tawag ko? Masyado ba siyang nasisiyahan sa pang-iinsulto sa p*ta na ‘yon? Kaya h