Pagkatapos ng meeting dumaan ulit ako sa flower shop. At since kilala na nila ako hindi na ako natagalan doon. Nagdrive na ako pauwi ng bahay at excited na akong makita ang asawa ko. Miss na miss ko na ito at 3 days ko ring hindi siya nakasama gusto kong bumawi sa kan'ya at alam kong nagtatampo na rin ito sa akin. Inayos ko ang bulaklak na nasa tabi ko at binilisan ko pa ang pagda drive hanggang sa malapit lapit na rin ako sa daan kong saan ang aming bahay. Muli kong dinial ang number ng asawa ko at sumagot na rin ito sa wakas; "I Miss You, Wifey ko.", bungad na wika ko. Hindi naman siya naimik kaya nagsalita pa rin ako kahit wala akong marinig na kahit anong sagot mula dito. Sorry, alam kong nagtatampo ka pa rin sa akin. I love you. I'm driving now see you soon." huling wika ko bago ito nagsalita na; "Ahmm! Pauwi ka na husby ko?" tanong niya."Yes po. Sige na nagda drive pa ako. Mamaya na lang ulit. Mwaaah!" huling sambit ko bago ko i-end ang call button. Masaya akong nagdadrive pab
Natapos ang salu-salo nila ng masaya hanggang sa isang malakas na tunog ang bumulaga sa kanila. Hindi malaman ng mag-asawa kong ano nga ba ang gagawin kong magtatago silang dalawa. Hanggang sa makarinig sila ng bang bang!! Malakas na tunog ng baril mula sa labas. "Dapa!!" malakas na sigaw ni Andre sa asawa habang siya naman ay dumapa na rin kaso lang natamaan siya sa kan'yang braso. "May dugo! Husby, dumudugo ang braso mo. Halika gamutin na natin." alok ni Maria sa asawa kaso hindi ito pumayag at sinabi na; "Hwag mo itong alalahanin at daplis lamang ito. Bilisan na natin para makaalis na tayo dito." mariing utos niya. Mula sa exit door nakadapa silang naglakad na mag-asawa hanggang sa makasakay sila ng sasakyan. Hindi nila alam kong sino ang mga armadong lalaki ang namaril sa bahay nila. Agad pinaharurot ni Andre ang sasakyan papalayo ng Mansyon hanggang sa paulanan sila ng bala at napakapit na lang sa manibela ito para mas bumilis ang pagmamaneho niya. Nang hindi na niya nakikita a
Dinala ni Andre ang asawa sa ligtas na lugar na alam niyang hindi sila masusundan ng mga armadong lalaki. This is the ancestral house of his late grandparents property. Sa kan'ya pinamana ito ng lolo niya bago ito mawala nauna kasing namatay ang lola niya kaya naiwang mag-isa ang lolo niya dito. Hanggang sa mamatay na ito at bago pa bawian ng kan'yang buhay sinigurado nitong sa kan'ya mapupunta ang lahat lahat ng ari-arian nito kasama na ang ancestral house. Sobrang tahimik dito at presko pa ang hangin na mainam sa pagbubuntis ng kan'yang asawa. "Husby, hanggang kailan naman tayo dito?" tanong ni Maria sa asawa. Umiling iling ang asawa niya sabay sabi na; "I don't know wifey, but we need to make sure that they don't come back. At pinaimbestigahan ko na ang nangyaring pamamaril sa bahay." aniya."Anong sabi nila? Sinadya ba? May tao bang galit sa atin?" sunod sunod na tanong ni Maria sa kan'yang asawa. "Hindi pa nila alam at natanong na rin nila sa akin yan pero, wala akong maisip ko
After naming mag-usap ng babaeng hindi na naman nagpakilala sa akin. Hindi ko na muna pinaalam sa asawa ko at ayokong mag-isip ito at makasama pa sa dinadala niya. Mas mabuti nang wala siyang alam sa nangyari. Hindi ako dapat magpa apekto sa babaeng 'yon bagkus dapat akong maging handa sa mga pinaplano pa niya para sa mag-ina ko. Alam kong hindi pa siya titigil sa mga gagawin niya lalo na't alam na nitong ligtas kami at hindi kami napahamak sa masama niyang plano. Sa ngayon kakalma muna ako at mag-iisip kong paano ko siya lalabanan at lahat gagawin ko para lang sa mag-ina ko. Nang medyo kumalma na ako pumasok ako sa loob para tabihan ang asawa ko sa pagtulog at medyo napagod rin talaga ako sa napakahabang byahe naming dalawa. Hindi ko alam kong anong buhay ang kahihinatnan namin ngayon pero, isa lang ang tanging mahalaga sa akin ay matiyak na maayos at ligtas ang mag-ina ko. Hinalikan ko lang ang labi nito nang mabilisan at yumakap na rin ako dito hanggang sa nakatulog na ako.KINABU
"Maybe, kambal nga yang dinadala mo wifey. Ang mabuti pa magpa check-up tayo sa bayan mamaya para malaman natin ang kalagayan ng baby natin sa loob ng sinapupunan mo. Ano sa palagay mo? Hindi ka na ba nakakaramdam ng pagkahilo o pagsusuka?" sunod sunod na tanong ko sa asawa ko. "Hindi naman na husby. Sige at gusto ko ring malaman kong okay ba ang baby natin sa loob gayong ang dami kong iniisip nitong araw. Hindi lang kasi ako mapalagay at makapaniwala na may mamaril sa bahay natin." sagot nito."Hayaan muna 'yon, ang pulis na ang bahala doon. Ang intindihin mo yang batang daladala mo." sagot ko.Natahimik na ulit ang mag-asawa at walang kaalam alam sa surpresang malalamn nila mamaya. Natapos silang kumain ng agahan at nagpaalam na si Maria sa kan'yang asawa na papanhik na sa itaas para makapag bihis na at maka alis na sila. Medyo malayo rin ang bayan mula sa ancestral house. Nang makaalis si Maria siya namang ligpit ng pinagkainan si Andre. Hindi na kasi niya inaasa pa sa caretaker
"Triplets nga, ano bang nakakagulat dyan." tanong ng doktor sa kanila."Wala naman dok nagulat lang kaming mag-asawa." sagot ni Andre."Well, healthy naman silang lahat sa loob ng sinapupunan mo misis pero, ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan." sagot nito."That's good to hear that, doc." sagot ni Andre. Na masayang masaya na may instant 3 baby agad silang mag-asawa. "Well, I have recommended some healthy tips just to make sure your pregnancy journey will be safe until you deliver them." ani ng doktor na kumausap sa kanilang mag-asawa."Thank you, dok. " sagot nila bago ito lumabas ng pintuan at iwan silang mag-asawa. Nang mapag-isa na sila kinamusta ni Andre ang kalagayan ng kan'yang asawa. "Kamusta ang pakiramdam mo wifey? Ngayong triplets pala ang dinadala mo kailangan mong mas lalo pang mag-ingat." "Okay lang naman ako husby. Alam ko naman 'yon at narinig ko rin lahat. Ang kailangan lang talaga mainom ko lahat ng niresta sa akin ng doktor." sagot niya."Mabuti naman, okay
Five Months later24 News TV Isang negosyanteng nag ngangalang Luanne Cheng ang nasakote ng mga pulisya sa buy bust operation dakong ala una ng madaling araw ng hapon. Ayon sa pulisya nasangkot ang babae sa bentahan ng droga at matagal na ring minamanmanan ang babae. At siya rin ang utak sa pagpapa ulan ng bala sa Mansyon ng mga Laxamana. Ito po si Helena Monterro nag-uulat. Nagulantang ang mag-asawa sa narinig nilang balita. Hindi sila makapaniwala na ang babae ang may pakana sa nangyari sa kanilang Mansyon. "Husby, bakit kaya niya nagawa sa atin 'yon?" tanong nito."Hindi ko rin alam wifey. Ang mas mabuti pa bumalik tayo ng Manila para malaman natin ang totoo." sagot ni Andre."Hindi pa yata ako handang bumalik ng Manila husby. Nawiwili na ako sa lugar na ito tahimik at hindi maalinsangan ang paligid. Siguro pag nakapanganak na lang rin ako." sagot niya."Ikaw bahala wifey ko. Kong anong gusto mo ikaw ang masusunod." sagot naman ni Andre. Medyo napanatag na rin ang loob ni Andre
Nabalitaan na rin ng mag-asawa ang pagkamatay ni Mary. Nalungkot kahit papaano si Maria sa nalaman, dahil naging mabait naman noong bata pa lang si Mary sa kan'ya dangan na lang sa sulsol ng ina nito kaya nakakagawa ito ng hindi maganda sa kan'ya. "Hwag muna siyang paka isipin pa wifey, malapit mo ng isilang ang triplets natin." wika ni Andre."Hmmm! Hindi ko naman siya iniisip no. Ang sa akin lang masyado pa siyang bata para mamatay." sagot naman ni Maria."Mas okay na din 'yon kaysa mang gulo pa siya dito. Alam mo naman na siya ang utak sa pamamaril sa Mansyon. Kaya siguro kamatayan niya ang naging kabayaran sa lahat ng atraso niya." sagot naman ni Andre."Hmmm!" tikhim ni Maria at maya maya lang tatayo sana kaso lang biglang parang nakaramdam siya ng naiihi na siya hanggang sa hindi na niya kinaya at lumabas na ang napakaraming tubig. Nagulat naman ang asawa niya at hindi malaman ang gagawin. Lumapit ito at inalalayan ang asawa niya na naupo. Ilang saglit lang biglang humiyaw si M
It's Graduation day!! Maaga pa lang nasa venue na sina Belle at Angelo at panay kuha na ng picture ng dalawa. Naunang grumaduate si Belle at sumunod naman si Angelo. Syempre kung present si Angelo sa graduation ni Belle ngayon naman present rin si Belle sa mahalagang araw ng kan'yang boyfriend. They are exactly one year Anniversary today, they double celebrate after. Masayang masaya ang magulang ng dalawa at natagumpayan nila ang kanilang pag-aaral. Matapos ang ceremony ganap ng Nurse si Angelo. Magkayakap silang dalawa pagkatapos ng maraming kuhang picture sa bawat isa. Two years Later.. Pumasok na ng public school si Belle pagkapasa niya ng one take Professional Teacher examination. Habang si Angelo naman ay ipinagpatuloy ang residency sa Pilipinas lang. Ayaw niyang malayo kay Belle para may time pa rin naman sila sa bawat isa. At tatlong taon na ring matatag na magkarelasyon. Maraming pagsubok pero, kinaya nilang dalawa. Nagmamahalan at nagsusuportahan sa bawat isa. Pag
Back to Manila Hindi naman kami naging PDA ang dalawa pagbalik ng University. They'll both be busy for the serious stage of their College life. Habang si Belle ay i-a-assign na sa school na magiging OJT niya. Isa itong process na pagdadaanan talaga lahat ng isang EDUC students na katulad niya. FS Teaching na kung saan isang buwan silang magtuturo sa mga bata ng isang subject. Ang University na nila ang makikipag coordinates sa school na papasukan nila. At ito ang unang araw ng pagpasok niya sa school. Makati elementary Public School. Dito hahasain ang galing nila bilang future educators. Sa katulad ni Belle na always on the go at game sa mga pagsubok alam niyang kakayanin niya ito. While Angelo naman ipapadala ng University nila sa isang public hospital at magiging trainee. Isa naman itong stage process para sa kagaya niyang Nurse. Magkaiba man ang kanilang napiling propesyon hindi naman ito naging hadlang para abutin nila ang kani kanilang pangarap. Mabilis lang naman lumipas
Masayang masaya si Angelo at finally sinagot na nga siya ni Belle. After how many months official nang mag inrelationship ang dalawa. Sa Boracay lang pala matutupad ang pangarap nilang dalawa. He made a perfect proposal for Belle but he didn't know what Belle's plan was that night. Nasa dalampasigan sila at nakaupo sa malaking tipak na bato. Habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa paligid nila. Hawak ni Angelo ang kamay niya habang panay kwento naman si Belle dito. "You know what Angelo, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang tayo na. Ang dami na nating pinagdaanan. Pero, sana naman maging smooth ang relasyong meron tayo. Alam ko naman na mahirap ang course mo at course ko kaya hindi malayong mangyari na magkaroon nang problema." wika ni Belle at punong puno ng agam ang kanyang puso. Pinisili ni Angelo ang kanyang kamay. "Nothing ti worry about, Belle or should I say my wifey." wika nito. Natigilan ng bahagya ito sa sinabi ng kan'yang boyfriend. "What did you call me, wi
Kinabukasan walang kamalay malay si Belle sa surpresang inihanda ni Angelo sa kan'ya pero, mukhang si Angelo pa yata ang masusurpresa sa sasabihin ni Belle sa kan'ya. Abala si Angelo kakakausap sa mga tauhang uutusan niya para sa surpresa niyang inihanda dito mamayang gabi. Habang sina Belle, Sol at Apollo naman ay magkakasama na namamasyal. Nag dahilan kasi si Angelo na tinatawag na siya ng kalikasan kaya nauna siyang umalis. Walang kamalay malay si Belle sa mangyayari mamaya pero, sina Sol at Apollo alam ang mangyayari. Nasabihan na rin naman silang dalawa ni Angelo kung ano ang kanilang partipasyon para sa surpresa niya. Pasado alas dos na ng hapon ng matapos si Angelo sa pakikipag usap. He want to be perfect and memorable for Belle ang gabing ito. Sinalubong ni Angelo ang tatlo na parang wala lang. He act of dedma talaga ang effect nito para hindi makahalata man lang si Belle. "Oh! Nakabalik na pala kayo Kuya, Ate at Belle. Sorry kung hindi na ako nakasunod, hindi pa rin
Kanina pa hinahanap ni Sol at Apollo ang dalawa at malapit na ang kanilang departure. Hindi silw pwedeng malate kaya nagpasya ang dalawa na maghiwalay muna para mahanap nila ng mabilis ang dalawa. Nagtungo sa labas si Apollo habang si Sol naman ay nanatili sa loob ng aiport at nagbabakasakali na nar'yan ang dalawa sa gilid gilid lamang. Habang abala ang dalawa sa pamimitas ng mga bulaklak, hindi naman nila namalayan ang oras. Kaya nagulat sila ng marinig ang sumisigaw na boses ng kuya Apollo ni Angelo. "Si kuya Apollo ba 'yon?" tanong ni Belle ng marinig niya ang boses nito. "Hindi yata at isa pa alam naman nilang lalabas tayo." sagot niya na hindi alintana ang oras. Nang makalapit ito sa kanila. Agad nila itong binati at kinamusta. Kung ano bang binili nila sa department store kanina. "Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap at malapit na ang ating departure." ani niya. "Hala, sorry kuya Apollo. Nabusy kasi kaming dalawa ni Belle, hindi namin napansin
Tuloy tuloy pa rin ang panliligaw niya kay Belle at mas naging masigasig si Angelo para patunayan rito kung gaano niya kamahal si Belle. Katulad ngayon katatapos lang ng exam nila at malapit na naman ang bakasyon. Pero, napag kasunduan nila na mamasyal na lang para mas makilala pa ang isa't-isa kasama nila syempre ang magkasintahang Sol at Apollo. Nasa airport na sina Belle At Sol habang ang magkuya naman na Apollo at Angelo ay parating na rin. Medyo na traffic lang sila ng kaunting oras gawa ng nagcommute kasi sila at hindi nagpahatid sa driver. Ayaw kasi ni Apollo na magpahatid sa driver pa nila at sanay siyang nagko commute araw-araw. Napansin niya rin kasi na mas enjoy siya kapag nagko commute. Medyo nabobored na rin si Belle kakahintay sa kanila kaya naman nagtungo muna ito sa star caffe para mag order ng coffee latte. Sumunod na man si Sol sa kan'yang kapatid. Naabutan niyang nagsisimula na nga itong mag-order ng coffee. "Belle, isang cappuccino sa akin. Pakisabay na la
Naging madali College life for Belle and Angelo lalo na't iisang school lang naman ang kanilang pinapasukan. Nang nalaman nila na ang isa't-isa ang hinahanap mas lalo pa silang naging malapit sa bawat isa hanggang sa nanligaw na nga si Angelo kay Belle. Ngayon ang araw nang pagpapaalam niya sa kaibigan. Habang nasa Mall sila at nag-iikot na dalawa. Sinama kasi siya ni Belle at may bibilhin raw na project kaya naman naka kuha na rin ng tyempo si Angelo para magtapat ng kan'yang tunay na nararamdaman sa kaibigan na kan'yang minamahal. Nang matapos silang makapamili nag-aya muna si Belle na mag food park sila at nanawa na raw siya kakain sa mga fastfood kaya naisipan niya na kumain sa park. Niyakag niya si Angelo palabas ng Mall at nagtungo sila sa park kung saan maraming tindang mura ay abot kayang presyo ng masa ang mga pagkain roon. Merong mga street foods like fishball, kikiam at marami pang iba. May mga inihaw rin, sa malamig kapag mauhaw ka naman. Kumpleto ang lahat at hin
Pagpasok ni Belle mukha ng ate niya na parang nag uusisa ang bumungad sa kan'ya. "Akala ko ba iiwasan mo na? Akala ko ba--" "Ssssh! Ate halika maupo tayo may ikukwento ako sayo." wika niya sabay hila ng kamay nito patungo sa mahabang sofa ng kanilang sala. "Bakit, ano ba 'yon?" balik niyang tanong rito. "Remember yong batang chubz na nakwento ko sayo na matagal ko ng hinahanap." sagot niya. "Oh! Ano namang meron roon? Ang tagal na hindi mo pa rin nakakalimutan ang batang 'yon." sagot ng kan'yang ate. "Paano ko siya makakalimutan ate, e, palagi ko pala siyang nakikita at nakakasama." sagot ko. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito na naguguluhan na sa sinasabi ng kan'yang kapatid. "Kasi ate sa maniwala ka man o hindi si chubz at Angelo at iisa." sagot ni Belle. Napahawak ng kamay si Sol sa kan'yang narinig at mas lalong hindi niya lubos maisip na iisang tao lang ang dalawa. Napaka small world nga naman kung ganon. "Talaga ba? Paano mong nalaman?" excited na ta
Hindi pa rin makapaniwala sina Belle at Angelo sa napaka gandang plot twist ng mga buhay nila. Sino bang mag-aakala na parehas silang naghahanap sa isa't-isa, at ang nakakatawa pa nga ay matagal na pala nilang nahanap ang bawat isa. "Angelo, hindi ako makapaniwala na ikaw at si chubz ay iisa. Ang laki kasi ng pinagbago mo, hindi ka na chubby ngayon kagaya ng dati." sagot naman ni Belle. "Medyo nag reduce talaga ako at sakitin ako noong bata pa lang hehehe. Anyway, ikaw rin hindi ka na curly masyado ngayon." biro pa ni Angelo. "Oo! Kailangan sa modeling at commercial kasi." sagot ni Belle. At sa lahat dito niya lang sinabi ang tungkol doon. "Talaga ba, Belle? Kaya pala ang galing mo noong events. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit ikaw ang nanalo. You did a great fight that day. Sobrang na impress mo lahat ng judges roon." sagot ni Angelo at kuntodo papuri kay Belle. "Hindi naman, marami rin naman na magaling sa akin." sagot ni Belle. "Marami nga pero, ikaw talaga ang