Humugot ng malalim na hininga si Rose nang bumaba siya sa sasakyan ni Ranier. Nag-alok itong ihatid siya kahit ilang beses niyang inayawan. Hindi inaakala na magbabago ito o marahil naawa lang sa kanya. Iyong inisip niya na baka magalit ito–nakakagulat kasi pinatawad siya agad nito.Huminto muna siya sa harap ng bahay. Binalewala ang nakakasilaw na sikat ng araw sa umagang ito. Tatlong buwan siyang nawala. Tatlong buwang tinamasa ang pantasiya na nakahandang masira. Tatlong buwang pagtatraidor. At dalawang linggong naging maligaya sa piling ni Elliot. Tila isang panaginip na mawawala at kakalimutan matapos niyang magising sa realidad. Babalik sa dati ang buhay niya. Nakakabagot at puro trabaho lang."Salamat,Ranier,"anas niya. Tumingala siya para pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Ilang taon na silang magkasama pero ngayon niya lamang napansin na matikas at matipuno nito kahit simpleng t-shirt at maong lang ang suot. Mistulang isang modelo ang tindig nito–nakahawi ang kulay kastanya n
Walang ganang nakaupo si Elliot sa nakatagong boothng VIP nightclub na kinaroroonan niya. Hindi niya ramdam ang malakas na ingay ng mga tutog at ang kumukutitap na mga neon lights na kinukulayan ng asul at lila ang kanyang itsura. Nakapaligid sa kanya ang nakakabinging tawanan, kalansing ng mga baso at mga nagsasayawan. Nasa malayo ang kanyang tingin at wala sa sarili.Pabalik-balik na tila sirang plaka ang pangalan ni Rosette Valentino sa kanyang isipan. Sinubukan, bawat gabi na ilibing ang kanilang mga alaala sa isa't isa. Subalit hindi niya matiis na hindi maalala ang mga mapupungay nitong mga mata, ang mga ngiting pinaiikot ang mundo niya. No matter how much he drank or distracted himself, she lingered in his thoughts like a ghost he couldn't exorcise."F*ck!"pagmumura niya sa ilalim ng kanyang hininga habang humihigpit ang hawak sa baso ng black label na inumin. Namumuti ang kamao niya sa palibot ng baso. Marahang tumunog ang yelo nang tinungga niya 'yon. Humagod ang nakakasunog
Nakasimangot na pinagmamasdan ni Rosette ang sarili sa harap ng full-length mirror ng marangyang Boutique dito sa Maynila.nakasuot siya ng puting silk gown na may kalakip ng marupok na lace na lumalaylay hanggang sahig. It was a kind of dress every bride dreamed of. Pinilit niyang ngumiti. Magmukhang kaaya-aya sa kanyang repliksyon subalit hindi maabot sa mga mata ang ngiti."What do you think of this one,Rosette?"sabad ni Ranier dahilan upang matauhan siya. Nasa tabi ito ng stylist. Tipid na nakangiti habang tinuturo ang hawak nitong damit–ang maalindog na damit na binordahan ng kumikinang na beads na kumikislap sa liwanag ng araw sa umagan 'to. Napamaang siya. Wala siya sa sariling kinatitigan ang damit."Ma-maganda,"mapakla niyang usal. Walang lasa ng enthusiasm ang kanyang tinig. Bahagyang nanliit ang mga mata ni Ranier sabay salpok ng kilay. Nahalata ang malumbay niyang reaksyon ngayong araw. Alam niyang na-offend niya ito pero hindi niya kayang kontrolin ang emosyon ngayon. Puma
Matamlay na pinagmasdan ni Elliot ang puting lily. Kumuha siya ng isang tangkay. Nakakunot ang noo nang masinghap ang matapang na amoy ng bulaklak. Natigilan siya nang lumitaw ang imaheng matamis na nakangiti na si Rose. Hindi niya pwedeng ikaila bagkus nami-miss niya ang dalaga. Noong makita itong kasama si Ranier sa coffee shop hindi na siya nangahas pang lapitan ito. Marahil senyales iyon na hindi sila para sa isa't isa. Bagama't kinalimutan niya ang kasalanan nito pero wala silang pag-asang magkatuluyan. Natuod siya sa kinatatayuan habang hawak ang bulaklak. Dumapi ang mailigamgam na hangin sa umagang 'to. Nainis siya ng kaunti sa taas ng humidity ng panahon. Hindi niya gustong lumabas kapag ganito ang klima. Subalit pinilit siya ni Juliette. Naging magkaibigan sila ulit matapos nitong humingi ng paumanhin. Naging maayos rin ang relasyon nito kay Magnus. Balita niya nililigawan ito ni Magnus. Kung saan pa nagkagulan at naging komplikado ang lahat doon pa napagtanto ni Magnus ang
Kinamot ni Rosette ang gilid ng sentido gamit ang ballpen. Yumukod siya. Tinutok ang sarili sa pagbabasa ng isang artikolo sa internet. Walang malay na tinapik ang mga daliri sa ibabaw ng makintab niyang mahogany desk. Binalewala ang nagpatong-patong na mga papel sa harapan na kanina pa naghihintay na pirmahan niya. Sumingkit ang mga mata nang sumagi sa kanya ang isang artikolo.“Mallary Group Secures 5-Star Status for All Five Hotels: A Record-Breaking Achievement.” Mahina niyang binasa. Ngumiwi siya at inayos ang pagkakaupo. Binaba ang ballpen. Bumuntong hininga. Naiinis na pasabunot na hinila ang nakalugay niyang buhok. Five hotels, five stars… Of course, he did it. Typical Elliot... sabi niya sa sarili. Tinutop niya ang bibig kasi hindi niya mapigilang ngumiti. Lalong namasyal ang kanyang isipan, ini-imagine si Elliot na nakaupo sa opisina nito, nakangiti dahil sa good news o baka abala sa mga bagong projects.Nasa kanyang opisina siya ngayon. Muling nagbalik bilang CEO ng ma
Palubog ang araw nang bumaba si Elliot sa kanyang makintab na kotse. Naglaan siya ng ilang saglit sa pag-a-adjust ng sarili mula sa bagong klima ng Panglao,Bohol. Sariwa ang hangin at nalalanghap niya ang tubig-alat. Malayog-malayo siya sa magulong Manila. Removing his sunglasses, he let the dazzling view of Panglao Beach was over him, the glistening waves lapping at the shore, creating a soothing rythm that matched the beating of his heart. Sa wakas nakakalanghap siya ng preskong hangin na magpapawala ng bigat niya sa loob. Umaasa siyang makalimutan si Rosette. Hindi pa siya nakakarating ng Villa. Si Rose na kaagad ang nasa kukuti niya. Hindi niya alam kung okay lang ba na pumunta siya ng dagat, maalala niya ulit ang masasayang araw nila sa Palawan. Dapat pala sa bukid siya tumungo. "Sir. Welcome po sa Bohol. Masaya po kaming makasama kayo,"bungad sa kanya ng caretaker ng villa, ang matanda lalaki na may welcoming smile at nasunog sa araw na kulay ng balat. Inabot nito ang kamay par
Tumingala si Rosette sa langit nang sumandal sa wooden bench. Naupo siya upang ibsan ang sumasakit na mga paa. Subalit hindi siya tinatakasan ng frustration at ng takot. Imbes mapagod siya sa buong araw na pag-iikot sa Bohol mas na pagod siya sa pag-alala ng nangyari kagabi. Sinadya marahil ng tandaha na patagpuan sila ni Elliot dito. Bagaman masakit ang kanyang loob dahil hindi pa siya nito mapapatawad ay tila sinusundot ang kanyang puwet na puntahan si Elliot. Subalit hindi niya alam kung saang hotel ito naka-check in. Hindi niya inalintana ang ihip ng hanging dagat. She glanced at the sun began its slow descent, casting a soft golden glow over the waters. Katabi niyang kaupo si Ranier. Ngumiwi siya nang mapansin itong sinisimsim ang isang bote ng coke. First time niyang makitang umiinom ito ng softdrinks. Kadalasan organic juices ang binibili nito. Inoserbahan niya ng sandali ang fiance. Tumitingkad ang kagwapuhan nito—ngayon niya napansin ang matangos na ilong, mapupungay na mg
Unti-unting minulat ni Rosette ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang mainit na liwanag ng umaga na humalo sa simoy ng hangin. Nagising siya sa tahimik na silid ni Elliot na tanging kaluskos ng mga dahon mula sa labas ang naririnig niya. Bumalikwas siya sa direksyon ng binata. Ngumiti siya nang abutin ang kamay at sinimulang paglandasin ang mga daliri sa pisngi at panga nito. Kumabog ang dibdib niya habang minamasdan ang mahimbing nitong pagtulog. His features, normally so guarded and intense, were softened in sleep—dark lashes casting faint shadows on his cheeks, lips slightly parted as he breathed evenly. Tila marupok itong tignan at kailangan pag-ingatan. Tinakpan niya ng maigi ang sarili. Wala siyang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa buong katawan. Naalala niya ulit ang kaganapan kagabi—the heated argument on the beach, the lingering tension between them, and the inevitable pull that had drawn them together once more. Sariwa pa sa kanyang isipan kung paano siya nito
Kinabukasan, tahimik siyang naglalakad patungong hospital room ng kanyang asawa. Naghahabulan ang kanyang pulso sa magkahalong sa saya at kaba. Hindi pa rin makapaniwala na isa na siyang ama. Ang CEO ng Mallary Group of Companies ay isa ng ama. Sa edad na bente-otso ay may kambal na siyang anak. "Elliot,"nakangiting bungad sa kanya ni Rosette nang pumasok siya sa silid nito. Nakaupo ito sa kama. Bagama't mabibigat pa rin ang mga mata sa kahaba-haba ng panganganak nito, naging maliwanag iyon nang makita siya. "You did it,"tugon niya. Nanakit ang lalamunan niy, sumikip ang dibdib niya at di niya namalayang dumadaloy na ang kanyang mga luha. Inabot ni Rosette ang dalawang kamay para salubungin siya ng yakap. "Come here,"anang nito. Dali-dali niyang nilapitan ito. Mainit na niyakap at h******n sa noo. "I can't believe you did." "No,we did it!"giit nito. Naupo siya sa tabi nito, ginagap ang kamay at ilang beses na hinalikan. "Hindi talaga ako makapaniwala na nandito sila kasama natin
"Elliot, I think..."Bumalikwas si Elliot nang maramdaman niya ang malamig at nanginginig na kamay ng asawa. Mabibigat ang kanyang talukap habang minumulat ang mga mata. Ano'ng oras na ba? Madilim pa sa labas. Parang may bato na nakapatong sa ulo niya sa sobrang bigat."I-I thinks it's time. Manganganak na ko,Elliot!"halinghing nito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinuklaban siya ng panic. "What? Now?" Tumatakbo ang isip niya habang sinasabi 'yon. Mas nataranta siya sa asawa.Dali-dali siyang bumangon at binaba ang tingin sa kama,basang-basa ang kumot nila. Pumutok na pala ang palatubigan nito.Tumango ito, nanliit ang mga mata nang tinamaan ulit ng "Kita mo sumabog na ang palatubigan ko! Bilisan mo, ahh! Hindi ko na kaya!""Oh God,Rosette!"dagli niya. Mabilis pa sa kidlat na tumalon sa kama na halos bumalentong pa. Nawala sa isang iglap ang kanyang antok. Mabilis niyang kinuha ang bag na mag-iisang linggo na nilang hinda kung sakaling darating ang araw na 'to. Nanginginig ang
Maaliwalas ang panahon nang dumating si Elliot kasama ang kanyang asawa sa public cemetery ng Batangas—ang bayan nito. Nandito sila upang dalawin ang puntod ng Mama nito. Hindi nila nagawa kaagad noon pagkatapos ng kasal dahil tinambakan sila ng maraming gawain. Ngayon na nakahinga, pumunta kaagad sila rito bago pa may kumulit sa kanila. Tahamik silang nakatindig sa harap ng marmol na puntod ni Hazel Valentino. Maaga pala itong lumisan. 44 years old. Sampung taon pa lamang si Rosette. Nagkaroon ito ng luekemia matapo nitong ipanganak si Rosario.Humihip ang sariwang hangin sa hapong ito na naghahatid ng kapayapaan sa kanilang damdamin. Hawak-hawak niya ang isang tangkay ng puting lilies—binanggit ni Rosette na paborito ito ng ina. Marahan siyang lumuhod para ilapag ang bulaklak sa harap ng puntod nito. Nalanghap niya ang halimuyak nitong dala.Nasa kanyang likuran si Rosette. Hinimas-himas nito ang malaking tyan na ngayon pitong buwan nang buntis. Masakit sa loob niyang makita itong
Tila huminto ang pintig ng puso ni Elliot nang makitang natutumba ang asawa."Rose!"Tawag niya. Sa sobrang panic niya hindi niya namalayan na lumukso siya papunta rito at mabuti mabilis niyang nasalo. Ang masayang pagkikwentuhan ng lahat ay nahinto matapos masaksihan ang nangyari.Putlang-putla at walang malay si Rosette na humantong sa kanyang mga braso. Malakas ang tibok ng puso niya ng buhatin ito at tinakbo sa kotse. Binalewala ang mga sigawan ng mga tao sa likod nila. Hindi niya ito pwedeng mawala Sumama sa kanila sina Magnus at Juliette.Nakasiklop ang mga kamay niya na nakatukod sa kama ni Rosette. Nagdadarasal na sana walang nangyaring masama sa asawa. Sinisi niya ang sarili sa pagiging mabait dito kahit alam niyang inaabuso nito ang katawan sa tambak na trabaho."Bae,"bulong ni Rose sa paos na boses. Hinipo nito ang pisngi niya.Nabunutan siya nang tinik nang magising ito. Mamasa-masa ang kanyang mga mata nang ginagapp nito ang mga kamay. Yumukod siya para idampi ang mga la
"So, ano'ng nangyari sa inyo ni Auguste?"Naalimpungatan si Rosette nang marinig ang malamanyang boses na puno ng intriga ni Juliette. Nasa potluck party sila ni Priscilla. Nagtipon-tipon lahat ng kabarkada ni Elliot kasama ang mga asawa't girlfriend ng mga ito. Masaya siyang nalaman na may girlfriend na si Ranier kaso hindi nito dinala. Nakatulog siya sa gitna ng pagtsitsimisan nila. Gaya ng grupo ng asawa na nasa isang tabi at nag-iinuman, meron din siyang grupo. Lahat ng babae ay nasa iisang grupo rin. Nagpa-potluck party si Priscilla dahil engage na ito kay Auguste. Bilang pasasalamat na rin sa kanila. Aso't pusa ang dalawa noon kaya hindi niya inaasahan na maging endgame mga nito ang isa't isa.Humikab siya sabay kusot ng mga mata. Nawala siya sa konsentrayson sa pag-uusap ng dalawa. Nakatingin sa kanya si Ariadne—ang artistang fiance ni Siruis na down to earth at alagang-alaga siya. "Are you alright,Rosette? Napapansin ko kanina ka pa pagod o baka may lagnat ka?" Puna ng pag
"Elliot,"humihingal na pangdidisturbo ni Rosette sa asawa. Simula nang dumating sila ng mansion, hindi na sila huminto sa paghahalikan na nauwi sa pag-init ng kanilang katawan. Humantong sila sa sahig ng sala. Dinungisan agad nila ang makintab na marble floors. Hindi makapaghintay si Elliot na magkaanak kaya hayun, naka-five rounds na sila. Hapding-hapdi na ang hita niya. Nagugutom na rin siya. Malay niyang gagawin siyang agahan at tanghalian nito. Natanaw niya mula sa bintanang salamin ang pagkulimlim ng panahon.Tinulak niya ang pawisang dibdib ng asawa nang di mapaawat sa paghalik sa pisngi niya. Kumaibabaw ito sa kanya, mahigpit na hinahawakan ang dalawang kamay niya at pareho silang habulan ng hininga."Elliot Jan Mallary, bilisan mo. Nagugutom na 'ko,"inosente niyang reklamo. Napaliyad siya nang binaon nito ang alaga sa ibaba niya.Nakakaloko itong ngumiti. "Spread your legs well, so I'll grant your wish,"masuyo nitong bulong sa tainga niya bago nito kinagat-kagat at ilang beses
Tinutop ni Rosette ang kanang kamay sa dibdib. Nakanganga siya. Ninerbyos habang pinagmamasdan ang mala-kristal na pinaghalong asul at verdeng karagatan sa ibaba. Malinaw na alam ni Elliot na takot siya sa hieghts pero dinadala pa rin siya. Sa halip na mapapakalma siya ng makapigil hininga na view lalo siyang sinuklaban ng takot.Sa muli, nasa Palawan sila matapos ang anim na buwan na kinasal sila ni Elliot. Lulan siya ngayon ng helicopter.Sinipat niya ang asawa, seryoso itong ginigiya ang sinasakyan nila. Kumapit siya sa armrest, namumutla na ang kamao. Napinuno ng ingay ng elisi ng helicopter ang tainga niya at nagwawala sa kaba ang kanyang puso."Gaya ng sinabi ko noon,dapat ka'ng masanay sa ganito,"tukso ng asawa."Ang dali naman sabihin,bae. Pero ipagtatapat ko ang totoo, takot ako sa matataas lalo na sa helicopter. Wala ba'ng ibang means of transportation para marating ang islang iyon?"maagap niyang reklamo. Nangingisay siya sa nerbyos.Bumungisngis ito. Na-amuse pa sa reaksyon
Panay ang paghinga ng malalim ni Elliot. Kinukurap ang namamasa pa ring mga mata. Hindi siya makapaniwala—as if he is still living on his dreams. He’s standing in front of the girl he will spend the rest of his life with. Kakatapos lang nila mag- I Do at ngayon nasa venue na sila. Natanaw niya ang mga magulang, mga kaibigan at ibang kamag-anak at kailala na nakatayo sa dulo, nagpalakpakan nang umapak sila sa red carpet. Malamig ang simoy ng hangin sa hapong 'to na dumapi sa kanyang balat.Subalit habang umuusad siya hindi niya mapigilan ibuhos ang mga luha. Matatamis na mga luha at ubod ng galak. He was overwhelmed by the weight of that moment, plus the love he felt for Rose and all the emotions that he had. Mahigpit na kumakapit ang asawa sa kanyang braso, nagpanggap itong ngumiti pero mas higit pa sa kanyang ang iyak.Nang makarating sila sa gitna ng hardin, isa-isa silang binati ng lahat. Umeksena si Magnus, ang kanyang bestman. Ang lapad ng ngiti nito. "Finally! The man of the hou
Bumuntong hininga si Rosette habang tinitignan ang sariling repliksyon sa salamin. Tila isang panaginip na nakasuot siya ng wedding gown sa mismong araw ng kasal niya sa taong hindi niya inaasahang ma-in love, niliko at minahal ulit. Namasa ang mga mata niya. Ngumti at pinigilan ang sariling humikbi. Sayang ang make-up niya saka ayaw niyang magalit si Bibi. Mananagot talaga siya sa baklang friend. "Ready ka na,Rosette?" Tanong ni Bibi, napa-beautiful eyes pa nang sinuri ng maigi ang kanyang mukha. Tumango siya. Nabara ang lalamunan sa magkahalo-halong emosyon. Umismid ang kaibigan nang mapansin nito ang namamasa niyang mga mata. "Hey! Bawal ang umiyak ngayon. Please lang, don't ruin my masterpiece." "Argh! Sorry. Sorry, I'll try not to cry."Maingat niyang pinunasan ang tubig sa gilid ng mga mata. Winakli ni Bibi ang kamay niya. "Don't touch it!"Saway nito. Ngumiti siya, hindi inaanda ang malakas na pintig ng puso. Ilang sandali, pumasok si Rosario. Tumayo siya para salubun