AN: Salamat! Salamat po! π sa lahat ng mga supporters ko diyan.. Love you all talaga. πππ
=========================================
=======================
TWO MONTHS DEAL=======================Nandito ako ngayon sa loob ng bar at nagpapakalunod lalo sa alak. Hinihintay ko'ng dumating ang dalawa kong kaibigan.
Fucking this girl! She's really a bullshit! Anong pumasok sa isip niya na gawin sa akin ito?
Hindi talaga ako makapaniwala na totoo ang hinala ko na manloloko siya. At ang isa pang kinagagalit ko ang malaman mula sa magulang ko na parang wala lang sa kanila ang ginagawa nang babae na 'yon. Dahil mas importante sa kanila ang kahihiyan, kaya nanginginig talaga ang kalamnan ko sa galit.
"Brad, langya. Kakahiwalay lang natin kanina ngayon magkasama na naman tayo." Natatawang bungad pa ni Francis sa akin.
Hindi ko naman pinansin ang kalokohan ni Francis ngayon, dahil talagang sira ang araw ko ngayon. Ang sarap lang manapak ng manapak hanggang sa magsawa ako.
"Nakipagbasag ulo ka ba? Hindi mo man lang kami sinama, ang hirap sa iyo nagsosolo ka." sabat pa ni Nicko sa tonong nakakaloko.
"Yung gago ko na ama ang may gawa nito," mahinang sagot ko sabay tungga sa alak na hawak ko.
"Si erpats pala, ano pa ba ang aasahan namin? Wala naman bago sa inyong dalawa." salita pa ni Francis at nagsalin ng alak sa rock glass na reserba dito.
Hindi na ako umimik pa at pinag-mamasdan ko lang ang alak sa loob ng baso. At unti-unti na namang pumaasok sa balintanaw ko ang nangyayari kanina.
"Ma-iba ako, bakit mo pala iniwan ngayon ang asawa mo? Dapat ngayon 'ay nagha-honeymoon kayo." kunot ang noong tanong ni Nicko.
"Masarap pa naman ngayong gabi, malamig tapos malamig. Kasunod mainit tapos mainit ulit, langya sinayang mo brad?" natatawang wika ni Francis habang nagpapapak ng manok.
"Manloloko ang babae na 'yun, ang lakas maka-gago. Hindi pala siya buntis," sagot ko na may mapaklang ngiti.
Natigilan naman ang dalawa dahil sa nalaman nila at bakas sa kanilang mukha ang hindi makapaniwala.
"Paano mo naman nalaman? Sinilip mo ba 'yung ano niya o tinira mo?" gulat na gulat na bigkas ni Francis.
Sinuntok naman ni Nicko si Francis ng mahina lang sa braso dahil sa sinabi nito.
"Tarantado ka talaga, paanong sisilipin? Mamaya pagsu-suntukin tayo nitong isa." tatawa-tawang salita naman ni Nicko 'kay Francis na nagkakamot sa ulo.
Kung hindi lang ako badtrip malamang natawa ako sa mga kalokohan na pinagsasabi nila lalo na 'tong si, Francis. Talagang masama ang timpla ng pakiramdam ko ngayon.
"Pero kung talaga ngang buntis 'yon tapos tinira mo, mabuti hindi sumama 'yung bata." sabay hagalpak na tawa ni Francis.
Babatuhin ko sana ng baso dahil hindi ito ang oras para magbiro. Inawat lang ako ni Nicko na may ngiti pang nakapaskil sa labi nito.
"Brad, pinapasaya lang kita. Huwag mo nga masyadong problemahin ang problema, hayaan mo ang problema ang mamroblema sa'yo." nakangiti hirit pa ni, Francis.
"Virgin ba siya?" seryosong tanong ni Nicko sa akin.
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa na naghihintay ng sagot ko, tumango lang ako bilang tugon ko. Muli naman silang natahimik gayon rin ako.
"Kung ganon, paano na? Hiwalayan na?." tanong pa ni, Francis. Hndi ko alam kung seryoso ba siya sa pagtatanong. Dahil mas lamang rito ang puro kalokohan niya.
"Malamang isang malaking kahihiyan 'to sa pamilya niyo kapag nalaman ng iba. Pag-iinitan ka na naman ng ama mo," seryosong salita ni Nicko.
Tahimik lang ako dahil sumasakit lang ulo ko sa pag-iisip dahil sa mga bagay-bagay na 'yan. Ang mas gusto ko lang ngayon magpakalasing at makatulog na lang sa sobrang lango sa alak.
---------------
Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Sapo ang ulo na sumasakit, pilit na minulat ko ang mata ko at inaaninag kung sino itong istorbo.
"Kobe, anak. Tumayo ka na riyan nandito kami ng Papa mo at ang asawa mo, kailangan natin mag-usap." mahinang sagot nito.
Bigla akong napabangon dahil sa sinabi ni Mama, kahit masakit at parang umiikot ang paningin ko tumayo ako.
"Bakit nandito kayo? At sinama niyo pa ang babae na manloloko na 'yan?" asar kong sagot at binalibag ko ang kumot na nakaharang sa binti ko.
"Anak, nakikiusap ako sa'yo. Mag-usap muna tayo ng maayos huwag 'yung ganito. Sige na para matapos na ito," naiiyak na paliwanag ni Mama.
Natahimik naman ako at nakita ko si Papa sa may pinto, seryoso ang mukha. Nasa likod niya 'yung babae na nakayuko, malamang paano ba niya ihaharap ang mukha niya sa akin? Dahil sa kasalanan na ginawa niya.
Magkakaharap kami ngayon dito sa sopa at wala pang may balak na magsalita. Nakapikit lang ako dahil ang sakit pa sobra ng ulo ko sa dami nang nainom ko, hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi dito sa condo ko.
"What now? Kailan niyo aayusin ang devorse paper namin?" iritado na basag ko sa katahimikan. Parehong napalingon sila sa akin.
"Hindi na muna," sagot ng magaling kong ama.
Salubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi ng ama ko. Kaya napakuyom ang kamao ko dahil nararamdaman ko na naman ang pag-angat ng dugo ko sa ulo ko.
"Anak pakinggan mo muna ang sasabihin ng ama mo." Wika naman ni Mama habang katabi ang magaling na babae.
Tumayo si Papa at nagpakawala ng isang malalim ba buntonghininga.
"Alam mo na isang malaking kahihiyan ito sa ating pamilya ang mabalitaan ang nangyari, na ang anak namin 'ay nagpakasal. Ngayon 'ay makikipag-deborsyo sa asawa niya. At 'yon ang hindi puwedeng mangyari." simulang ni Papa.
Napatayo naman ako dahil sa sinabi nito. "Bakit hindi? Iniisip niyo ang kahihiyan ng pamilya natin? Ako na anak niyo, hindi niyo na-isip na nilagay niyo ako sa isang sitwasyon na hindi naman para sa akin?" nanggigil na wika ko dahil nag-uumpisa ng manginig ang kalamnan ko.
Inawat naman ako ni Mama, dahil baka na sa isip nito baka magpang-abot na naman kami ng magaling kong ama.
"Makinig ka, i have a deal for you. Dalawang buwan mula ngayon, matapos 'yon hahayaan na kita na sa landas na gusto mo. Kung ano talaga ang balak mo sa buhay mo, hayaan mo na maging mag-asawa kayo sa mata ng mga tao. Two months, Kobe Guevarra at palalayain na kita sa gusto mo." paliwanag nito sa seryosong tono at naglakad papunta sa may pintuan.
Natigilan ako at saglit na nag-isip, pero natuwa ako na hahayaan na ako ni tanda sa gusto kong gawin. Dalawang buwan lang Kobe, sandali lamang ang dalawang kaya sundin mo na.
"Pumunta na kayo sa bahay na regalo namin sa inyo ng Mama mo." Muling sabi ni Papa bago tuluyang lumabas ng condo ko.
"Sige na anak, kung may problema tawagan niyo lang ako. Kobe, anak ito na ang huling pangingialam namin sa'yo. Bente kuwatro ka na kaya na sa pag-iisip ka na." malungkot ang boses na bigkas ni Mama.
Nakaalis na sila pareho, pero ako ito na sa malalim na pag-iisip. Sa mga binibitawan nilang salita ganon pa man may isang bahagi ko na nagsasabi na masaya ako. Napalingon naman ako dito sa babae na tahimik na nakaupo lang.
"Halika na, baka naghihintay ka pa na buhatin kita?" baling ko dito na may nakapaskil na mapang-asar na ngiti sa labi.
Tumango lang ito at tumayo na, magkasabay kaming naglalakad sa palabas ng condo. Hanggang sa kotse tahimik lang kami marami rin akong iniisip na bagay-bagay.
"Ang tibay mo rin noh? Paano mo nakuha ang loob ng mga magulang ko? Ganyan ka ba ka-desperada?" sarkastiko ko na basag sa katahimikan namin.
Nilingon niya naman ako at mukhang walang siyang balak na magsalita. "Kung gusto mo ako, mas mabuti pang kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin." seryosong sabi ko ulit.
Napansin ko naman ang paglungkot nang mata niya. Tama nga ako, may damdamin niya siya sa akin. Paano kaya niya ako nakilala? Tanong ko sa isipan ko dahil hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung paano niya ako nakilala.
Pagdating namin sa bahay na regalo raw sa amin. Dahil alam ko na ito no'ng bago kami kinasal, tahimik na pumasok kami pareho sa loob ng bahay. Masasabi kong napakaganda ng bahay, magaling talaga sila pumili. Nilingon ko naman ang kasama ko na nauna ng pumasok sa loob.
"Tatlo ang kuwarto, kaya tag-isa tayo. Pero na sa'yo na 'yun baka gusto mong tumabi sa akin?" mapanuksong salita ko ng tumingin siya sa akin.
"Ayos lang naman kahit saan ako, katabi mo o sa ibang kuwarto dito. Ikaw ba saan mo ba ako gusto?" walang emosyon na sagot nito.
Natawa naman ako. Ayos ah, ako pa talaga ang tinanong niya. Mukhang gusto rin tumabi sa akin, hanggang panaginip niya na lang 'yun.
"Doon ka sa isa, mahirap na baka mamaya mabuntis pa kita. Mas mahirapan pa ako lalong makalaya sa'yo." sagot ko lang at nagpunta ako ng kitchen dahil nakaramdam na ako ng gutom dahil puro alak lang ang laman ng tiyan ko. Hinayaan ko na ang babae na yon kung saan siya magpunta.
β«β«β«β«β«β«β«
AN: Salamat po sa mga nag-aabang at pasensya na kung matagal si author mag-updatate. ππ-------------------------------------------------------------------------==========================FAILED SEDUCE HIM==========================Camilla P.O.VImbes na pumili ng kuwarto na gagamitin sinundan ko si Kobe at sa kusina ito nagpunta. Yamot ang napansin ko agad sa kanya habang may hinahanap sa loob nang ref, matapos 'yon salubong ang kilay na napatingin siya sa akin."Tss! Wala man lang puwede makain dito. Lahat lulutoin pa, marunong ka ba magluto? Para naman may silbi ka." inis na turan nito sa akin."O-oo naman sandali." natatarantang sagot ko at lumapit sa nakabukas na ref. Naghanap ang mata ko, may nakita ak
AN: Mabagal po talaga ang update ng story na ito kaya pasensya na talaga. Marami rin kasi akong iniisip kung ano ang uunahin ko at kung saan ako gaganahan magsulat. π----------=======================PAIN INSIDE MY HEART======================8:00am"Kamusta naman ang first day ng marraige man?"Napahinto ako sa pagbabasa hagdan ng marinig ko ang boses ng lalaki na kausap nito sa cellphone. Habang nakalapag lang ito patayo, siguro ay naka-video call sila. Sumalyap sa akin si Kobe ngunit saglit lang."Ang aga-aga mo namang mambuwesit, mabuti pang hindi ka na tumawag."Narinig ko pang sagot ni Kobe at nagtuloy na ako sa kusina upang maghand ng almusal namin. Naghahanap ako sa ref ng maaaring iluto ng
AN: Nagpapasalamat po sa mga nag-aabang nito at nagugustuhan niyo ang story na ito. Asahan niyo na mag-update po dito, hindi man araw-araw pero sisikapin ko po. π------------=========================DICE GAME/ TRUTH OR DARE=========================HABANG NAKAUPO dito sa malambot na sopa ay dumating si Kobe at may dala itong first aid kit. Akala ko gagamutin niya ang kamay ko na may sugat, ngunit nilapag lang niya ito lamesa."Pagkatapos mo gamutin iyan bumaba ka dahil hinahanap ka nila." sabi lang nito at lumabas na ng pinto.Hindi ko nagawa pang sumagot dahil umalis na siya agad. Sinimulan ko ng gamutin ang maliit na sugat ko pero nandoon ang hapdi kaya hindi ko maiwasan na hindi mapangiwi sa kirot. Nilagyan ko ng betadine at band-aid upang hindi
AN: Pasensiya na po kung matagal na walang update si author, may nilalakad po kasi ako. Mediyo busy na kaya pasensiya na po talaga, sana'y nakakaapaghintay kayo. π------------=====================COLD HUSBAND=====================NAGISING akong wala na sa tabi ko si Kobe, masaya ako sa nangyari sa amin kagabibat buong puso ko 'yon na ibinigay sa kaniya. May posibilidad na mabuntis ako o hindi, gano'n pa man hindi ko ito pinagsisihan at kung sakaling wala talagang pag-asa na mahalin niya ako.Naligo ako at pagkatapos ay nagbihis upang hanapin ang asawa ko, paglabas ko ng room nakita ko pa si Adrian ang isa sa kaibigan ni, Kobe.
AN: Pasensya na po kung natagalan ang pag-update nito may problema lang ako nitong mga nakaraang araw. Sana'y nakakapaghintay pa kayo sa mga update ko. :)----------=======================THE BITCH SAMANTHA/CURIOUS NICKO======================Dama ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa sobrang pag-iyak sa nangyari kahapon, kasalukuyan na inaayos ko ang sarili ko para sa paguwi ko. Bigla naman bumukas ang pinto at napaangat ang aking mukha."Nandito ako para kunin ang susi ng kotse ni, Kobe."Hindi ako sumagot at pumasok lang dire-diretso si Samantha dito at nagpunta sa may table. Agad na dinampot ang susi ng kotse, akala ko ay aalis na siya agad pero huminto ito sa tapat ko habang nakaupo ako sa sopa."Alam ko na ang lahat sa inyo at an
"Sigurado ka ba talaga Nicko na itutuloy mo ang napag-usapan nating plano?"Nilingon ko si Adrian sa tabi ko habang nagda-drive papunta sa bahay nila Kobe. Saktong balak kong magpunta talaga doon sa bahay ng kaibigan kong si Kobe. Ngunit ito niyaya ako ni Adrian na magpunta raw kami sa bahay ng kaibigan namin na si Kobe dahil nag-imbenta 'daw ito mag-inuman sa kanila. Naiwan ni Camilla ang bag niya sa kotse kaya balak ko talagang dalhin ito para ibalik sa kaniya. "Nagsisimula na nga ako." Seryosong sagot ko habang nakatutok ang mata sa daan."Naiisip ko lang na kapag nalaman ni Kobe ito malamang magagalit 'yon at baka masira ang pagkakaibigan natin." Seryosong sagot ni Adrian."Ikaw naman nagsabi para ito sa kaniya para ma
=====================SOMETHING'S SCARED INSIDE MY HEART=====================Mabilis na nakarating kami ni Samantha dito sa bahay na binigay sa amin ni Camilla. Iniwan ko na rin ang babae na 'yon doon sa resort nila Nicko dahil mukhang nag-eenjoy naman siyang kasama ang kaibigan ko."Dito ba tayo titira babes kapag naghiwalay na kayo ni Camilla? Excited na ako."Nilingon ko si Samantha pagkatapos ko i-parking ng kotse ko, ngunit imbes na sumagot ay natigilan ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto at niluwa no'n ang magulang ko. Parehong napahinto sila pagkakita sa amin ni Samantha. Alam ko na ang nasa isipan nila at malamang sermon na naman ako nito.Hindi ka pa sanay Kobe Herrera?"Hintayin mo muna ako dito sa labas, mag ikot-ikot ka na muna dito. Kakausapin ko lang sila mama." Paalam
AN: Pasensya na po kayong lahat kung matagal walang update si author. May pinagkakabisihan lang po talaga ako, kaya sorry po sa lahat. π-----------"KOBE!"Sigaw ni Samantha habang si Kobe ay papalayo na sa amin. Hindi na ito nag-abala pang lumingon dahil bakas sa mukha nito ang pagka-asar."Ikaw naman, talagang bang napakalandi mo!? Talagang sinasamantala mo na nakainom si Kobe para lang pagbigyan 'yang kakatihan mo!?" Nanlalaki ang matang baling sa akin ni Samantha."Alam mo Samantha, kahit pa ano ang sabihin mo sa akin at magalit ka ng paulit-ulit. Wala akong pakialam, dahil kahit may gawin kami o wala. Wala kang pakialam doon dahil mag-asawa kami." Inis na sagot ko na dahil naririndi na rin ang tenga ko sa lakas ng bunganga niya."How dare you to say that!? You bitc---"Mahigpit na nahawakan ko ang kamay ni
Dahan-dahan na nagmulat ang mata ko at nakita ko agad ang gwapong mukha ng asawa ko si Kobe. Simula mawalan na ako ng malay dahil sa tinurok sa akin ay siya rin ang huling mukha na nakita ko at sa paggising ko ay siya pa rin."Camilla." Sambit nito sa pangalan ko at hinawakan ang kamay ko. "Salamat at nagising ka na sobrang nag-alala ako sa'yo." Seryosong sabi nito na para pang naiiyak.Napangiti naman ako at marahan na pinisil ko ang kamay niya."Salamat, kahit sa paggising ko nandiyan ka." Wika ko at naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.Hinagkan nito ang likod ng palad ko at sumunod sa noo ko."I love you so much, hindi kita kayang iwan hangga't hindi ko nakikita na ok ka na." Sagot nito."Tama siya, Camilla. Siya lang ang nagbantay sa'yo ayaw niyang umuwi at halos wala 'yang tulog."Napalingon naman ako sa gilid ko naroon pala si mama nakau
Nanghihina na napaupo ako sa sopa pagkaalis ni Grace, nanginginig pa rin ang kamay ko dahil sa galit sa kaniya. Sa totoo lang wala naman akong balak na sampalin siya dahil sa nalaman ko ng tawagan ako ni Selene na pauwi na raw si Grace at nagpasundo kay Kobe. Marami akong nalaman dahil sinabi sa akin ni Selene lahat at may balak pala itong masama at hindi raw alam ni Selene kung ano 'yon.Balak ko pagsalitaan lang siya at ipakita ang galit ko dahil sa ginawa niya. Pero dahil sa nakita kong panghahalik niya na halata naman na siya ang humalik sa asawa ko mas lalo akong nagalit sa kaniya dahil mas pinakita niya sa akin na hindi niya ako kaibigan, kaya nasampal ko na siya sa galit ko.Naramdaman kong hinawakan ni Kobe ang dalawang kamay ko at mahinang pinisil. Mabilis na hinatak ko ang kamay ko na kinagulat niya at lumayo ako ng konti sa kaniya."Whay?" Kunot noong tanong nito."Why? Alam mo ba na naiinis rin
Masaya ang pakiramdam ko habang nagda-drive papunta sa company, kakausapin ko ang secretary ko na i-cancel muna lahat ng meeting ko today and the other day. Gusto kong paghandaan ang pagbabalik ni Camilla sa aming bahay at alam kong matutuwa sila Mama at Papa.Para akong naging malaya dahil sa wakas nasabi ko rin kung gaano ko kamahal si Camilla. Nagsisi talaga ako dahil sa mga nasabi ko sa kaniya noon at gagawin ko ang lahat para mapalitan ko lang yon ng mga magagandang alaala. This time, sisiguraduhin ko na hindi ko na siya tatalikuran pa at mamahalin ko siya ng buo bilang si Kobe Herrera.Napapakanta ako dahil sa naalala ko ang dalawang ulit na pag-angkin ko kay Camilla kanina sa kuwarto nito. Kung puwede lang ayokong ng matapos ang oras na 'yon at gustong kong mapagod na nasa tabi niya lang. Ginawa ko ang lahat para malaman kung saan talaga nakatira si Camilla, dahil na rin sa kagustuhan ko na malaman ko agad, naghanap ako ng puwedeng
Nagpupuyos sa galit ang dibdib at isip ko dahil sa nararamdaman ko ngayon lalo pa at ng malaman ko kung bakit pinaghintay ako ni Kobe. Tinawagan ko siya ng maaga para magkita kami dahil sa napag-usapan namin, ok na ang usapan namin tapos pagdating ko doon nagmukha lang akong tanga sa paghihinta doon. Tinatawagan ko pero naka-off ang phone niya.Pinagsisipa ko ang mga unan ko dito sa kama ko dahil sa inis lalo pa at alam kong kanina pa siguro sila magkasama dito.Ang malanding Camilla na 'yon kunwari kuno galit siya kay Kobe tapos ngayon ok na agad sila?"Ugh!" Usal ko dahil sa hindi talaga ako maka-move on sa asar, napatayo ako at hindi ko malaman kung lalabas ba ako o hindi. Kapag lumabas ako maiinis lalo ako, pero kung hindi naman? Kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip ko habang nakaupo sa kama ko.Ang hayop na Kobe parang wala lang ng makita ako samantalang pinaghintay niya ako. Pero teka
Camilla Say'sWarning: Don't you dare to flirt with me..Caution:marupok to...Habang na sa taxi ako hindi matahimik ang isip ko dahil sa nangyari kanina at hindi ko maiwasan na mabalikan ang eksena lalo na 'yung halikan ako ni Kobe.Hindi mo lang alam Kobe kung gaano na kita na-miss lalo pa at nakita na kitang muli. Pero paano ba ako makakasiguradong magiging masaya na ako sa'yo kung tatanggapin na kita ulit? Napapikit ako sa mga iniisip ko dahil simula kanina pa ang gulo na ng isip ko at konting-konti na lang talaga malapit na ako bumigay kanina. Hindi ko maitatangi na, Still now. I'm inlove with him. Sa likod ako dumaan ulit kanina dahil iniisip ko na baka naghihintay si Kobe sa akin at alam kong kukulitin na naman niya a
Hindi ko na mabilang kung nakailang bote na ako ng beer, dahil may iniisip. Asar na asar ako kapag nakikita ko na tinitingnan ni Vincent si Camilla. Hanggang ngayon hindi ko talaga akalain na dito ko lang pala siya makikita, noon pa sana ako nagpunta dito para nakita ko si Camilla.Ang mas kinaasar ko 'yung ginagawa ni Camilla sa akin, humingi na ako ng tawad ano pa ba gusto niya? Alam ko marami akong kasalanan sa kaniya kaya totoo sa loob ko ang mga sinabi ko. Pero ito siya nagmamatigas pa kahit ramdam ko naman na walang nagbago sa nararamdaman niya para sa akin. Sobrang saya ko na muli ko siyang nakita matapos ang tatlong taon, tapos ganito at mukhang may kaagaw pa ako."Camilla, sabay na kayo ni Grace umuwi para may kasabay ka may pupuntahan pa ako."Napalingon ako kay Vincent ng magsalita ito kaya naasar na inubos ko ang kalahati pang beer sa bote na hawak ko."O-Okay."Tumingin naman
Nagmamadali ang bawat hakbang ko pagbaba sa stage at halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ayokong lumingon dahil ayokong makita ang taong kaytagal ko ng hindi nakikita, pero biglang may humatak sa kamay ko."A-Ano ba!?" Sigaw ko. Natigilan ako ng makita ko sa malapitan ang mukhang kaytagal ko ng gustong kalimutan ngunit hindi ko nagawa, pero ito ngayon nasa harapan ko siya pagkatapos ng tatlong taon na lumipas. Mediyo naging matured siya dahil sa pananamit nito at walang nagbago sa mukha niya mukhang naging mas gwapo siya lalo na sa manipis na bigote niya."Ganiyan mo ba ako ka-miss para pagmasdan ako ng mabuti?"Bigla akong natauhan dahil sa mapang-asar niyang sinabi pero sa kayabang niyang magsalita parang walang nagbago."Bitiwan mo ko." Matigas na utos ko imbes na sagutin ang sinabi niya. Pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko, kaya pilit na hinahatak ko ito sa kaniya. "Sabing bitiw
Kasalukuyang nagkakape ako dahil kakagising ko lang dahil na rin sa ang sakit ng ulo ko, pinilit ko tumayo. Ako lang ang mag-isa dito dahil maaga pa lang umalis na dito si, Grace. Hawak ko ang phone ko at nag-scroll sa facebook ng may mag-message sa akin sa messenger.Vincent SevillaMorning, ang aga mo nagising?Nag-isip muna ako bago nag-type dahil simula ng magtrabaho ako bilang singer sa RestoBar niya 'ay naging malapit na kami sa isa't isa kahit minsan ay naiilang pa rin ako dahil sa pakikitungo niya sa akin. Yung anim na buwan na kontrata ko lumagpas pa hanggang sa inabot na ng tatlong taon.Typing...Morning too, masakit ulo ko. Kape pala. πSagot ko at napalingon ako sa pinto dahil narinig ko na parang may nagbubukas nito. Mukhang nariyan na si, Grace. Inaabangan ko na bumukas ito at pumasok nga si Grace at nakangiting m
Three years later..."Ma, hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Camilla? Sabihin niyo naman sa akin.""Puwede ba Kobe, sinabi ko na sa'yo hindi ba hindi ko alam? Kasalanan mo rin naman kung bakit ka iniwan ng asawa mo. Ngayon kung gusto mo mabalik siya sa'yo ikaw ang maghanap at ipakita mo sa kaniya na karapat-dapat ka."Naasar na napakamot ako sa batok ko dahil ilang ulit ko ng kinukulit si mama na sabihin sa akin kung nasaan si, Camilla. Ginawa ko na ang gusto nila, ako na ngayon ang namamahala sa negosyo ni papa. Noong una wala akong gana dahil sa parang ang boring, but not now. Marami akong natutunan at nalaman sa mga negosyo ng mga magulang ko."Hijo, ang mabuti pa mag-enjoy ka lang muna sa posisyon mo ngayon as a president of the company. Malay mo naman in the future magkita kayo ni Camilla, yon ay kung wala pa siyang nahahanap na iba." Nakangiting sabi ni mama at humigop ng kape.