ISLA'S POV
"Do you really need to go? Baka mabinat ka. Gusto mo sabihan ko si Ra─"
"Hindi nga pwede, ano ka ba? Ayos na ako, 'di ba? Normal na 'yong temperature ko at isa pa, hindi na ako pwedeng lumiban at baka mahuli na ako," sabi ko kay Tobias habang kumakain kami ng umagahan.
Hindi rin nagtagal 'yong lagnat ko, bumaba rin temperature ko kaninang madaling araw.
Ngumuso siya at nagpapaawa. Tumawa ako sa hitsura niya kaya sinubuan ko na lang siya ng hotdog.
"Magaling na ako kasi, magaling din 'yong nag-alaga sa akin," usal ko sa kaniya at binigyan ko siya ng flying kiss na ikinapula ng tainga niya.
Ang cute!
"I know, babe," nakangiting sabi niya na para bang proud na proud siya sa ginawa niya.
Tumango ako sa kaniya. "Ikaw? Hindi ka ba busy? Kung hindi, magpahinga ka na lang, alam k
ADAM'S POVTumalikod ako sa kaniya at binuksan ang pinto para sa kaniya.Hindi man lang siya gumalaw dahil nanatili ang kaniyang mga mata sa akin. Hindi ko mabasa ang emosiyong pinapakita niya sa akin ngayon, ngunit isa lang ang sigurado ako dahil nabanggit niya ang salitang girlfriend, maaaring tungkol ito kay Isla at maaaring pinaimbestigahan niya na ito nang hindi ko alam.Nakita ko ang pag-iling kasabay ng pag-ngisi niya. "Tsk. Baka nakakalimutan mo, anak, na ako ang may-ari ng kompaniyang ito."Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagkainteres na bumisita sa akin ngayon dito samantalang ilang taon niya naman akong pinabayaan sa ibang tao.Sa
THIRD PERSON'S POVMatinding inis at galit ang naramdaman ni Tomas paglabas niya sa opisina ng kaniyang anak."Mukhang nagkamali ako sa pag-underestimate sa kaniya. Alam na alam niya rin kung paano makisali sa laro," bulong niya sa kaniyang sarili pagkasakay niya sa sasakyan niya. Nasa loob naman ang driver niya na kanina pa naghihintay sa kaniya.Muli ay nag-isip na naman siya nang maaaring gawin para maghiwalay ang kaniyang anak at ang kaniyang girlfriend na si Isla.Wala pang impormasiyong dumadating sa kaniya galing sa matalik niyang kaibigang private investigator din. Sa sobrang inip niya ay pinuntahan niya na ang kaniyang anak kahit na hinala pa lang ang mga nalalaman niya tungkol sa babae.Pero dahil marunong din makipaglaro si Tobias ay wala siyang napala.Habang nag-iisip ay naalala niya ang itsura ng ka
ISLA'S POVAkala ko noon sa libro at sa panood lang nangyayari ang mga ganito. Hindi ko naman akalain na mangyayari rin sa totoong buhay, sa buhay ko pa.Alam niyo 'yon? Iyong bida ay hindi tanggap ng mga magulang ng mahal niya kasi nga mahirap ka lang at mayaman sila.Akala ko sa libro lang 'yong mga taong walang puso at mga sarili lang nila iniisip nila, akala ko ginagawa lang ng mga authors 'yon para mas maging exciting 'yong mga eksena.Totoo pala talaga 'yon. Sabagay books are close to reality.Nakakatawa lang na kaharap ko na ngayon 'yong akala ko ay sa panood at libro lang nag-e-exist.Pormal na pormal siyang nakaupo pati ang pag-inom ng kape niya ay sobrang pormal din. Ito 'yong mga taong sa tinding pa lang malalaman mo ng hindi pa kailan man nakaranas ng kahirapan sa buhay.Pinanganak siyang gi
ISLA'S POVHindi ako nararapat kay Tobias?Alam ko naman na 'yon… pero masakit din pala kapag may nakapagsabi na sa 'yo, lalo na at galing sa tatay niya mismo.Sino ba talaga ang makakapagsabi kung sino ang talagang nararapat na mahalin ni Tobias? Or sino ba talaga ang makakapagsabi kung tama o mali na ang nararamdaman namin?Anong batas ba dito sa Pilipinas ang makakapagsabing bawal maging mag-boyfriend ang mahirap at mayaman?Mayro'n ba? Kasi sa pagkakaalam ko, wala naman eh.Kaya bakit para sa kaniya ay hindi ako karapat-dapat kay Tobias?"Money can buy happiness ika nga. Alam ko namang pera lang ang happiness ng mga katulad niyong mahihirap. Kaya sige na, name your price."Nakakainsulto, hindi ba? Pero at some point, tama naman siya. Siguro, kapag may pera lang kami 90 pe
ISLA'S POVKaibigan… ito na siguro ang isang bagay na mahirap hanapin ngayon.Bilang lang naman talaga sa daliri ang mga kaibigan ko. Lalong-lalo na 'yong mga sobrang close ko na nakasaksi ng iba't-ibang sides ko, mapa-bright or dark pa man.Binalot ako ng panlalamig. Hindi ko na kailangang mag-angat ng mukha para makita at kumpirmahin kung sino ang taong nagsalita, kasi kilalang-kilala ko ang taong 'yon.Pero hindi ko sigurado kung totoo ba 'yong narinig ko o gawa-gawa lang ng isip ko, baka kasi alam nito na siya ang una kong tinatawagan at hinahanap kapag ganito ako.Bakit naman ako pupuntahan at kakausapin no'n? Galit nga 'yon sa akin eh.Mas lalong bumuhos nang malakas ang mga luha ko nang maalala 'yon.Siguro kapag nandito 'yon, tatawanan lang ako no'n na umiyak tapos sasabihan ng mga kung a
ISLA'S POV"Grabe ka naman sa akin. Marunong naman na akong mag-ingles noon ah."Ngumuso siya kaya napangiwi ako. Akalain mong hindi ako nainis doon sa pagnguso niya. Usually, maiinis ako doon at aasarin din siya pabalik. Pati 'yon, namiss ko."Oh bakit ganiyan ka makatingin? Kunin mo na nga 'tong panyo, ang pangit mo," pang-aasar niya ulit sa akin. Ibinato niya sa mukha ko 'yong puting panyo.Nagsalubong ang mga kilay ko at saka siya tinignan nang masama. Sira ulo pa rin siya.Hindi ko ginamit 'yong panyo sa halip ay ibinato ko rin sa kaniya ito pabalik.Tumawa siya kaya napatawa na rin ako.Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya binatukan."Deserved!""A-aray." Hinawakan niya 'yong batok niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napasimangot na lang siya
ISLA'S POVNagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa kung saan.Gusto kong imulat ang aking mga mata pero purong kadiliman lang ang nakikita ko.Sinubukan kong igalaw ang mga mata ko pero naramdaman kong may bagay na nakatakip dito.Nilamon ako ng panlalamig at takot nang maalala ang nangyari.Nasa park ako. Nasa park kami pagkatapos ay bumibili ng balut nang may dumakip sa amin bigla na isang van. Teka, si Adam! Kasama ko si Adam kanina!"Hmmp!" Sumigaw ako pero walang lumabas na boses galing sa akin at ngayon ko lang din napansin na nakatakip din ang aking bunganga. "Hmmp! Hmmp!"Babangon na sana ako kaso biglang kumirot ang ulo ko dahilan para mapahiga ako ulit.Ano na naman ba 'to?! Wala pang isang oras 'yong kasiyahang binigay Niyo tapos napalitan na agad?! Ang bilis Ni
ISLA'S POVSabay-sabay kaming napalingon sa babaeng sumigaw mula sa pinto.Halos mahugot ko ang aking hininga nang maalala ang babae.Ms. Amiah...Siya 'yong babaeng kumausap sa akin sa store! Siya 'yong nagpakilalang girlfriend ni Tobias na pinsan niya lang naman pala.Anong ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama? Bakit sila magkakilala? Paano? Kasabwat rin siya?Rinig sa buong kwarto ang mga tunog ng kaniyang mga takong.Nakasuot siya ng blue na dress na may hati sa gitna ng kaniyang hita at nakasuot din nang mataas na sandals kaya mas lalo siyang tumangkad."What are you?! A f*cking id*ot?! Hindi ba ang sabi ko ay huwag niyong sasaktan 'yang lalaki?!" malakas na sigaw niya kay Sebastian at sa dalawang mamang nanakit kay Adam.Napatakbo ako kay Adam nang maa
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi