Pagkatapos ay binaril niya ang kanyang mental na kapangyarihan sa kristal.Parang natulala siya.Pagkaraan ng mahabang panahon, binawi niya ang kanyang mental na kapangyarihan mula sa kristal at lumingon kay Alex na may kakaibang ekspresyon. “Tingnan mo.”“Ano ang laman nito?”“Para… sa’yo ito.”“Ano?” Nagulat si Alex.Sumagot si Dorothy, “Galing sa tatay mo.”Biglang naramdaman ni Alex ang paninikip ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nasusuka siya.Nang may nanginginig na mga kamay, kinuha niya ang kristal at dahan-dahang ipinasok dito ang kanyang mental na kapangyarihan.Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang kanyang mental na kapangyarihan na umuugnay sa ibang tao.Sa loob ng mental na mundo ng kristal, nakita niya ang kanyang ama, si William Rockefeller.“Oh, anak ko, Alex. Hindi ko alam kung makikita o maririnig mo ba ang kristal na ito, ngunit kung oo, ibig sabihin ay malaki ka na ngayon!”“Siguro alam mo na kung anong nangyari dito.”“Kung ikaw mismo ang nakahanap ng teleport
“Alam mo na kung paano makalabas?”Nagulat si Susan. “Ang galing! Ayoko na talagang magtagal dito. Talagang hindi ito ang parehong libingan na pinasok ko noong nakaraan.”“Oo!” Tumango si Quincy bilang pagsang-ayon. Ayaw na rin niyang magtagal pa.“Buwis-buhay ang pagpunta natin dito, pero wala naman tayong napala. Hindi na nga ‘to libingan eh. Ito... hindi ko nga alam kung nasaan na tayo ngayon!”Nagpakawala rin ng buntong-hininga si Zayne.Pumayag lang siya na sumama dahil gusto niyang tumulong si Alex na iligtas ang kanyang kinakapatid. Gayunpaman, hindi niya binanggit ang iba pang dahilan kung bakit siya sumama.Noong huli siyang pumasok dito, napansin niya ang ilang mga bakas ng Drifter clan. Nais niyang kumpirmahin ito muli, sa pag-aakalang mahahanap niya ang kalahati ng aklat ng kasanayan.Sayang at napunta sila sa ibang lugar, kaya imposibleng mahanap niya ang librong iyon.“Tara na!” Sabi ni Alex habang inaakay ang lahat habang binabaybay nila ang kanilang mga yapak at nauwi p
‘Saan tayo dadalhin nito?’‘Gaano kahaba ang haligi sa ilalim ng platapormang ito?’Makalipas ang ilang sandali, huminto sa paggalaw ang plataporma pagkatapos ng malakas na pag-click.Gamit ang kanilang mga flashlight para maliwanagan ang lugar, napagtanto nilang nasa madilim at saradong espasyo sila.Biglang nagsimulang bumaba ang platform habang muling napuno ang hangin ng mga tunog ng mga mekanismo, na parang awtomatikong elevator.“Labas!” sigaw ni Alex.Agad na tumalon ang lahat mula sa entablado at lumapag sa lupa sa labas. Ang butas kung saan tumaas ang plataporma ay nagsara na rin. Nagmukha tuloy na wala talaga ang siwang na ito mula pa noong una.“Nasaan ba tayo?”“Tingnan ninyo, may kabaong doon.”“Ito... bakit parang pamilyar ito?”Habang patuloy na nag-uusap ang grupo, biglang sumigaw si Susan. “Naalala ko na ngayon! Ito ang libingan na pinasok namin dati, ang aktwal na libingan kung saan nakalagay ang katawan ni Caesar!”Umiling si Alex. “Hindi ito ang tunay. Yung nauna. M
Natigilan ang lahat.Ang kasiyahan na makitang muli ang araw kanina ay biglang naudlot, na para isa itong jammed cartridge.Nakita nila ang matandang lalaki, na mukhang nasa edad setenta o otsenta, ay nakasuot ng bulaklaking brocade na damit. Apat na mas batang kalalakihan, na parang mga bodyguard, ang nakatayo sa likuran niya.Sa kabilang banda, si Azure at ang iba pa ay medyo trahedya.Nakaluhod sa lupa ang isang dosenang tao habang nakatali sa mga poste na nakadikit sa lupa ang mga likod nila.Ito ang butas kung saan unang nakatakas si Susan at ang iba pa. Sa oras na iyon, ibinaba niya ang Broken Dragon Stone para walang makapasok o makalabas. Gayunpaman, nang makuha ni Alex ang susi at makontrol ang libingan, ang buong mekanismo ng libingan ay na-restart at ang posisyon ng Broken Dragon Stone ay naibalik din sa dati.“Sino ka?” ang nakasimangot na tanong ni Alex na may malamig na tono.“Hindi mo kailangang malaman kung sino ako. Ibigay mo na lang sa akin ang susi ng libingan na ito
“Bro Alex, pasensya na, ano...”Labis na napahiya si Azure. Sa kabila ng pagiging nangungunang tao sa underworld ng California, nahuli lang siya ng ilang hamak na sinuman upang pagbantaan si Alex.Ilang beses na itong nangyari.Ang pakiramdam ng hindi niya makontrol ang kanyang sariling buhay at kamatayan ay talagang kakila-kilabot.“Anong nangyari?” tanong ni Waltz.Sinabi sa kanya ni Azure ang lahat. Sa katunayan, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya at hindi alam ang pinanggalingan ng matanda. Bigla silang sinugod at hinuli nang pumasok si Alex at ang iba pa sa libingan noong nakaraang gabing iyon.Pagkatapos, dalawang araw at dalawang gabi na silang nakaluhod sa lugar na ito.“Dalawang araw at dalawang gabi na ang lumipas?” Nagulat si Waltz.“Imposible! Pinakasagad na dapat yung isang gabi. Paanong naging dalawang araw at dalawang gabi?”“Dalawang araw at dalawang gabi na talaga ang lumipas.”Nataranta ang iilan sa kanila.Halimbawa, nagsuot ng relo sina Susan Hunter at Kenne
“Anong nakalimutan ko tungkol sa’yo?”Sandaling natigilan si Alex. Sa katunayan, tila may nakalimutan siya ngunit hindi niya maalala sa sandaling iyon.Paalala ni Freya sa kanya. “Ang tableta ng pitong lason!”Saka lang natauhan si Alex. “Oo nga, oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa’yo at ang tableta ng pitong lason mula sa Witch Cult! Ngunit, ang lason na ito ay medyo mahirap, at hindi kita matutulungang alisin iyan sa ngayon.”Nanlamig ang ekspresyon ni Freya nang marinig iyon.Tinulungan siya ni Alex na pagalingin ang kanyang talamak na sakit sa utak noong nakaraan. Ngayon, nagkaroon siya ng pambihirang tagumpay sa kanyang cultivation at ang kanyang katawan ay umuunlad din para sa ikabubuti nito. Lahat ng ito ay dahil kay Alex.Kaya naman, talagang naniwala siya sa mga salita ni Alex sa puntod na tiyak na pagagalingin nito ang lason sa kanya.Pero ngayon, sinabi talaga nito na hindi nito kayang magpagaling!“Hindi mo puwedeng sabihing hindi mo kaya! Nasa mga kamay
Nagdilim ang ekspresyon ni Alex. “Sino ka? Ikaw ba ang may huling sabi sa mga usapin ng pamilyang Melvis?”Ngumisi ang binata. “Eh kung ako nga? Ngayon sinasabi ko sa’yo na bawal kang pumasok. Kaya, umalis ka na rito ngayon!”Malamig na sabi ni Alex, “Sabihin mo sa akin kung sino ang tatay mo. Tingnan natin kung karapat-dapat siyang makatanggap ng sampal mula sa akin, ano?”Nagtawanan at naghiyawan ang kambal.“Pinsan Justin, gusto ka pala nitong sampalin!”“Tama. Napakayabang. Wala tayong pakialam kung gaano kahusay ang taong ito sa California, at masyado tayong tinatamad para mag-abala. Ngunit dahil siya ay nasa tahanan ng mga Melvis sa Alaska, kailangan niyang sundin ang mga patakaran ng mga Melvis. Bakit sa tingin niya ay walang batas dito? Pinsan Justin, kailangan mong itatag ang iyong awtoridad. Kung hindi, ang pamilyang Melvis ay aagawin niya sa hinaharap, at papalitan nito ang apelyido ng Rockefeller!”Hindi alam ni Alex kung sino ang kambal, ngunit malinaw na kamag-anak sila n
Natigilan ang kambal.Maging si Justin ay napatulala.Ang babaeng nasa harap niya na kamukhang-kamukha ng kanyang kapatid ay malamang hindi si Soraya dahil hinding-hindi siya nito sasaktan.Peke siguro ang babaeng ‘to!Kalmadong sabi ni Alex, “Buweno, ito pala ang nakababatang kapatid mo hah! Dapat mo siyang disiplinahin nang maayos. Kapag ganiyang maiinitin ang ulo, hindi niya mamamalayan na balang araw ay mamamatay na lang siya bigla.”Sumigaw si Justin, “Umalis ka na dito! Sino ka sa tingin mo?”Sinipa ng malakas ni Soraya si Justin at napasigaw pa ito ng malakas. “Tumahimik ka!”Pagkatapos, lumingon siya kay Alex at sinabing, “Pasensiya na, didisiplinahin ko ang nakababata kong kapatid at hindi na mauulit ang mga ganitong insidente. Humihingi ako ng paumanhin.”Nanlaki ang mga mata nina Winry at Willow habang bahagya nilang inatras ang kanilang mga ulo.Natatakot silang mapagalitan din ni Soraya.Bata pa ang dalawang babae at mukha silang mga kolehiyala.“Nasaan ang nanay ko?”“Nas