Ashton
Ang ilaw ng lente ay naka-pokus sa akin. Hindi ko maiwasang magtaka ng pagtingin ko sa aking harapan ay maraming mga tao, nakadamit pangmayaman. Hindi ko makilala ang mga tao sa aking harapan dahil may mga suot silang maskara.
"Nasaan ako?" Tanong ko pero wala akong makuhang sagot, nagsimulang tumawa ang mga tao sa aking harapan hanggang sa biglang may magtaas ng kamay at may isinigaw pero hindi ko iyon marinig, hindi ko maaninag ang mga tao sa aking harapan.
"What the fuck is happening here? Nasaan ako?" Sigaw ko at nagsisimula nang kabahan at mataranta. Imbes na sumagot ay muli lang nagsitawanan ang mga tao sa aking harapan. Palakas nang palakas, nang hindi ko na makayanan ay itinakip ko sa aking tenga ang aking mga kamay. Naririnig ko pa rin ang kanilang mga tawa, sobrang lakas.
"What the fuck? Stop laughing." Sigaw ko na halos maiiyak na. Hindi ko alam kung nasaan ako, bakit ako biglang napunta rito? Sino
Ashton"Where are we going?" Takang tanong ko kay Zie, kanina niya pa ako pinipilit na magbihis para makaalis na raw kami pero hindi niya naman sinasabi sa akin kung saan kami pupunta."You forgot already?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zie na nagpakunot sa aking noo."Birthday mo?" Hindi siguradong tanong ko."What? No." Mariing tugon nito."Um, it's your company's anniversary?" Muling tanong ko at napalunok ng laway nang tumingin sa akin si Zie ng sobrang seryoso."You're horrible at remembering things." Walang buhay nitong sambit."Pero wala talaga akong matandaan kung anong mayroon ngayong araw." Sambit ko at napakamot na lamang sa aking ulo, pinipilit kong balikan ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na araw pero wala talagang pumapasok sa isip ko kahit na katiting na clue. Dinig ko ang mahinang paghinga ni Zie na para bang sumusuko na ito sa pagpapahula sa a
ZieKagagaling lang namin ni Ashton sa clinic ni Ramon at ngayon ay patungo na kami sa aking kompanya. Tumawag kasi sa akin ang aking secretary at may emergency daw kaya naman imbes na ihatid si Ashton sa apartment ay pinili ko na lamang na isama ito para mas madali akong makarating sa kompanya.Hindi ko alam pero nang marinig ko ang nanginginig na boses ng aking sekretarya ay hindi ko mapigilang kabahan, batid kong hindi magandang balita ang sasalubong sa akin. Pagkarating ko sa kompanya ay agad kong ipinarada ang aking kotse sa parking lot."Sasama ka ba sa akin sa loob or gusto mong maghintay na lang dito?" Tanong ko kay Ashton."Dito na lang maghihintay para hindi na ako maka istorbo sa'yo sa labas." Tugon ni Ashton, gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi naman siya nakaka-istorbo sa akin pero mas pinili kong tumango na lang at agad na lumabas sa sasakyan.Pagpasok ko pa lang sa kompanya ay n
AshtonKinabukasan pagkagising ko ay hindi ko na nadatnan pa si Zie sa aking tabi, wala na ito sa kwarto at nang libutin ko ang buong apartment ay tanging isang note na nakadikit sa may refrigerator lang ang aking nakita, agad akong lumapit sa refrigerator at kinuha ang sulat na nakadikit doon.'Hey baby, if you're reading this then that means wala na ako sa apartment, I have an important matters to attend to at sobrang payapa nang pagtulog mo kaya hindi na ako nag-abala pang gisingin ka para makapag-paalam. Anyway, naghanda na ako ng pagkain diyan, initin mo na lang if ever gusto mong kumain.Lastly, muntik nang mawala sa isip ko na ngayong gabi pala ang anniversary ng 'The Backdoor Club', if you still remember ito iyong club na
AshtonIt was exactly seven in the evening, nasa loob kami ng sasakyan ni Zie at binabaybay na ang daan patungo sa club na pupuntahan namin. Hindi ko alam pero sa tuwing nasa loob kami ng sasakyan ay hindi kami nag-uusap.Ilang sandali ang lumipas ay biglang binuksan ni Zie ang stereo na nakakabit sa kanyang cellphone, nanlaki ang aking mata na napatingin kay Zie nang magsimula ang kanta. Isang napakapamilyar na kanta sa akin.'I want you to know,I'm a mirroballI'll show you every version of yourself tonight'"This is a Taylor Swift song, from her latest album called folklore." Matter of fact kung sambit, nakangiting tumango-tango sa akin si Zie habang ang tingin ay nakatutok pa rin sa daan."Simula nang iparinig mo sa akin ang kanta niyang 'Lover' nagsimula na akong makinig sa mga kanta niya, it wasn't so bad. Then I discovered that she just released an album and
ZieEverything is blurry, nakita ko na lamang ang katawan ni Ashton na nakasalampak sa sahig, puno nang suka nito ang kanyang suot na suit. Mayroong lumapit na lalaki sa gawi nito at pinipilit nitong itayo si Ashton. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa aking nasaksihan.Biglang nag sink in sa utak ko ang kagaguhang aking ginawa. Fuck! This wasn't on the plan. Tonight should be a perfect night for the both of us, dapat uuwi kaming dalawa sa penthouse na masaya.Upon realizing what I did, kahit susuray suray na ako ay nagawa ko pa ring makalapit sa pwesto ni Ashton, buong lakas kong itinulak ang lalaking may hawak kay Ashton, mabuti na lang at nagawa kong masalo ang katawan nito nang mabitawan ito ng lalaki."What are you doing Mr. Mendez? Your plus one is already sold." Pagtutol ng auctioneer sa aking ginagawa. Pero matalim lang akong tumitig dito at tila natakot naman ito sa sobrang talim ng tingin ko na
Ashton Nang imulat ko ang aking mata ay kadiliman lamang ang aking nakikita kaya naman muli kong ipinikit ang aking mga mata, dumagdag pa itong sakit ng aking ulo. "Fuck! Where am I? Nasaan si Zie?" Mahinang usal ko sa aking sarili, sobrang gulo pa ng isipan ko kaya hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na 'to. Nasa penthouse na ba ako? Marahan kong muling iminulat ang aking mga mata, kahit papaano ay may naaaninag na ako. Habang sinusubukan kong alamin kung nasaan ako ay bigla akong nakarinig ng malakas na tunog, parang may humahampas sa kung nasaan man ako. "Nasaan si Zie?" Tanong ko sa aking sarili at bumangon mula sa kama nang makarinig na naman ako ng malakas na paghampas. What the fuck? Ano iyon? Mas lalo lamang nitong pinapasakit ang masakit ko nang ulo, kinusot-kusot ko ang aking mata at inilibot ang tingin sa paligid ng kwarto. Kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala ako sa loob ng kwarto ni Zie. Hindi ko matandaan na nag
Ashton "Get up, babe. I really hate drama. I didn't paid you for a hundred million dollars just to watch you cry and be dramatic in front of me." Sambit ng lalaki sa baritong boses pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, sobrang gulo ng isipan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Zie. He just confessed his love the other night. Hindi ba totoo iyong sinabi niya sa akin sa lawa? Nagsisinungaling lang ba siya sa akin? Sobrang sikip nang dibdib ko. Kahit na gusto kong tumahan sa pag-iyak ay hindi ko magawa, parang may sariling isipan ang aking mga mata at kusa itong umiiyak. Napailing-iling na lamang ako. "N-No! This is not happening. This is just a dream. This is just a fucking dream." Sambit ko sa aking sarili at sunod-sunod na muling sinampal ang aking sarili. "Have you seen a gun before?" Sambit ng lalaki kaya agad akong nag-angat ng tingin at kunot-noong napatingin sa lalaki. Halos panawan ako ng ulirat ng maki
Ashton "I want to go home." Mahinang bulong ko pero alam kong narinig ito ng lalaki na nasa aking tabi. "This is your home now." Tugon naman ng lalaki at ipinatong ang kamay sa aking balikat, dahil sa kaba ay mabilis kong itinulak ang lalaki dahilan para mapaatras ito at matanggal ang kamay na nakapatong sa aking balikat. "Talagang inuubos mo ang pasensya ko, babe. I've been good to you, huwag mong hintayin na mapuno ako at baka hindi ka na umabot sa pupuntahan natin." Banta nito at mahigpit na hinawakan ang aking braso. "Ano ba? Bitawan mo ako. Let me go, gusto ko nang umuwi." Reklamo ko at nagwala sa harapan nito, sinubukan kong tanggalin ang kamay nito na mahigpit na nakakapit sa aking braso pero sobrang lakas nito kaya naman sinuntok ko na lamang ang mukha nito dahilan para agad ako nitong mabitawan at agad itong napaatras habang hawak-hawak ang mukha niyang sinuntok ko. Nang makarekober ito ay ang nagngangalit na mukha nito ang sumalubong
Ashton"B-Bakit po tayo lumiko, sir? Hindi po ako taga rito sa subdivision, malapit po sa may La Lena Cafe iyong bahay namin, nasa labas po iyon nitong subdivision at malapit sa may campus," sambit ko sa pulis na nagmamaneho ng patrol car nang mapansin ko na imbes na palabas kami ng subdivision ay lumiko kami kaya naman parang binalikan ko lang iyong nilakaran ko kanina."Huwag kang mag-alala, bata. You're safe with us." Tugon ng pulis at napalunok na lamang ako ng laway nang maramdaman ko ang kamay nito na pumatong sa aking hita dahilan para kilabutan ako."Um, baka pwedeng ihatid niyo na lang po ako sa may guardhouse, magta-taxi na lang po ako." Pakiusap ko sa kanila pero imbes na tumugon ay narinig ko lamang ang mahinang pagtawa nila na para bang may nakakatawa sa aking sinabi.Tangina! Mukhang pinagtitripan ako ng dalawang pulis na 'to."Chill ka lang, bata. Wala kaming balak na masama sa'yo," bulong ng isang pulis sa akin at ewan ko ba kung bakit pero may parte talaga sa aking is
Ashton"Done," sambit ko kay Harry at pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit at ibinalik iyon sa first-aid kit. Kinuha ko na rin ang mga nagkalat na bulak na puno ng dugo bago ako tumayo at nagtungo sa labas ng bahay nito para itapon ang mga bulak."Siguro naman ay pwede na akong umuwi ngayong tapos na kitang tulungang linisin iyang sugat mo," muli kong sambit kay Harry pagkabalik ko sa may sala ngunit tinaasan lamanh ako nito ng kilay."Paano kaya kung bugbugin kita at pagkatapos ay itapon ko ang katawan mo sa may pinakamalapit na ilog? Sa tingin mo may maghahanap sa'yo? You seem homeless and alone pa naman." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sinabi sa akin ni Harry, nang una ay gusto kong isipin na nagbibiro lang ito pero hindi ko naman ito narinig na tumawa at isa pa ay sigurado akong hindi na bago sa kanya ang mambugbog."M-My friends knew that I am with you right now. I took a picture of your motorcycle and your house, kapag hindi nila ako nakita sa school bukas ay ik
Ashton"Saan mo na naman ba ako dadalhin?" Tanong ko kay Harry na medyo may pagkainis ang tono ng boses. Ibinigay nito sa akin ang isang kulay itim na helmet ngunit tinitigan ko lamang iyon at hindi tinanggap."In my house." Tipid na tugon ni Harry at pagkatapos ay pwersahan nitong isinuot sa aking ulo ang itim na helmet kaya wala na akong nagawa pa para pigilan ito."Ano na naman ang gagawin natin sa bahay mo? Pwede bang tigilan mo na ako? Wala na naman siguro akong utang sa'yo diba? I mean hindi ka naman nakipagsuntukan doon sa matandang lalaki, hindi ka naman umabot sa hospital dahil sa pagtatanggol sa akin. Okay na iyong isang beses na dinala mo ako sa bahay mo." Sambit ko kay Harry ngunit sunod-sunod lamang akong napalunok ng laway nang makita ang pagdilim ng mukha nito na para bang ilang sandali lang ay handa na itong makipagsuntukan."Sa tingin mo ba talaga ay bayad ka na sa akin? I don't think so." Mariing sambit ni Harry sa akin at pagkatapos ay hinubad nito ang suot na jacke
Ashton"Hey, here's your apron. Nalabhan ko na 'yan kaya pwede mo na 'yang suotin ngayon." Sambit sa akin ni Gabe pagkapasok ko sa loob ng counter at pagkatapos ay mabilis na inabot nito sa akin ang apron ko na hiniram nito kahapon dahil sa nagkaroon ng maraming mantsa ng tsokolate ang apron nito. I can't help but wonder kung ano ang ginawa nito kasama ang girlfriend nito rito sa cafe nang nagdaang araw at napuno ng mantsa ng tsokolate ang apron nito. I don't think it was just an accident dahil sobrang dami naman ata ng tsokolate na tunapon sa apron nito. I think he did something naughty with his girlfriend here, not that I care though."Can you serve this food to table number seven and then take table number eight's order. The cafe is quite busy right now." Muling sambit sa akin ni Gabe kaya naman mabilis ko nang isinuot ang aking apron habang tinitingnan ang kabuuan ng cafe, puno ang mga mesa ng customer at kadalasan sa kanila ay puro mga studyante na parang ginawa ng library itong
Zuck"One instant black coffee with espresso, please." Sambit ko sa isang lalaki na nakasuot ng kulay brown na apron kaya naman ipinagpalagay kong isa ito sa mga waiter na naka-duty ngayon dito sa La Lena Cafe, it's a lame name to be honest but I don't have a choice anymore dahil ito na lang ang nakita kong bukas na cafe ngayon at kanina pa hinahanap ng aking katawan ang matapang na lasa ng isang kape."Black coffee with espresso. Would that be all, sir?" Tanong ng lalaki sa akin."What's your bestseller here?" Tanong ko sa lalaki at tiningnan ko ang maliit na nametag na naka-embroid sa may bandang dibdib ng apron nito. Hindi ko mapigilang mabigla nang mabasa ang pamilyar na pangalan na nakasulat sa nametag nito, I suddenly remember that familiar name like it was imprinted in the back of my mind. I remember his name along with his broken promises."Our bestsellers here are the Tuna Sandwich and the Classic Hotdog bun, sir." Tugon naman sa akin ng lalaki at tumango-tango lamang ako rit
Ashton"Where are we?" Tanong ko kay Harry pagkahinto nito sa motor, inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Nasa isang subdivision kami ng mga mayayaman, maganda sa paningin pagmasdan ang mga ilaw sa bawat bahay at isa pa sa nagustuhan ko sa lugar na ito ay sobrang tahimik kaya parang ang sarap magmumi-muni rito tuwing gabi."What do you think of this place, Ashton?" Tanong sa akin ni Harry dahilan para mapatingin ako sa kanya at pagkatapos ay nagkibit-balikat."Bakit mo ako dinala rito? Anong gagawin natin?" Tanong ko imbes na sagutin ito, ayokong sabihin dito na gusto ko ang lugar na ito dahil tahimik."Netflix and chill." Tipid na tugon ni Harry dahilan para mapalunok ako ng laway pagkarinig sa sinabi nito, hindi ko alam kung literal ba ang pagkakasabi nito ng Netflix and chill o may iba pa itong kahulugan."We'll freeze to death if we stay here one more minute, come on." Pag-aya sa akin ni Harry at nauna na itong maglakad kaya naman wala na akon
Ashton"Aalis na ako, Gabe. Sigurado ka bang ikaw na ang magsasara ng cafe? I can help you if you want, wala naman akong importanteng gagawin ngayong gabi." Sambit ko kay Gabe–ang kasama ko ngayon sa shift ko sa cafe."No! It's fine, um, Trixie is coming here tonight so I was hoping we can have the place alone." Tugon sa akin ni Gabe sa mahinang boses, tila nagdadalawang-isip ito kung sasabihin ba niya sa akin ang totoo o hindi. Hindi ko mapigilang mapangisi at marahang tumango-tango."Oh! I totally understand," sambit ko kay Gabe at maloko itong nginisihan."No, you don't. I'm just gonna make her a cafe latte, we're not doing the dirty here." Depensa ni Gabe sa kanyang sarili kahit na wala naman akong sinabi dahilan para mapatawa ako."I didn't think about it, Gabe. Anyway, I'm leaving now." Tugon ko rito at tumango-tango lang ito bilang tugon. Isinukbit ko ang aking bag at naglakad na palabas pero agad akong napahinto nang nasa may pintuan
Zuck"You know what to do now, Maclen." Mariin kong sambit kay Maclen habang ipinaparada ko ang sasakyan namin sa may parking lot ng isang unibersidad."You don't need to remind me, pangalawang beses na natin itong ginawa." Tugon sa akin ni Maclen at agad nitong binuksan ang pintuan at mabilis na lumabas sa sasakyan. Napaismid na lamang ako habang sinusundan ko ng tingin si Maclen."Guess! This will be my fvcking life now." Mahinang sambit ko sa aking sarili at napabuntong-hininga na lamang. It's been five months since I started training para mag-take over sa business ni dad dahil gusto na nitong mag settle down kasama si Lautner sa Mexico. I tried to say no dahil hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na maging isang mafia boss but dad didn't like the idea, he threatened me that he'll find Ashton and kill him kapag hindi ko sinunod ang napagkasunduan namin noon, which is he'll stop touching Ashton and in return I'm going to take over the business.So her
Ashton"Hey! Ashton!" Naglalakad ako sa may hallway nang bigla kong marinig na may tumawag sa aking pangalan kaya agad akong napalingon sa aking likuran. Hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay nang makita si Benedict na nagmamadaling maglakad palapit sa akin."What do you want, Benny?" Agad kong tanong nang makalapit na ito sa akin, muli akong nagpatuloy sa paglalakad habang sinusubukan naman nitong makasabay sa akin."Tapos ka na ba sa assignment natin sa Trigonometry?" Tanong sa akin ni Benedict at hindi ko mapigilang mapaismid dahil nahulaan ko kung ano ang pakay nito sa akin ngayon."What? May assignment tayo sa Trigonometry?" Tugon ko rito at umaktong nabigla sa aking nalaman pero alam kong natunugan nito ang sarkasmo sa aking boses dahil mahina itong natawa."I'll take that as a yes. Let's go to the library, pakopyahin mo muna ako ng assignment." Sambit ni Benedict at wala na akong nagawa pa para kontrahin ito dahil mabilis nitong hinaw