Third Person's POV HALOS masira ni Juancho ang gate sa bahay ng magkakapatid na Steffano sa Maynila dahil sa lakas ng pagkalampag at paghampas niya. Kasama nito ngayon ang nakatatandang kapatid ni Yareli na si Yasewah na lumuwas nang Maynila kahapon kasama si Juancho at nagbabakasaling mahanap dito ang kanyang kapatid. Kahapon pa nang umaga nawawala si Yareli at hanggang ngayon ay hindi nila mahanap kung nasaan ito. Sakto pang bigla na lang rin nawala na parang bula ang limang magkakapatid kaya naghinala na kaagad si Juancho na baka dinukot ng mga ito ang kasintahan. Alam niyang may pagtingin ang magkakapatid kay Yareli dahil inaminng mga ito iyon sa kanya, at base sa sinabi ng mga ito ay determinado silang makuha sa kanya si Yareli. "Lumabas kayo d'yan mga hayop kayo! Ibalik n'yo sa 'kin ang girlfriend ko!" sigaw ni Juancho habang patuloy pa rin sa pagkalampag ng malakas sa gate. Si Yasewah naman ay napabuntonghininga na lang habang pinagmamasdan si Juancho. Hindi niya masisisi ku
Yareli's POV NAGISING ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lang ito samantalang si Amir ay suot ang puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang guwapo na sana, kaso ay mga kidnapper pala. Sa kaguwapuhan ng magkakapatid ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas maganda, mayaman, elegante, at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki. Ano ba ang nakain nila at ako ang nagustohan nila? Bukod sa mahirap ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos, at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito? Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa baywang at mga braso ko. Sa laki ng katawan nila at matatangkad pa ay para silang mga tore sa pagitan ko. "Let's sleep for
Yareli'S POV ALAS-dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Simula nang lumabas kanina sa loob ng kuwarto sina Grant at Amir ay hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon. Mas mabuti na iyon dahil ayoko munang makita sila. Pinipilit kong magpakatatag para sa pamilya ko. Hindi puwedeng magpakita ako nang kahinaan sa sitwasyon ko dahil baka aakalain ng Steffano brothers na hindi ko sila kayang kalabanin. Sana matigil na ang kahibangan nila sa akin dahil may nobyo na ako at pinsan pa nila. Ayoko rin maramdaman pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanila kaya hangga't maaga pa ay kalilimutan at pipigilan ko na ito. Bigla ay bumukas ang pintuan ng kuwarto kung nasaan ako at pumasok si River na may nakasabit na itim na bag sa kanyang balikat. Nakasuot siya ng grey v-neck shirt at pantalon habang magulo ang buhok. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at saka lumapit sa akin. Akmang hahalikan na sana niya ako sa pisngi nang umiwas ako. Nawala ang ngiti niya at napayuko na lan
Yareli's POV KINABUKASAN ay iniisip ko pa rin ang mga baril at balisong na nakalagay sa itim na bag ni River. Saan niya nakuha ang mga iyon? at bakit mayroon siyang gano'n? Hindi ko magawang makapagtanong sa kanya kung para saan ba ang mga armadong bagay na iyon dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin. Hindi ko pa rin siya kayang husgahan, at magawang paniwalaan ang mga sinabi ni Grant na delikadong tao si River. "Does it taste good?" nakangiting tanong ni River habang pinagmamasdan akong kumakain ng niluto niyang Adobong manok at Afritada. Bukod sa magaling siyang kumanta ay marunong din siyang magluto. Masarap ang mga niluto niyang pagkain. Bakit hindi man lang namana nina Grant at Amir ang galing ni River pagdating sa pagluluto? "Masarap siya," mahina kong sabi na ikinangiti ni River. "I'm glad you like it. Ako lang ang marunong magluto sa aming magkakapatid, and wanna know why? Dahil palagi kong tinitingnan kung paano magluto si Mom noong bata pa lang ako." sabi ni
Grant's POV KATATAPOS lang tanggalin ni Eula ang bala sa binti ni Yareli at magamot ang sugat nito sa paa na nagka-sprain. Eula is our cousin at anak na babae siya nina Tito Semini at Tita Agnes. Mabuti na lang at Doctor siya, at isa sa pinagkakatiwalaan naming magkakapatid that's why we called her para gamotin si Yareli. "Grant, I don't know why all of you are doing this to a fragile girl like her. Hanggang kailan n'yo ba siya balak itago sa isla na 'to? Juancho is still looking for her, and it's not unlikely that he will find you." Eula said while staring at Yareli, who is still unconscious in bed. "We know, but we have no choice. She loves Juancho, and we want her so badly. Kilala mo kaming magkakapatid, Eula, at ngayon lang kami nabaliw nang ganito dahil sa isang babae," I said, frustratedly combing my hair. "Nakikita ko naman 'yon sa inyo, at hindi ko aakalaing magagawa n'yo 'to sa kanya. River almost killed her. Alam mong siya ang pinakanaka-trigger ng sakit ng Dad n'yo. Kapa
Jestin's POV KANINA pa namin hindi maawat si Ronnie sa pag-inom ng alak, at nandito siya ngayon sa bahay namin. Hindi siya puwedeng uminom sa bahay nila dahil paniguradong papagalitan siya ng Nanay at Tatay niya kapag ginawa iyon doon. Mahigit isang linggo na ring nawawala si Yareli, at patuloy kaming mga kaibigan niya, ang pamilya niya, at si Juancho sa paghahanap sa kanya. Kakatapos lang naming magbigay ng flyers sa iba't-ibang sitio ng San Felicidad, at umaasa kaming may nakakita kay Yareli. Nang mawala siya, kasabay rin ang pagkawala ng magkakapatid na Steffano. Posibleng dinukot ng mga ito si Yareli dahil alam namin nina Mayet at Ronnie na may gusto kay Yareli ang mga lalaking iyon. "Kung kailan gusto ko nang ipagtapat sa kanya na mahal ko siya, saka pa siya nawala!" sabi ni Ronnie na nasa matinding kalasingan. Mga bata pa lang kami, alam ko nang mahal niya si Yareli. May nararamdaman din ako kay Yareli noon, pero nagpaubaya ako kay Ronnie dahil kaibigan ko siya at ayokong mag
Yareli's POV DAIG ko pa ang baldado sa kalagayan ko. Halos hindi ko maigalaw ang binti ko, at pakiramdam ko ay para akong na-stroke. Medyo masakit pa ang binti ko na may tama ng bala, at ang kanang paa ko naman ay napilayan. Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang tangka kong pagtakas sa isla na ito. Kahit galit ako sa Steffano brothers, hinayaan ko na silang mag-alaga sa akin dahil kasalanan din nila kung bakit ko tinangkang tumakas. Hindi nila ako tinatabihan sa pagtulog, at salamat na rin na kahit papaano'y marunong silang makiramdam. Sa ibang kuwarto ng bahay na ito sila natutulog ngayon. At sa lalaking dahilan kung bakit hindi ako makalakad nang maayos, ni hindi na ito nagpapakita sa akin. Nagkukulong lang daw ito sa loob ng kuwarto, sabi ni Grant, at kung minsan ay umaalis nang walang pasabi sa mga kapatid niya. "Do you feel well now?" tanong ni Efraim pagkapasok niya sa loob ng kuwarto. May dala itong isang plato ng mga prutas at orange juice. Inilapag niya ito sa
River's POV I gently caress Yareli's beautiful and innocent face as she sleeps beside me. I never thought she would forgive me for what I did. I almost killed her, but she still accepts me and my condition. What a lovely woman she is, so quick to forgive my self-created drama. It only makes us desire her more, and she can never go back to Juancho. Biglang pumasok sa loob ng kuwarto namin sila Irvin, Grant, at Amir. I don't know where's Efraim. My three brothers looks shocked nang makita nilang nasa tabi ko si Yareli na mahimbing na natutulog. "Bati na kayo?" Grant asked me. "Uhm. . . yeah. I cried and begged her to forgive me," I say, smiling at them. "You're insane, bro. We know that's just one of your ways to gain her trust," Irvin says seriously Itinaas ko ang isang kamay ko. "What? Totoo na nagsisisi na 'ko sa nagawa ko kay Yareli." sabi ko na ikinailing nila. "We know you, River," Amir said, rolling his eyes. Mahina akong natawa at bumangon sa tabi ni Yareli. "I did that p
Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K
Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya
Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong
Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a
Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i
Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang
Irvin's POV NANG magpunta ako sa garden para mag-vape ay nadatnan ko si Juancho na umiinom ng beer sa lamesa. Madaling araw na pero hindi pa pala siya natutulog. Nilapitan ko siya. "Ikaw pala," sabi niya nang mapansin ako. "Can't sleep?" tanong ko at inumpisahan nang gamitin ang vape ko. "Yeah," he answered. "You still love her," I said. He chuckled. "Remember? Inagaw n'yo lang si Yareli sa 'kin dahil ako naman talaga ang unang minahal niya. Kung hindi niya kayo nakilala, ako ang nakatuluyan niya at kami ang nagkaroon ng anak. Bakit niya pa kasi kayo nakilala, ha?! She fell out of love for me, and it still hurts!" he blurted out due to drinking too much. I feel bad for him. But Yareli still chose us over Juancho, and she didn't love him anymore because her love and attention shifted to us five siblings. We love her too, so we can't do anything about it. Maybe this is our fate because even if Yareli loved Juancho, we wouldn't let go of her, and we would make sure she loves us.
Yareli's POV BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan. Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis. Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay. Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation
Third Person's POV SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River. Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito. _Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't n