Tessa's POVSA sobrang panginginig ng kamay ko, hindi sinasadyang napihit ko ang pinto at nabuksan iyon. Nabaling sa akin ang paningin nilang lahat.Nakita ko kung paano natigilan si Darius nang makita ako. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa table niya.Kagat ang labi, pumasok ako sa loob at isa-isang tiningnan ang mukha ng mga kaibigan niyang puros kunsintidor."Tessa," tawag ni Darius sa pangalan ko."And what is this woman doing here?"Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Lukot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Kayo ba iyon? Kayo ba iyong mga kasama ni Darius sa hacienda? Tama ba na nagsasalita kayo nang masama sa likuran ko? Asawa na ako ni Darius, kahit hindi niya ako mahal, wala kayong kaparatan magsalita nang kung ano-ano tungkol sa akin. Tao pa ba kayo? Bakit madali lang sa inyong mang-insulto ng iba? Porke ba mayaman kayo at katulong lang ako?"Nagkatinginan ang mga ito at hindi nakaimik. Hindi siguro nila inaasahan na narinig ko ang mga pang-iinsulto nila sa akin noo
Tessa's POVNAKAUPO ako sa gilid ng kama habang tulala sa kawalan. Hindi agad umalis ang mga kaibigan ni Darius, kinailangan kong maghanda ng pagkain para sa kanila kasi ginabi na sila rito. Nagluto pa tuloy ako.Nagmukha lang tuloy akong katulong dahil sa nangyari. Ewan ko kung pumunta sila para humingi ng tawad, o ipamukha talaga sa akin ang lugar ko. Na kahit kasal kami ni Darius, hindi mababago ang katotohanang katulong pa rin ako nito.Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Senyorito Darius. Hindi agad ako nakaimik nang magtama ang mga mata namin. Hindi kasi ako sanay na pumupunta siya rito."Can we talk?"Umiwas ako. Pagagalitan niya ba ako sa inasal ko kanina sa mga kaibigan niya? O sa ginawa kong pag-amin?Kahit hindi pa ako sumasagot, lumapit na siya sa akin at tumayo sa harap ko."Kung pagagalitan mo ako, gawin mo na agad. Inaantok na ako."Narinig ko siyang bumuntonghininga. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang muk
Tessa's POVNAPANGITI ako nang makitang pumasok sa kitchen si Darius. At parang may paruparo sa loob ng tiyan ko nang makitang nginitian niya ako."B-bakit hindi ka nakapanlakad? Wala ka bang pasok ngayon?"Napansin ko kasing naka-boxer shorts lang siya at simpleng white t-shirt.Nagkibit-balikat siya at naghila ng upuan. "It's Sunday. Wala akong pasok.""Oo nga pala. Sunday ngayon."Agad kong nilapag sa ibabaw ng table ang mga pagkaing niluto ko. Naglagay rin ako ng coffee sa tasa niya."Hmm. Ang sarap nito, ah? Masarap ka palang magtimpla ng kape?""Oo naman. Alam mo ba, isa ang coffee ko sa favorite ni Master Daryl noon. Uhm, noong nabubuhay pa siya."Nag-angat ng paningin si Darius at banayad na ngumiti. "Let's eat? Nagugutom na ako."Sunod-sunod akong tumango bago siya pinagsilbihan. Ako ang naglagay ng fried rice sa plato niya, ako rin ang naglagay ng ulam. Natigilan ako nang matawa si Darius."Tessa, maupo ka na. I can take care of myself."Umiling ako. "Ako dapat ang gumagawa
Tessa's POVHINAPIT ako ni Darius at pinaharap sa kaniya. Bumungad sa akin ang mga mata niya na parang nangungusap."It's not like that, Tessa. I'm sorry, okay? Masyado lang akong nadala."Bahagya akong sumimangot kahit na ang totoo, kumakabog nang malakas ang dibdib ko."Nadala?""Masaya lang ako.""Masaya?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Bakit ka naman masaya? May nangyari bang magandang sa trabaho mo?"Nginitian niya ako sabay hagod ng buhok ko sa gilid."How about we go out? Pasyal tayo o shopping."Napasinghap ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Gusto ko iyon! Sa wakas, makakapasyal na ako dito sa Manila! Ang tagal ko na rin gustong gawin iyon, e!""Sige na, magbihis ka na. Ako na ang tatapos nito."Nilingon ko ang mga hugasin sa lababo. Kaunti lang naman iyon kaya pumayag na ako."O sige! Magbibihis na ako, ah?" Palabas na ako nang nilingon ko uli siya. "Maliligo pa pala muna ako. Sige, ah?"Dali-dali akong tumakbo paakyat. Pagd
Tessa's POVMATAGAL akong natulala sa kisame habang iniisip ang nangyari. Nakahiga pa rin ako habang katabi nahihimbing na si Darius."May nangyari sa amin?"Ang naaalala ko lang, nalasing ako at hinalikan niya ako. Pero paanong nangyari na nandito na kami sa kuwarto ko?Dahan-dahan akong sumilip sa ilalim ng kumot. Pinanlakihan ako ng mga mata nang makita ang hubad kong katawan. May nangyari nga sa amin!"Nakaganti na ako.""Ay! Butiki!" Napatili ako sabay bangon.Natatawang nakatingin sa akin si Darius. Halata sa mga mata niya ang antok, pero pilit siyang bumangon."This is exactly what you did to me, remember?"Nagkagat-labi ako sa tanong niya."How does it feel to taste your own medicine?" Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina dahil sa takot at kaba, ngayon ay dumoble sa ginawa ni Darius. Hinalikan niya ako! Pangalawang beses na ito!"Ayaw mong uminom ng alak dahil iniisip mong pagsasamantalahan kita. Iyon pala... "Nata
Tessa's POV "Darius, a-anong ibig sabihin nito?"Kitang-kita ang pamumutla ng mukha ni Martha habang nakatingin kay Darius. Nang hindi nito magawang sumagot ay ako na ang nagsalita."Kung ano ang nakikita mo." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti."Tessa," narinig kong bulong ni Darius pero hindi ako tumigil."Bakit? Dapat lang na matanggap na niya." Nilingon ko siya at matamis na nginitian. "Akin ka na, pero naghahabol pa rin siya sa iyo. Desperada!""Tessa, please."Umirap lang ako. Pero marunong talagang mang-inis ang Martha na ito dahil hindi man lang niya ako binigyan ng pansin.Lumapit siya sa amin habang titig na titig kay Darius. Sa sobrang inis ay parang gusto kong dukutin ang mga mata nitong nakatingin sa asawa ko!"I've been calling you, but you're not answering my calls. Busy ka lang, di ba?""Oo, I'm sorry I haven't got the chance to tell you. Postponed ang business trip ko."Sunod-sunod itong tumango. Pinapaasa pa rin ang sarili! Nakakaloka!"Let's talk. Please, follow
Tessa's POVKANINA pa ako pabalik-balik sa harap ng pinto. Hinihintay ko ang pagdating ni Darius, pero lumipas na ang mahabang oras, wala pa siya.Nakapagluto na nga ako ng lunch kanina at ngayon naman ay dinner, pero hindi pa rin siya bumabalik."Buong araw na siyang wala. Bakit ba wala pa rin siya? Anong emergency ba kasi ang nangyari? Nakakainis naman!"Pagsapit ng gabi at wala pa rin ito, pumasok na muna ako sa kitchen para initin ang mga pagkain."Sayang naman, malamig na. Mas masarap ito kapag bagong luto."Habang iniinit ang mga pagkain, panay silip ako sa labas ng bintana. Kinakabahan kasi ako na baka hindi umuwi si Darius."Ganoon ba siya ka-busy sa opisina nila para hanggang ngayon, hindi siya makaalis? Sana man lang, umuwi muna siya kahit sandali para sabihan ako, nang hindi ako nag-aalala nang ganito!"Inis na inis ako dahil pakiramdam ko, may kinalaman ang Martha na iyon dito. Nagkita lang sila, nagbago na naman ang ihip ng hangin."Okay na kami ni Darius. May nangyari na
Tessa's POVUMALIS si Darius at pumasok sa kuwarto niya para ayusin ang matutulugan ni Martha. Naiwan akong nakatulala at nag-aapoy ang dibdib sa galit dahil sa letseng kabit niya na iyon."Hahayaan niyang matulog sa kuwarto niya ang babaeng iyon, habang ako, nandito sa guest room?"Sa sobrang inis ay nagmamadali akong lumapit sa pinto para lumabas. Hinanap ko sa buong kabahayan si Martha. Natagpuan ko ito sa loob ng living room, nakaupo sa malaking sofa at parang relax na relax habang umiinom ng juice.Halos umusok ang magkabilang butas ng ilong ko nang lapitan ko siya at sadyang tabigin ang kamay niya. Dahil doon ay nabuhos sa damit niya ang juice na kaniyang iniinom."My God!" bulalas niya saka tumayo.Tiningnan niya ako nang masama, sinalubong ko naman ang mga titig niya. Hindi niya ako masisindak. Laking hirap ako!"Ano bang problema mo?" tanong niya na parang nagtataka kung bakit ko ito ginawa sa kaniya.Ang kapal talaga ng mukha! Kung umasta, akala mo'y walang ginawang masama!
Tessa's POVMALAPAD ang ngiti sa mukha ko habang sakay ng bridal car at nakatingin sa aking wedding bouquet. Sa wakas, matapos ng apat na buwan, ikakasal na kaming muli ni Darius.Theo wants my wedding to be grand, kaya kinuha nito ang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas, nag-hire ng limang magagaling na wedding planner, nagbayad ng isang dosenang kilalang chef, at kinuha ang pinakamahal na designer para sa aking wedding dress.He wanted the wedding to be in Canada, pero ang gusto namin ni Darius ang nasunod na dito na lang sa Pilipinas. Ang honeymoon naman ay sa Maldives. Iiwan namin si Maddy sa pangangalaga ni Theo at ng stepmother ko na ex-wife nito. I think they're rekindling their love.Tumigil ang kotse sa harap ng malaking simbahan. Maraming tao sa labas, pero karamihan ay security. Nagtataka ako nang mapansin na parang nagkakagulo sila.Maya-maya pa ay patakbong lumabas si Darius kasama si Theo. May hawak silang cellphone sa kani-kanilang kamay."Darius, what's happening?""T
Darius' POVSINUNDAN ko si Tessa hanggang sa makalabas ito ng banquet hall at maabot ang lobby ng hotel. She's with her driver. Inaalalayan nito si Tessa. Kaya nang mapansin kong parang hindi maganda ang pakiramdam niya, lalo kong binilisan ang paglalakad para lapitan siya."Sweetheart!"Natigilan ako nang pumasok sa entrance ng hotel si Theo Afeconciado. Kumuyom bigla ang mga kamao ko nang lumapit dito si Tessa at yumakap dito.Bigla na lang nagdilim ang aking paningin. Parang nawala ako sa sarili at mabilis silang nilapitan."I heard about what happened. And it's all over the news—"Hindi na natapos ni Theo ang sinasabi niya nang makita ako. Kinuwelyuhan ko siya gamit ng isang kamay at malakas na sinuntok sa mukha."Oh my God!" tili ni Tessa."Don't you dare lay your hands on my wife, you sick bastard!"Biglang pumagitna sa amin si Tessa at gulat na gulat na tumingin sa akin."What's wrong with you, Darius! Bakit mo iyon ginawa!"Sa pagkakataong iyon ay nilapitan na ako ng driver ni
Darius' POVNABALING kay Martha ang paningin ng mga tao sa loob ng event. Tumayo siya at namimilog ang mga matang umiling.I was about to grab her arm to get her to sit again, but she was furiously screaming like a mad maniac. Mabilis itong umakyat sa stage at galit na nilapitan si Tessa."Liar! Liar!"May lumapit sa kanilang mga security. Tumayo na rin ako para kunin si Martha pero sinenyasan ni Tessa ang mga security na hayaan ito kaya wala akong nagawa kundi tumigil sa kinatatayuan ko."What? Owner of Golden Rose? Are you fucking kidding me?" Tumawa si Martha nang malakas. "Paano ka magiging may-ari ng jewelry brand na ito kung isa kang dukha, mangmang at cheap! Ah! Isa ka nga palang dakilang kabit! Kailangan mo pang pumatol sa mga lalaking may pera para mabili ang gusto mo!"Nagtagis ang bagang ko. "Martha!"Bumaling sa akin si Tessa at ngumiti. "It's okay, Darius.""Stop calling my husband's name! Ang kapal ng mukha mo! Kilala na kita! Kumabit ka sa matandang mayaman na negosyant
Tessa's POVMABILIS akong kinumutan ni Darius at itinago ako sa likuran niya. I wrapped the white blanket around my body and turned to looked at Martha's angry face."That's why you're not answering my calls!" Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Darius na noo'y nakahubo't hubad pa rin. "Kaya ka pala nanlalamig sa akin dahil sa iba ka na nag-iinit! At kung hindi pa ipinadala sa akin ni Sheena ang litrato n'yo, hindi ko pa malalaman na niloloko mo na ako!""Enough, Martha," mahinahon na saad ni Darius, pero lalo lang nalukot ang mukha ni Martha. "You don't have the right to tell me what to do! How dare you cheat on me! At sa katulong pa!"Dinuro niya si Darius bago bumaling sa akin. Bigla itong natigilan nang makita ako."T-Tessa?" Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita. Animo'y isa akong multo na nagpakita sa araw ng undas.Sa pagkakataong iyon ay tumayo na ako at taas-noo. Nakapulupot pa rin ang kumot sa katawan ko.Nagpabalik-balik ang ting
Tessa's POV"Tessa, what's that?"Dali-dali kong pinasok ang mga dokumento sa loob ng bag ko at saka humarap kay Darius. Nginitian ko ito bago inilingan."Wala lang ito. N-nasaan si Maddy? Tuloy ba tayo?""Yeah." Lumapit siya sa akin at pinatong ang kamay sa isa kong balikat. "I want to make it up to her. I realized I was wrong for treating her the way I did.""I-I'm happy na naisip mo iyan.""Puwede mo ba akong tulungan bumawi kay Maddy?"Matagal ko siyang tinitigan sa tanong niya. Hinanap ng mga mata ko si Maddy at nakita ito sa passengers seat na nakaupo at nakatanaw sa amin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita ako."Oo naman. Let's go? Gusto ko na rin mag-malling."Pumunta kami sa pinakamalaking mall sa pinakamalapit. Lahat ng ituro ni Maddy, binibili ni Darius. Ako naman ay panay abot din ng matipuhan ng mga mata ko.Darius offered to pay my stuff, but I didn't let him. May pera ako at kaya ko nang bayaran ang lahat ng gusto ko. Kahit naman noon pa, hindi ko inaasa
Tessa's POVNAGULAT ako nang sa pagbukas ng pinto ng silid ni Maddy, pumasok si Darius at bigla akong hinalikan sa mga labi.Agad akong kumawala sa mga halik niya dahil alam kong nakikita kami ni Maddy. "Ano ka ba? Ang anak mo, nakikita tayo.""Hindi iyan." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas, pero pinigilan ko siya.I can see the longing in his eyes. Ako rin naman, nananabik na makasama siya. Nananabik akong magawa ang plano ko sa kanila."Ngayon pa lang kita masosolo, Tessa. I missed you." Hinapit niya ako sa baywang at niyakap. "Kahit kasama na kita sa iisang bubong, parang hindi pa rin sapat."I forced a smile before distancing myself from him. "Darius, I want to tell you something."Lalapitan niya sana ako pero umatras ako. He stood in front of me, smiling. Namumungay ang mga mata niya."It's about Maddy."Nang marinig niya ang pangalan ng anak niya, parang nawawalan ng gana na nagbuga siya ng hangin"That can wait."Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "This is im
Tessa's POVMAAGA akong bumangon at naligo para mapuntahan si Darius sa kanilang kuwarto. I heard, ngayong umaga ang flight ni Martha papuntang ibang bansa. She's leaving for, she was hired as a model of a famous jewelry brand.And I will use this against her. Tingnan lang natin kung may balikan pa siyang asawa't anak sa gagawin ko.Napangiti ako nang makapasok sa kuwarto nina Darius at Martha. malawak iyon, at puro luxury appliances ang makikita sa paligid.Nasa gilid ng kama si Darius, nakatalikod mula sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Narinig ko naman ang pagragasa ng tubig mula sa shower. Alam kong si Martha iyon.Tahimik akong lumapit kay Darius at saka yumakap mula sa likuran niya."Martha, I'm in a hurry—"Natigilan siya nang makita ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, pero sumilay ang malapad na ngiti sa kaniyang mukha.He cupped my face and quickly kiss me. Ilang segundo kaming naghalikan bago tuluyan naming pinakawalan ang isa't isa."What are you doing here?" he wh
Tessa's POV"Hello, I'm your new yaya. I'm Tessa. What's your name?"Nakatingala sa akin ang cute na bata habang nakangiti ito. Parang siopao ang pisngi nito kaya nanggigil akong hawakan iyon at pisilin.Tumawa siya. "Maddy.""Maddy? What a cute name. Just like you."Ngumiti na naman ito nang pagka-cute-cute. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako malapit sa mga toys niya. Natigilan ako nang mapansin ang maliit nitong braso."What happened to your arm? Nahulog ka ba?"Lumuhod ako sa sahig at tiningnan ang pasa sa braso niya. Umiling sa akin ang bata.Naluha ako habang nakatitig sa kaniyang mukha. Sa tuwing nakakakita na lang ako ng bata, lagi na lang akong nagkakaganito.***Abalang nanonood ng cartoon si Maddy nang magdesisyon akong lumabas para ikuha siya ng makakain. Hapon na at hinihintay ko rin ang pag-uwi ni Darius.Hindi pa ako nakakalabas, natigilan ako nang marinig ang boses ni Martha."Why is he not answering! Nakakainis!" Mukhang mainit ang ulo nito."Si Mommy!" masiglang b
Darius' POV"Where's Maddy? At nasaan na ba ang yaya ng batang iyon? Bakit hindi pa rin sila bumababa?"Umagang-umaga ay nakakunot na ang noo ni Martha sa harap ng hapag. We are eating breakfast and was almost done before she noticed her daughter's absence.Nakapag-usap na kami ni Tessa. Nagkasundo rin kami na hindi puwedeng malaman ni Martha na magiging yaya siya ni Maddy. Siguradong magwawala si Martha kapag nakita si Tessa.I won't let her hurt Tessa again. At gagawin ko ang lahat para makasama ito."Umalis na si Manang Cecil."Natigilan siya sa pag-inom ng juice niya na hindi ko alam kung anong klaseng prutas. She bought in Mexico, nakakaganda raw lalo ng katawan."What? Bakit daw?""May sakit ang anak niya.""My God! At hindi nagpaalam sa akin? Stupid! E, sinong mag-aalaga kay Maddy ngayon?" Malakas niyang hinampas ang mesa gamit ang kaniyang palad. "Hindi ako puwede, Darius! I'll get busy with my job.""Don't worry, nakahanap na ako ng papalit sa kaniya.""Sino naman? Did you ch