*****RAIN***** HINDI NIYA gustong sabihin kina Jack at Jan ang problema niya dahil alam niyang may magka-ibang komento ang dalawa tungkol doon, although may sense naman minsan ang mga talak nila. But knowing Jan— she's a fan of her Sir Art. For sure she will just defend him in any way she could do, bubulagin siya nito sa mga ideyang baka kailangan niya nang talikuran, so she would understand better that three years is a different story... And about Jack, she hates Art whether she admits it or not. Lumala 'yun nang malaman nito ang ginawang pag-aalok sa kaniya ni Art ng pera ng ina nito para iwanan siya ni Rain noon. Rain explained it to her very well, that he only did that to push her away from his then dangerous life. But Jack is Jack, and she'll think what she wants to think and feel what she wants to feel. Pagkatapos no'n ay hindi nabago ang judgement nito kay Art, at alam ni Rain na lalasunin pa ng mga paranoid ideas nitong lalo ang utak niya para tuluyan na nga niyang layuan si
*****RAIN***** "YOU ARE crying," bintang ni Jan nang hilahin siya nitong bigla. Mabilis na umiling si Rain at nagkubli. "Hindi, just sleepy." But Jan never let go ofher arm, humigpit pa ang kapit nito roon na halos ma-piga siya. "Sleepy? Kakagising mo lang! Tell me, what's wrong?" "Wala ngang mali, Jan!" singhal niya't sinubukang makawala. "So, ba't ka umiiyak? Bakit ka nagsinungaling kay Sir Art na matutulog ka na? Bakit noong isang araw ko pa nakikitang lumaladlad 'yang lungkot sa mga mata mo? If nothing's wrong—" "Okay, you're right! Something's wrong! very wrong! Tama ang observation mo, may mali nga sa akin." Umalpas ang emosyong kinimkim niya, umirap siya kay Jan nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Damn! She doesn't need this kind of scene right now! Rain feels too vulnerable to bite her sobs. "Tell me..." Mas marahan na ang tinig nito, puno 'yun ng pag-aalala at awa para sa kaniya. Mas lalo siyang naiirita. "Vent out." "Para ano? Para updated ka na naman
*****RAIN***** NGUMUSO SI Rain at hindi niya alam ang sasabihin, sumandal siya sa pader tsaka dinirekta sa malayo ang mga mata. "Not yet convinced?" "Part of me is not, and the other part is kind of thinking about your idea," she said in doubt. "Then, let's work on the other part para maging buo na ang paniniwala mo," masigla nitong wika. She threw a sharp look, she could sense something bad about her idea. "Like how?" "Let's play their game," Jan uttered in a creepy voice, and swear Rain could see deviltry from her eyes while her brows were wiggling. "Play them as to how they played you." She only smirked at her idea, that's kind of interesting... she's been feeling so down these past few days, too jealous that no amount of explanation could ease her chest. Nagpasko pa siyang brokenhearted at halos isulat na niya sa bucket list niyang hindi na niya guguluhin si Art kung sakaling si Kim na nga ang laman ng puso nito. Imagine what she's been through, it's no joke! Their prank is
"Kayo na ba ni Art?" panimula ni Nate na mas ikinagulat lalo ni Rain. "Boyfriend mo na ba siya?" Namilog ang mga mata ni Rain dahil doon, she thinks that asking Clive to stay is a huge mistake. Nate is not in his good mentality, he's out of his mind to talk about this matter. Na-alog ba dahil sa aksidente? "Rain, kayo na ba ni Art?" he sounded like a jealous boyfriend right in her front, the muscles of his face are hardening. His expression is starting to piss her off. "Sumagot ka, please." "H-hindi at wala kana roon, Nate—" "Good!" Huh? What does he mean by that? "Because that assh*le is just playing on you, Rain," mariin nitong akusa. "Nakita ko siyang may kasamang ibang babae kahapon, susugurin ko nga sana dahil sa inis, e." Napapikit-pikit siya nang maisip kung ano ang tinutukoy ni Nate sa kaniyang mga inilalahad, so he's mad because Art is with someone yesterday? He's angry because he thinks, Art's just playing with her? Is that it? "What? Magsalita ka!" Kung maka-utos na
"WELL, age doesn't matter when it comes to love, Art... Only heart desire does." "Kahit na nasa early thirties na 'yung taong 'yun?" he bargained once more. "At may wrinkles na?" "Kahit na nasa late thirties pa, early forty or fifty. Basta sa love, walang makaka-pigil." He tilted his head. "Maghihintay ka?" "Naman!" "If that's the case, then I'm in trouble. I need to make my plans faster," bulong-bulong niya sa kaniyang sarili. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Rain. "And what plan is that?" Kinunutan lang niya ito ng noo, kapagkuwan ay bumaling siya sa malayo. "Just forget about it—" "Ano ngang plano, Art?" He took a deep breath and released it with... "you will soon know about it." "Ba't hindi pa ngayon na lang?" He just smirked like a jerk, it pisses her more. He straightened his back and then turned to her mother's grave, "Tita Reina, si Rain po ina-away na naman ako." He then raised his gaze on her; Rain threw a sharp glare at him, now she's annoyed... Mukhang handa
*****RAIN***** PAREHONG NILINGON nina Art at Rain ang malayong playground sa gilid ng malaking bahay. Kita nila roon ang ilang maliliit na batang nagtatakbuhan patungo sa kanila ni Art, sinulyapan ito ni Rain sa kaniyang tabi at mabilis na nahuli ang hindi masusukat na ngiti sa mga mata nito at labi— he's too happy to see them. Who are they anyway? Relatives? Sa pagmamadaling sumalubong kay Art ay may isang batang babae ang natalisod at kaagad lumarga sa lupa, humakbang si Rain para daluhan ito ngunit nahinto siya nang lampasan ng nagmamadaling si Art. She watched him half-running towards the little girl, he scooped her gently and said words she can't hear. Afterward, the little girl calmed down and smile. The other kids surrounded them too happily, they were cheering and making noises. Niyakap ng ilan sa Art, habang ang karga nitong batang babae ay humalik sa kaniyang pisngi. Dinig ni Rain ang pagtawa ng binata habang palapit siya, lumuhod din siya nang kaunti para i-check iyong b
NANG PUMASOK sila sa pinakalooban ng kumbento kanina ay na-pansin ni Rain ang larawan ni Doc. Dionne roon sa pader na gawa sa kahoy, he's undeniably handsome too. Olinares are not just intelligent they have faces too, and this gorgeous woman in front of her is one of the proofs. "Rainzel Andrada." She shook Sheen's hand and smiled. "But Rain would do." Nagtaas itong bigla ng kilay tsaka mas lumawak ang ngiti. "Oh, Rain! So, it's you?" Hindi nito makapaniwalang sinulyapan si Mother Becky sa kaniyang tabi. "You are Arthur's —" "Friend, Sheen," agap na pagtaklob ni Mother Becky sa sasabihin sana nito. "Don't embarrass him more, magkaibigan lang sila." "Ohh!" She bit her lower lip and then eyed them over an abashed face. "I-I'm so sorry, I just thought... anyway, it's still nice to meet you, Rain. You're so pretty." "Thanks, I find the same thing to you." Nagliwanag lalo ang mukha nito. "Woah! You've got a sweet tongue, sweetheart." Pekeng umubo si Mother Becky sa kanila kaya't napu
BAHAGYANG na-papitlag si Rain sa gulat at napa-dilat nang lumapat ang mainit na kamay ni Art sa binte niya, nag-squat ang binata bago nito ipinatong sa kaniyang kandungan ang binte ni Rain. She's so uncomfortable with their position right now, but she's afraid to trigger him more. "Do you have a band-aid on your bag or anything?" he asked in a dull voice. He touched something on her leg and it felt a slight stung. "You are bleeding." She saw blood down her knee, it's swelling too. Ngayon niya na lang naramdaman nang ipakita ni Art ang malaking gas-gas sa kaniyang kaliwang tuhod, hindi naman masyadong masakit ngunit may kalakihan iyon. "Wala, e." "Handkerchief, then?" "Tissue lang, puwede na ba 'yun?" "It won't do, Rain." He frustratedly shook his head, hindi nito binitiwan ang binte niya. Kapagkuwan ay dumilat ito, nagliwanag ang mukha niya at sumilay roon ang ngisi na nakaka-sira ng ulo. Muli ay simple nitong hinawakan ang laylayan ng kaniyang skirt. Ang akala ni Rain ay aayus
"ANG PAG-IBIG kapag tunay handang magtiis, handang magsakripisyo, handang magbigay, handang humamak gaya ng nasa mga pelikula't nobela..." "Hindi lang ito tungkol sa ngiti kapag masaya, tungkol din ito sa ngiti kung mayroong pighati. Sa luha kapag na sa'yo siya tuwing mahirap ang sitwasyon at hawak ang kamay mo hanggang sa muling pagsikat ng umaga sa mundong ginagalawan ninyo." Ngumiting pareho sina Art at Rain habang nakikinig sa kay Wind na naroon sa stage at nagpe-perfom para sa spoken poetry nila sa paaralan for their school's annual event para sa celebration ng buwan ng wika. Nagpatuloy ito roon at bawat salitang binibitiwan nito ay walang ibang sumasagi sa isip ni Art kun'di ang babaeng nasa kaniyang tabi ngayon, naka-ngiti at tutok din ang mga mata sa stage. The love story they have might look the typical one that started with unexpected friendship at first, and as they go along the way many hindrances; pain and tears attacked them which causes their almost parting. But thank
JUST A few minutes after all the lights turned on. Nagliwanag sa paligid, kasabay ng malakas na palakpakan at mga confetti na sabay-sabay na nagputukan. She knew it, hindi lang sila ang naroroon! Hindi na muna umahon si Rain sa dibdib ni Art dahil akala niya ay mga employee lang ng building ang nasa paligid. Subalit nang marinig niya ang mga kantyaw ni Jan ay agad niya itong sinilip, tumagos ang mga mata ni Rain sa mga kakilalang nasa tabi nito. Ang papa niya, kapatid, maski si Tita Tin ay maluha-luhang pumapalakpak. Their eyes were bloodshot too but thei smiles says everything. Beside them is Art's mother and his brother, Andrew. Naka-yapos ang ginang sa katawan ng anak habang maligayang nanonood sa kanila Present din si Air kasama sina Jack at Nate. Tumakbo naman si Jean sa kanilang dalawa nang magliwanag na nang tuluyan, malambing itong yumakap sa kanilang pareho ni Art at humalik din. "Congrats po, ninang ganda at..." Sinipat nito ang mukha ni Art, she smiled to him and so Art
"ART! Will you please, smile?" Nang hindi ito sumunod ay binibat ni Rain ang labi nito at hinalikan, may munting ngiti namang sumilay roon pero sadyang masama talaga ang loob nito sa kaniyang gagawin. Natatawang inayos ni Rain ang collar ng suit nitong suot, pagkatapos ay panggigigil niyang pinisil ang pisngi nito bago humalakhak. "You should be proud, come on!" Pareho nilang tiningnan ang mga noo'y kalinya nito sa pila andd realized that she was right because Art is the youngest on the line. Well, kung hindi lang naman talaga mapagbiro si Kim ay hindi talaga dapat dooon si Art. Although, hindi rin naman angkop na ihelera ang binata sa mga teenager na pinsan ni Kim at ng asawa nito. "Ikaw ang pinaka-guwapo sa lahat nang naririto..." Ngumiti siya nang may sumulyap na gulat sa mata nito. As if hindi ito aware. "...para sa akin." Dahan-dahang pumatak ang ngisi sa labi nito. "Guwapo lang?" "Hot din, syempre." Pa-simple niyang hinaplos ang abs nito sa ilalim ng suit. "Proven and tes
*****RAIN***** PAGKATAPOS ng dinner ay lumabas na nga ang dalawa sa garden para doon mag-usap at maka-pagsarilinan. Dessert lang din ang tinapos nina Jack at maski sila ay nagpaalam na ring uuwi, pareho silang pagod galing trabaho at anito ay may mga orders pa na i-dedeliver bukas ng umaga. Iniwan niya sina Art at Wind sa sala para ihatid sandali sina Jack. Dumiretso sina Rain sa gate at bago maghiwalay ay humalik pang muli sa kaniya ang inaantok na si Jean. Even Jack gave her another warm hug before settling to her seat. Ibanaba pa nito ang bintana para silipin siya't makapagbilin bago umalis. "Manghingi ka ng singsing, Rain. Para mas kapani-paniwala." Ngumiti lang si Rain at umiling. Lumingon siya sa bahay nila, buti na lang din at inabala na agad ni Wind si Art sa mga katanungan nito sa bago nitong libro. Hindi na siya sumama sa paghatid, hindi niya alam kung dapat pa nitong marinig ang mga kantyaw ni Jack na ganito. "You have to update the world." "We wanted to be private, Ja
*****RAIN***** SA BAHAY, pagkatapos ma-discharge ni Rain sa hospital ay tsaka pa lang naka-dalaw sina Jack at Nate. Both of them have been really busy attending the cafe's different branches, wala si Rain kaya't si Jack ang namahala sa mga orders at ilang deliveries na na-iwan niya bago naganap ang insidente. Nagkaroon din nang kaunting imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ni Jane sa cafe, they helped Art with that and that's why it explains their absence for the following days. Both of them were very sorry, yet bawing-bawi naman lalo't pagkarating ng mga ito ay kasama nila ang napaka-cute na si Jean. She's with a fresh bouquet of flowers and she immediately hand it to her before she showered her with sweet kisses. Ngumiti lang si Rain at mahigpit itong niyakap, humalakhak siya nang hindi iyon matapos-tapos. She started asking her a bit questions about her wounds, she also asked about the bad girl who caused it. "Nasa proper place na po ba siya, ninang?" Nilingon niya si Jack sa
*****RAIN***** "I WON'T LEAVE, unless you will promise me that you will go with me and not leave me again. Could that be? Art, could that be?" Gumapang ang isang kamay niya sa long sleeve ni Art dahilan para lingunin siya nito. Rain shook her head to stop him from doing it, she doesn't want him to make a bad decision... Jane with her mental illness is a really a bad thing, but Jane with a gun is a different story. "Jane, please open your eyes. Talo na tayong dalawa sa laro, our plans fell down." Si Ma'am Ja muli mula sa kaniyang puwesto. "Let Art have his freedom here and now. You should start accepting that he's not the one—" "No! Hindi pa'ko talo, tita. I still have my gun, I still have my power. Hawak ko nga ang mga buhay ninyo, can't you see?" Humalakhak ito, ang luhaan nitong mata ay paikot-ikot sa kanilang tatlo nina Art. "Nasa akin pa rin ang desisyon at kung gustuhin kong patayin kayo ay magagawa ko. Nasa akin ang desisyon!" "Yeah, but I know you won't hurt us. Hindi ka ga
*****RAIN***** "WHATEVER IT IS, aalis pa rin ako dahil 'yun ang makabubuti para sa lahat. You should support me on this, mas makakahinga kayo nang maluwag kapag wala na'ko," pagmamatigas nito. "Yeah, indeed. Pero hindi po ba't mas maiging maayos muna ninyo ang lahat bago kayo lumayo? More than ever, Airish needs you right now. She needs you to explain everything, cheer her up to get back her confidence to face the world again." Ma'am Ja just stared at her in disbelief, na-pipilan ito nang ilang minuto. "Why you're doing this? I've hurt you so much, I almost ruined your life. Pagkakataon mo na para gumanti—" Mabilis na umiling si Rain. "Not my thing, I'm sorry." Sadness glistened from her face. Bumuntong hininga ito at napa-tango. "I see..." "Loosing a mother has been the most painful thing I've ever experienced, at mahal ko si Airish para gustuhing maramdaman niya rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ito tungkol sa akin, tungkol ito sa kaniya at sa nararamdaman niya... I don't
*****RAIN***** PINK ang theme ng party ni Airish kayait isang pink button down dress ang piniling suutin ni Rain, maganda ng pagkaka-yakap nito sa manipis niyang katawan hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod. Rain chose to pair it with a simple t-strap dark sandals, sapat lang ang tatlo nitong pulgadang heels para bigyan siya ng kaunti pang height. She reserved her next ten minutes styling her face and her hair. Pinupulupot niya sa curling iron ang kaniyang buhok nang kumatok ang papa niya sa kaniya silid. Bumukas iyon at ang medyo ligalig nitong mukha ang sumungaw mula roon, binaklas niya ang kulot niyang buhok sa curling iron bago ito nilingon. "Party po ni Airish, pa. You remember?" paalala niya rito, pagbasag sa katahimikang dala ng ama niya. "Ngayon po kasi 'yun, sa cafe ang celebration." "Oh, tanda ko nga. Sayang at hindi kami makakapunta ni Wind dahil mukhang may sakit pa 'yun." "Uminom na po ba ng gamot, pa?" "Pinainom ko na rin..." anito't naroon pa rin ang kung ano sa kan
*****RAIN***** BUMALIK SI Art at ihinatid nito ang damit nilang masusuot ni Airish, anito ay na-tawagan na rin nito ang papa niya para sabihing hindi siya makaka-uwi. Malalim na ang gabi, actually pa-umaga na rin at alam ni Rain na pagod si Art sa mga trabaho nito. They don't have enough energy to discuss over the said matter, ayaw naman niyang pilitin pa itong ipag-drive pa siya para lang makauwi. Nang magka-unawaan sila roon ay nagpaalam na rin ito para sa mga kailangan niyang gawin habang si Rain nama'y sinimulan na rin ang pagpupunas kay Airish at pagpapalit sa dalaga. She struggled a bit changing Airish's clothes, it took her almost an hour because her dark lacey dress is too complicated to remove. Isama pa ang paulit-ulit na pagtataboy nito sa kaniyang kamay sa pag-aakalang siya ang ina nito. Pagkayari sa pagpupunas at pagpapalit ay si Rain naman ang sumuong sa shower at naghugas ng katawan. Masarap sa pakiramdam ang tubig, hindi mainit at hindi rin malamig. Tumingala siya h