“Is that my thing you’re holding?” tanong niya sa akin.Hindi ko ini-expect na maaga siyang makakauwi. Ang akala ko, kagaya kahapon ay gagabihin siya ulit.Nakagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko sanang itago ang hawak na album ngunit huli na. Lumapit na siya sa akin at bahagyang yumuko para kunin ang album sa pagkakahawak ko.Nakakunot ang kaniyang noon ang buklatin niya ito.“Naglilinis kasi ako. Tapos habang naglalampaso, nakita ko ‘yan sa ilalim na cabinet kaya kinuha ko. Sorry, I got curious. Hindi ko alam na iyan ang laman,” paliwanag ko sa kaniya.Inisa-isa niya ang pagbuklat at matamang pinagmasdan ang bawat litrato na naroon. Nakatungo ako at hindi tumitingin sa kaniya. Natatakot ako na pagalitan niya ako kahit alam ko namang iyon ang mangyayari.“Hindi ba sinabi ko sa’yo na may darating na tagalinis sa bahay. Dapat hindi ka na naglinis pa. Look at you, ang dumi-dumi na ng suot mong damit.”Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Sandali siyang tumitig sa akin
I was mad. Fuming mad because of what happened. Ang kapal ng mukha niya. Ang sabi niya sa akin, liligawan niya ako tapos ganoon ang gagawin niya? Ang sabi niya, gusto niya ako. But how could he flirt with other woman habang nasa paligid lang ako? Akala niya siguro ay hindi ko makikita ano? Akala niya hindi ako pupunta ng aplaya.Padabog akong naglakad papasok ng bahay. Kung puwede lang talaga umalis dito, gagawin ko. Ang kaso, wala naman akong ibang mapupuntahan dahil wala naman akong kakilala rito.“Andra, anong gusto mong lutuin kong agahan para sa iyo?” tanong ni Aling Maring pagpasok ko sa loob. Nasa living room ito at kasalukuyan nililinis ang sofa.Huminto ako sandali para tingnan ang matanda.“Hindi po ako kakain. Si Jacob nalang po ang paglutuan niyo.” Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko ngunit agad din iyong napalitan ng pag-aalala.“Bakit hija, may nangyari ba?”“Wala po.”Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa aking silid. Dumiretso ako sa banyo para
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa nalaman ko o mahihiya dahil sa ginawa kong assumption sa kanila ng pinsan niyang ang pangalan ay Luanne. Ngayon ko lang na-realize na ako lang pala ang nag-isip ng masama tungkol sa kaniya. Pero may kasalanan din naman siya. Kung hindi niya ako tinratong parang iba sa nakalipas na dalawang araw, hindi naman ako mag-iisip ng masama.They can’t blame me for what I feel. And I still do believe that my feelings for the last 48 hours is valid.Kinabukasan ay bumangon ako nang maaga dahil nauuhaw ako. Maliwanag na noong lumabas ako. Pagpasok ko sa kitchen area, napahinto ako agad nang makita si Jacob doon at ang babaeng kasama niya kahapon.“Hi?” alanganing bati nito sa akin. Nakaupo ito at may hawak na sliced bread na mayroong palaman. Mukhang kanina pa siya naroon. Si Jacob naman ay nakatitig lang sa akin.“Kukuha lang ako ng tubig,” sambit ko saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng fridge. Kumuha ako ng baso at n
“Galit ka pa ba?” tanong sa akin ni Jacob habang nakatanaw kami sa maalon na karagatan. Pagkatapos ng kanilang music session magkakaibigan, isa-isa na ring nagpaalam ang mga ito na uuwi na. Pare-pareho ang kanilang dahilan, kailangan daw nilang matulog nang maaga para maaga rin silang magising para sa pagpapalaot ng bangka para mangisda. At dahil kami ni Jacob ang walang gaanong gawain, kami ang natira sa dalampasigan. Sa hindi kalayuan ay mayroong ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Abot ng liwanag ang aming kinaroroonan kaya kahit paano nabawasan ang pangamba ko.Uuwi na rin sana ako. May plano ako kaninang sumabay kina Yael pero ang sabi ni Jacob samahan ko raw muna siya roon kahit sandali lang. Ang dapat na sandali lang ay tumagal ng kalahating oras. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang kaniyang tanong.Galit nga ba ako sa kaniya? I thought of that question a while ago habang kumakanta siya. Sa totoo lang, pakiramdam
“Ano sa tingin mo?” tanong ni Jacob sa akin pagkapasok namin sa construction site. Inalagay ko ang aking kamay sa aking noo para magsilbing panakip ko sa aking may na nasisilaw sa liwanag ng araw.Mabilis naman niyang sinenyasan ang isa niyang staff na may hawak na payong. Lumapit ito sa akin at mabilis na binuksan ang payong para magsilbing lilim ko. Mainit na kasi at mataas na rin ang araw nang makarating kami rito sa General Luna.Ang sabi niya sa akin kanina, hindi na raw kami pupunta dahil tanghali na. Ewan ko ngayon kung bakit biglang nagbago ang isip niya. Marahan niya akong pinaisod sa tabi ng kaniyang staff dahil natatamaan ng araw ang balikat ko. Naka-sleeveless pa naman ako ngayon.“You’ll get burned by the sun.”I pouted at him. Pinaningkitan niya naman ako ng mata kaya inayos ko ang aking sarili. Ang sungit talaga.“Okay naman. The location is good. Good for you dahil naisip mong sa pagitan ng restaurant at fitness gym inilagay ang bar na ito. Marami ring mga establishme
“May girlfriend pala ang kapatid mo ‘no? Ngayon ko lang nalaman.”Nakita ko ang pagngisi ni Jacob nang marinig niya ang tanong ko. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ng San Isidro paghkatapos naming i-check muli ang site kanina. Bumaling siya sa akin. May halong pang-aasar ang kaniyang tingin.a“Bakit? Curious ka? You’re jealous? You like my brother?” suod-sunod niyang tanong.Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin.“Nagtatanong lang ako, ang dami mo nang sinabi. Hindi ba puwedeng nagulat lang?”“Why would you be shocked? Eh guwapo ang kapatid ko, normal na maraming magkakagusto sa kaniya. Kaya ibig sabihin, normal din na magkaroon siya ng girlfriend.”Umangat ang sulok ng labi ko.“Eh ikaw rin naman guwapo ka, pero bakit wala kang girlfriend?”“Meron kaya.”“Sino?”Mas lumawak ang kaniyang pagngisi.“Ikaw.”Mabilis na nag-arko ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ha! Ang assuming. Hindi ko pa nga siya sinasagot.“Sinagot na ba kita?”“Kailangan pa ba noon? Eh ‘
Guyam, Pansukian, and Daku are the three beautiful islands that we’ve visited today. Bandang hapon, pagkatapos naming mag-ikot, niyaya ako ni Luanne na magpahinga muna kami sa isang tropical resort sa Pansukian. Doon na rin daw kami kakain dahil ayon sa kaniya, masarap ang mga pagkain doon.“Sigurado akong magugustuhan mo roon. Maraming puno ay mayroong magagandang villas. Gusto mo bang magpa-massage? My treat.”Umiling ako agad. “Naku, Luanne. Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa pagpapamasahe. Saka hindi mo naman kailangang gumastos para sa akin.”Nakangiti siyang bumaling sa akin.“You’re like a sister to me now. Ano ka ba, walang problema sa akin yung gastos. Ang gusto ko, mag-enjoy ka rito. Nabanggit din kasi ni Kuya Jacob na hanggang matapos lang ang construction ng bar ka mananatili rito sa Siargao. Might as well spend your days here in a very good and entertaining way.”Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa bangka.“Tara na at baka maiwan pa tayo ng bangka.”Sandali
Habang nakatingin ako kay Anton ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganoon nalang ang kaniyang reaksiyon sa nangyari? Bakas ang galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin kay Lara na kabababa lang sinakyan nitong jet ski. Naka-two-piece lang ito at konti nalang makikita na ang parte ng kaniyang katawan na dapat ay nakatago pero tila balewala sa kaniya ang tinginan ng mga tao. Pagkarating niya sa dalampasigan ay agad na may lumapit sa kaniyang isang naka-unipormeng babae at inabutan siya nito ng tuwalya. Kinuha niya ito at itinapis sa kaniyang katawan bago naglakad palapit sa amin.Nakaupo pa rin ako sa buhanginan, hingal na hingal habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Nasa tabi ko si Anton at panay ang tanong kung kumusta ang pakiramdam ko.“Oh, bakit mo ako hinahanap? How dare you shout for my name, Anton!” Dinig ko ang pagtaas ng boses ni Lara. Gusto kong matawa sa ugali ng babaeng ito. Siya na nga yung may hindi magandang ginawa, siya pa yung matapang.Inayos ko an
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n