Napakabilis na nagbigay ng masusing paliwanag si Justin Melvis sa eksaktong nangyari noong araw na iyon.Nagsimula ito matapos siyang sampalin ni Geronimo, hanggang sa kung paano nilalaslas ni Freya gamit ng espada si Troy Lomax.Kung si Nathaniel, Winry, o Willow man ang nanggatong sa sitwasyon, hindi niya pinalampas ang isang detalye at ipinaliwanag ang lahat nang detalyado.Damang-dama ng tatlong magkakapatid ng pamilyang Swartz ang kanilang mga kaluluwa na nagtatangkang tumakas sa kanilang mga katawan habang patuloy silang nakikinig.Sa pag-amin ni Justin, malapit na silang malagay sa peligro.Sumigaw si Nathaniel, “Hindi, hindi tama iyan! Makinig sa akin, kayong lahat. Hindi ganoon ang nangyari! Nasa ilalim ng kontrol ni Alex si Justin ngayon. Na-hypnotize siya! Lahat ng sinasabi niya ngayon, si Alex ang pumipilit sa kanya na sabihin ang lahat ng ito!”Tumango ang kambal na Swartz bilang pagsang-ayon, na inaakusahan si Alex ng pagpapahipnotismo kay Justin na may masamang intensyon
Sa sumunod na sampung segundo, mas maraming tao ang nagsuka ng dugo, at ang ilan ay bumagsak pa sa lupa, hindi alam kung buhay o patay na.Biglang lumapit si Alex at idiniin gamit ang kanyang kamay ang string ng sitar.“Tama na!”Biglang huminto ang tunog ng sitar.Malamig na sinulyapan ni Luna si Alex. “Sinong nagpahintulot sa’yo na hawakan ang Sky-Devil Zither ko?”Binaluktot niya ang kanyang daliri, at ang isa sa mga string ay marahas na nanginig.Pitik!Tumama ito sa kamay ni Alex.Mabilis na binawi ni Alex ang kanyang kamay mula sa sakit, nanginginig ang kanyang kamay sa kanyang likod ng ilang beses habang sinasabi niya, “Maraming tao dito ang pinaikot at nalinlang. Karamihan sa kanila ay walang kasalanan sa anumang krimen na nararapat sa kamatayan.”“Ikaw yung tipo ng taong gustong makipagsundo sa lahat.” Ngumuso si Luna, pero nilayo niya ang kanyang sitar.“Magsialis na kayo!”Sa isang kisap-mata, biglang naglaho na parang alon ang mga tao na nagsisiksikan sa teritoryo ng pamily
Nang sabihin iyon ni Soraya, nanlaki ang mga mata ng lahat ng miyembro ng pamilyang Melvis.“Ano?!”“Kasal sina Alex at Soraya?!”“Paano iyon naging posible? Magpinsan sila sa dugo!”Noong una ay nataranta si Lexia dahil nag-alala siya sa buhay ng kanyang anak. Ngayon, nang mabalitaan niyang nakipagtalik ang kanyang anak at pinsan sa isa’t isa, pakiramdam niya ay guguho na ang buong mundo niya. “Soraya, i-ikaw... Totoo ba ang sinasabi mo? Kailan ito nangyari?”Sabi ni Soraya, “Iyon... Nangyari iyon noong ilang araw akong nakulong sa Moonlight Lake.”Galit na galit si Lexia. “Alex, g*go ka!”Sa oras na ito, maging si Brittanny ay nabigla. Alam niyang medyo bolero ang kanyang anak sa mga babae, ngunit hindi niya inaasahan na maging si Soraya ay naging... Bagama’t hindi karaniwan sa mga magpinsan na magpakasal sa isa’t-isa noong sinaunang panahon, hindi na ito pareho ngayon!Kumunot ang noo ni Freya at tumingin din kay Alex.Kalmado ang mukha ni Alex habang sumagot, “Sorya Melvis, nagkaka
Hawak-hawak pa rin ni Brayden Lomax si Justin Melvis sa kanyang mga kamay. Napatingin siya sa nasirang villa at tumawa ng malakas. “Hindi ko talaga akalain na ang mga apo ni Geronimo ay may ganitong klaseng karakter! Kawawa naman kayong lahat, Melvis, mga bulag! Personal ninyong itinaboy ang isang tunay na talento at kinuha pa ang buhay ng anak ko!”Ipinahiya ng mga salita ni Brayden ang maraming tao mula sa pamilyang Melvis.Nang naisip nila kung gaano natural na natatangi ang mga kasanayan ni Alex, at ngayon ay meron na siyang koneksyon sa mga tao ng Mayerridge, magiging higante siya sa mga lalaki sa hinaharap. Higit pa rito, siya ay isang napakatalinong doktor na kayang magpagaling ng kanser. Sa mga kamay ni Brittany, merong sobrang sikat na kumpanya ng kosmetiko, ang Lush Cosmetics... Gayunpaman, ngayon, wala nang kaugnayan ang dalawang ito sa pamilyang Melvis.Sabi ni Lexia, “Brayden, isa lang ang apo ko. Ang responsable sa pagkamatay ni Troy ay dapat ang kanyang nobya, si Freya.
Si Brittany ay nasugatan, at si Alex ay nagplano noong una na maghanap ng hotel upang pansamantalang manatili nang isang gabi at bumalik sa California kinabukasan.Ang California ang kanilang kampo. Naroon ang manugang ng pamilya, mga inaanak, at lahat ng iba pa.Gayunpaman, sinabi ni Martiny, “Bakit pa kayo mananatili sa hotel? Punta na lang kayo sa bahay ko! Alex, nabalitaan ko sa anak ko na hindi mo lang pinagaling ang sakit niya, nailigtas mo pa ang buhay niya. Ga-bundok na ang naitambak na kabaitan mo sa pamilya ko. Bilang kanyang ina, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa’yo nang maayos. Tara na, tayo na. Nagkataon lang na medyo walang laman ang bahay kamakailan, at kaming mag-ina ay medyo malungkot.”Nang walang sinabi pa pagkatapos noon, hinawakan niya ang kamay ni Brittany at naglakad paabante.Sa ilalim ng pag-aalaga ni Alex, si Brittany ay naging mas bata ng hindi bababa sa sampung taon sa panahong ito at mukhang bata pa. Gayunpaman, kumpara kay Martiny, wala siyang maibabatbat
Medyo nahiya si Alex. “Ahh... Sa totoo lang, hindi pa kami matagal na magkakilala. Sabay lang naming pinagdaanan ang ilang mga mapanganib na sitwasyon, at wala kaming masyadong alam sa isa’t-isa.”Sabi ni Martiny, “Parang hindi tama. Ang tunay na damdamin ay nakikita sa mahihirap na panahon, at kahit na may nakakakilala sa iba sa buong buhay nila, maaaring hindi pa rin nila naiintindihan ang isa’t-isa, habang ang ilang mga tao ay maaaring makadama ng koneksyon sa unang tingin, kahit pag-ibig pa nga.”Tumango si Alex. “Tama iyan. Si Freya ay matapang na kumikilos at malakas ang loob na tanggapin ang responsibilidad sa kanyang mga aksyon, at siya ay napakabayani.”“Hmm! Bale, maganda ba siya?”“Uh…”Tumango si Alex.Kung iiling-iling siya, makakasakit iyon sa kabilang partido.“Kung gayon, naayos na. Alex, siya na ang magiging asawa mo simula ngayon.”“Hah?”Natigilan sina Alex at Brittany.Kumunot ang noo ni Luna. “Auntie, ipinagbibili mo ba ang anak mo rito? Hindi ako sumasang-ayon dit
Sa pamilyang Melvis, sa oras na magising si Geronimo, nakaalis na ang pamilyang Lomax.Maging ang mga panauhin na dumalo sa piging, ni isa ay walang nanatili.Bukod sa wasak na patyo, iilan lamang ang inapo ng pamilyang Melvis pati na rin ang ilang mahahalagang pinuno ng Divine Constabulary na nasa paligid pa rin gaya ni Zachary. Ang lahat ng iba pang mga manonood ay maagang nagsitakbuhan.Alam ng lahat na sa sandaling magising si Geronimo, magagalit na siya. Walang handang maging pasanin ng pagdadabog ng isang Martial Honor na martial artist... Lalo na’t si Geronimo na marahil ang pinakanahihiyang Martial Honor sa buong bansa!Nang ikwento ni Zachary ang buong kwento, halos mabaliw na si Geronimo!Nang makitang matagal na nakaluhod sa lupa sina Justin at Nathaniel, na walang ibang mapaglalabasan ng galit, pumunta siya sa harap at pinalo sila gamit ng kanyang mga kamao at paa.“Ilabas ang talim!“Ngayon, personal kong papatayin ang dalawang hindi karapat-dapat na inapo!”Nang makitang
Batay sa kung gaano siya kabilis nakarating doon, tiyak na tumakbo si Geronimo papunta dito. Ang traffic jam sa Alaska ay tatlong beses na mas malala kaysa sa California, at tanging isang Martial Honor martial artist na tulad niya ang makakarating sa lugar na ito mula sa tahanan ng mga Melvis sa loob lamang ng sampung minuto.“Mabuting anak, mabuting apo…”“President Melvis, sana naman ay maayos ka na muli noong huli tayong nagkita!” Umupo si Martiny sa unahan ng mesa, nakatingin kay Geronimo na may malawak na ngiti. “Napakapalad mo!”Natigilan si Geronimo. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa babae. “L-L-Lady Martiny! B-Bakit ka nandito?”Narinig niya noon na may dumating na mga taga-Mayerridge at alam niyang si Martiny iyon, ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya itong kumakain sa iisang mesa kasama ng kanyang apo, nakikipag-usap at nagtatawanan habang kasama ito.Sa isipan niya, hindi si Martiny Mayer ang mabait na uri.“Bahay ko ‘to,” sagot ni Maritny.“Hah?”“Nasira