"Struggle pa rin sa akin ang pagsusulat ng nobela. I'm more on poetry."Nasa parihabang lamesa sila ngayon at kasalukuyang nagku-kuwentuhan tungkol sa pagsusulat. Malapit nang maubos ang mga inorder ni Scherine na pagkain kasabay naman ng pagkaubos ng mga alak nila na kanina'y hindi mabilang kung ilan."Pero nagsusulat ka naman ng kuwento, 'di ba?" tanong naman ni Rina kay Rhea."Oo, nahihirapan nga lang. Pero nagagawa ko naman nang maayos. May mga readers ako kaya mas lalo akong namo-motivate to learn more.""Habang nagsusulat naman tayo ay natututo tayo," segunda ni Kris. "Let's cherish this juncture of our life kasi darating ang panahon na susukuan na tayo ng passion natin. See, ang dami nang tumigil.""Mali." Biglang nagsalita si Yamirah. "Our passion won't give up on us. It is us who give up on the things we love so much when we found another kind of happiness. On that moment we had lost nothing after all. We're happy, and that's the main purpose of living." Tumungga ito sa hawak
A smile crept on her lips. Yamirah just sent her first novelette to the CEO's email. Unlike other writers, she loves to start another story just after she finished the last one.Nasa kalagitnaan siya ng pagtitipa ng kanyang prologo nang makaramdam siya ng gutom, lalo pa't isa na namang coffeeshop ang ambience ng kanyang virtual reality.She went out of the building and rushed through the nearest store. Bibili lang siya ng bottled coffee at mango-flavored biscuit. Wala pa siyang pera sa ngayon. Umaasa pa lamang siya sa dalawampung-libo na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Sinabi niya ritong babayaran niya ito kapag may pera na siya, but knowing Vera, she gives without expecting something in return.Yamirah is confident that she's having a money someday soon. It was promised that even if she will not be an official member of TAP if ever, she can still have a consolation prize especially when she finished doing the task given on her. Nang makabili na ay tumambay muna siya sa isang bench ma
"Who is that guy?" Vera asked as they saw a man smiling from TAP's entrance and waving at Yamirah."Head ng printing department, nakilala ko lang kahapon. He's Night.""Oh." May mapanuksong tingin sa mukha ng kaibigan pero binalewala na lang niya ito.Umibis siya ng sasakyan at muli itong binalingan. "Salamat sa paghatid, Sis. Ingat ka sa work."When they separated, she headed inside and Night Jimena greeted her a happy morning."Kanina ka pa? Sino'ng hinihintay mo rito?" tanong niya sa lalaki."Kadarating lang." Tinapunan siya nito ng tingin. "Laki ng eyebags mo ngayon. Lack of sleep?"Nagkibit-balikat siya. Sabi na nga ba niya at mahahalata ito. "Hindi ako pinatulog ng kape. Coffee is something I can't resist, you know.""Sa oras pa talaga ng pagtulog," nawi-wirduhan nitong tugon. "Anyway, TAP's anniversary is five days from now. Can I be your escort?"Natigilan siyang saglit. Walang nakabanggit sa kanya tungkol dito. "That's something I can't decide for now," sabi na lang niya, per
She entered the wide and tall double-door place in her glowing red gown made of soft, satiny fabric, long and loose. The style of it is clearly exposing the flawless skin of her back. The hem of her dress is ankle-length making her every step filled with grace. Classy, prim, full-fledged. She walked as lightly as an acrobat. Bumagay sa kanya ang ambience ng lugar. Palace-like, monarchical, a place for royal bloodlines.Dumating na ang 25th anniversary ng Tinta at Pluma Publishing Company. Almost all of the TAP members are here, and different business owners and random relatives are invited. Nandito rin ang kaibigan niyang si Vera, ang anak at asawa nito. Ranz owns a business connected to automotive, and Vera has a big pharmacy. Napag-alaman niyang magkakilala pala ang asawa ng kaibigan at ang boss niyang si Ash.For a moment she hesitated to enter the tall gate of the venue. Sukdulang inayusan siya ng kaibigan higit pa sa ayos nito. It is her first time to wear a dress like this. For
Ginulo ni Yamirah ang buhok nang ayaw mawaglit sa kanyang isipan ang gabing iyon ng anniversary. Ash didn't go as far as he can, anyway. May kung anong pumipigil dito, at kahit sa kanya rin.But the thought of that evening is enough to send her shivers. Ang malaki at may kagaspangan nitong kamay ay nagdala ng bolta-boltaheng elektrisidad sa kanyang katawan. Ang medyo balahibuhin nitong binti at mga braso ay kumiskis sa makinis at malambot niyang balat. Everything seems illegal and she's dangerously addicted.I don't mind setting foot in jail just so I could feel the pleasure given by someone I don't own.Yamirah groaned. Hindi naman siya nag-iisip ng mga ganoong bagay noon, ngayon daig niya pa ang nagsusulat ng erotica! Speaking of which, paano ang sinasabi ni Renz sa kanya na para lang itong nagsusulat ng bagay na naranasan na nito?Yamirah wonders how, because honestly, she can't write everything down! Sa halip na isinusulat na niya ang mga detalye ay baka makita na lang niya ang sa
It is a grand party. Halos kasingdami ng mga dumalo sa anniversary ng TAP ang nandito ngayon. May mangilan-ilang business owners din, pero mukhang karamihan ay close relatives at kaibigan ng mga Santillan.Yamirah has always been fascinated with foods. Magaling siyang kumain pero hindi nagbabago ang magandang hugis ng kanyang katawan. For now, she has different recipes in her plate, but her appetite doesn't seem to cooperate.Mariana Santillan—she has come to know—is a Goddess. Now she knows where Ash Santillan is coming from. He has an angel-like mom, beautiful and classy, and a demon-like dad, handsome and rough. Ash is the combination of the two. How perfect could that be?"Intimidating," Yamirah whispered.Hindi niya makain-kain ang nasa plato kakasubaybay rito. Busy itong nakikipag-usap sa mga kapwa nito mayayaman. She wants to approach, yet she wants to runaway.There is something in Mariana's aura that pushes her, yet her Aphrodite-beauty is simply enchanting. Ganito rin ang ma
Tahimik si Yamirah habang binabagtas nila ang kahabaan ng Clamente Street patungo sa bahay na inuukupahan niya. Panay ang sulyap niya sa labas ng bintana, pagkatapos ay muling babalik sa binatang kasama na ngayo'y nakatutok lang ang tingin sa daan.Hindi niya napigilan at tuluyan na niyang binasag ang katahimikan. "What just happened out there?"Napansin niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela, at sa tuwing natatamaan ng liwanag ang mukha nito buhat sa mga light posts na nagkalat sa daan ay nakikita niya ang nandidilim nitong hitsura."I mean, I'm sorry. I ruined your mom's party. Guilty ako and I feel bad for my stupidity. Pero hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. She was furious for some reason." Tahimik lamang ang binata habang patuloy naman siya sa pagsasalita. "And you value me next to your mom? Dapat na ba akong kiligin? E, mukhang..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin. She looked away when she felt Ash took a glance at her."She mistaken you as someone else perhap
Sa pagpatak ng alas-nuwebe y media ay pumunta na si Yamirah sa opisina ng kanyang boss ayon sa napag-usapan nila. She closed the book she's reading and stretched her body as she yawns.Hooh! Phoenixxx's story never failed to give her an extraordinary journey—a sinfully romantic journey. Hanggang sa paglabas niya ng kanyang cubicle ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang mga nabasa niya.This is the reason why she hates reading creative stories. Masyado siyang nai-immerse sa kuwento, masyadong nalulunod, at masyadong nagpapa-epekto. Kung sino man ang nagbigay ng mga librong iyon sa desk niya, mukhang alam nito na sa likod ng inosente niyang mukha ay nananalaytay ang makamundong pagnanasa. Nakakahiya.Nang marating niya ang opisina ni Ash ay hindi na siya nag-abalang kumatok pa. Mukhang alam naman nito na darating siya.Pagkapasok niya ay nadatnan niya ang binatang seryosong nagbabasa sa kanyang lamesa. Nang maramdaman ang kanyang presensiya ay nag-angat ito ng tingin. Pinasadahan siy
"Come on, I should wash this dress, Ash.""Not on earth I'm going to let you wash. Nagta-trabaho ako, Amir. Kahit limampung katulong pa ang dalhin ko rito sa bahay huwag ka lang magtrabaho, gagawin ko."The slight crease of his forehead and his almost-kissing eyebrows made him look cute and hot at the same time. Idagdag pang nakatapis lang siya ng tuwalya ngayon sa bandang baywang pababa at may mangilan-ilang butil ng tubig ang dumadausdos mula sa kanyang buhok pababa sa matitipuno niyang dibdib.We've been arguing about this for a couple of minutes now. I mentioned him about washing my wedding gown, and this is where it took us."Walang maglalaba. That's final.""But—""Let's settle this later, then. I have an early appointment with Mr. Yu. O baka gusto mong sumama?"Umiling ako. Kung aalis na siya, ibig sabihin ay malalabhan ko na ang wedding gown na ito saka ko itatago.Ash and I were married a week ago. It was a grand party. Maraming dumalo dahil maraming imbitado. TAP employees a
"I still have your resignation letter. I kept it for two years so I could return it one day. Hindi ko 'yon tatanggapin because I am confident that you will return. However, I still want to beg."Kahit nanginginig ay pinilit niyang tumayo at dahan-dahang humarap sa binata. Nag-init ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata pero alam niya na hindi na lungkot ang dahilan ng mga ito.Two years didn't seem to change him. Ash Santillan in his muscled body and handsome face is in front of her. Kung may nagbago man sa loob ng dalawang taon ay ang nararamdaman niya. Her love deepened, strongly rooted. Mas lalong sumidhi, mas lalong nahulog."Yamirah Francisco, I beg you. Please come back to your passion. Come back to my company. Come back to my life. Come back to me."Happiness ruled her little universe. Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit na mahigpit, at kahit kailan ay hindi na niya ito papakawalan pa. Hinding-hindi na."Ash, you never lose me. Wherever I am, I
After looking at the wall clock, she adjusted the hands of her wristwatch until it functions correctly. She checked herself from the mirror few feet away from the counter, and saw a perfect pair of a red sleeveless top that only covers the half of her torso—crop top it is, and a slightly tattered trouser she got from a well-known couture months ago.In her left arm she folded an AFRM Tae Cardigan with a Leopard print like her bottoms. Inayos niya ang tindig. Bahagyang iginalaw niya ang kanyang mga paa na nakasuot ng GUCCI'S HORSEBIT CHAIN BOOTS.She smiled as she felt satisfied with her look. 'Di rin naman nagtagal ay may kumuha na ng atensiyon niya."Miss, ito na po ang order ninyo." A lady florist handed her different bouquet of flowers."So idyllic," she commented, slightly sniffing the flowers' corollas.Nang mabayaran niya ito ay nagmartsa na siya palabas ng flower shop. Sa kabilang dako ng kalsada ay nakaparada roon ang sasakyan ni Drica."Bakit pinakamarami 'yang pink? Puntod n
"Yamirah, gabi na. Ihahatid na kita."Narinig niya mula sa likuran ang boses ng pinsan niyang si Sunshine. Sumunod ito sa kanya hanggang sa gate ng ancestral house."Not a chance," she answered determinedly. "Nakaya kong nabuhay mag-isa... at kakayanin ko pa." Walang masasabi ang dilim ng gabing ito sa dilim na hinatid ng mundo sa kanya.Tuluyan na nga niyang tinahak ang daan palabas ng subdivision. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha niya. Sinisiguro niya na ito na ang huling pagkakataon na iiyak siya dahil sa sakit, lungkot, at galit. Hindi na siya iiyak pa sa mga taong hindi siya nanaising iyakan din. Not anymore."Baby..." Her weary heart stopped when she heard the voice of the person who can break her heart into pieces, and the same person who can also give a remedy to it.Naka-park ang kotse nito sa labas ng subdivision, at mukhang nanggaling din ito sa kaparehong direksiyon.Hindi niya pa ito tuluyang naharap ay bigla na itong yumakap sa kanya nang mahigpit nang mahigpit.
"Ipinanganak ako sa bahay ng lola't lolo ko sa father side. Ni hindi nila na-afford na ilagay si mama sa hospital noon kahit maselan ang kanyang pagbubuntis. Fortunately, this Yamirah in front of you survived."Naglakad siya pababa ng munting entablado. "But my life didn't end there. Napasukan na ni papa lahat ng p'wedeng pasukang trabaho para lang kumita ng pera. A lot offered him illegal jobs but none of these were entertained because he was a good man. Yet his kindness was taken for granted. Maraming nanloko sa kanya, maraming nagnakaw hanggang sa lumubog kami sa utang. Masyado siyang naging mabait na ultimo si mama ay nagkaroon ng ibang kinakasama habang sila pa."Pumiyok ang boses niya nang maalala ang panahong iyon. "Yes, my mom left and went to Bermuda with her new man. Sa edad na walo ay iniwan niya ako, kami ni papa. All I had is my grandparents and my father. Ngayon niyo sabihin na may nanay ako. Go! Tell me!" Bumuhos ang luha niya habang puno ng poot na tinitingnan sila isa
Hindi niya nagawang magsalita. Isa-isang nagsilapitan ang mga Francisco at niyakap siya, ni-welcome sa family nila.Wala siyang ideya kung paanong sa dalawampu’t tatlong taon niya sa mundo ay hindi niya sila nasilayan man lang. Her mom, Cassandra Francisco, never mentioned about her family. Nawalan na rin naman siya ng pagkakataong malaman pa.Tinanong niya kay Sunshine kung alam na ba nito sa simula na mag-pinsan sila, pero sabi nito ay kumakailan lang din naman nito nalaman iyon. Pareho silang nakararamdam ng lukso ng dugo, pero hindi niya kailanman naisip na may natitira pa pala siyang kamag-anak sa mundo.Sunshine is the one who knew the truth. Madalas daw i-kuwento ng papa nito ang tungkol sa paborito nitong kapatid na si Cassandra na hindi na kailanman nagparamdam simula nang maging sila ng papa niya.One day, she had the files and background information of the TAP writers. Bilang sekretarya ay hindi malabong mahawakan niya ang mga 'yon. She saw the name Cassandra in Yamirah's f
"Looks like she didn't really intend to kill herself. Ito lang siguro ang pinakamabisang paraan na naisip niya to divert the emotional pain. Malayo sa mismong pulso niya ang hiwa, buti naman."Nakarinig si Yamirah ng mga nag-uusap. She didn't open her eyes yet."Pero bakit siya nawalan ng malay, Doc?" Boses iyon ng kaibigan niyang si Vera. Mukhang ito ang tumawag sa pangalan niya kanina bago siya nawalan ng malay."Overfatigue. Drained ang energy niya. Your friend needs rest and assistance. Is she always like this? How many times did she hurt herself already?""Ito palang po ang una sa tingin ko. I know her, she might have a heavy reason. My friend and I have suffered a lot in our lives, but she had never been depressed and attempted to cut herself or something."Mahabang katahimikan ang namayani."If that's the case, kailangan niya ng magpapagaan sa pakiramdam niya, hindi 'yung nagkukulong siya sa kuwarto. She can stay here for a day, but if you want to take her somewhere else, it's
Three weeks passed since the last time that she set a foot inside the premises of TAP building. She is too cruel and too insensitive to show her face after everything that had happened. Sa ikalawang linggo ng hindi niya pagpasok, nalaman niya kay Sunshine na sunod-sunod ang business trip ng binata, at ni minsan ay hindi siya nito nagawang kumustahin, hanapin, o tanungin man lang. Ang kapal ng mukha mo para isiping iniisip ka pa niya, Yamirah! Sa ikatlong linggo, hindi na niya napigilan ang sarili na magpadala ng mensahe rito. Sa una ay tungkol ang mga ito sa trabaho, pero 'di naglaon ay nagsimula na siyang humingi ulit ng tawad sa lahat ng kanyang kasalanan, sa lahat ng nangyari. None of her messages received a response. She's at fault, but is it unreasonable for her to get hurt? Somehow, she has a reason to get hurt. Own feelings and understanding, he said. Then why can't his feelings and understanding overpower his anger after knowing more of the truth? Mariin siyang napapikit
Nanggigigil na ibinato niya ang phone sa sahig. Kitang-kita niya ang pagkawasak nito gaya ng kung paano nawasak ang kanyang pagkatao.Mapait siyang humagulgol. Still on her naked body, she slowly sat down on the floor and hugged her knees.She looked at her reflection again. She couldn't help but to cringe. Soft skin, creamy, innocent. But she herself knows the truth."Ang dumi. Ang dumi-dumi ko!" Malakas siyang napaiyak na para bang doon na niya ibinunton lahat ng kasalanan at pagsisisi niya sa buhay.Hinayaan niyang mabasa ang kanyang tuhod at hita ng luha. Nandidiri siya sa sarili niya, pero ultimo luha ay hindi kayang linisin ng marumi na niyang kalukuwa.She cried her heart out, until the extreme sadness lulled her to sleep.***Nagising siyang magaan ang pakiramdam. She slowly opened her eyes and it shocked her to see the face of the man she loves the most. Ito, ito ang gusto niyang masilayan araw-araw.Oo, binalikan siya nito."Ash," she called his name. "Nasaan ako? Kanina mo