Share

Chapter 19: You’re The Only One.

“Ano bang pag-uusapan natin? Parang wala naman?” pangunguna ko at nagtataka siyang tinignan sa berde niyang mata.

“Lumi—”

Tumayo ako nang matanaw si Hani sa labas ng kwarto ko habang kasama si Merly, “Lumi—”

“Saglit,” mariing sabi ko at nilapitan si Hani.

“Planado mo ba ‘yon?” mariing sabi ko ngunit mabilis siyang umiwas tingin at aalis na sana ngunit hinablot ko ang braso niya.

“Plano mo ba ‘yon?!” Nang magtaas ako ng boses ay napatitig siya sa akin. Si Merly naman ay hindi alam ang gagawin.

“A-Alam mo kung anong meron kami ni Piere, Hani. P-Pero makikita kitang hinahalikan mo siya sa leeg? K-Kung hindi ka ba naman traydor?!” bulyaw ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagngisi ng labi niya.

Napatitig ako sa kanya. “Hindi mo naman siya nobyo, Lumi. Tinanggap niya ang halik ko dahil paniguradong wala kang alam sa mga ganoong bagay!” malakas na sabi niya dahilan para hindi ako makapaniwalang huminga ng malalim.

“M-Magkaibigan tayo, Hani. Magkaibigan! Ang landi mo! Malandi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status