GABREEL'S POV
"I am on my way to her, La. Yes po, La. Don5stress yourself too much, okay? Don't worry. I'll make sure that sh─ wait, La. I'll call you back." Bumagal ang takbo ng kotse ko nang makita na parang nagkakagulo ang mga tao malapit sa park nila Isla.
Pinilit na naman kasi ako ni Lola na tignan sila Isla.
Napakunot ang noo ko nang makita ko na may mga pulis din na nakakalat at kinakausap ang mga tao sa paligid.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko para sana marinig kung ano nangyari kaso ay wala akong maintindihan.
Nang may dumaan sa tabi ng kotse ko ay tinanong ko 'yong babae na para bang nagmamadali paalis.
"Miss, a-ano pong nangyari? May aksidente po ba?"
Napahinto 'yong babae na hingal na hingal at pawisan.
"Ay, Sir, m-may dinukot po kasi kanina dito, isang dalaga a
GABREEL'S POV"May alam ka ba dito, Gab?"Bahagya akong tumango. Muli ay binalot na naman ako ng hiya at konsensiya dahil nagawa kong itago 'yon sa kanila, gusto ko lang naman kasi na huwag na silang mag-alala."Lo, kasi...""Si Sir Gab ho? Opo, Sir, kasama nga po namin siya noon sa paghahanap at no'ng hinuli na namin 'yong si Sebastian, eh.""Sebastian? Sino si Sebastian?""Ah, yes, Sir. Iyang nasa folder po 'yong dumukot sa kaniya noon. Iyang Sebastian po na stalker ng babae. Sa pag-iimbestiga po kasi namin noon ay nalaman naming stalker nga siya ng babae, lalo na noong mapasok namin ang kwarto nito na punong-puno ng litrato ng babae. Mukhang nabaliw po talaga sa pag-ibig, Sir," mahabang kwento ng pulis. Nakagat ko ang labi ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko."Oh? Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya na nama
ISLA'S POV"Oh my gosh! This is so interesting!" At nasundan na naman nang malakas na tawa habang nagpupunas ng luba sa gilid ng mga mata niya. "I have never laughed like this in my entire life, ngayon lang!"Lahat kami ay nakakunot ang noo, maski si Sebastian na kasama niya ay nagtataka sa inaasta ni Ms. Amiah.Nanatili naman akong nakayakap kay Adam na nakasiksik pa rin sa akin. Buti na lang talaga at hindi na ibinalik sa amin 'yong mga tali kaya malaya naming mahawakan ang isa't-isa.Muli na namang napatigil si Ms. Amiah sa pagtawa at hingal na hingal.Parang kanina lang ay sobra kung makasigaw at magalit, ngayon naman sobra kung makatawa.Ibang-iba siya no'ng una kong nakita, akala ko ay sobrang bait at hinhin niyang tao.Nabaitan talaga ako sa kaniya no'n, sinabi ko pa nga kay Tobias eh.
ISLA'S POVAnong sinasabi niya?Tama ba 'yong narinig ko?Lumingon ako sa paligid kung nandito ba si Tobias, lahat ng sulok ng kwarto ay tinignan ko pero ni anino niya ay wala naman akong nakita.Isla, baka pinaglalaruan ka lang niyan."A-anong s-sinasabi mo?""Bakit hindi mo tanungin 'yang best friend mo, Isla?"Nalipat ang mga tingin ko kay Adam na nakakapit sa akin. Ngayon ko lang din napansin na natigil na ang panginginig niya. Na pakiramdam ko ay nailipat sa akin.Kung kinakabahan ako kanina ay mas lalo na ngayon. Parang gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.Mas lalong kumikirot 'yong ulo ko.Napansin ko ang papalapit na si Sebastian. Puno rin ng pagtataka ang mga mata niya. Sumalampak siya sa sahig,
ISLA'S POVAnong… ano 'yon?Diretso ang kaniyang mga mata sa akin habang ginagawa ang bagay na 'yon. Tinitignan niya kung ano ang magiging reaction ko.Kita ko ang hirap sa ginagawa niya na para bang ayaw niya nang ituloy.Nangilid ang mga luha niya bago siya yumuko at muli ay may tinanggal na naman siya sa mata niya na kung anong bagay.Kung ano 'yon ay hindi ko alam.Ni hindi ko alam kung ano 'yong mga tinatanggal niya.Nang tuluyan na niyang matanggal 'yon ay unti-unti na siyang nag-angat ng mukha.Contact lense… contact lense 'yong tinanggal niya.Iyong mga matang 'yon, kulay kapeng mga mata, na isa sa mga paborito ko.Tobias….Unti-unti rin ay para akong pinagbabagsakan lupa.&n
THIRD PERSON'S POVUmalingasaw sa buong lugar ang malakas at magkasunod na putok ng baril. Nagulat ang lahat ng tao sa loob. Mabilis na kinuha ng mga pulis ang mga hawak na baril ni Amiah at ng kasama niyang si Sebastian.Pinadapa naman nila sa lupa ang mga tauhan nila at pinosasan.Nanginginig ang mga labi ni Amiah nang makita na nakabulagta na sa sahig si Tobias na duguan habang yakap-yakap siya ni Isla.Habang si Sebastian naman ay ngiting-ngiti at tila tuwang-tuwa sa ginawa niya. Walang halong pagsisisi ang mukha niya."Tobias? Tobias! No… no…" paulit-ulit na sambit ni Amiah habang nakatingin pa rin kay Tobias.Pinoposasan na siya ngayon pero na kay Tobias pa rin ang tutok niya.Punong-puno ng luha ang kaniyang mukha. Tinignan niya si Sebastian nang matalim na tingin.&nbs
THIRD PERSON'S POVInilipat na sa Martin Hospital sina Tobias at Isla. Pagkatapos maoperahan si Tobias ay pinalipat siya sa hospital na pagmamay-ari niya at dahil na rin sa utos ng Daddy ni Tobias na labis ang galit na nadarama sa nangyari.Si Isla naman ay hindi pa rin nagigising hanggang ngayon.Saktong araw naman ng paglabas ng hospital ng mga magulang ni Isla nang mabalitaan nila ang nangyari sa kanilang anak.Sobrang nagulat sila dahil wala man lang silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang anak na si Isla.Nagulat na lang sila nang sabihin sa kanila ng isang nurse na naka-admit rin ang anak nila sa hospital. Dahil madalas si Isla sa hospital ay nakilala na rin siya ng ibang nurse and staffs ng hospital.Kaya naman hindi sila natuloy sa pag-uwi at dumiretso sa room ng anak nila.Nagulat pa s
THIRD PERSON'S POV"Tita, nagdala rin ho ako ng mga prutas. Kamusta na po si Isla?" puno ng pag-aalalang tanong ni Isla sa Mama ni Isla.Mabilis na dumiretso si Sasa sa hospital nang mabalitaan nila ang nangyari. Sinabi ito ni Sir Ralph nila dahil kapatid niya pala ang isang doctor sa Martin Hospital na si Doc. Rafael.Ibinalita ni Doc. Rafael kay Ralph ang nangyari at sinabi niya ito sa mga kasamahan ni Isla sa OJT. Walang ano-ano ay nagpaalam si Sasa kay Ralph para pumunta sa hospital."Salamat, anak." Ngumiti si Isabelle sa kaibigan ni Isla. "Ito, hindi pa rin siya nagigising… ang sabi ng doctor ay mas pinili raw ng utak niyang magpahinga muna dala ng trauma sa nangyari. Ang sabi ng mga pulis ay, sa harap niya mismo nangyari ang pamamaril."Humaba ang nguso ni Sasa habang nakatingin sa kaibigan niyang mahimbing na natutulog. Sobrang awang-awa na siya s
ISLA'S POV"Sabi ng doctor ay pwede ka na raw lumabas ngayon, anak." Ramdam ko ang titig ni Mama at Papa sa akin kaya naman lumingon ako kay Mama at tumango sa kaniya ng bahagya."At saka, nga pala p-pumunta ako kahapon sa cashier at ang sabi nila ay bayad na daw lahat ng gastusin. Tinanong ko kung sino ang nagbayad ay anonymous daw," puno ng pagtataka na wika ni Mama.Pati ako ay napakunot ng noo dahil 'yong gumagawa ng gano'n sa akin noon ay tulog at nakahiga rin dito sa hospital."At dahil ayaw naman sabihin no'ng cashier kahit anong pilit ko ay hinayaan ko na lang din. Nag-iwan na lang ako ng sulat at pinabigay ko," dagdag ni Mama. Nagkibit balikat si Mama habang nag-aayos ng mga gamit namin para makauwi na kami.Nag-iwas ako ng tingin sa kanila nang maalala ang pag-iyak ko kahapon sa kanila. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Halo-halo na 'yong mga nararamdam
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi