Will try to update again later! Sorry, kakatapos ko lang maging blood donor! Happy reading!
=Lumi’s Point Of View= Hindi ko siya pinapansin kahit pa nasa iisang kwarto kaming dalawa. I don’t think he’s trying to talk to me. Next day, I was very quiet even though we’re both at the living room of his mansion. It was big, the couch and sofa’s are long and spacious. He was sitting on the other side and he was glancing every time I made a move. Hanggang sa bigla siyang tumayo sa harapan ko. “How about our beach date?” he asked. Natignan ko siya ng matagal bago ako tumayo. “Invite mo si Juliette baka gusto ka kasama, kasi ako wala akong gana.” Tumaas ang kilay niya sa sagot ko. “Ayoko siyang kasama,” paglilinaw niya. “Ayaw rin kitang kasama,” salubong na kilay kong sumbat at kinuha na ang cellphone ko upang iwan siya sa living room. Ngunit hinuli niya kaagad ang pulsuhan ko dahilan para tingalain ko siya at tignan ng masungit ang kanyang berdeng mata. “What???” “Don’t be like this,” he demanded. If he would please me, I’d get swayed. “No.” Seryoso ko siyang tini
Pagkauwi ko ay sinalubong at hinarap ako ni Piere. “Lumi, what the hell? Can’t you talk to me and make some sense? Stop acting like a child, damn it!” Iniiwas ko ang braso sa kanya at ibinaba ang bag ko sa kung saan tsaka ako dumeretso sa closet. “Lumi..” Nauubusang pasensys niyang habol. “Magbibihis ako, labas!” iritableng bulyaw ko. “Tsk!” singhal niya at inis na sinunod ako. Nang matapos ay lumabas ako at hinarap siya. “Ask manang to clean my room, doon na ako mags-stay simula ngayon.” Mariing sabi ko na ikinatigil niya. “Lumi naman, ang lala mo naman?” nanlulumo niyang sabi at sinubukan akong harapin. “Ako pa malala? Ako ba ‘tong nagpapahalik sa iba?” sumbat ko. Naitikom niya ang bibig at pinaglaro ang dila sa loob ng kanyang pisngi. “H-Hindi ko nga ginusto ‘yon, ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala kang hindi ko ginusto ‘yon.” Mariing sabi niya at bumuntong hininga. Napahilamos siya ng mukha ngunit nanatili akong nakatitig sa kanya. “Kaya binantaan mo ‘ko
=Lumi’s Point Of View= “What are you saying, Piere? Why brought up the vows we took when we got married?” naiiritang sumbat ko kasabay ng pagkuyom ng kamao upang ibalis doon ang sama ng loob. “Don’t live another day if it’s for somebody else,” sabi ni Piere, natigilan ako nang lumapit siya at haplusin ang pisngi ko. “Stop playing with my feelings Piere,” galit na sabi ko at tatalikuran sana siya ngunit pinigilan niya ang braso ko. “Fine. Let me concede defeat,” sobrang kalmado niya iyong sinabi dahilan para mangunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako ngunit bahagyang umawang ang labi ko nang halíkan niya ako. Itutulak ko sana siya upang umiwas tingin natigilan ako nang sa bewang ko humapit ang kanyang braso at marahan ang paghalik niya. Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang sarili kong tumugon. But his lips were too soft and too sweet for me, maybe it’s because of the food he ate? Or the mouthwash? Nang humiwalay siya ay dahan-dahan akong nagmulat. “P-Para saan ‘yon?”
I wore a blue silk dress that was bought by Piere, kumpletong kumpleto. He even bought me a set of jewelry. It’s a blue ruby. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin sa lobby while waiting for Piere to arrive as I was early. While staring at myself, I don’t have any idea if I suit this type of clothes. At exactly 10 AM, nagulat ako nang may humawak sa dalawang balikat ko habang tinititigan ko ang sarili sa salamin. Napatitig ako kay Piere mula sa salamin, nakatayo siya sa likuran ko at kitang-kita agad ang kanyang katangkaran kahit pa may taas ang wedge na suot ko. “You look really beautiful, Lumi.” Biglang sabi niya habang manghang mangha na nakatitig sa akin. Hinarap ko siya at tsaka ako huminga ng malalim. “W-What’s this for?” mahinang tanong ko. “Hmm? Nothing. Let’s go?” anyaya niya at hinawakan ang kamay ko. Napatitig ako ng matagal doon at napasunod na lang sa kanya. Sobrang gwapo niya rin ngayon lalo na sa suot niyang slacks at puti na longsleeve buttons up. Idagdag
Pauwi na kami ngayon sa city, parehas na maganda ang ngiti sa mga labi. Habang nakasakay sa malaking van ay naramdaman ko ang pasimple niyang pag-abot sa kamay ko na nakapatong sa aking kandungan. Mahina kong nakagat ang ibabang labi upang pigilin ang malaking ngiti. May driver naman siya at may divider rin kung kaya’t hindi kami tanaw. Bahagya ko siyang nilingon na nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan, nakapikit rin siya pero hindi niya bininitiwan ang kamay ko. “Sit beside me, Lumi..” sobrang hinang suhestyon niya ngunit ang mga upuan sa amin ay tingin ko hindi kami magkakasyang dalawa. “I can’t,” senyas ko pa at sinulyapan ang upuan sa likod na malaki kaso baka tumilapon kami kapag pinilit lumipat. “Let’s just wait until we get home, malapit naman na,” ngiting sabi ko. Parang bata na humaba ang nguso niya ay pinaghawak ng maigi ang mga palad namin. *** “Babe coffee ba?” bungad ko kay Piere pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin, busy kasi siya sa dami ng workloads sa
=Lumi’s Point Of View= “Babe!” Halos mapalingon ako sa kung saan nang marinig ang tawag ni Piere habang nasa kumpanya kami. Nangunot ang noo ko dahil ang daming tao and he’s being very showy! Nilapitan ko siya kaagad at hinila pabalik sa opisina niya. “Piere! Sobra ka naman, pati in public?” singhal ko at nakapamewang siyang hinarap. “Babe naman.. It’s babe, not Piere,” nagtatampo niyang sabi at parang batang pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. “Okay, babe. Sige.. Pero don’t be too much, baka isumpa na tayo ng mga single niyan,” usal ko at kinalmahan ang pakikipag-usap sa kanya. “Well.. I’m just telling the world how much I’m in love with you. You can’t blame me, it’s my first time loving someone and it’s you,” mahabang sabi niya at inakbayan ako. “Can we skip the work day? I want to date you,” ngiting dagdag pa niya kaya napangiti ako. “Pwede naman mamaya pagtapos ng work natin, para hindi sagabal ang relasyon natin.” “Pero gusto ko na ngayon babe, pl
Wala sa sarili akong umuwi dahil wala pa naman si Piere sa bahay. Nahawakan ko ang tyan at napaupo na lamang sa sulok ng kama. ‘A-Ano na lang gagawin ko?’ *** Makalipas ang isang linggo ay tulala ako sa ospital habang hawak ang resulta ng biopsy na hindi ko magawang balikan nang nakaraan dahil sa labis na takot. ‘Stomach cancer stage 2’ “Ikaw missis, anony plano mo? Keep the baby and delay the chemo?” Napatitig ako sa doctor sa kanyang winika. “H-Hindi ko po k-kayang p-patayin ang sariling anak ko d-doc..” mahinang sabi ko. “Okay, then let’s keep you and the baby until you give birth. Your baby is holding on, so don’t lose hope..” pagpapagaan nito sa loob ko. “What about your husband? He should be here para may kasama ka,” sabi nito. “H-Hindi ko pa p-po nasasabi,” nahihiyang sabi ko na labis nitong ikinatigil. “Ang mga ganitong bagay hindi dapat tinatago, missis.. Mas mabuti kung may kadama ka palagi,” kalmadong sabi nito kaya labis akong nanlumo. ‘H-Hindi pwede..
Matapos makausap ang mommy ni Piere ay labis akong naapektuhan. Alam nito ang kundisyon ko ngunit nauunawaan niya rin na sobrang hina ni Piere ngayon dahil sa balita. Pinakiusap ko na hayaan niyang ako ang magsabi sa tamang oras. Hanggang sa isang gabi ay mahimbing na ang tulog ni Piere ngunit sobrang sumakit ang tyan ko. Maingat at maagap akong pumunta sa banyo at pagkapasok ay napaupo ako ng marahan sa carpet at tahimik na ininda ang sakit. Halos maiyak ako at manghina ngunit hindi ako maaring uminom ng gamot. Halos trenta minuto ako sa banyo at nang kumalma ang tyan ko ay hinang hina akong tumayo. Pagkalabas ko ay natigilan ako nang nakaupo si Piere sa kama. “B-Babe, okay ka lang?” tanong niya at nagmamadali akong nilapitan. Pilit na pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya. “Oo n-naman.. Ang dami k-ko kasi nakain kanina ayon ang dami kong inilabas na sama ng loob,” idinaan ko pa ito sa biro upang hindi niya mahalata. Matipid siyang ngumiti at natawa kaya naman nang mahiga
=Avelina’s Point Of View= A week later… Dahil sa mga hints ni Eren at mas ninenerbyos ako sa tuwing nasa paligid siya. Para bang may gagawin o sasabihin na naman siyang bago at hindi ko inaasahan. Pagkauwi ko ng bahay ay madilim na sa labas, pagkapasok ko ng penthouse ay natanaw ko kaagad si Eren na nakaupo sa sala kaharap ang laptop niya. “I’m home,” bati ko. Napalingon siya at tumango, abala sa pagtipa ng kanyang laptop. “Did you eat?” tanong niya habang hindi nakatingin sa akin. “Mm, with my friends…” “That’s good. Because I already did with my parents,” kwento niya. “Shower lang ako,” paalam ko. Tango lamang ang ibinigay niyang sagot kaya naman pumasok na ako sa kwarto at nilinisan ang sarili ko. Matapos mag-shower ay lumabas akong basa pa ang buhok. Sinulyapan ko siya na abala sa pagtitipa pa rin sa kanyang laptop. Nang mapansin niya ako ay mabilis akong umiwas tingin lalo na nang lumingon ang berdeng mata niya na batid kong nakuha niya sa ama niya. “Avi,” I he
=Avelina’s Point Of View= “Naging literal na sandal ah,” natatawang sabi ko sa kanya. “Ah…” mahinang tugon niya at tumawa ngunit napalunok ako nang abutin niya ang kamay ko at hawakan iyon sa ibabaw ng kanyang hita. ‘Luhhhh?!’ “This is how I lean on someone, that’s why I’m not used to it,” he whispered lowly before chuckling. Napangiti ako at hindi ko maitanggi na ang kiliti sa puso ko ay mas lumala. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumigil ang mundo nang hawakan niya ang kamay ko. Para bang gusto kong magtanong, pero natatakot akong malaman ang sagot. Tinitigan ko siya, pero abala siya sa pagtitig sa aming magkahawak na mga kamay, parang wala siyang balak bitawan ito. “Eren…” mahina kong tawag, pero parang wala siyang naririnig. Tumayo siya bigla, hawak pa rin ang kamay ko, at hinila ako papunta sa balcony. Napatigil ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa labas. Tila nagising ako mula sa tulirong pakiramdam kanina. “Ano na naman ’to?” tanong ko, pilit na ina
=Avelina’s Point Of View= I stayed by his side hanggang sa maging stable si Lysèe. “M-Maupo ka muna while your parents are on their way,” mahinahon na sabi ko kay Eren at hinawalan siya sa braso at iniupo sa tabi ko. Tulala niya akong sinunod. Hindi inaalis ang tingin kay Lysèe. Para siyang na-trauma. Namumutla rin ang mukha niya at punong puno ng dugo ang damit at katawan niya. Bumuntong hininga ako. Galing kasi sa ibang bansa ang parents niya dahil sa business trip. Nang mailipat si Lysèe sa pribadong kwarto ay nagising na si Lysèe. “J-Just w-why did you do that huh?” Mariing tanong ni Eren at tila maluha-luha ang mga mata. “K-Kuya,” mahinang tawag ni Lysèe at doon ay sunod-sunod na siyang umiyak. “I’m asking you! What’s happening huh?” gitil ni Eren at halatang pinipigilan ang galit. “I-I’m so tired, I’m so t-tired…” umiiyak na bulong ni Lysèe at nakakahawa ang iyak niya dahilan para umiwas tingin ako. Lalo na nang yakapin siya ni Eren at patahanin. It was so emotion
=Avelina’s Point Of View= I really had fun with him. Parang kumpletong kumpleto ang araw ko sa mga simpleng tawa at ngiti niya. Sa pagod kakakuha ng litrato ay parehas kaming bumagsak sa kama. Hinarap niya ang laptop at ako naman ay nag-edit ng pictures. Nakadapa ako sa kama habang siya ay nakasandal ang likod sa headboard at prenteng tumitipa sa kanyang latest na laptop. “How’s business?” kalmadong tanong ko while playing with the filters. “Good. Doing great and smooth,” tugon niya. “Pinag-isipan mo na ba yung alok ko na trabaho?” “Mm, kahit ano. Ayos lang. Basta kumikita. Dad won’t let me in on his company. Wala siyang tiwala sa isang gastador na tulad ko,” mahinang sabi ko at tumawa. Napansin ko ang pagsulyap ni Eren sa akin kaya tinignan ko rin siya. “Oh baka wala ka na ring tiwala sa akin?” natatawang biro ko pa at sinagi ang hita niyang nasa gilid ko lang. “Hindi naman. But I can train you in handling company, since we’re husband and wife. Para naman may katulong
=Avelina’s Point Of View= “Let’s go shopping,” sabi bigla ni Erem. Mapabangon ako sa kama at mabilis na pumasok sa closet at kinuha ang damit na nadala ko sa maleta tsaka mabilis na lumabas. “Tara?” anyaya ko agad. “Bilis ah?” he chuckled. “Syempre! Ikaw na nag-insist no’n eh,” ngising sagot ko at inunahan ang daan. Sa pagsunod niya ay nagawa niyang sabayan ang excited na yabag ng paa ko. Habang papunta kami sa magagandang bilihan rito ay nagkusa na siyang kumuha ng basket at sinundan ako. “Uy bagay sa’yo ‘to! Kunin natin!” angil ko at inilagay ‘yon sa hawak niyang basket. Halos ang daming bagay sa kanya na masusuot dito at hindi ko mapigilan ang sariling pormahan siya. Para kasi siyang model, halos lahat bagay at maganda tignan lalo na sa physique niya. Habang tumitingin ay natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kanya. “Stop picking something for me, Avi. Choose something for yourself too,” seryosong sabi niya magkalapat ang mapupulang labi dah
=Avelina’s Point Of View= [Sa Resort] Pagdating namin sa isang mamahaling resort na may pribadong villa, napalunok ako sa laki ng lugar. Ang buong paligid ay parang postcard na binuhay. May infinity pool, mga punong nakapalibot sa villa, at ang dagat na hindi kalayuan. “E-Eren… this is too much,” mahina kong sabi habang nakatingin sa paligid. “Hmm. This is just the standard,” sagot niya, tila walang epekto sa kanya ang engrandeng lugar na ito. Pumasok kami sa loob ng villa, at lalo lang akong natulala. Ang loob ay moderno at elegante, mula sa mga chandelier hanggang sa napakalambot na sofa. Ang kama sa kwarto ay napakalaki, at tila ba ang bawat detalye ay iniisip para sa karangyaan. Habang abala si Eren sa pagseset ng mga gamit niya, ako naman ay napaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matutuwa o maiilang. “Avelina, tara. Let’s eat dinner,” tawag niya mula sa terrace na may perfect view ng dagat. Sa Dinner Tahimik ang paligid habang kumakain kami ng masarap na st
=Avelina’s Point Of View= Makalipas ang isang linggo. Tahimik naman ang naging buhay namin ni Eren, prenteng trabaho ang inatupag niya at ako naman ay naghahanap ng maaring pasukan sa trabaho. Hanggang sa tumayo siya bigla sa harapan ko. “How about you work for me?” taas kilay na sabi niya kaya naman napalunok ako. “Ano naman magiging trabaho ko sa company mo?” kalmadong tanong ko. “Well, it depends on you. What can you do?” kwestyon niya. Napaisip ako ng malalim dahil nangangamoy seryoso siya. “Uhm…” napaisip ako. “Anything. What can you offer? Basta mataas salary?” pabulong na request ko. “Then be my secretary,” angil niya. “The salary depends on your performance. Can you hold a big amount of money?” “Uy! Bet ko ‘yan! Tutal mukha akong pera,” pag-amin ko. Tumaas ang kilay niya at mahinang natawa. “Honest mo naman masyado,” he joked which made my brows furrowed. Hindi man lang niya itanggi! “Honest mo rin e ‘no? ‘Di mo man lang itanggi,” singhal ko at hinampas siya
=Avelina’s Point Of View=Pagkatapos ng mahabang dinner, speeches, at endless photo sessions, nahanap ko ang sarili kong umiinom ng champagne sa isang sulok. Ang dami kong naiisip.“Hindi ka ba masaya, anak?” tanong ni mommy, na lumapit sa tabi ko.Tumingin ako sa kanya, kita ang saya sa mukha niya. Para sa kanya, para kay Papa, siguro ito ang pinakamagandang araw ng kanilang buhay. Pero paano ako sasaya kung pakiramdam ko, lahat ng ito ay isang deal lang?“Masaya po ako, Ma,” kasinungalingan ko, pilit na ngumingiti.Tinapik niya ang kamay ko. “Alam kong hindi naging madali ito, anak. Pero ito ang tamang desisyon. Si Eren… mabait siya. Alam kong aalagaan ka niya.”Tumingin ako sa malayo, sa direksyon ni Eren. Nakatayo siya kasama ang ilang bisita, nag-uusap, pero halatang bored na siya. Mabait ba talaga siya?=Eren’s Point of View=Habang nakikinig ako sa walang katapusang papuri ng mga bisita, nararamdaman ko ang bigat ng bagong role na ito. Para bang lahat ng tao dito ay inaasahang
=Avelina’s Point of View= “Miss Serrano,” bulong ni Eren, na ikinalingon ko sa kanya. Malamig ang kanyang boses, pero may kakaibang tapik iyon na parang nagdadala ng kahit kaunting kalma. “Don’t overthink. This is just a show.” Tumingin ako sa kanya, at doon ko naalala kung bakit ako nandito. Para sa pamilya ko. Para sa negosyo. At kahit gaano ko kinaiinisan si Eren, mas mabuti na siya kaysa mapunta ako kay Mr. Ariano. Nakarating kami sa bahagi ng seremonya kung saan kailangan nang magsabi ng “I do.” “Avelina Serrano, do you take Perenzio Laurent Monecidad to be your lawfully wedded husband?” tanong ng pari. Tumigil ang lahat. Para bang lahat ng mata sa simbahan ay nasa akin. Tumingin ako kay mom na nakaupo sa harap, at doon ko nakita ang tahimik niyang dasal. Para sa kanya, para sa negosyo, at para sa lahat ng itinaya niya, hindi ako puwedeng umatras. “I… I do,” mahinang sabi ko. Ang bahaging iyon ay tila sapat na para bumalik ang sigla sa paligid. Ang pari ay lumipa