“Gusto mo?” tanong ni Alex Rockefeller.“Ano sa tingin mo? Gusto ko pareho!” Nanumbalik ang lakas ni Luna Flores. Pagkatapos ay kinuha niya ang lahat ng inihaw na isda sa hangin. “Kung gusto mong kumain, umalis ka na at manghuli ng mga bago,” sabi niya.Pagkatapos niyon, bumalik si Luna sa kweba dala ang inihaw na mga isda.Hinampas ni Alex ang sarili sa ulo.Wala siyang ibang pagpipilian.***Sa gabi, nanatili si Alex sa harap na kalahati ng yungib.Samantala, nanatili si Luna sa likurang bahagi ng kweba.Walang planong matulog si Alex dahil natatakot siyang baka may biglang gawin sa kanya ang babaeng demonyo habang natutulog siya.Gayunpaman, kinagabihan, tinawag siya ni Luna.Nagsindi ng apoy si Alex. “Bakit hindi ka pa natutulog sa kalagitnaan ng gabi, at bakit mo ako pinapalapit?” tanong niya.Nakaupo nang magkasalubong ang mga binti si Luna. “Dahil hindi ako makatulog, at ikaw din, pag-usapan natin kung paano natin makukuha ang Dragon Blood Vine.”“Hindi ka ba pagod?” tanong ni A
Sa sandaling iyon, pinag-aralan nina Alex Rockefeller at Luna Flores ang heograpiya ng Hygieia Valley sa nakapalibot na lugar. Sinusubukan nilang alamin ang mga sikreto ng mga panlabas na spell formation ng Hygieia Valley.Walang alam si Luna tungkol sa mga spell formation, at si Alex lang ang maaasahan niya para dito. Samantala, nagbabantay si Luna sa malapit para bigyan siya ng babala sa anumang panganib.Bagama’t nakapagtalik na silang dalawa, mas lalo silang naiilang sa isa’t-isa.Medyo nahihirapan si Alex sa loob. Paano niya nagawang makipatalik sa malademonyong babaeng ito? Bagama’t napagkasunduan nilang tawagin itong quits, naramdaman pa rin ni Alex ang pag-aalala tungkol sa bagay na ito. Kapag nalaman ni Dorothy Assex ang tungkol sa kanyang kapilyuhan, natatakot si Alex na baka pagbayaran niya ito nang mahal.‘Di dapat ako pumunta kasama siya!‘Higit sa lahat, nag-aalala ako na baka malaman ito ni Martiny Mayer. Kapag nalaman niya ito, baka tanggalin pa niya ang pagkalalaki ko!
Huminga ng malalim si Alex Rockefeller. “Gawin mo ang anumang gusto mo. Tsaka hindi naman maaapektuhan ng slander ang inosente. Maniniwala sa akin ang asawa ko,” aniya.“Huwag kang masyadong sigurado. Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangang tawagin mo akong ‘Reyna’ sa publiko. Hinihiling ko lang sa’yo na gawin iyon kapag tayo-tayo lang. Igagalang pa rin kita kapag may ibang tao! Oh, tama. Nakalimutan kong sabihin sa’yo. Ang aking ina ay isang malakas na demonyo. Kapag nalaman niyang dinungisan ng lalaki ang kanyang nag-iisang anak na babae, tingnan natin kung papatayin niya ang buong pamilya mo,” sabi ni Luna Flores.“…” halos hindi makahinga si Alex.Pagkaraan ng matagal na pagkatulala, sa wakas ay napagpasyahan niya—Malalampasan ko ito gamit ng malambot na diskarte!‘Gagamitin ko ang aking katawan... Ay, hindi! Ibig kong sabihin, gagamitin ko ang aking kahinahunan para lupigin ka, demonyong babae!‘Magtatanghal ako ng malaking palabas!’ naisip ni Alex.Ba-dump!Lumuhod si Alex sa is
Parehong natulala sina Alex Rockefeller at Luna Flores.Gayunpaman, mula sa hitsura ng kausap, mas lalo itong mukhang nabigla. Nanlamig ang buong katawan nito, at patuloy itong umaatras.At saka, sa boses niya, masasabi nilang babae siya.Matapos matigilan ng kalahating segundo ay agad na sumugod si Alex at sinunggaban ang babae nang malapit na itong makatakas. Tinakpan niya gamit ng kamay niya ang bibig nito.“Huwag kang gumawa ng tunog!”“Pag-uusapan natin nang maayos!” mahinang sabi ni Alex.Ito ang panloob na parte ng Hygieia Valley, at may isang hanay ng mga bahay sa unahan. Nakikita pa nga nila ang ilang taong naglalakad papasok at palabas ng mga bahay. Kung hindi sila mag-iingat, mapapansin sila.Hindi nagtagal, tahimik silang tatlo na pumasok sa maliit na kagubatan sa malapit.Sa ilalim ng sikat ng araw, ang mukha ng babaeng ito ay natatakpan, at pumuslit pa siya. Sa katunayan, hindi siya mula sa Hygieia Valley! Nawalan din ng imik si Alex sa pagkakabangga niya sa isang tao na
“Ipaliwanag mo nang detalyado!” Sabi ni Alex Rockefeller.Samantala, nagsimula nang magbanta si Luna Flores. “Bilisan mo, o sisimulan na kitang hubaran. Medyo makinis pa naman ang balat mo, binibini. Bago kita ihagis sa banyo ng mga lalaki, baka lasapin ko muna ang katawan mo,” hirit ni Luna.Pagkatapos niyon, pinisil ni Luna ang dibdib ng babae.Natigilan si Alex sa nakita.‘Anak ng tokwa?!’ naisip niya.Sa kabilang banda, kinilabutan naman ang babae. Dahil sa hindi niya maisip na ganito ang nangyayari sa kanya, sinabi niya kaagad kina Alex at Luna kung paano nangyari ang lahat.Lumalabas na ang Floral Valley ay naninirahan din sa hanay ng Witch Mountain. Samantala, ang mga miyembro ng mataas na antas ng Floral Valley at Hygieia Valley ay nagkataon na nakadiskubre ng piitan sa mas malalalim na bahagi ng Witch Mountain ilang dekada na ang nakalipas. Merong mga espirituwal na halamang-gamot sa lahat ng dako sa loob, at ang mga mapagkukunan ay sagana. Napakakapal din ng espirituwal na en
Tapik! Tapik!Tinapik ni Alex Rockefeller ang lalamunan ng babae ng dalawang beses, at ang tableta ay agad na gumulong pababa.“Ikaw… Anong pinakain mo sa akin?” tanong ng babae na may tulirong ekspresyon.Nakaramdam siya ng lubos na kumpiyansa tungkol sa kanyang mga teknik sa pagkalason, bukod pa ang katotohanang kung paano siya gumamit ng walang amoy at walang lasa na lason. Hindi ito maaaring maramdaman ng mga ordinaryong tao. Kahit ang master ng Hygieia Valley ay hindi ito mapapansin. Sa oras na mapansin niya ito, mabibiktima na siya nito.Iyon ang dahilan kung bakit siya pinadala ng Floral Valley.Gayunpaman, bakit walang nangyari kay Alex Rockefeller kung malinaw na naapektuhan ang master ng lason?Pinilit pa siya ni Alex na kainin ang tableta nito.Agad na natunaw ang tableta sa kanyang lalamunan.Gayunpaman, hindi tulad ng karaniwang droga, ito ay naging malagkit, parang buhay na nilalang pagkatapos matunaw. Malinaw na naramdaman ng babae na ang bagay ay hindi pumasok sa kanyan
Umiling si Herschel Lancaster. “Master, ang pagsakop sa Amerika ay hindi na ang layunin ko. Ngayon, gusto kong lumampas sa kaharian ng mga cultivator, basagin ang kailaliman ng kawalan, at sumali sa hanay ng mga diyos! Pagdating ng panahon, matutulungan din kitang humakbang patungo sa The Path of Gods,” aniya.“Mahusay, mahusay, mahusay!” Ang may edad na lalaki ay walang iba kundi si Dominique Brahms, master ng Hygieia Valley.Inulit niya ang salitang ‘mahusay’ nang tatlong beses.Sino ang hindi gugustuhing tumungo sa The Path of Gods na binanggit sa mga alamat?Kahit na ang mga sinaunang emperador ay naghahangad ng imortalidad!“Binubuksan ang Spiritual Valley Dungeon isang beses kada tatlong taon. Sa pagkakataong ito, handa akong manatili doon ng mahabang panahon. Ang bilis ng cultivation sa loob ay mas mataas din kaysa sa labas ng mundo. Susubukan ko ang aking makakaya upang malaman ang The Path of Gods sa lalong madaling panahon.“Ibibigay ko ang lima sa mga access token sa mga jun
“Ahh...” Isang salita lang ang binigkas ni Alex Rockefeller bago biglang humampas si Luna Flores at sinipa si Nanami Shochiku.Nawalan ng malay si Nanami habang nasa ere. Pagkatapos noon, malakas siyang bumagsak sa palumpong sa malayong lugar.Kumunot ang noo ni Alex. “Bakit mo siya sinaktan?”“Naaawa ka ba sa babaeng iyon? Gusto mo bang ipatawag niya ang mga tauhan ng Hygieia Valley para palibutan at salakayin tayo? Bobo naman!” Galit na sigaw ni Luna.“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang na masyado yung ginamit mong puwersa. Kaibigan ko siya,” katwiran ni Alex.“Paano magiging mabuti ang babaeng hinahangaan ang isang baliw na mamamatay-tao? Payo ko, layuan mo siya. Bilisan mo, alis na tayo!” sagot ni Luna.Ang biglaang paglitaw ni Nanami ay pampatagal lamang.Samantala, ang spell formation sa pangunahing pasukan ng Hygieia Valley ay na-activate na.Pinangunahan ni Herschel Lancaster ang ilan sa kanyang mga senior sa pangunahing pasukan upang salubungin ang kanilang m