“OKAY ka naman ba d’yan?” tanong ni Laura kay Tamara nang mag-video call sila. Nang makarating si Laura sa Germany ay nakauwi na sa kanilang bahay ang kanyang daddy. May neck brace at may sugat ito sa ulo pero wala naman itong natamong malalang pinsala mula sa aksidente. Minabuti ni Laura na manatili muna ng dalawang linggo sa Germany para makasama ang pamilya. Eksakto namang balak na palang i-expand ng mga kapatid niya ang perfume business nila sa ibang mga bansa sa Europe. Tatawagan na pala talaga siya ng mga ito para pauwiin at nang mapag-usapan nila ang mga plano ng mga ito. Bukod doon ay may isang pinsan si Laura na gustong kunin din ang serbisyo niya kaya magiging abala rin siya habang nasa Germany. “Yup. I’m having fun,” tugon ni Tamara. “I’ve met an old friend here the other day. Nagbabakasyon din siya rito.” Nasa Club E Resort pa rin si Tamara pero kasama na nito ang pinsang si Daena. Susunod din si Tamara sa Germany sa susunod na Linggo.
GABI na nang makarating si Lance sa bahay ng mag-asawang Jay–Jay at Kate sa Corinthian Gardens para dumalo sa meeting ng barkada nila. Taon-taon ay nagsasagawa sila ng fund rising campaign para Jason Monteclaro Youth Foundation at makatulong na rin sa kanilang mga magulang na siyang aktibo sa foundation. Jason Monteclaro was Jay-Jay’s late father isa na matalik na kaibigan ng kanilang mga magulang. Namatay ito matapos tambangan ng mga tulisan ang yateng sinasakyan nito kasama ng mga kaibigan sa Palawan. Itinatag nina Lola Amelia at Lolo Frank, grandparents ni Jay-Jay ang Jason Monteclaro Youth Foundation bilang pag-alala sa anak. Nagkasundo naman ang mga magulang nina Lance na ipangalan sa kaibigang si Jason ang lahat ng lalaking magiging anak ng mga ito. Kaya lahat silang lalaki sa barkada nila ay may Jason sa pangalan. “What did I miss?” tanong ni Lance at isa–isang binati ang mga kaibigan sa pamamagitan ng high five at tapikan ng balikat sa mga lalaki at yakap at
NANINIWALA si Laura na nasa ligtas at nasa maayos na kalagayan si Tamara. May mga araw talaga na hindi sila nag-uusap ng kaibigan lalo na kapag pareho silang abalang-abala sa trabaho. Sigurado siyang tatawagan siya nito kung kailangan nito ng tulong niya. Gayunman, hindi pa rin niya maiwasang mag-aalala lalo dahil tatlong araw na silang walang balita rito. “I’m sorry, wala pa rin akong balita kay Tamara,” apologetic na sabi ni Demay nang mag-video call sila nang umagang iyon. Isa si Demay sa mga kaibigan na pinagtanungan ni Laura sa paghahanap kay Tamara. Sinadya talaga niyang kontakin si Demay at ipaalam dito ang nangyari dahil maraming sources ang kaibigan niya na maaring may alam sa kinaroroonan ni Tamara. Nangako naman si Demay na hindi ilalabas sa publiko ang pagkawala ni Tamara. “It’s okay. I understand,” aniya na sinundang ng buntong-hininga. “Don’t worry. Magtatanong-tanong pa rin ako. Kung hanggang bukas wala pa rin tayong balita, ako mismo ang pup
TANGHALI na nang magising si Laura. Ayaw pa sana niyang bumangon dahil gabing-gabi na siya nakauwi kagabi mula sa ilang araw na pagliliwaliw sa Camarines Sur para kumuha ng litrato. Pero nagugutom na siya at kailangan niyang magpadala ng e-mail sa isang kaibigan. Matapos gumamit ng banyo at mag-ayos ay lumabas na ng silid si Laura dala ang kanyang laptop at cell phone. Nakangiting napailing na lang siya nang marinig ang malakas na tili at tawa ni Tamara nang mapadaan siya sa guest room na inookopa ng kaibigan sa kanyang bahay. Alam niyang kasama nito sa silid si Ethan. Nakita niya ang kotse ng binata sa garahe kagabi. Mahigit isang buwan na ang nakalilipas magmula nang magkabalikan sina Tamara at Ethan at halos hindi na mapaghiwalay. Ipinilit talaga ni Laura na sa kanyang bahay tumuloy si Tamara at hindi sa bahay ni Ethan kapag nasa Pilipinas ito dahil gusto niyang makabawi sa kaibigan sa pagpapatira nito sa kanya sa bahay nito sa matagal na panahon.
MAKALIPAS ang ilang minuto matapos makaalis nina Tamara at Ethan ay in-off na ni Laura ang laptop. Palabas na siya ng kusina nang makasalubong niya si ‘Nay Iska. “Okay lang ho kayo, ‘Nay Iska?” nakakunot ang noong tanong ni Laura nang mapansing balisa ito. “Si ‘Tay Nato mo kasi malalala na yata ang katarata n’ya sa mata. Halos hindi na raw makakita ‘yung kanang mata n’ya at malabo na rin daw ‘yung kaliwa. Maaari ba kaming umalis ngayon para maipatingin sa doktor ‘yung mga mata n’ya.” “Oo naman ho. Sasamahan ko na ho kayo sa doktor,” mabilis na desisyon ni Laura. “Pero ‘di ba hindi ka pa gaanong nakapagpahinga. Kaya na siguro namin ni ‘Tay Nato mo na magpunta sa doctor.” “Mas mabuti, ‘Nay na kasama n’yo ako. Magbibihis na ho ako. Maghanda na rin ho kayo,” sabi ni Laura at kaagad nang nagtungo sa kwarto. Naghihintay na sa garahe si ‘Nay Iska at ‘Tay Nato nang bumaba si Laura. Napailing ang dalaga nang makita ang p
“BRO, tuloy na tuloy na pala ang partnership n’yo ni Ate Francine,” sabi kay Lance ni Gabe habang kumakain sila sa O21 Bar and Restaurant. Pinsan ni Lance si Gabe at nakababatang kapatid ni Francine. Nag-group text si Gabe kagabi at nagyayang maglaro ng basketball sa Friend Jungle nang umagang iyon. Pero silang dalawa lang ni Gabe ang sumipot kaya nauwi na lang sila sa pagji-gym. Pagkatapos ay nagtungo sila sa O21 Bar and Restraurant. “Yup, tuloy na talaga dahil pinayagan na s’ya ng Papa Angelo n’yo na mag-resign sa Builders. Bukas bibisitahin namin ‘yung unit na possible naming rentahan sa Alegre Building.” “Cool. If you need help in any form, magsabi lang kayo ni Ate Francine, bro. Susuportahan at tutulungan namin kayo ni Bel,” sabi ni Gabe. “Thanks, bro,” nakangiting sabi ni Lance. Si Bel ang asawa ni Gabe. Isa ring interior designer si Bel at papalit sa maiiwang posisyon ni Francine sa Builders. Ginulat ni Gabe ang lahat ilang ta
NAPAKUNOT-NOO si Laura nang tumunog ang kanyang cell phone at makitang si tumatawag si Ethan. “Hey, Ethan what’s up?” sabi ni Laura nang sagutin ang tawag. As expected, kaagad na nagkaayos sina Tamara at Ethan matapos na pormal na nakipaghiwalay si Ethan kay Celine. Nakabalik na sa London si Tamara pero babalik din kaagad ito sa Pilipinas sa oras na matapos ang mga proyekto nito. Naging matagumpay naman ang operasyon ng mga mata ni ‘Tay Nato. Maayos na itong nakakakita at nakakapagtrabaho. Minabuti ni Laura na manatili muna sa Pilipinas ng ilang linggo pa matapos makatanggap ng panibagong trabaho. “Hi, Laura. Sabi ni Tamara nandito ka pa sa Manila. Busy ka ba? Can I ask you a favor?” “Hmm.. anong favor?” “Kailangan kasi ng professional photographer ng kaibigan kong si Kate para sa kasal na in-organize n’ya. She’s an event planner and owner of K Projects event management firm. Naaksidente kasi ‘yung kinuhang photographer ng
DUMATING ang araw ng charity game na ilang beses ding na-reschedule. Hindi na sana magpa-participate si Lance dahil sa naging pag-aaway nila ni Ethan. Bukod doon ay halos kalahati ng miyembro ng barkada nila ay galit sa kanya. Kinumbinsi lang siya nina Jay-Jay at ng iba pa na mag-participate sa basketball dahil para sa foundation ang dahilan ng paglalaro niya at hindi sa ibang tao. Nagulat si Lance nang malamang kasali rin sa basketball ang sikat at ubod ng yabang na PBA player at teammate nina Troy at JD na si Ram Salas. Ang alam kasi niya ay bawal sumali sa “ligang labas” ang mga PBA player kaya hindi nagawang mag-participate nina Troy at JD. Hindi pinayagan ang mga ito ng liga at ng team ng mga ito nang magpaalam kahit pa para sa charity ang paglalaruan ng mga ito. Malapit na rin kasing magsimula ang PBA at nag-aalala ang management ng team na ma-injure ang dalawa. Pareho pa namang mahalaga sa team sina Troy at JD. Naging teammate ni Ethan si Ram. Sandali l
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng