Kinabukasan, maagang nagising si Ira. Pero mas maagang nagising ang asawa niya para ipagluto siya ng almusal.
Matamis na nginitian niya ang asawang si Thunder nang lingunin siya.
"Good morning, Misis ko." Lumapit ito at dumukwang para humalik sa pisngi niya.
"Morning din. Matulog ka kaya ulit, ako ng bahala dito," suhestiyon niya dito.
"Okay lang ako, Misis. Gusto kitang ipagluto, eh." Naglakad ito pabalik ng kalan at hinarap ang niluluto.
"Maraming salamat talaga, Thunder,"
"Misis naman, responsibilidad ko ito, eh," anito.
"Alam ko, thankful lang talaga ako." Deep inside, may kung
De ja vu!Iginala ni Ira ang paningin sa buong paligid. Ang hotel, cabins at ibang tanawin... Parang pamilyar.Pakiramdam niya nakapunta na siya dito. Ilang beses pa niyang ikinurap ang mga mata. Narito pa rin siya, kung saan siya nakatayo kanina. Hindi siya nananaginip.Hindi niya maihakbang ang mga paa. Parang napako siya sa kinatatayuan.Nahawak siya sa ulo nang biglang kumirot iyon. Kumapit siya sa pintuan ng sasakyan. Buti na lang nauna na ang mag-ama sa kan'ya. Kung hindi, baka dagdag alalahanin pa siya sa mga ito. Susunod na lang siya kapag okay na ang pakiramdam niya.Nakakahalata na siya. Napapadalas ang pagsakit niyon. Baka dala na ito ng amnesia niya.
Kagaya ng pangako niya kay Kiarra. Pagkatapos nilang kumain. Inaya niya itong maligo sa dagat. Tuwang-tuwa naman ito. Pinagbihis niya ito ng damit pampaligo.Dahil wala naman siyang dalang pampaligo. Nag-shorts at spaghetti top lang siya. Gabi naman kaya okay lang.Binuhat niya si Kiarra hanggang makarating sila ng aplaya. Hindi sumama ang boss niya kaya natuwa siya. Tatlo lang sila ng yaya nito ang narito ngayon. Hindi siya maiilang.Inalalayan niya lang ang bata sa paglalangoy. Nasa mababaw lang sila. Hanggang beywang lang ni Kiarra ang tubig. Nagpakitang gilas ito sa kan'ya. Lumayo ito sa kan'ya na butterfly stroke ang ginawa. Bumalik naman itong freestyle ang gamit. Pinalakpakan niya ito. Hindi niya akalaing magaling pala ito. Nagpaligsahan pa sila nito sa paglangoy. Sinadya niyang magpatalo dito kaya tuwang-tuwa ito. Si Yaya naman ang taga-cheer ni Kiarra.Masayang-masaya siya kapag nakikita itong tumatawa. Iba rin ang hatid ni Kiar
Masuyong siyang hinalikan sa labi ng boss bago hinugot nito ang sarili sa kaniya.Parehas na silang nakahiga sa buhangin. Nakatingin lang siya sa kawalan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Naibigay niya ang sarili sa boss. Samantalang, ang asawa niya hindi niya mapagbigyan.Anong magagawa niya kung puso at ang katawan niya ang kusang bumigay niyon?Napahilamos siya ng mukha kapagkuwan.Napatingin siya sa boss. Nakatunghay na pala ito sa kan'ya. Hindi ito kumukurap kaya tinampal niya ang mata nito."Naiilang ako. 'Wag mo nga akong titigan," saad niya."Mahal mo ba talaga ang asawa mo? Paano kapag sinabi kong iwan mo siya, at sumam
Pagkapasok ni Ira sa bahay nito, mabilis na pinaharurot ni Astin ang sasakyan. Namalayan na lang niya ang sarili na nasa harap ng Spotlight.Tinawagan niya muna si Ian. Hindi ito sumasagot. Kaya, si Lexxie ang tinawagan niya, na kaagad din namang binigay nito kay Ian.Ngayon lang ulit siya hihingi ng tulong sa kaibigan. Hindi na rin siya active sa agency nito simula ng mawala ang asawang si Laura.Nahihiya siyang tumawag sa Daddy Sebastian niya. Baka makakarating na naman sa magulang niya ang pinaggagawa niya. Kailangan niya muna ng kasiguruhan, bago ipaalam sa mga ito.Ang daming gumugulo sa isipan niya ngayon. He was so darn attracted to Ira. Hindi sa mukha nito kundi sa buong pagkatao nito. Mukha lang ang tanging pinagkaiba nito sa asawa niya. Binabaliw siya ng natural na amoy ni Ira. Bihira lang magwisik ng pabango ang asawa niya noon, kaya, kabisadong-kabisado niya ang amoy nito. Walang pinagkaiba.Gusto niyang bigyan ng pag-asa ang sarili. Gu
Natigilan siya sa paghakbang nang makita ang loob ng condo ng boss. Ilang beses pa niyang kinapa ang dibdib. Pakiramdam niya ilang beses na siyang nakapasok dito. Pamilyar sa kaniya. Naguguluhan na siya sa sarili. Saan ba niya nakita ito? Sa panaginip niya? Isa ba ito sa mga building na nakikita niya?Napako ang tingin niya sa malaking frame na nakasabit sa malapad na pader ng condo ng boss. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang asawa nito. Hindi niya magawang kumurap habang nakatitig sa mukha ng babae. Sinuyod pa niya ang kabuuhan nito. Mata at shape ng labi nila ay iisa. Wala sa sariling hinaplos niya ang malaking litrato na iyon.Napatigil siya paghaplos nang pumailanlang awitin ni'Lionel Richie naThe Only One'.May kung anong kabog sa dibdib niya.Nilingon niya ang boss na noo'y nakatingin sa kan'ya. Hawak nito ang remote control. Nilakasan nito ang volume saka dahan-dahang lumapit sa kan'ya.Ba
Panay ang tingin ni Ira sa pintuan ng opisina ng boss niya. Tanghali na pero hindi man lang siya nito tinawag para magpatimpla ng kape.Isang linggo ng malamig ang pakikitungo ni Astin sa kan'ya. Hindi na siya nito kinausap pagkatapos ng huling tagpo nila sa condo nito.Ilang araw na niyang pilit na inaalala ang kahat. Kung sino ba talaga siya. Pero nauuwi lang sa sakit ng ulo niya.Itinuon niya sarili sa mesa niya at sinimulan ang dapat simulan.Tatayo sana siya para kunin ang prinint sa printer nang marinig ang pamilyar na tinig ng bata. Nakaramdam ng tuwa ang puso niya. Ilang araw na niyang hindi ito nakikita. Gustong-gusto niya itong makita. Kung siya nga si Laura, gusto niyang bumawi dito.Nakangiting tumayo siya at bumaling sa pintuan. Pero napalis ang ngiti niya nang makitang nakakapit ito sa magandang babae. Magkausap ang dalawa habang naglalakad. Mukhang masaya si Kiarra na kausap ang kasama nito.Tumitig siya dito. Ang ganda ng ngi
Biglang naitulak ni Ira si Astin nang bumukas ang elevator. Hiyang-hiya siya dahil muntik na silang makita ng mga pasakay. Napaka-agresibo nito, sunggab ng sunggab. Pinauna nilang makalabas ang huling mga sumakay ng elevator bago humakbang palabas. Nasa parking area na sila ng mga sandaling iyon. "Astin, please. Nasa taas pa ang mag-ama ko," may gigil na sabi niya habang pilit pa ring tinatanggal ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kan'ya. Tiningnan siya nito ng masama bago binuksan nito ang sasakyan. "Pasok." Utos nito Hindi siya natinag kaya binuhat siya nito at sapilitang ipinasok sa sasakyan nito. "Astin ano ba!" Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. Pero wala lang dito. Naipasok siya nito sa shotgun seat ng walang kahirap-hirap. "'Wag mo akong subukan, Ira." Banta nito habang isinusuot ang seatbelt sa kan'ya. "Ano bang kasalanan ko, at bakit mo ako ginaganito?" Hindi siya nito sinagot. Bagkos, pabalya nitong isin
"May parating akong mahalagang document ngayon, pakilapag sa mesa, please." Napalingon siya sa boss. Kasalukuyan siyang nag-xerox noon. "Noted po," aniya at binalikan ang ginagawa. Paalis ito ngayon dahil may appointment ito. Hindi nga nagtagal, may dumating na malaking envelope. May box din. Kaagad na tinungo niya ang opisina nito. Hindi niya mabuksan kaya bumalik siya sa mesa niya at itinabi iyon. Hiramin na lang niya mamaya ang susi kay Ms. Andrea. Baka nai-lock ng boss ng 'di sinasadya. Hihintayin na lang niya siguro ang pagbalik nito. Hindi na bumalik si Astin kaya itinabi niya ang file at ang box. Katabi iyon ng mga nilalagyan niya ng mga pending. Ang dami niyang ginawa ng
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.