Nagkita kita sina Apollo, Belle at Angelo para sa kanilang napag usapan. Kailangan nilang gawin ito, dahil malapit na ang graduation nila Angelo at Sol same school lang naman pala sila since parehas silang nasa nursing course. At isa pa two weeks na lang aalis na si Apollo, dahil ayon ang napag usapan na nila ng dad niya at hindi niya ito pwedeng suwayin. Kanina pa sina Apollo at Angelo sa meeting place habang si Belle naman ay hinihintay na nila doon. Wala kasi itong text man lang kung nasaan na ba siya. Maya maya lang narinig na nila ang boses nito. "Apollo." "Angelo." Sabay pa silang dalawa na napatingin, habang si Angelo naman ay napatulala ng makita ang magandang mukha ng dalagang gustong gusto niya mula ng unang makita niya ito sa gymanasium ng school ng kuya Apollo niya. At nang minsan nag school to school campaign sila sa sinalihan nitong beauty contest. She's graduating from Education College students. Kung minsan nga gusto siyang lapitan kaso natatameme naman ako
Muling nagkita ang tatlo para sa final nilang meeting bago pa dumating ang next week kung saan magaganap ang kanilang surpresa. Nauna si Belle sa tagpuan gayong wala pa naman ang dalawa. Palinga linga siya sa paligid kung paparating na ang mga ito kaso wala pa naman ni bulto ng mga katawan nito kaya nag hintay pa siya ng ilang minuto ng nakita niya sa 'di kalayuan si Apollo. Medyo nalungkot siya ng hindi makita si Angelo. Pagkalapit nito sa kan'ya hindi siya nagpahalatang may hinahanap siya. "Kuya Apollo, ikaw lang?" tanong niya dito. "Oo e, hindi pinayagan si Angelo ng prof nila na mag half day lalo na't graduating rin ito." sagot niya. "I see.." "Maupo ka na Belle para maaga tayong makatapos at makauwi ka rin ng maaga. Alam kong hahanapin ka sainyo kapag ginabi ka pa. Anyway, I have a plan to add and I just want to make it perfect. Since, after the amusement park I'm planning to separate ways that day, because I want to talk privately your ate Sol. And I hope she consider
Dumating na ang araw nang pinakahinhintay ng tatlo. Maaga pa lang aligaga na si Belle kung paano niya sasabihin sa ate Sol at kay Ariana na hindi ito magtatanong. Kumuha muna siya ng tyempo habang nag aalmusal silang tatlo. Wala dito ang parents nila at may out of town business ventures. Kasalukuyan nakain sila ng almusal ng biglang magsalita si Belle at magtanong sa mga ito na; "Ate Sol at Ariana may gagawin ba kayo today?" "Ahhm! Wala naman akong gagawin ngayon. Dito lang ako sa bahay." sagot ni Sol na naunang nagsalita kay Ariana. "Good! E, ikaw naman Ariana?" "Ako, may mga projects lang na gagawin. Bakit ate Belle?" balik na tanong nito sa kan'ya. "Ahmmm! Wala lang gusto ko lang sanang i-invite kayo ngayon." ani niya. "Saan naman?" "Saan ba??" Magkasabay pang tanong ng dalawa dito. "Sa amusement park lang sana. Para makapag bonding tayo. Okay lang ba sayo, Ariana? Si Ate Sol kasi wala namang gagawin. Ikaw lang ang iniisip ko dyan." aniya. "Hmmm! Okay lang n
Masayang masaya sila sa pagsakay ng mga rides at akala nila doon na matatapos ang lahat. Nang magulat silang tatlo ng ayain sila na lumabas ng amusement park at maglakad lakad sa labas. Inayos lang ni Belle ang kaunting dekorasyon bago nila ito papuntahin sa venue.. Habang si Apollo naman ay nagpaalam muna saglit kay Sol na magko comfort room muna siya pero, ang totoo nito ay kukunin iya ang mga bulaklak na ibibigay nilang tatlong magkakapatid sa mga gusto nilang babae. Nang makabalik siya wala na ang mga ito kaya sa venue na lang siya nagpunta baka sakaling maabutan pa niya ang mga ito. At doon na nga niya nakita ang naging reaksyon ni Sol sabay abot niya nh bungkos ng mga bulaklak gayon din si Angelo at Archi. Doon na rin nila sinabi ang surpresa nila para sa tatlo. Napayakap naman si Sol kay Apollo sa sobrang sayang kan'yang nararamdaman. Hindi rin makapaniwala si Belle nang abutan ng bulaklak ni Angelo. Kahit kasama siya sa pagpa plano ng surpresa hindi niya pa rin alam na
Two week ago Ang masayang surpresa sana ay napalitan ng lungkot. Hindi magawang maging masaya ni Sol na malamang aalis na ang taong mahal niya. Araw-araw siyang nagmumokmok sa kwarto niya at walang gustong kausapin kahit na isa sa mga kapatid niya. Hanggang sa bumalik ang parents nila at nag-aalala na sa kan'ya. Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto niya. Knock! Knock! Knock! Sa pag-a-akalang sina Ariana at Belle na naman ang nangungulit sa kan'ya hindi na niya lang ito pinansin pa. Kaso palakas ng palakas ang katok mula sa labas. Kaya napilitan siyang bumangon para sawayin sana ang mga kapatid.. "I said leave me alone.." malakas na sigaw niya. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan ang kan'yang Ina. Napayakap siya dito at napahagolhol na lamang siya sa bisig ng kan'yang Ina sabay sabi na; "Mommy! Mommy!" mga pagtangis niya habang paulit ulit na binibigkas ang salitang Mommy. Hindi naman maintindihan ni Cecilia kung bakit umiiyak ang kan'yang ana
Habang si Apollo naman ay lungkot na lungkot mula kanina pa. Ngayon ang alis niya patungong states ngunit hindi pa naman sila nagkaka usap ng girlfriend niya ng maayos. Ilang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kan'ya. Ni text or call man lang ay wala. Hindi niya malaman ang gagawin kung aalis nga ba siya ng hindi manang sila nagkakausap ng maayos. Habang nag aasikaso siya ng gamit pumasok sa kwarto niya ang dalawa niyang kapatid na pasaway. "Kuya tuloy na tuloy na talaga ang alis mo. Okay na ba kayo ni ate Sol?" tanong ni Angelo na nag-a-alala na sa kuya niya. Ilang araw rin kasi itong balisa. Kahit hindi naman ito magsabi sa kan'ya o sa kanila ramdam niya na may problema ito. "Hindi pa nga bro, at hindi ko alam kung magkaka usap pa kami bago ako umalis." sagot niya kasabay ng pagtigil niya sa pag-e-empake ng gamit at itinabi na lang muna nito. "Did you call her? or even text it?" Sunod sunod na umiling si Apollo. "What??? "I don't know what to do bro. I can't lea
Samantalang kararating lang ni Sol sa airport at hindi pa siya nakakapasok sa loob ng magring ang cellphone niya. Nang i-check niya ito nakita niya ang ilang misscall ni Belle na ipinagtaka niya, agad niya itong sinagot. "Yes, Belle, bakit? Hinahanap na ba ako nila Mommy?" tanong nito. "Hindi ate, listen to me. Wait mo kami dyan ni Kuya Apollo papunta na kami dyan." wika ni Belle na hindi yata narinig nito. "A...Ano Belle? Wait hindi kita marinig saglit nawawalan ako ng signal.." wika nito. "Ate Sol-- Tooooot!! Bigla na lang nawala sa linya ang ate Sol niya kaya nainis si Belle na hindi malaman ang gagawin. Hindi naman mapakali si Sol at panay linga niya sa paligid at inisa-isa niyang pinagmamasdan ang mga taong paparating kung si Apollo ba ito kaso mag iilang oras na yata siyang naghahanap ngunit wala siyang nakitang bulto ng boyfriend. Gusto na niya sanang sumuko sa pag-a-akalang naka alis na ito. Napa upo na lang siya sa lapag sabay malakas na sigaw na; "Apollooooooo
Matapos ang kanilang pag-uusap naginhawaan at nalinawan na rin si Sol. "Thank you, love for being understanding." ani nito. "Thank you too, love for loving me unconditionally. Sorry, kung naging selfish ako noong una at hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay. Pero, ngayon alam ko na kung bakit mo gagawin ito. At hindi kita pipigilan sa lahat ng pangarap mo." ani ni Sol na maluwat na sa kan'yang kalooban ang pag-alis ng boyfriend. Muli siyang niyakap nito at pinugpog nang halik ang buhok. Medyo matangkad kasi si Apollo sa kan'ya kaya abot nito ang ulo niya. Kilig na kilig siya sa ginagawa ng taong mahal na mahal niya. Nang kumalas siya ng yakap dito. Alam niyang si Apollo na ang lalaking para sa kan'ya. "Love, paano ba yan babalik na ako ng Mansyon para mag empake ng gamit. Hwag muna akong ihatid mamaya ha at malulungkot lang naman ako." aniya. "Okay, love kong yan ang gusto mo. Mag-iingat ka na lang palagi. At palagi kang tatawag ha." bilin ni Sol bago sila magkahiwa
It's Graduation day!! Maaga pa lang nasa venue na sina Belle at Angelo at panay kuha na ng picture ng dalawa. Naunang grumaduate si Belle at sumunod naman si Angelo. Syempre kung present si Angelo sa graduation ni Belle ngayon naman present rin si Belle sa mahalagang araw ng kan'yang boyfriend. They are exactly one year Anniversary today, they double celebrate after. Masayang masaya ang magulang ng dalawa at natagumpayan nila ang kanilang pag-aaral. Matapos ang ceremony ganap ng Nurse si Angelo. Magkayakap silang dalawa pagkatapos ng maraming kuhang picture sa bawat isa. Two years Later.. Pumasok na ng public school si Belle pagkapasa niya ng one take Professional Teacher examination. Habang si Angelo naman ay ipinagpatuloy ang residency sa Pilipinas lang. Ayaw niyang malayo kay Belle para may time pa rin naman sila sa bawat isa. At tatlong taon na ring matatag na magkarelasyon. Maraming pagsubok pero, kinaya nilang dalawa. Nagmamahalan at nagsusuportahan sa bawat isa. Pag
Back to Manila Hindi naman kami naging PDA ang dalawa pagbalik ng University. They'll both be busy for the serious stage of their College life. Habang si Belle ay i-a-assign na sa school na magiging OJT niya. Isa itong process na pagdadaanan talaga lahat ng isang EDUC students na katulad niya. FS Teaching na kung saan isang buwan silang magtuturo sa mga bata ng isang subject. Ang University na nila ang makikipag coordinates sa school na papasukan nila. At ito ang unang araw ng pagpasok niya sa school. Makati elementary Public School. Dito hahasain ang galing nila bilang future educators. Sa katulad ni Belle na always on the go at game sa mga pagsubok alam niyang kakayanin niya ito. While Angelo naman ipapadala ng University nila sa isang public hospital at magiging trainee. Isa naman itong stage process para sa kagaya niyang Nurse. Magkaiba man ang kanilang napiling propesyon hindi naman ito naging hadlang para abutin nila ang kani kanilang pangarap. Mabilis lang naman lumipas
Masayang masaya si Angelo at finally sinagot na nga siya ni Belle. After how many months official nang mag inrelationship ang dalawa. Sa Boracay lang pala matutupad ang pangarap nilang dalawa. He made a perfect proposal for Belle but he didn't know what Belle's plan was that night. Nasa dalampasigan sila at nakaupo sa malaking tipak na bato. Habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa paligid nila. Hawak ni Angelo ang kamay niya habang panay kwento naman si Belle dito. "You know what Angelo, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang tayo na. Ang dami na nating pinagdaanan. Pero, sana naman maging smooth ang relasyong meron tayo. Alam ko naman na mahirap ang course mo at course ko kaya hindi malayong mangyari na magkaroon nang problema." wika ni Belle at punong puno ng agam ang kanyang puso. Pinisili ni Angelo ang kanyang kamay. "Nothing ti worry about, Belle or should I say my wifey." wika nito. Natigilan ng bahagya ito sa sinabi ng kan'yang boyfriend. "What did you call me, wi
Kinabukasan walang kamalay malay si Belle sa surpresang inihanda ni Angelo sa kan'ya pero, mukhang si Angelo pa yata ang masusurpresa sa sasabihin ni Belle sa kan'ya. Abala si Angelo kakakausap sa mga tauhang uutusan niya para sa surpresa niyang inihanda dito mamayang gabi. Habang sina Belle, Sol at Apollo naman ay magkakasama na namamasyal. Nag dahilan kasi si Angelo na tinatawag na siya ng kalikasan kaya nauna siyang umalis. Walang kamalay malay si Belle sa mangyayari mamaya pero, sina Sol at Apollo alam ang mangyayari. Nasabihan na rin naman silang dalawa ni Angelo kung ano ang kanilang partipasyon para sa surpresa niya. Pasado alas dos na ng hapon ng matapos si Angelo sa pakikipag usap. He want to be perfect and memorable for Belle ang gabing ito. Sinalubong ni Angelo ang tatlo na parang wala lang. He act of dedma talaga ang effect nito para hindi makahalata man lang si Belle. "Oh! Nakabalik na pala kayo Kuya, Ate at Belle. Sorry kung hindi na ako nakasunod, hindi pa rin
Kanina pa hinahanap ni Sol at Apollo ang dalawa at malapit na ang kanilang departure. Hindi silw pwedeng malate kaya nagpasya ang dalawa na maghiwalay muna para mahanap nila ng mabilis ang dalawa. Nagtungo sa labas si Apollo habang si Sol naman ay nanatili sa loob ng aiport at nagbabakasakali na nar'yan ang dalawa sa gilid gilid lamang. Habang abala ang dalawa sa pamimitas ng mga bulaklak, hindi naman nila namalayan ang oras. Kaya nagulat sila ng marinig ang sumisigaw na boses ng kuya Apollo ni Angelo. "Si kuya Apollo ba 'yon?" tanong ni Belle ng marinig niya ang boses nito. "Hindi yata at isa pa alam naman nilang lalabas tayo." sagot niya na hindi alintana ang oras. Nang makalapit ito sa kanila. Agad nila itong binati at kinamusta. Kung ano bang binili nila sa department store kanina. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap at malapit na ang ating departure." ani niya. "Hala, sorry kuya Apollo. Nabusy kasi kaming dalawa ni Belle, hindi namin napansin
Tuloy tuloy pa rin ang panliligaw niya kay Belle at mas naging masigasig si Angelo para patunayan rito kung gaano niya kamahal si Belle. Katulad ngayon katatapos lang ng exam nila at malapit na naman ang bakasyon. Pero, napag kasunduan nila na mamasyal na lang para mas makilala pa ang isa't-isa kasama nila syempre ang magkasintahang Sol at Apollo. Nasa airport na sina Belle At Sol habang ang magkuya naman na Apollo at Angelo ay parating na rin. Medyo na traffic lang sila ng kaunting oras gawa ng nagcommute kasi sila at hindi nagpahatid sa driver. Ayaw kasi ni Apollo na magpahatid sa driver pa nila at sanay siyang nagko commute araw-araw. Napansin niya rin kasi na mas enjoy siya kapag nagko commute. Medyo nabobored na rin si Belle kakahintay sa kanila kaya naman nagtungo muna ito sa star caffe para mag order ng coffee latte. Sumunod na man si Sol sa kan'yang kapatid. Naabutan niyang nagsisimula na nga itong mag-order ng coffee. "Belle, isang cappuccino sa akin. Pakisabay na la
Naging madali College life for Belle and Angelo lalo na't iisang school lang naman ang kanilang pinapasukan. Nang nalaman nila na ang isa't-isa ang hinahanap mas lalo pa silang naging malapit sa bawat isa hanggang sa nanligaw na nga si Angelo kay Belle. Ngayon ang araw nang pagpapaalam niya sa kaibigan. Habang nasa Mall sila at nag-iikot na dalawa. Sinama kasi siya ni Belle at may bibilhin raw na project kaya naman naka kuha na rin ng tyempo si Angelo para magtapat ng kan'yang tunay na nararamdaman sa kaibigan na kan'yang minamahal. Nang matapos silang makapamili nag-aya muna si Belle na mag food park sila at nanawa na raw siya kakain sa mga fastfood kaya naisipan niya na kumain sa park. Niyakag niya si Angelo palabas ng Mall at nagtungo sila sa park kung saan maraming tindang mura ay abot kayang presyo ng masa ang mga pagkain roon. Merong mga street foods like fishball, kikiam at marami pang iba. May mga inihaw rin, sa malamig kapag mauhaw ka naman. Kumpleto ang lahat at hin
Pagpasok ni Belle mukha ng ate niya na parang nag uusisa ang bumungad sa kan'ya. "Akala ko ba iiwasan mo na? Akala ko ba--" "Ssssh! Ate halika maupo tayo may ikukwento ako sayo." wika niya sabay hila ng kamay nito patungo sa mahabang sofa ng kanilang sala. "Bakit, ano ba 'yon?" balik niyang tanong rito. "Remember yong batang chubz na nakwento ko sayo na matagal ko ng hinahanap." sagot niya. "Oh! Ano namang meron roon? Ang tagal na hindi mo pa rin nakakalimutan ang batang 'yon." sagot ng kan'yang ate. "Paano ko siya makakalimutan ate, e, palagi ko pala siyang nakikita at nakakasama." sagot ko. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito na naguguluhan na sa sinasabi ng kan'yang kapatid. "Kasi ate sa maniwala ka man o hindi si chubz at Angelo at iisa." sagot ni Belle. Napahawak ng kamay si Sol sa kan'yang narinig at mas lalong hindi niya lubos maisip na iisang tao lang ang dalawa. Napaka small world nga naman kung ganon. "Talaga ba? Paano mong nalaman?" excited na ta
Hindi pa rin makapaniwala sina Belle at Angelo sa napaka gandang plot twist ng mga buhay nila. Sino bang mag-aakala na parehas silang naghahanap sa isa't-isa, at ang nakakatawa pa nga ay matagal na pala nilang nahanap ang bawat isa. "Angelo, hindi ako makapaniwala na ikaw at si chubz ay iisa. Ang laki kasi ng pinagbago mo, hindi ka na chubby ngayon kagaya ng dati." sagot naman ni Belle. "Medyo nag reduce talaga ako at sakitin ako noong bata pa lang hehehe. Anyway, ikaw rin hindi ka na curly masyado ngayon." biro pa ni Angelo. "Oo! Kailangan sa modeling at commercial kasi." sagot ni Belle. At sa lahat dito niya lang sinabi ang tungkol doon. "Talaga ba, Belle? Kaya pala ang galing mo noong events. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit ikaw ang nanalo. You did a great fight that day. Sobrang na impress mo lahat ng judges roon." sagot ni Angelo at kuntodo papuri kay Belle. "Hindi naman, marami rin naman na magaling sa akin." sagot ni Belle. "Marami nga pero, ikaw talaga ang