“Anong nakalimutan ko tungkol sa’yo?”Sandaling natigilan si Alex. Sa katunayan, tila may nakalimutan siya ngunit hindi niya maalala sa sandaling iyon.Paalala ni Freya sa kanya. “Ang tableta ng pitong lason!”Saka lang natauhan si Alex. “Oo nga, oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa’yo at ang tableta ng pitong lason mula sa Witch Cult! Ngunit, ang lason na ito ay medyo mahirap, at hindi kita matutulungang alisin iyan sa ngayon.”Nanlamig ang ekspresyon ni Freya nang marinig iyon.Tinulungan siya ni Alex na pagalingin ang kanyang talamak na sakit sa utak noong nakaraan. Ngayon, nagkaroon siya ng pambihirang tagumpay sa kanyang cultivation at ang kanyang katawan ay umuunlad din para sa ikabubuti nito. Lahat ng ito ay dahil kay Alex.Kaya naman, talagang naniwala siya sa mga salita ni Alex sa puntod na tiyak na pagagalingin nito ang lason sa kanya.Pero ngayon, sinabi talaga nito na hindi nito kayang magpagaling!“Hindi mo puwedeng sabihing hindi mo kaya! Nasa mga kamay
Nagdilim ang ekspresyon ni Alex. “Sino ka? Ikaw ba ang may huling sabi sa mga usapin ng pamilyang Melvis?”Ngumisi ang binata. “Eh kung ako nga? Ngayon sinasabi ko sa’yo na bawal kang pumasok. Kaya, umalis ka na rito ngayon!”Malamig na sabi ni Alex, “Sabihin mo sa akin kung sino ang tatay mo. Tingnan natin kung karapat-dapat siyang makatanggap ng sampal mula sa akin, ano?”Nagtawanan at naghiyawan ang kambal.“Pinsan Justin, gusto ka pala nitong sampalin!”“Tama. Napakayabang. Wala tayong pakialam kung gaano kahusay ang taong ito sa California, at masyado tayong tinatamad para mag-abala. Ngunit dahil siya ay nasa tahanan ng mga Melvis sa Alaska, kailangan niyang sundin ang mga patakaran ng mga Melvis. Bakit sa tingin niya ay walang batas dito? Pinsan Justin, kailangan mong itatag ang iyong awtoridad. Kung hindi, ang pamilyang Melvis ay aagawin niya sa hinaharap, at papalitan nito ang apelyido ng Rockefeller!”Hindi alam ni Alex kung sino ang kambal, ngunit malinaw na kamag-anak sila n
Natigilan ang kambal.Maging si Justin ay napatulala.Ang babaeng nasa harap niya na kamukhang-kamukha ng kanyang kapatid ay malamang hindi si Soraya dahil hinding-hindi siya nito sasaktan.Peke siguro ang babaeng ‘to!Kalmadong sabi ni Alex, “Buweno, ito pala ang nakababatang kapatid mo hah! Dapat mo siyang disiplinahin nang maayos. Kapag ganiyang maiinitin ang ulo, hindi niya mamamalayan na balang araw ay mamamatay na lang siya bigla.”Sumigaw si Justin, “Umalis ka na dito! Sino ka sa tingin mo?”Sinipa ng malakas ni Soraya si Justin at napasigaw pa ito ng malakas. “Tumahimik ka!”Pagkatapos, lumingon siya kay Alex at sinabing, “Pasensiya na, didisiplinahin ko ang nakababata kong kapatid at hindi na mauulit ang mga ganitong insidente. Humihingi ako ng paumanhin.”Nanlaki ang mga mata nina Winry at Willow habang bahagya nilang inatras ang kanilang mga ulo.Natatakot silang mapagalitan din ni Soraya.Bata pa ang dalawang babae at mukha silang mga kolehiyala.“Nasaan ang nanay ko?”“Nas
Napatulala si Justin.Pati ang kambal na babae ay nanginig sa gulat. ‘Hindi lang hindi binigyan ni Lolo ng hustisya si Pinsan, sinampal pa niya ito ulit! Masyadong malupit iyon!’Nang makitang hindi maganda ang sitwasyon, agad na tumakas ang dalawang dalaga.***Merong anak na lalaki at babae si Lexia Rogers: sila ay sina Lance Melvis at Liyana Melvis.Sina Soraya at Justin ay mga anak ni Lance habang ang kambal na Swartz ay mga anak ni Liyana.Ang kambal ay may isa pang nakatatandang kapatid na lalaki, si Nathaniel Swartz. Siya ay halos kasing-edad ni Justin, ngunit nakagawa na siya ng pangalan para sa sarili sa larangan ng negosyo at nakalikha na ng isang network ng mga koneksyon. Ang kanyang katayuan sa pamilya ay mataas na rin. Siya ang idolo ng kambal.Pagkalabas ng lugar na iyon, nakasalubong nila si Nathaniel.Agad nilang kinuwento ang bagay nang may pagmamalabis.Nakakunot ang noo ni Nathaniel habang sinasabi, “Parang sobrang nag-aalala ang lolo natin sa kanyang matagal nang na
May mental power din si Brittany. Nang makita niya ang mensaheng iniwan ni William ay agad niyang niyakap si Alex at napaluha.Totoo ngang hindi pa siya patay!Diyos lang ang nakakaalam kung paano siya nakaligtas sa nakalipas na anim na buwan. Pakiramdam niya ay biglang gumuho ang langit. Maliban sa mga sakripisyo ng kanyang anak, wala nang anumang kahulugan para sa kanya upang mabuhay pa.Gayunpaman, iba na ngayon!Gaya ng kanyang Soul Substitute Lotus Seed na pinalitan, nabawi niya ang motibasyon at nagkaroon na ulit siya ng pag-asa.Pagkaraan ng ilang sandali ng pag-iyak, biglang sinabi ni Brittany, “Mag-isang tumungo ang iyong ama sa hindi pamilyar na lugar na iyon. Sinong nakakaalam kung magiging mapanganib doon. Anong gagawin niya kapag pinagbantaan ang buhay niya? O, kung nasugatan siya at walang tutulong, kapag ganoon... kapag ganoon, anong gagawin niya? Oh, bakit ba hindi niya ako kinausap bago gumawa ng ganoong desisyon? Nakakapagpabagabag.”Sabi ni Alex, “Mom, sobrang lakas
Pagkatapos noon, nagkaroon ng mas malalim na pang-unawa si Alex sa pamilya ni Freya. Sa pangkalahatan, isang salita lang ang naglalarawan sa kanila—kahanga-hanga!***Pagkatapos maghapunan ni Alex kasama sina Brittany at Freya sa tahanan ng mga Melvis, nag-uusap silang tatlo.Pumasok si Soraya kasama ang kanyang kapatid na si Justin.“Bakit nandito kayong dalawa?” Hindi masyadong interesado si Alex sa dalawang magkapatid na ito.Sabi ni Soraya, “Buweno, Pinsan, etong kapatid kong si Justin, napagtanto niya na ang sarili niyang pagkakamali. Isa pa, medyo nahihiya yung kambal na Swartz. Pamilya tayo kung tutuusin, kaya gusto ka nilang imbitahan sa inuman ngayong gabi.”“Niyayaya ninyo akong uminom? Isang pagtitipon na itinakda para patayin ang bisita nito, hindi ba?”“Hindi, hindi. Totoo ang sinabi ni Ate!” Sabi ni Justin sa tabi niya. “Alex, mukhang mas matanda ka sa akin. Kung gayon, ikaw ang nakatatandang pinsan ko. Sinampal ako ni lolo kanina para magkaroon ng muwang. Kung hindi ko m
Isang babae ang lumakad palapit.Magarbo ang kasuotan niya.Hindi pa siya masyadong matanda at mga dalawampu’t lima o dalawampu’t anim na taong gulang pa lamang, ngunit ang kanyang hitsura mula ulo hanggang paa ay nagkakahalaga ng higit sa sampu-sampung milyong dolyar.Ang taong ito ay isa sa dalawang taong nakausap ni Nathaniel kanina. Ang kanyang pangalan ay Harley Hilston.Siya ay sikat sa Alaska dahil sa pagiging aktibong sosyalista sa iba’t-ibang lupon ng mas mataas na uri ng lipunan... Sa katunayan, hindi naman siya nagmula sa mayamang pamilya. Medyo mas maganda lang ang itsura niya at alam niya kung paano magsaya. Umaasa siya sa maraming mayayamang tagapagmana para makarating sa kanyang posisyon. Upang makamit ang kanyang mga layunin, gagawin niya ang anumang kinakailangan.Halimbawa, ang kaganapan ngayon. Kung mahusay ang trabahong gagawin niya, hindi lamang si Nathaniel ang magbibigay sa kanya ng maraming mga benepisyo, ngunit ang mga lalaki sa paligid niya ay mas mamahalin si
Kinagat ni Alex ang kanyang mga labi at sinabing, “Gusto mong may sabihin ako? Sige. Sa tingin ko, masyadong maldita ang asawa mo at karapat-dapat lang iyan sa kanya.”Habang nagbabago ang ekspresyon ni Troy, tumingin siya kay Justin. “Justin, hindi naman sa wala akong respeto sa’yo pero ang yabang talaga ng pinsan mo. Kaya, huwag mo akong sisihin ha!”Sa sandaling ito, ipinakita na rin ng mga kaibigan ni Justin ang kanilang mga pangil.“Tama iyan. Justin, anong klaseng tao ang pinsan mo? Bakit parang nahihibang siya?”“Kaya nga e! Akala ko ay disenteng tao siya, basagulero pala. Hindi karapat-dapat na sumama sa atin yung taong ganiyan!”Pagkatapos, sumigaw si Troy, “Halika nga kayo!”Maya-maya, dalawang martial artist, na kanina pa nakahanda sa labas, ang sumugod. Medyo malakas sila dahil ang ranggo nila ay Earth.Napatingin si Alex kay Justin. ‘Talagang pinag-isipan niya ito ahh. Kumuha pa siya ng dalawang martial artist na may ranggong Earth para maging hitmen niya. Grabe!’Nakalulu