ISLA’S POV
“Hoy, babae! Gawin mo na iyang plates mo! Bakit ka na naman kasi nakayuko dyan?!” sita sa akin ni Sasa sabay yugyog sa balikat ko. Tsk. Tamad na tamad ako! Eh paano kasi, maya’t-maya ang tawag ni Mr. Martin sa akin! Hindi ko alam pero parang alam niya kung kailan ang mga vacants ko. Kaya minsan dinadala ko doon mga gawain ko at nagra-rush kapag after naming mag-ano… basta iyon! Tsk! Wala rin naman siyang pakialam kapag gumagawa ako as long as natutugunan ko iyong kailangan niya.
“Ano ba? Tigilan mo iyan, Sa. Inaantok ako,” bangag kong sita rin sa kaniya pabalik. Patuloy niya akong ginulo kaya padabog akong nag-angat ng ulo. Tinulak niya iyong nook o.
“Deadline na iyan bukas, gag*! Kailangan mong humabol para makasabay ka sa aming mag-OJT.” Oo nga pala, malapit na ang OJT namin. Laking pasasalamat ko na rin talaga sa kapati
ISLA’S POV Dahil hindi ako makapag-focus sa binabasa ko ay nilabas ko na lang iyong plates ko. Winawala ko sa isip ko na may girlfriend siya, na kabit ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukulay ko iyong walls ng bahay na ginagawa ko. kaya kong magbenta ng katawan pero… ang maging kabit? Wala iyon sa bokabularyo ko. Pero wala akong karapatan na sirain iyong deal naming, dahil ang nakalagay doon ay iyong nagbabayad lang ang may karapatang magpahinto nito. Kung may girlfriend siya, bakit pa ako nandito? Ah. Baka hindi pa handa iyong girlfriend niya kaya siya naghanap sa ibang babae? G*go pala siya eh! T*ng*na, Isla! Dapat kasi tinanong mo muna kung may sabit. Napahigpit ang hawak ko sa highlighter nang marinig ko siyang magsalita, galing sa kusina. “You’re here…” Napapikit muna ako at ikinalma ang sarili bago
ISLA’S POV Halos isang linggo na ang lumipas simula noong huling message niya sa akin. Buti naman dahil natapos ko na iyong mga na-missed kong quizzes, exams and plates. Makakasabay na ako sa kanila sa OJT. Nandito ako ngayon sa school, nagtitipa ako ng message kay Adam. Lagi pa rin akong nagme-message sa kaniya kahit wala akong natatanggap na reply. Mas lalo nga bumibigat ang loob ko kasi nasi-seen niya naman. Pero ‘di ba, at least alam kong maayos siya. Hindi niya man lang ako kamustahin! Hmp! Pero kapag kinausap niya na ako hindi ko rin alam sasabihin ko. Sinabi ko na hindi na ako tumuloy sa club pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Hindi ko na alam. Hanggang kailan niya ba ako matitiis na hindi kausapin? Hanggang kailan kami ganito sa isa’t-isa? Napabuntong hininga ako habang naglalakad kami ni Sasa sa hallway. Nandito kami ngayon
ISLA’S POVNandito pa rin ako sa apartment ni Sasa, nanonood ako ng Korean drama sa laptop niya at siya naman ay nagtitipa sa kaniyang cellphone. Baka ka-text niya iyong lalaki niya.Gusto ko lang muna ng walang iniisip kahit ilang oras lang.Hindi na rin naman ulit tumawag si Mr. Martin. Bakit parang disappointed ka? Ha? Bakit naman ako madi-disappoint?! Mabuti nga iyon dahil hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Tsk.Hindi ko na alam kung anong iniisip niya, saka ko na lang din iisipin… nahihiya pa ako. Wala pa akong mukhang maihaharap sa kaniya.“Isla Faiman Davina!” Nagulat ako nang bigla akong tawagin ng pasigaw ni Sasa. Tinignan niya ako ng masama at parang kakainin na niya ako ng buhay. Ano na naman ba nagawa ko?“Waeyo?” Natawa ako sa isip ko sa sagot ko
THIRD PERSON’S POVSumigaw sa inis si Amiah sa loob ng kaniyang kotse. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kaniyang kotse.“You will regret what you did to me, Tobias,” saad niya sa sarili habang nakatingin na sa salamin ng kotse niya. Ngumisi siya at bigla na lang tumawa sa sarili. “I am the great Amiah Martin! Wala kong bagay na hindi nakukuha.”Inayos niya ang nagulong buhok at inilabas ang kaniyang mamahaling lipstick, tumingin ulit siya sa salamin at nag-apply ng lipstick na hindi naman nabawasan ng pula.Tumunog ang kaniyang cellphone, napangiti siya ng malawak sa natanggap na message galing sa taong inutusan niya. Kinuha niya ang susi ng kotse sa loob ng kaniyang bag. Pinaandar ang sasakyan at dumiretso sa address na binigay sa kaniya.“Kuya, isa pa pong stick ng fishball at kikia
THIRD PERSON’S POV“May nakaupo na ba dito?” Nagulat at sabay na nag-angat ng ulo sina Isla at Sasa sa taong nagsalita at nakatayo sa gilid ng lamesa kung saan sila kumakain ng lunch. Kakatapos lang ng klase nila sa umaga. Dumiretso sila agad sa canteen dahil hindi raw na naman kumain ng umagahan si Sasa.Dahil mag-isa niya lang naman sa apartment niya ay tinatamad na siyang magluto at kumain kaya iniaabot niya sa pagpasok ng school at lunch para may kasabay siya.Napaubo si Sasa sa gulat at sinuntok-suntok ang d*bdib habang pinandidilatan niya ng mata ang kaibigang si Isla, na ngayon ay puno na rin ng pagtataka ang buong mukha. Hindi siya makapaniwala na nilapitan ulit siya ni Gabreel, akala niya kasi ay nakalimutan na siya nito.“H-ha?” naguguluhang tanong ni Isla kay Gabreel.“Can I sit here… with you
17THIRD PERSON’S POV“Hmm, musta ka na? Tagal nating hindi nagkita ah.” Isla laughed awkwardly. Matagal na silang magkaibigan pero ngayon niya lang naramdaman ang matinding awkward sa pagitan nila. Parang may nag-iba at nagbago. Hindi niya mapangalanan kung ano.“Hindi nga pala ako natuloy sa club.” Walang emosyon ang mga mata ni Adam habang nakatingin sa mga mata ni Isla. Mas lalong bumibigat ang d*bdib ni Isla dahil hindi man lang magsalita ang kaibigan niya. Na parang hindi sila matagal na nagkausap at nagkita, na parang ayos lang sa kaniya iyon.“Hindi pa nagigising sina Mama at Papa pero sabi ng doctor ay maayos ang lagay nila pareho. Malapit na rin pala iyong OJT namin, lapit na ako grumaduate!” masayang dagdag niya. Muli ay ganoon pa rin ang reaksiyon ng mukha ng kaibigan, tila hindi ito natutuwa.Dahan-dahang lumaylay ang bali
THIRD PERSON’S POVNagtaka ng husto si Isla kung bakit nandito si Gabreel. At kung ano ang ginagawa niya sa harap ng kwarto ng mga magulang niya.“A-anong ginagawa mo dito?” tanong ni Isla, lumapit na siya sa may pinto kung saan nakatayo si Gabreel. Ang kaninang gulat ay napalitan ng isang matamis na ngiti na ikinakunot lalo ni Adam.“Good morning, Isla. May binisita lang akong kamag-anak tapos napadaan ako dito,” wika niya. Naguguluhan man ay tumango na lang si Isla bilang sagot. “Nabanggit mo kasi dati kung anong room ng mga magulang mo,” dagdag pa niya.Napakamot sa batok si Isla sa sinabi nito dahil hindi niya maalala na nasabi niya pala.“A-ah, gano’n ba? Oo nga, nasabi ko nga pala dati.” Ngumiti siya ng pilit, nahihiya dahil baka sabihin nito na ayaw niyang nandito siya.&nb
THIRD PERSON’S POV“Just make sure na may mapapala tayo dito, ha!”“Yes, ma’am,” hindi lumilingong sagot ng lalaking inutusan niya na kumalap ng impormasyon tungkol sa stalker ng babaeng kinaiinisan niya, ang babaeng kaagaw niya sa puso ni Tobias. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n kabaliw sa kaniya si Tobias, mukha namang madungis ang babaeng iyon.Hindi niya alam kung kailan at paano siya nagkagusto sa kinilalang pinsan, nagising na lang siya isang araw na mahal niya na ito at gusto niya sa kaniya lang ang lahat ng atensiyon nito. Kaya noong nag-celebrate siya sa boracay at hindi nakapunta si Tobias ay pinasundan niya ito at inalam kung ano o sino ang pinagkakaabalahan nito sa mga nakaraang linggo. Dati kasi ay hindi naman ito tumatanggi sa kaniya.
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi