*****RAIN***** THERE ARE a lot of tricycles on the line outside, but she is pretty sure it won't do. It's too narrow for five boxes of cakes, ten boxes of cookies and cupcakes plus of course, herself. Baka wala pa roon ay sira na ang mga cakes niya, that can't be. Sayang naman ang efforts at oras kapag nagkataon, panigurado ay hindi rin nila babayaran 'yun kapag masira o kung bayaran man nila ay nakakahiya namang ibigay pa. Those cakes will represent their names and the cafe, they just can't let this problem destroy their growing business. Hindi siya napigil ng matinding sikat ng araw sa labas, nagpatuloy si Rain sa paghahanap ng puweding rentahang sasakyan sa kung saan. Nagtanong-tanong siya sa mga maliliit na grocery store, pati na sa mga hardwares na for sure ay naghahatid ng mga materials sa bahay-bahay. All of them declined her request, kung hindi busy ang mga driver nila ay wala sa garahe ang mga truck. "Jusko! Paano ba ito?" Nagpa-paypay si Rain sa kaniyang sarili habang pa
*****RAIN***** MAUGONG MAN ang tawanan ay hindi pa rin naka-takas kay Rain ang ilang bulungan mula sa mga nurse na halos katabi niya lang sa kaniyang kinatatayuan, hindi niya sila kailangang lingunin pa dahil sa peripheral vision niya ay batid niyang mga nurse ang mga ito base rin sa kanilang white uniforms. "Bagay na bagay talaga ang dalawang iyan," kilig na kilig ang batang nurse na nagkomento no'n. "Kahit walang binanggit si Doc Sevilla sa press conference niya noon tungkol sa third party kaya siya nag-cancel ng kasal doon kay Jane Torres, I'm pretty sure na si Nurse Kim ang dahilan. He seemed cold and dark back then, but we can't deny the fact that he has the eyes for nurse Kim..." "Trooo!" patiling sagot ng isa pa. "Ang cute nilang maging couple. Makulit si nurse Kim at sobrang seryoso naman ni Doc Sevilla, opposite attract." Humagikgik silang pareho kapagkuwan ay nag-apir pa at sabay na nag-cheer sa dalawa sa may stage. Dahil sa matagal na paninitig ni Rain ay hindi na-iwas
*****RAIN***** "SO, PAANO ito? We have two winners here, iisa lang ang prize?" ani nurse Jinky matapos malaman na hinila rin no'ng isang nurse si Kim para i-pantapat sa kaniya. "Magbobotohan ba tayo kung sino ang mas maganda sa dalawa nating binibini rito?" The audience made some noise, it was indistinct but Kim's name reaches her ears. They prefer her to win, they like Kim more than her. Naging malinaw ang sigawan, si Kim ang lumulutang na pangalan pero na-agaw ni Doc. Salvador ang pansin niya nang malakas nitong isigaw ang pangalan ni Rain. He even stood to shout louder, natanaw niya rin doon ang girlfriend nitong humihiyaw para sa kaniya. What a team-up! "No need for voting," ani Kim habang naka-taas pa ang kamay nito. "Alam naman na natin kung sino talaga ang panalo" "What do you mean, Kimmy?" tanong ni nurse Jinky. Ngumiti ito kay Rain nang magtama ang mga mata nilang dalawa, hindi niya 'yun agad nasuklian dahil hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya. "Na-una silang dumatin
*****RAIN***** "BAKIT DITO?" Yakap lang ni Rain ang kaniyang sarili habang pinagmamasdang mabuti ang kabuuan ng condo unit ni Art. Matagal na rin simula nang huli siyang makarating sa lugar, it's been three years. Wala naman masyadong nagbago roon subalit hindi na gaanong tanda ni Rain ang itsura nito kasama ng huling ala-alang mayroon siya sa lugar bago niya ito lisanin. It was bad and cruel, but that proves how courageous she could get for the people she loves. "Let's talk, please." Yes, they have to talk about some things. Hindi lang magawang magtanong ni Rain kanina sa sasakyan dahil pakiramdam niya ay wala naman siyang karapatan. Pero ngayong si Art na ang nag-umpisa, e di go! "Tungkol saan ba?" Kunwaring nalukot ang noo nito. "Tsaka bakit pala umalis kana, hindi pa nga kayo tapos doon—" "Stop the sarcasm, Rain," pagod nitong sabi. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata at malalim na bumuntong-hininga. "I want us to clear some things in here—" Hindi pa nga na-ilalahad ni Ar
*****RAIN***** MABILIS DIN iyong ibinalik ni Rain sa mesa nang marinig niya ang mga yapak ni Art patungo sa kuwarto, hindi nito isinara ang pinto para maririnig niya si Rain kung may kailangan ito kaya naman mabilis lang na naka-pasok ang binata. Lumapit ito sa kaniya dala ang tray ng umuusok na sabaw, mga prutas at juice. Ngumiti si Rain nang lapitan siya ni Art, ibinaba nito sa paanan niya ang tray para alalayan siyang umupo pagkatapos mula sa harapan ay sinikop naman nito ang buhok niya para talian. Habang magkalapit sila, hindi ma-iwasan ni Rain na titigan ang napaka-lambot at nakaka-takam nitong labi. "There," anito pagkatapos. "Better. Now, you should eat before we rest again." "Rest again?" gulat na tanong ni Rain. May kung anong nangislap sa mga mata nito. "What is wrong? Ayaw mong magpahinga? May iba kang gustong gawin?" Nag-init muli ang mukha niya nang may ibang maisip sa tanong ng binata. "Ammm, ang ibig kong sabihin ay gabi na at baka hinahanap na ako ni papa. Kailan
*****ART***** "DAD IS still unconcious, but he is getting fine. Minor bruises lang ang tinamo niya, injured din ang kaniyang kamay at isang binte." "What about his head? Ang sabi sa akin ni Tita Moi it was bleeding as well..." Ilang beses pang humikbi si Arish sa kabilang linya. "Art, tell me the truth, please." "That is the truth, Air. Please, calm down—" "How the hell would I do that?!" She suddenly snapped, halos ilayo niya ang speaker sa kaniyang tainga. "This situation is depressing me already, Art. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para na akong maba-baliw." "I can see that, but please breathe in—" "Art!" lalo pang tumaas ang tinig nito. "Please, I don't need a doctor here. I need you as my brother." "I know, I know..." marahan ang bawat bitaw niya sa mga salita. "But do it for me as you brother. Puwede ba iyon, Air? Let's breathe in and breathe out together, please." It took Airish a quite while to agree with that, but she eventually did. Sa pasimuno niya ay sumabay ito s
*****RAIN***** BASE SA oras na naka-tala sa ilalim ay pitong oras na nang ma-send iyon sa kaniya, habang ang kasunod na no'n ay ang larawang hindi pa rin niya mabuksan dahil mahina ang signal sa lugar o sadya marahil marami lang ang gumagamit. Kalaunan ay dumating si Jan kasama ang orders nila kaya't kaagad niyang pinatay ang cellphone niya pagkatapos ay itinago na 'yun sa kaniyang bag. She sat properly before turning to Jan, the witch is back with her not-so-cute pout again. Ang sarap ding sampalin nitong si Jan! Magpapasko at napaka-badtrip ng timpla. "Itsura mo?" Hinila niya mula rito ang tray at siya na ang nag-ayos ng pagkain nila sa table. "Naaasar ako roon sa sinundan ko-- napaka-tagal mag-order. Akala mo kanila itong lugar," sambulat nito. "Ano ka ba? Gano'n talaga, 'no!" Napa-irap na siya rito dahil sa kababawan ng ikina-iinis niya. "Nahuli ka sa kanila kaya't maghihintay kang talaga." Imbes sumagot ay dumirekta ang matalim nitong titig sa kung saan, sinundan 'yun ni Rai
*****ART***** ART VISITED Rain when he finally get a time for himself, nagpaalam siya sa kaniyang Tita Moi na may gagawin lang sandali at ito muna ang magbabantay sa tulog pa rin niyang daddy. Hindi na muna siya dumaan sa Sevilla's Corp. dahil mas importanteng makita niya ang dalaga bago pa magpatong-patong na naman ang mga trabaho niya. It's just that he didn't get to see her when he reached their house and even the cafe, half day lang daw ang operation dahil Christmas eve na mamaya at si Rain naman ay nag-grocery sa mall. Knowing about that, he never waste any minute anymore, he immediately drove off to the nearby supermarket to find them. Naglalakad siya sa loob ay panay ang tawag niya sa numero ng dalaga, medyo mahina ang signal sa loob kaya naman kalaunan ay ibinaba na lang niya ang kaniyang telepono at mas nag-focus sa paghahanap kina Rain. Nasabi sa kaniya ng papa nito ang kulay ng damit ni Rain, mas nag-focus siya sa mga naka-purple ng dress sapaligid. Palinga-linga siya sa
"ANG PAG-IBIG kapag tunay handang magtiis, handang magsakripisyo, handang magbigay, handang humamak gaya ng nasa mga pelikula't nobela..." "Hindi lang ito tungkol sa ngiti kapag masaya, tungkol din ito sa ngiti kung mayroong pighati. Sa luha kapag na sa'yo siya tuwing mahirap ang sitwasyon at hawak ang kamay mo hanggang sa muling pagsikat ng umaga sa mundong ginagalawan ninyo." Ngumiting pareho sina Art at Rain habang nakikinig sa kay Wind na naroon sa stage at nagpe-perfom para sa spoken poetry nila sa paaralan for their school's annual event para sa celebration ng buwan ng wika. Nagpatuloy ito roon at bawat salitang binibitiwan nito ay walang ibang sumasagi sa isip ni Art kun'di ang babaeng nasa kaniyang tabi ngayon, naka-ngiti at tutok din ang mga mata sa stage. The love story they have might look the typical one that started with unexpected friendship at first, and as they go along the way many hindrances; pain and tears attacked them which causes their almost parting. But thank
JUST A few minutes after all the lights turned on. Nagliwanag sa paligid, kasabay ng malakas na palakpakan at mga confetti na sabay-sabay na nagputukan. She knew it, hindi lang sila ang naroroon! Hindi na muna umahon si Rain sa dibdib ni Art dahil akala niya ay mga employee lang ng building ang nasa paligid. Subalit nang marinig niya ang mga kantyaw ni Jan ay agad niya itong sinilip, tumagos ang mga mata ni Rain sa mga kakilalang nasa tabi nito. Ang papa niya, kapatid, maski si Tita Tin ay maluha-luhang pumapalakpak. Their eyes were bloodshot too but thei smiles says everything. Beside them is Art's mother and his brother, Andrew. Naka-yapos ang ginang sa katawan ng anak habang maligayang nanonood sa kanila Present din si Air kasama sina Jack at Nate. Tumakbo naman si Jean sa kanilang dalawa nang magliwanag na nang tuluyan, malambing itong yumakap sa kanilang pareho ni Art at humalik din. "Congrats po, ninang ganda at..." Sinipat nito ang mukha ni Art, she smiled to him and so Art
"ART! Will you please, smile?" Nang hindi ito sumunod ay binibat ni Rain ang labi nito at hinalikan, may munting ngiti namang sumilay roon pero sadyang masama talaga ang loob nito sa kaniyang gagawin. Natatawang inayos ni Rain ang collar ng suit nitong suot, pagkatapos ay panggigigil niyang pinisil ang pisngi nito bago humalakhak. "You should be proud, come on!" Pareho nilang tiningnan ang mga noo'y kalinya nito sa pila andd realized that she was right because Art is the youngest on the line. Well, kung hindi lang naman talaga mapagbiro si Kim ay hindi talaga dapat dooon si Art. Although, hindi rin naman angkop na ihelera ang binata sa mga teenager na pinsan ni Kim at ng asawa nito. "Ikaw ang pinaka-guwapo sa lahat nang naririto..." Ngumiti siya nang may sumulyap na gulat sa mata nito. As if hindi ito aware. "...para sa akin." Dahan-dahang pumatak ang ngisi sa labi nito. "Guwapo lang?" "Hot din, syempre." Pa-simple niyang hinaplos ang abs nito sa ilalim ng suit. "Proven and tes
*****RAIN***** PAGKATAPOS ng dinner ay lumabas na nga ang dalawa sa garden para doon mag-usap at maka-pagsarilinan. Dessert lang din ang tinapos nina Jack at maski sila ay nagpaalam na ring uuwi, pareho silang pagod galing trabaho at anito ay may mga orders pa na i-dedeliver bukas ng umaga. Iniwan niya sina Art at Wind sa sala para ihatid sandali sina Jack. Dumiretso sina Rain sa gate at bago maghiwalay ay humalik pang muli sa kaniya ang inaantok na si Jean. Even Jack gave her another warm hug before settling to her seat. Ibanaba pa nito ang bintana para silipin siya't makapagbilin bago umalis. "Manghingi ka ng singsing, Rain. Para mas kapani-paniwala." Ngumiti lang si Rain at umiling. Lumingon siya sa bahay nila, buti na lang din at inabala na agad ni Wind si Art sa mga katanungan nito sa bago nitong libro. Hindi na siya sumama sa paghatid, hindi niya alam kung dapat pa nitong marinig ang mga kantyaw ni Jack na ganito. "You have to update the world." "We wanted to be private, Ja
*****RAIN***** SA BAHAY, pagkatapos ma-discharge ni Rain sa hospital ay tsaka pa lang naka-dalaw sina Jack at Nate. Both of them have been really busy attending the cafe's different branches, wala si Rain kaya't si Jack ang namahala sa mga orders at ilang deliveries na na-iwan niya bago naganap ang insidente. Nagkaroon din nang kaunting imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ni Jane sa cafe, they helped Art with that and that's why it explains their absence for the following days. Both of them were very sorry, yet bawing-bawi naman lalo't pagkarating ng mga ito ay kasama nila ang napaka-cute na si Jean. She's with a fresh bouquet of flowers and she immediately hand it to her before she showered her with sweet kisses. Ngumiti lang si Rain at mahigpit itong niyakap, humalakhak siya nang hindi iyon matapos-tapos. She started asking her a bit questions about her wounds, she also asked about the bad girl who caused it. "Nasa proper place na po ba siya, ninang?" Nilingon niya si Jack sa
*****RAIN***** "I WON'T LEAVE, unless you will promise me that you will go with me and not leave me again. Could that be? Art, could that be?" Gumapang ang isang kamay niya sa long sleeve ni Art dahilan para lingunin siya nito. Rain shook her head to stop him from doing it, she doesn't want him to make a bad decision... Jane with her mental illness is a really a bad thing, but Jane with a gun is a different story. "Jane, please open your eyes. Talo na tayong dalawa sa laro, our plans fell down." Si Ma'am Ja muli mula sa kaniyang puwesto. "Let Art have his freedom here and now. You should start accepting that he's not the one—" "No! Hindi pa'ko talo, tita. I still have my gun, I still have my power. Hawak ko nga ang mga buhay ninyo, can't you see?" Humalakhak ito, ang luhaan nitong mata ay paikot-ikot sa kanilang tatlo nina Art. "Nasa akin pa rin ang desisyon at kung gustuhin kong patayin kayo ay magagawa ko. Nasa akin ang desisyon!" "Yeah, but I know you won't hurt us. Hindi ka ga
*****RAIN***** "WHATEVER IT IS, aalis pa rin ako dahil 'yun ang makabubuti para sa lahat. You should support me on this, mas makakahinga kayo nang maluwag kapag wala na'ko," pagmamatigas nito. "Yeah, indeed. Pero hindi po ba't mas maiging maayos muna ninyo ang lahat bago kayo lumayo? More than ever, Airish needs you right now. She needs you to explain everything, cheer her up to get back her confidence to face the world again." Ma'am Ja just stared at her in disbelief, na-pipilan ito nang ilang minuto. "Why you're doing this? I've hurt you so much, I almost ruined your life. Pagkakataon mo na para gumanti—" Mabilis na umiling si Rain. "Not my thing, I'm sorry." Sadness glistened from her face. Bumuntong hininga ito at napa-tango. "I see..." "Loosing a mother has been the most painful thing I've ever experienced, at mahal ko si Airish para gustuhing maramdaman niya rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ito tungkol sa akin, tungkol ito sa kaniya at sa nararamdaman niya... I don't
*****RAIN***** PINK ang theme ng party ni Airish kayait isang pink button down dress ang piniling suutin ni Rain, maganda ng pagkaka-yakap nito sa manipis niyang katawan hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod. Rain chose to pair it with a simple t-strap dark sandals, sapat lang ang tatlo nitong pulgadang heels para bigyan siya ng kaunti pang height. She reserved her next ten minutes styling her face and her hair. Pinupulupot niya sa curling iron ang kaniyang buhok nang kumatok ang papa niya sa kaniya silid. Bumukas iyon at ang medyo ligalig nitong mukha ang sumungaw mula roon, binaklas niya ang kulot niyang buhok sa curling iron bago ito nilingon. "Party po ni Airish, pa. You remember?" paalala niya rito, pagbasag sa katahimikang dala ng ama niya. "Ngayon po kasi 'yun, sa cafe ang celebration." "Oh, tanda ko nga. Sayang at hindi kami makakapunta ni Wind dahil mukhang may sakit pa 'yun." "Uminom na po ba ng gamot, pa?" "Pinainom ko na rin..." anito't naroon pa rin ang kung ano sa kan
*****RAIN***** BUMALIK SI Art at ihinatid nito ang damit nilang masusuot ni Airish, anito ay na-tawagan na rin nito ang papa niya para sabihing hindi siya makaka-uwi. Malalim na ang gabi, actually pa-umaga na rin at alam ni Rain na pagod si Art sa mga trabaho nito. They don't have enough energy to discuss over the said matter, ayaw naman niyang pilitin pa itong ipag-drive pa siya para lang makauwi. Nang magka-unawaan sila roon ay nagpaalam na rin ito para sa mga kailangan niyang gawin habang si Rain nama'y sinimulan na rin ang pagpupunas kay Airish at pagpapalit sa dalaga. She struggled a bit changing Airish's clothes, it took her almost an hour because her dark lacey dress is too complicated to remove. Isama pa ang paulit-ulit na pagtataboy nito sa kaniyang kamay sa pag-aakalang siya ang ina nito. Pagkayari sa pagpupunas at pagpapalit ay si Rain naman ang sumuong sa shower at naghugas ng katawan. Masarap sa pakiramdam ang tubig, hindi mainit at hindi rin malamig. Tumingala siya h