*****RAIN***** KAKATAPOS AYUSIN ni Rain ang mga gamit niya isang araw nang wala siyang abutan sa kanilang kusina, may pasok pa kasi si Wind at gano'n din naman ang kaniyang papa. May trabaho rin sina Jan at Tita Tin kaya naman wala talagang makakasama si Rain sa kanilang bahay. Sinubukan niyang aliwin sa maganda nilang garden ang kaniyang sarili, naglinis siya sandali roon at nagdilig din. Kalaunan ay umupo na lang siya at doon tumambay habang nag-e-scroll sa kaniyang cellphone. Balak niya sanang tawagan ang kaniyang mga kaibigan sa America, subalit napa-nguso si Rain nang makitang si Jake lang ang may palatandaang bukas ang linya. Jake? No way! Aasarin lang siya nito panigurado at walang sense lang ang sasabihin ng binata. She's about to close her phone when his profile picture suddenly pop up on her screen, he's trying to connect on her. "Miss. A!" She heard three or more blended voices from her speaker as she answered Jake's calling. Ilang sandali pa'y lumabas na sa screen sina
*****RAIN***** MAS LUMAWAK pa ang matamis na ngiti ni Rain nang mahanap niya mula sa kaniyang likuran ang kaniyang kaibigan na kalalabas lang sa isang silid. "You came," mangha nitong salubong kay Rain. "Hindi ka man lang nagpasabi, sana nakapaghanda kami ng red carpet sa labas at musiko. Darating pala ang big boss." Matalim na umirap si Rain dito dahil sa mga pinagsasabi ng kaniyang kaibigan, lalo pa nang mapansin ang mga matang naagaw nila dahil sa ingay ng baliw na si Jackie. "Hindi ko alam na nag-e-stay ka pala," sagot ni Rain. Hindi pa rin siya tapos sa paninitig sa kabuuan ng lugar. "Ang akala ko ay mga staff lang ang aabutan ko." "Well, madalas ako rito kapag ganitong ma-tao." Jackie clung her right arm on her left, she pulled Rain towards the cozy settee on the corner. "Pero buti at na-isipan mong pumunta ngayon, kumusta ang vacation? Hindi ka naman umitim, nag-swimming kaba o nagkulong lang sa hotel?" "Syempre nag-swimming, beach 'yun Jack." Pabiro siyang nag-ikot ng mat
*****RAIN***** INILAAN NI Rain ang sunod niyang mga araw sa pag-familiarize sa iba't ibang mga gawain sa loob ng cafe. Nate sent her all the copies of their supplier's name; naka-encode roon ang schedule ng pagdating ng mga orders at kung kailan dapat mag-order ng kanilang stocks. Every after ng inventory 'yun ginagawa, twice ang inventory sa isang linggo para mas sigurado at sina Jack at Billy ang may papel sa parteng iyon. They make sure that the inventory is well-managed so that they will be able to monitor each of their supplies and estimated demands for respective products carefully, upang nang sa gano'n ay hindi magkaroon ng sobra-sobrang orders o kaya naman ay kabaliktaran. Since nag-uumpisa pa lang sila ay kailangang monitored ang lahat para rin ma-kontrol nang mabuti ang lumalabas na pera sa cafe para sa mga ingredients at iba pang gastusin gaya ng maintenance sa mga machines o iba pang kagamitan. Nate said; it's not necessary to memorize everything like a periodical exam
*****RAIN***** NANG MATAPOS sila ni Jack sa lunch ay tsaka naman dumating si Nate na galing sa Manila at naghatid ang mga pastries doon na sila ni Wind ang umayos last night. Nagliwanag ang mukha ni Rain nang makita si Jean sa kaniyang purple dress at braided hair, mabilis itong tumakbo sa direksyon nila. Naglahad si Rain ng braso rito kaya naman imbes kay Jack ay sa kaniya ito dumiretso. "Seriously, Jean? Sinong nanay mo?" ani Jack nang tumayo sa gilid nila at pumamewang pa. Dumiretso naman sa kaniya si Nate at ito ang yumakap dito at humalik sa pisngi niya. "Buti pa ang papa mo, alam kung sino ang yayakapin. Pero kapag ito ang dumiretso kay Rain—" "Jack!" She immediately glared at her friend, pasalamat ito at walang mapulot si Rain na maaaring ibato sa kaniyang kaibigan. Si Nate ay pabirong sinakal siya habang malakas itong humalakhak, may mga napalingon pa sa banda nila Rain dahil sa eskandalosa nitong bibig. She doesn't know when they will get this over, para bang kadikit na ni
*****RAIN***** GUMAGABI NA at nanatili si Rain sa maliit na balkonahe ng kanilang bahay sa second-floor kung saan may maliit na round table at stool, sa harap niya'y ang kaniyang laptop at ang dilim na lumulukob sa kapaligiran. She was done reviewing Jack's inventory last week when her eyes found their way to her Tita Nikka's house just a few meters away from them. Kapansin-pansing mas mataas na ang bahay nila ngayon kumpara kina Andrew at 'di hamak na mas maganda, ngunit bukod sa pagkukumpara ay na-isip niya ring hindi pa nga pala siya dumadalaw sa kanila sa loob ng dalawang linggo simula nang maka-balik siya. Maliban kay Andrew ay kaibigan na rin ng pamilya nila ang mama nito "Sinisilip mo ba si Art?" Mabilis siyang napa-lingon sa kadarating niyang papa—he's still in his office uniform. His face screams stress but the way he smiles concealed it all. "Si Art lang ba ang puwede kong silipin mula rito?" Ngumiti siya at umiling dito, muli niyang nilahad sa labasan ang mga mata niya.
*****RAIN***** SA HILERA ng mga pasyenteng naka-admit sa hospital ay nahanap ni Rain ang papa niyang nag-iisa sa higaan nito, he is conscious now and half-lying over his white hospital bed. His eyes were directed at the small television installed above the wall across him. Bahagyang nabawasan ang pag-aalala ni Rain pero naroon pa rin kaya hindi niya malaman ang itsura ng kaniyang mukha habang tumatakbo siya palapit dito. "Pa..." aniya sa nanginginig na tinig, mabilis siyang umuklo para yakapin nang mahigpit ang ama niya at suriin ang kalagayan nito. "Ano pong nangyari? Nawalan ka raw ng malay? Okay ka naman kaninang umaga, sana kung hindi na maganda ang pakiramdam mo ay hindi kana—" "Rain," saway nito sa kaniya at iginala sa mga pasyenteng naroroon na naka-tingin na pala sa kanila ang mga mata nito. He chuckled like there is something funny. "Daig mo pa ang lola mo kung makatalak sa akin. Ayos na ako, anak." "At may gana ka pang mang-asar sa akin, papa." Umirap siya pagkatapos ay m
*****ART***** ART WAS looking for Kim to ask for something, absent kasi ito ng ilang araw kaya naman hindi sila nakapag-usap matapos ang nakita niya noon sa gilid ng highway. At nang bumalik naman ito ay naging abala kaagad sa kaniyang trabaho, naghintay si Art hanggang breaktime para maka-usap ang dalaga but he found someone running somewhere. Hindi siya puweding magkamali, si Rain iyon! Kaya naman hinabol niya rin ang dalaga, and there he found her talking to Brent... "Oh! Art my man." Humalakhak si Brent nang matanawan siya ng kaniyang kaibigan. "Ang lakas din ng pang-amoy mo, 'no? How did you find us?" "None of your business, Brent," he answered in a deep baritone voice. "Just do your next task now and let us have our time." "Woah! We're not yet done talking here, excuse me! Wait for your time, alright." Mapang-asar itong kumindat kay Rain tsaka muling ibinalik ang seryosong mukha na parang importante pa rin ang huli nilang pinag-uusapan kanina. "So, Rain you were saying..."
*****RAIN***** "I'M SORRY," iyon lang ang na-sabi ni Rain bago niya tinalikuran si Art at mabilis na naglakad pabalik sa sasakyan nito. Bigla na lang bumigat ang pakiramdam niya sa nangyari. This is not what she thinks that will happen on their first meeting after years. Damn! Diretso ang lakad niya roon sa may bandang front seat, tumunog ito nang alisin ni Art ang lock. Bubuksan na sana niya ang pinto nang higitin nitong bigla ang kamay niya at walang kahirap-hirap nitong ipinako ang mga braso niya roon sa bintana. "W-what?" She doesn't know what to say? nor what to do? Rain is suddenly hyperventilating even though they were already outside the restaurant. He closed the tiny gap between their faces, her knees felt buckling as his fresh breath tickles her skin. She doesn't wanna anticipate a kiss from him but with their faces' distance and the way his breath smells like, she felt like her f*cked up system wants to initiate it. Talaga ba, Rain? "Why can't you just accept my mon
"ANG PAG-IBIG kapag tunay handang magtiis, handang magsakripisyo, handang magbigay, handang humamak gaya ng nasa mga pelikula't nobela..." "Hindi lang ito tungkol sa ngiti kapag masaya, tungkol din ito sa ngiti kung mayroong pighati. Sa luha kapag na sa'yo siya tuwing mahirap ang sitwasyon at hawak ang kamay mo hanggang sa muling pagsikat ng umaga sa mundong ginagalawan ninyo." Ngumiting pareho sina Art at Rain habang nakikinig sa kay Wind na naroon sa stage at nagpe-perfom para sa spoken poetry nila sa paaralan for their school's annual event para sa celebration ng buwan ng wika. Nagpatuloy ito roon at bawat salitang binibitiwan nito ay walang ibang sumasagi sa isip ni Art kun'di ang babaeng nasa kaniyang tabi ngayon, naka-ngiti at tutok din ang mga mata sa stage. The love story they have might look the typical one that started with unexpected friendship at first, and as they go along the way many hindrances; pain and tears attacked them which causes their almost parting. But thank
JUST A few minutes after all the lights turned on. Nagliwanag sa paligid, kasabay ng malakas na palakpakan at mga confetti na sabay-sabay na nagputukan. She knew it, hindi lang sila ang naroroon! Hindi na muna umahon si Rain sa dibdib ni Art dahil akala niya ay mga employee lang ng building ang nasa paligid. Subalit nang marinig niya ang mga kantyaw ni Jan ay agad niya itong sinilip, tumagos ang mga mata ni Rain sa mga kakilalang nasa tabi nito. Ang papa niya, kapatid, maski si Tita Tin ay maluha-luhang pumapalakpak. Their eyes were bloodshot too but thei smiles says everything. Beside them is Art's mother and his brother, Andrew. Naka-yapos ang ginang sa katawan ng anak habang maligayang nanonood sa kanila Present din si Air kasama sina Jack at Nate. Tumakbo naman si Jean sa kanilang dalawa nang magliwanag na nang tuluyan, malambing itong yumakap sa kanilang pareho ni Art at humalik din. "Congrats po, ninang ganda at..." Sinipat nito ang mukha ni Art, she smiled to him and so Art
"ART! Will you please, smile?" Nang hindi ito sumunod ay binibat ni Rain ang labi nito at hinalikan, may munting ngiti namang sumilay roon pero sadyang masama talaga ang loob nito sa kaniyang gagawin. Natatawang inayos ni Rain ang collar ng suit nitong suot, pagkatapos ay panggigigil niyang pinisil ang pisngi nito bago humalakhak. "You should be proud, come on!" Pareho nilang tiningnan ang mga noo'y kalinya nito sa pila andd realized that she was right because Art is the youngest on the line. Well, kung hindi lang naman talaga mapagbiro si Kim ay hindi talaga dapat dooon si Art. Although, hindi rin naman angkop na ihelera ang binata sa mga teenager na pinsan ni Kim at ng asawa nito. "Ikaw ang pinaka-guwapo sa lahat nang naririto..." Ngumiti siya nang may sumulyap na gulat sa mata nito. As if hindi ito aware. "...para sa akin." Dahan-dahang pumatak ang ngisi sa labi nito. "Guwapo lang?" "Hot din, syempre." Pa-simple niyang hinaplos ang abs nito sa ilalim ng suit. "Proven and tes
*****RAIN***** PAGKATAPOS ng dinner ay lumabas na nga ang dalawa sa garden para doon mag-usap at maka-pagsarilinan. Dessert lang din ang tinapos nina Jack at maski sila ay nagpaalam na ring uuwi, pareho silang pagod galing trabaho at anito ay may mga orders pa na i-dedeliver bukas ng umaga. Iniwan niya sina Art at Wind sa sala para ihatid sandali sina Jack. Dumiretso sina Rain sa gate at bago maghiwalay ay humalik pang muli sa kaniya ang inaantok na si Jean. Even Jack gave her another warm hug before settling to her seat. Ibanaba pa nito ang bintana para silipin siya't makapagbilin bago umalis. "Manghingi ka ng singsing, Rain. Para mas kapani-paniwala." Ngumiti lang si Rain at umiling. Lumingon siya sa bahay nila, buti na lang din at inabala na agad ni Wind si Art sa mga katanungan nito sa bago nitong libro. Hindi na siya sumama sa paghatid, hindi niya alam kung dapat pa nitong marinig ang mga kantyaw ni Jack na ganito. "You have to update the world." "We wanted to be private, Ja
*****RAIN***** SA BAHAY, pagkatapos ma-discharge ni Rain sa hospital ay tsaka pa lang naka-dalaw sina Jack at Nate. Both of them have been really busy attending the cafe's different branches, wala si Rain kaya't si Jack ang namahala sa mga orders at ilang deliveries na na-iwan niya bago naganap ang insidente. Nagkaroon din nang kaunting imbestigasyon sa nangyaring pamamaril ni Jane sa cafe, they helped Art with that and that's why it explains their absence for the following days. Both of them were very sorry, yet bawing-bawi naman lalo't pagkarating ng mga ito ay kasama nila ang napaka-cute na si Jean. She's with a fresh bouquet of flowers and she immediately hand it to her before she showered her with sweet kisses. Ngumiti lang si Rain at mahigpit itong niyakap, humalakhak siya nang hindi iyon matapos-tapos. She started asking her a bit questions about her wounds, she also asked about the bad girl who caused it. "Nasa proper place na po ba siya, ninang?" Nilingon niya si Jack sa
*****RAIN***** "I WON'T LEAVE, unless you will promise me that you will go with me and not leave me again. Could that be? Art, could that be?" Gumapang ang isang kamay niya sa long sleeve ni Art dahilan para lingunin siya nito. Rain shook her head to stop him from doing it, she doesn't want him to make a bad decision... Jane with her mental illness is a really a bad thing, but Jane with a gun is a different story. "Jane, please open your eyes. Talo na tayong dalawa sa laro, our plans fell down." Si Ma'am Ja muli mula sa kaniyang puwesto. "Let Art have his freedom here and now. You should start accepting that he's not the one—" "No! Hindi pa'ko talo, tita. I still have my gun, I still have my power. Hawak ko nga ang mga buhay ninyo, can't you see?" Humalakhak ito, ang luhaan nitong mata ay paikot-ikot sa kanilang tatlo nina Art. "Nasa akin pa rin ang desisyon at kung gustuhin kong patayin kayo ay magagawa ko. Nasa akin ang desisyon!" "Yeah, but I know you won't hurt us. Hindi ka ga
*****RAIN***** "WHATEVER IT IS, aalis pa rin ako dahil 'yun ang makabubuti para sa lahat. You should support me on this, mas makakahinga kayo nang maluwag kapag wala na'ko," pagmamatigas nito. "Yeah, indeed. Pero hindi po ba't mas maiging maayos muna ninyo ang lahat bago kayo lumayo? More than ever, Airish needs you right now. She needs you to explain everything, cheer her up to get back her confidence to face the world again." Ma'am Ja just stared at her in disbelief, na-pipilan ito nang ilang minuto. "Why you're doing this? I've hurt you so much, I almost ruined your life. Pagkakataon mo na para gumanti—" Mabilis na umiling si Rain. "Not my thing, I'm sorry." Sadness glistened from her face. Bumuntong hininga ito at napa-tango. "I see..." "Loosing a mother has been the most painful thing I've ever experienced, at mahal ko si Airish para gustuhing maramdaman niya rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ito tungkol sa akin, tungkol ito sa kaniya at sa nararamdaman niya... I don't
*****RAIN***** PINK ang theme ng party ni Airish kayait isang pink button down dress ang piniling suutin ni Rain, maganda ng pagkaka-yakap nito sa manipis niyang katawan hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod. Rain chose to pair it with a simple t-strap dark sandals, sapat lang ang tatlo nitong pulgadang heels para bigyan siya ng kaunti pang height. She reserved her next ten minutes styling her face and her hair. Pinupulupot niya sa curling iron ang kaniyang buhok nang kumatok ang papa niya sa kaniya silid. Bumukas iyon at ang medyo ligalig nitong mukha ang sumungaw mula roon, binaklas niya ang kulot niyang buhok sa curling iron bago ito nilingon. "Party po ni Airish, pa. You remember?" paalala niya rito, pagbasag sa katahimikang dala ng ama niya. "Ngayon po kasi 'yun, sa cafe ang celebration." "Oh, tanda ko nga. Sayang at hindi kami makakapunta ni Wind dahil mukhang may sakit pa 'yun." "Uminom na po ba ng gamot, pa?" "Pinainom ko na rin..." anito't naroon pa rin ang kung ano sa kan
*****RAIN***** BUMALIK SI Art at ihinatid nito ang damit nilang masusuot ni Airish, anito ay na-tawagan na rin nito ang papa niya para sabihing hindi siya makaka-uwi. Malalim na ang gabi, actually pa-umaga na rin at alam ni Rain na pagod si Art sa mga trabaho nito. They don't have enough energy to discuss over the said matter, ayaw naman niyang pilitin pa itong ipag-drive pa siya para lang makauwi. Nang magka-unawaan sila roon ay nagpaalam na rin ito para sa mga kailangan niyang gawin habang si Rain nama'y sinimulan na rin ang pagpupunas kay Airish at pagpapalit sa dalaga. She struggled a bit changing Airish's clothes, it took her almost an hour because her dark lacey dress is too complicated to remove. Isama pa ang paulit-ulit na pagtataboy nito sa kaniyang kamay sa pag-aakalang siya ang ina nito. Pagkayari sa pagpupunas at pagpapalit ay si Rain naman ang sumuong sa shower at naghugas ng katawan. Masarap sa pakiramdam ang tubig, hindi mainit at hindi rin malamig. Tumingala siya h