Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin namin. Pero si boss ay naglabas pa ng cake, may dalang regalo at nilagyan pa ako ng party hat tulad ng kanya."Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you~~"Kinakanta n'ya 'to habang naglalakad palapit sa'kin dala ang cake. May sindi na rin ang kandila sa gitna nito. Pareho kaming naka party hat na hindi ko alam kung saan pa n'ya kinuha. Pero ang ganda pala ng boses n'ya kapag kumakanta.Mas magarbo naman 'yong hinanda ni Tita sa bahay, pero bakit mas parang naiiyak pa ako sa ginawa ng boss ko? Sa simpleng ganito na touch ako. Siguro dahil, ganito ang taon-taon kong nakasanayan kasama ang pamilya ko. Ganito namin i-celebrate ang birthday ko sa amin.Tumigil ito sa harap ko at ngumiti sa'kin.“Make a wish Belle,” mahinang saad nito.Pumikit ako habang magkadaop ang aking mga palad.Sana... Mai-ahon ko sa hirap ang pamilya ko. At sana, sa susunod na mahalagang araw sa buhay ko, kasama k
Nagising ako sa kumikiliti sa'king tainga.."Hmmm..." Ungol ko sabay hawi sa bagay na tumatama sa'kin habang nakapikit."Hey..." Malambing na tinig na aking narinig.Anghel ba 'yon? Teka?! Na salvage na ba ako ni Boss?!"Wake up sleepyhead..." Mahina at may lambing na sabi muli ng anghel.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakangiting lalaki ang bumungad sa'kin."May lalaki pa lang anghel?" Ani ko.Natawa naman ang lalaking anghel sa aking nasambit."Still in Dreamland huh..." Sabi nito binugahan ako ng kaniyang mabangong hininga sa mukha. Napapikit-pikit naman ako at nagising ang diwa. Doon ko lamang napansin na ang boss ko pala ang nang gigising sa'kin."B-Boss?! Gising ka na pala?""Kanina pa po, at kanina pa kita ginigising..." Sagot nito.Napaupo ako sa kama na aking hinihigaan. At nakitang bagong ligo na nga ito. Ready na talagang umalis. "Ano po ba oras na?""10 am,""Hala!" Nagmadali akong umalis sa kama at tarantang pumasok ng banyo. Pero agad din napatigil nang
Makalipas ang ilang araw ay balik trabaho na muli. Naging busy na kami sa opisina. Pinilit rin akong mag-enroll sa college ni Boss. Sa totoo lamang ay ayaw ko pa dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Nagpapadala pa rin ako kina Nanay. Pero hindi ito pumayag kaya wala rin akong nagawa. Napag alaman kong isa pala sila sa may ari ng kolehiyong papasukan ko.Ngayon ang unang araw ko, kaya sobrang kabado ako. Pangarap ko lamang noon, at ngayon, isa na akong kolehiyala. Nakaka-proud pala.Tuwang-tuwa rin sina Nanay nang ibalita ko sa kanila ang pagpasok ko. Panay pa ang habilin nila sa'kin ng kung ano-ano. Oo lang naman ako ng oo para hindi na humaba pa ang habilin. Pagkarating ko sa tapat ng campus ay napahinga ako ng malalim. Eto na... Eto na ang magiging simula ng lahat. Kaya ko 'to!College High University (C.H.U)Basa ko sa pangalan ng university. Naninibago pa ako sa suot kong palda na hanggang ibabaw ng aking tuhod. Naka blazer na black na may long-sleeved blouse na white sa loob. May h
Sobrang mag-inarte ang boss ko, hanggang sa makarating kami sa office ay hindi ako iniimikan. Daig pa ang babaeng may regla sa kaartihan."Uy boss!" Kulbit ko rito habang napasok kami ng office n'ya."What?" Magkasalubong na kilay na sagot nito."Luh! Galit ka pa rin?! Ay grabe!" Sabi ko at umupo na sa spot ko. Nilampasan ko lamang ito na nakatayo malapit sa table n'ya."Wait... Are you mad? It supposed to be me not you.""Hindi po. Magta-trabaho na po ako. Pasensya na po ulit." Walang gana kong sabi. Kunwari nagtatampo ako. Para hindi na s'ya magalit. Tsk! Talino ko talaga!Umupo ito sa swivel chair n'ya at pinaka titigan ako. Kahit hindi ko man s'ya tignan ay kita ko pa rin s'ya sa gilid ng mga mata ko. Ramdam ko rin na may nakatingin sa'kin. Pero hindi ko ito pinansin at inabala kunwari ang sarili sa harap ng desktop ko."Hey!" Tawag pansin nito sa'kin pero hindi pa rin ako natingin."Belle," "Hmm?" Sagot ko pero hindi pa rin lumilingon."Tell me, are you mad?" Mahinahon nitong ta
Simula ng mag-aral ako ay palagi na lamang kami nag-aaway ni boss. Nagsimula rin ang inis ko sa kanya dahil sa ginagawa n'ya.Hindi biro ang mag-aral habang nagta-trabaho, ngunit nakatulong ito upang mabago ang kainosentihan ko sa bagay-bagay. Marami akong natutuhan sa buhay, pati na rin ang pagpapahalaga sa bawat sentimo. Pati sina nanay ay tuwang-tuwa sa aking pag-aaral. Pero araw-araw akong naiinis sa aking boss na sira ulo!"Boss! Ilang buwan na akong nag-aaral, at ilang buwan ko na rin po sinabi sa'yo na hindi mo na ako kailangan sunduin pa?! Hindi ko naman tatakasan ang trabaho ko sa'yo!" pagmamaktol kong bungad dito pagpasok ng sasakyan.Paano ba naman, sinundo na naman ako. Hindi na tuloy ako makapag fishball kasama ng mga kaklase ko. Sa ilang buwan kong pag-aaral ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan."Bakit ba palagi kang galit sa tuwing sinusundo kita? Aren't you thankful? Not all the boss doing this." "Pero hindi ko naman sinabi boss na gawin mo 'to-""Because I want to," p
Simula nang mangyari 'yon ay palagi kong tinatanong ang sarili ko. Ano ba kami? Bakit naghahalikan na kami? Bakit ako pumapayag?!"Argh!!!" Nagpagulong-gulong ako sa aking kama dahil sa inis. Kahapon pa nangyari 'yon pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Buti na lamang at Linggo ngayon hindi ko s'ya makikita.Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tunog ng cellphone ko. Nanlambot naman ako sa pangalan na bumungad sa'kin kung sino ang caller. Linggo ngayon, pahinga ko dapat pero eto s'ya at tumatawag! Jusko! Napabuntong hininga muna ako bago sinagot ang tawag niya."H-Hello?" Bakit ako kinakabahan?![Hey. Good morning.] Bruskong bati nito sa kabilang linya."G-Good morning boss, bakit po kayo napatawag?" [Pack your things for two days. We're going somewhere.] Nanlalaki naman ang mata ko sa pinagagawa n'ya. "S-Sandali boss, sandali ha. At saan na naman 'yan? Pahinga ko ngayon boss! At... Kung makautos ka naman, hindi mo muna ako tinanong kung pwede ako ngayon." Pagbagsak akong na
Naging tahimik ang b'yahe namin ni Boss, wala akong nai-sagot sa mga sinabi n'ya. Hindi na lamang ako nagsalita, dahil baka masaktan ko na naman s'ya ng hindi sinasadya. Siguro may dalawang oras din ang naging b'yahe namin bago tumigil ang sasakyan n'ya sa tapat ng isang resort. Nakamasid lamang ako sa harapan ng isang malaki at napaka gandang resort.Isla MontemayorBasa ko sa pangalan ng resort, ibig sabihin kanila ito?"Good morning sir," bati ng lalaking palapit sa gawi namin."Morning. Pakikuha ng mga gamit sa loob," utos nito sa lalaki."Yes, sir." May kasunod pa itong dalawang lalaki, kinuha nila ang bag namin sa loob ng Wrangler Jeep ni Boss. Kaya pala ito ang dala niyang sasakyan ngayon. Ang daming sasakyan, papalit-palit lang. Tss."Let's go Belle, mainit na rito." Napatingin naman ako bigla kay boss."A-Ah.. Sige po." Sumabay ako nang lakad sa kanya patungo sa loob ng resort nila. Bumungad agad sa'kin ang napakataas na slides. Dalawa ito na magkabilaan sa parang bahay sa
Matapos namin maligo nang tanghali ay nag-lunch lamang kami bago kami nag banlaw sa mga kanya-kanya naming kwarto. Pagod na pagod ang pakiramdam ko kaya nakatulog na ako matapos ko magbihis."Belle..." isang mahinang tinig ang aking naririnig na tumatawag sa pangalan ko."Belle... Wake up..." tawag ulit nito. Pupungas-pungas naman akong gumising at bumungad sa'kin si boss. Nakaupo ito sa sahig habang titig na titig sa mukha ko. Ako naman ay nakadapa pa rin habang nakaharap ang mukha sa gawi n'ya.Ang gwapong nilalang naman ng isang ito. Kung araw-araw ba naman ganito ang bungad, kasarap.Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa gwapong nilalang na seryosong nakatitig lamang sa'kin."Mamaya na tayo magtitigan at mag bolahan sa mga isip natin. Dinner is ready, get up now, Belle." sabi nito sabay ngiti. Tss! Pwedeng model ng toothpaste ah!Tamad na tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nakakahiya naman, nandito yung mala model ng toothpaste, tapo
"Oh fuck! I'm fucking late!" I hissed to myself as I woke up late. Masasabon ako ni Mommy nito!Nagmadali akong naligo at nagbihis bago nagmamadaling lumabas ng unit ko. Pinaharurot ko naman agad ang aking sasakyan na hindi inaayos ang mga papel na nakapatong sa upuan. Pagkarating ay basta ko na lamang kinuha ang mga papel at lumabas."Aray!" "Shit! Pakalat-kalat kasi!" Sabay naming bulyaw ng nasagi kong babae.Nagkalat tuloy ang papel na hawak-hawak ko! Bakit ba patanga-tanga mga employees dito sa company na 'to?!"Aba! Mister! Ikaw na nga nakasagi ikw pa ang galit?" Mataray na sabi ng babae habang pinupulot ko ang mga papel. Handa na sana akong bulyawan siya sa pagtunghay ko. Salubong na ang kilay ko dahil sa inis pero agad din namang nawala...A beautiful angel infront of me wearing a peach dress caught my soul. I mean.... My attention...What the hell! Tinanggap na ba ako sa langit?Medyo curly at mahabang buhok, may kasingkitan ang mga mata. Matangos at maliit ang ilong, mapula a
Nagpatuloy lamang na may nangyayari sa'min ni Lucas. Naging palihim niya akong secretary habang nag-aaral ako. Kinausap ko rin naman ang best friend ko tungkol sa bigla kong paglipat. Noong una ay hindi ito pumayag, pero kalaunan ay natanggap din nito ang paliwanag ko. Sana lang daw ay hindi ko pagsisihan pero naka suporta lamang daw s'ya.Tumagal kami ng ilang buwan na walang nakakaalam sa relasyon namin sa side niya. Ipinakilala ko naman s'ya sa pamilya ko thru video call. Pero sa pamilya niya ay hindi ako pumayag na ipaalam. Pumayag naman ito, 'yon nga lang, hindi rin daw niya itatanggi kung may magtanong. Tss."Pauwi ka na?" Tanong sa'kin ni Travis habang kumakain kami nina Ces at Lani ng fishball."Oo e, anniversary kasi namin ngayon. Kailangan ko mauna sa kanya umuwi." Sagot ko. Oo, tumagal kami ng one year nang patago sa pamilya niya. Pero alam ng mga malalapit sa'kin ang tungkol sa'min."Taray ng bakla! Ganda ka?!" Pagbibiro ni Ces."Ganda 'yan bakla! H'wag mo okrayin, yummy n
WARNING!!! R18This chapter is not suitable for young readers. _____________Kanina pa ako rito sa banyo, tapos naman na ako maligo pero hindi pa rin ako lumalabas. Ewan, pero kinakabahan ako."Babe! Matagal ka pa?" tanong ni Lucas habang kumakatok. "Don't wear anything babe, tatanggalin ko rin naman." Sabi pa nito, napatingin naman ako sa pinto ng banyo na parang kaharap ko lang s'ya."Bastos!" Sigaw ko at rinig ko naman ang halakhak niya.Maya-maya pa ay mabagal kong binuksan ang pinto at dahan-dahang idinungaw ang ulo sa pinto. Pero ikinagulat ko ang biglang paghila nito sa braso ko."Lucas!" Tili ko dahil sa gulat, isinandal ako nito sa pader na katabi ng pinto. Mahigpit naman akong napahawak sa bathrobe ko habang napapalunok sa kaba."What took you so long babe?" mahinang tanong nito sabay baba nang tingin sa labi ko."W-Wala... M-Matagal lang talaga ako maligo," kinakabahan kong sagot.Tumaas ang gilid ng labi nito dahil sa nauutal kong boses. "Why are you nervous?" "H-Hindi
Hindi na nga ako pinauwi pa ni Lucas, siguradong mahaba-habang paliwanag ang gagawin ko kay Rustom nito.Nandito kami sa isang grocery store na katabi lamang ng condo. Mamimili raw kami ng kulang sa pagluluto, hindi ko alam kung ano pa yung kulang. E puno naman ang ref, ano pa kaya kulang sa kanya?"Ano pa ba ang kulang na kailangan bilhin?" Tanong ko sa kanya habang tinutulak namin ang cart."Ingredients, hindi pa kumpleto ingredients sa pagluluto. Hindi ko na alam kasi ang iba," sagot nito sabay ngiti pa sa'kin. Nakatingala naman ako sa kanya dahil mas matangkad ito. "Ah. Okay... Teka, anong oras ka uuwi?" "Saan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga nakapatas na bote ng toyo."Syempre sa bahay n'yo, o kung saan ka man nakatira.""Sabay na tayo umuwi, 'di ba?" Sagot nito."Ha?""Tss. Hindi ako uuwi, do'n ako tutulog sa condo mo."Natigilan naman ako sa kanyang naging sagot."B-Bakit?""Anong bakit? Bawal ba?" "H-Hindi naman... K-Kaya lang...""Tss. Huwag kang matakot, dipende pa
"S-Saan mo ko dadalhin? S-Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil pagkapasok pa lang namin sa sasakyan n'ya kanina ay pinaharurot n'ya ito paalis."Somewhere that we can talk in private," seryosong sabi nito habang tutok sa pagmamaneho na akala mo may hahabol sa'min."Private? Hindi pa ba private rito sa loob ng sasakyan mo?""More private, My Belle..."More private? May gano'n pala? Saan naman kaya 'yon?"Are you always with him?" "Ha? Sino?""That guy who's with you a while ago... Are you two always alone together?""Hindi... Kasama namin mga kaibigan namin na sina Lani at Francis.""Who's Francis?" nakakunot noong tanong nito. Humigpit bigla ang hawak nito sa manibela."Tss. Yung diyosa kong kaibigan... Bet mo ba?" nakangiting tanong ko."What the fuck?! Are you kidding me?""Luh! Nagtatanong ako nang maayos...""No, because I only like you.. No one can change that..."Naalala ko bigla ang naging usapan namin ng mommy niya. Mukhang wala s'yang alam sa bagay na 'yon dahil sa inaasta n'
"Hoy! Pre! Saan ka ba galing?!" bungad sa'kin ng best friend ko. Madali itong lumapit sa'kin pagkapasok ko sa loob ng kanyang apartment. "Pucha ka pre! Para kang basang sisiw ah!" kinuha nito ang towel sa ulo ko at s'ya ang nagtuyo ng aking buhok."Okay lang ako pre, liligo naman ako... Hayaan mo na 'yan," saway ko rito at hinahawi ko pa ang kanyang kamay. Nakatanggap naman ako nang tampal sa aking kamay mula sa kanya."Natural na maliligo ka! Sira ulo ka ba?! Kung kelan gabi tsaka mo naisipan maligo ng ulan!" panenermon pa nito. "Saan ka ba talaga galing? Ha?!" tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako habang nakapamaywang."M-May... Dinaanan lang," "Hinayaan mo lang mabasa ka ng ulan?!" naiinis nitong tanong."Hunghang!" bulyaw ko, "hindi ba pwedeng naabutan ako ng ulan? Gago ka rin e 'no?!" nilampasan ko ito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman ito sa'kin."Sabi ko nga..." sagot nito, "maligo ka na, titimplahan na kita ng kape..." "Okay..." tinalikuran ko na it
Wala akong ibang maramdaman sa mga oras na ito kung hindi kaba. Unang beses ko pa lang s'ya nakita ngayon, at masasabi kong nakakatakot ang awra n'ya. Parang nakakatakot magkamali kapag kausap s'ya. Ibinaba nito ang tasa matapos n'yang sumimsim dito, na hindi ko manlang narinigan ng kahit konting ingay. Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan, lalo na kapag napapatingin ito sa gawi ko."So, you're Ivory, my son's secretary?" nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko na ang kanyang boses."O-Opo, m-ma'am..." kinakabahan kong sagot. "And the one who turned down my plan for my son..." biglang tumaas ang isa nitong kilay na lalong nagpataray sa mukha nito, umismid pa ito na ipinagtaka ko. "Mansyon na, naging kubo pa. At ikaw pa talaga ang umayaw?" tinging nakakainsulto ang ipinukol nito sa'kin. Ang mga kamay ko na nasa kandungan ko sa ilalim ng lamesa ay kumuyom dahil sa narinig."Mawalang galang na po, pero Secretary po kasi ang ipinasok ko sa trabaho. Hindi p
"Sigurado ka bang okay ka na? Na kaya mo nang pumasok?" tanong sa'kin ni Rustom."Oo naman, tagal ko na ngang pahinga. Baka pagpahingahin na ako nang tuluyan ng mga prof," natatawa kong sagot. Sakay ng kanyang Honda Civic na pula, ay magkasabay kaming papasok ng kaibigan ko. 'Yon ang napag-usapan namin bago kami umalis. Sabay din daw kaming uuwi, kung sino ang naunang na dismissed ay s'ya ang maghihintay.Pagka-park ng kanyang sasakyan ay sabay kaming lumabas. Napabuntong hininga pa ako dahil sa kaba na baka mabengga ako ng mga prof namin."Let's go, hatid muna kita sa building mo.""Bakit? Palagay mo sa'kin? Kinder?!" inirapan ko pa ito habang sabay kaming naglalakad sa hallway."Tss. Sinabi ko ba?! Ihahatid kita para alam ko kung saan ka pupuntahan kung sakaling ako ang mauna," paliwanag nito."E paano kung ako naman ang mauna sa'yo?""Oh, edi ako ang hihintayin mo.""Shunga! Alam ko, ibig kong sabihin saan kita hihintayin!""Ah! Sa HRM building, kasunod lamang 'yon ng Library.""A
Dalawang araw pa akong hindi lumabas sa apartment ni Rustom. Tatlong araw na akong hindi na-attend ng klase ko, pero tinext ko naman si Travis na gumawa ng dahilan."A-Ano 'yan?" Gulat kong bungad sa kapapasok lang na si Rustom. May dala itong maleta at isang malaking bag pack."Gamit mo kinuha ko sa Tita mo dahil mauubusan ako sa'yo ng damit.""Tss. Dami-dami mo namang damit ah! Napaka damot mo!" reklamo ko rito."Eto naman galit na naman para binibiro lang e," umupo ito sa tabi ko sa sofa at inakbayan ako. "Kinuha ko para makapasok ka na bukas. Ilang araw ka na absent."Bumuntong hininga naman ako at tumango bilang sagot.Sa totoo lang ay masama pa rin ang loob ko kay Tita, simula rin nang tawagan ako ni Lucas ay hindi ko na muli binuksan pa ang cellphone ko. Maliban lang no'ng i-text ko si Travis na block mates ko, para ipaalam na absent ako. Three days ko na s'yang hindi nakikita at nakakausap, wala akong balita tungkol sa kanya."Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ng aking kaibi