ISLA'S POV
Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Nakangiti lang siya sa akin na parang naghihintay ng sasabihin ko o kung ano ang ire-react ko.
Ano ba nga dapat ang ire-react ko?
Revelation na naman 'to. Tsk.
Dahil sa hindi ko rin talaga alam ang sasabihin ko ay muli ko siyang tinalikuran at saka mablis na lumayo sa kaniya.
Bigla akong nataranta sa hindi malamang dahilan.
Bakit niya kailangang sabihin 'yong mga 'yon? Anong akala niya? Na matutuwa ako?
Oo, break na kami pero it doesn't mean na… nevermind!
Binalikan ko si Sasa at mabilis ko lang naman siyang nahanap. Nasa harap siya ng store ng mga souvenirs.
"Buti naman nandito ka na!" sigaw niya nang makita ako. "Look, ang gaganda! Bilhan ko si Rain…" Napatikom siya ng bibig at napalingon siya
ISLA'S POV"Formal daw ba talaga?""Oo nga! Nabasa mo na ba 'yong email o hindi pa?" naiinis na sagot ni Sasa sa akin.Binasa ko naman na, gusto ko lang makasiguro ulit. Malay mo, baka namalikmata lang ako o namali ng basa. Tsk.Nakapangalumbaba ako at napasimangot. Bakit kasi formal? Hindi naman ako mahilig sa mga gano'n."Bakit ka ba nakasimangot dyan? Need natin mag-beauty rest para sa party mamaya sa firm," sabi ni Sasa habang nagtitimpla ng kape niya.Halos kakagising lang namin at sabi niya nabasa niya daw email ng firm na may party mamayang gabi at formal pa.Binasa ko lang no'ng binalita niya sa akin kanina.Humigop ako sa kape ko. "Alam mo naman na hindi ako sanay sa mga gano'n. Iniisip ko pa lang, alam ko nang mababagot lang ako mamaya."Tinaktak
ISLA'S POVTotoo pala 'yong moment na ganito. Iyong hindi mo inaasahang makita 'yong taong minsang naging importante sa buhay mo tapos mag-i-slow mo bigla 'yong paligid at siya na lang ang nakikita mo na para bang nawala na ang mga tao sa paligid at naiwan na kayong dalawa.At bakit ko nga ba nakalimutan na malaki ang posibilidad na mayro'n din siya? Bakit ba nawala sa isipan ko na isa siya sa mga share holders ng firm?Kulay kapeng mga mata ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Parang ang tagal kong hindi nakita 'yong mga matang 'yon.Napatulala ako at para kong nalunok ang dila ko dahil sa gulat."Congratulations, you just got your first slow-mo entrance," bulong ni Sasa sa akin kaya parang bigla akong natauhan at bumalik ulit sa realidad.Napakurap ako ng ilang beses at saka ako napalunok."Is
ISLA'S POVNakahawak ako sa batok niya habang siya ay magaan na nakahawak sa baywang ko. Ngayon lang yata ako nagsayaw ng ganito dahil hindi naman ako uma-attend ng mga proms dati sa school.Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sinubukan ko sa kanan at kaliwa ko pero mga nang-aasar lang na mga kaklase namin ang nakikita ko.Ayaw ko ng gano'n dahil mas dumadagdag lang sila sa consciousness na nararamdaman ko sa mga oras na 'to."Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, kanina pa ako nakahandusay dito.""Ha?"Dahil sa sobrang occupied kung paano ko sasabihin 'yong pabor ko ay hindi ko na naman naintindihan 'yong sinabi niya.Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung paano sisimulan."Ang sabi ko, kung nakamamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako nakahandusay dito," sabi niya
ISLA'S POV"Grabe 'no? May pa-trophy pa sila, sobrang galante ng firm natin," sabi ni Sasa habang papalabas na kami sa hall, kung saan ginanap 'yong event.Kakatapos lang kasi 'yong party at nagtapos 'yon sa pagbibigyan nila sa amin ng mga trophies.Buti na nga lang at natapos na, sumasakit na rin kasi 'tong paa ko, parang gusto ko na nga lang bitbitin 'yong mga sandals eh. Feeling ko magkakapaltos mamaya 'yong paa ko.Napahinto ako bigla nang may maalala. "Anak ka ng tatay mo! May nakalimutan ako."Napahinto rin si Sasa at punong-puno ng pagtataka ang kaniyang mukha."Ano?" Pinasadahan niya ako ng tingin, para makita kung anong bagay ang mga nakalimutan.Ba't ko nakalimutan? Tsk."Basta, mauna ka na sa kotse mo. Sunod ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at kahit masakit '
ISLA'S POV"Graduation ko next week, makakapunta po ba kayo? Well, okay lang naman kung hindi. It's not like, sobrang importante 'yon para uwian niyo dito sa Pilipinas.""Talaga?! Congratulations, anak.""S-salamat, Pa… makakauwi po ba kayo?""Kailan nga ba 'yon? Tignan ko pa, ha? Balitaan kita, anak. P-pasensiya ka na ha?"Kakagising ko lang, dumiretso ako kanina sa kusina dahil may naaamoy akong nagluluto pero pagdating ko ro'n ay wala si Sasa tapos nakita kong nakahain na siya.Pumunta ako sa kwarto niya para tawagin sana siya nang makita ko na may kausap siya, nakaawang lang kasi 'tong pinto niya.Kausap niya yata ang kaniyang mga magulang.Alam ko na hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila pero ramdam ko ang lungkot at disappointment niya. Parang gusto ko siyang yakapin nang
ISLA’S POV“Belle, sino ‘yan?” Mas lumakas ang kabog ng puso ko nang marinig ang taong nagsalita mula sa likod ni Mama.“Ti-tita?” Puno ng pagtataka ang mga mata ni Sasa. Palipat-lipat ang mga tingin niya sa amin ni Mama na halatang naguguluhan na sa mga nakikita niya.Bago pa ako makasagot ay bumungad na naman sa harap naming ‘yong boses na narinig namin na galing sa likod ni Mama, ang Mommy niya.“A-apo…”Natikom ko ang mga labi ko nang makita ko sila nang harapan. Hindi maikakaila ng kahit sino man na mag-ina ang mga taong kaharap ko. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ‘yon? Napansin ko dati ‘yong mga mata niya kaso hindi ko lang maalala kung kanino ko ‘yon nakita. Para talaga silang pinagbiyak na bunga.Tumikhim ako. Hindi ko malingon si Sasa
ISLA'S POV"Gab! You're here! Ang sabi ko ay agahan mo." Tumayo 'yong Mommy ni Mama at sinalubong 'yong taong kakadating lang na si Gabreel.Yumuko ako para hindi niya ako mapansin, kahit alam kong imposible. Bigla akong nakaramdam ng hiya.Sa tingin ko ay hindi pa niya nasasabi kila Mama 'yong pabor na sinabi ko sa kaniya kagabi sa event.Hindi ko naman aakalain na pupunta ako ngayon dito. Biglaan lang talaga. Wala lang, gusto ko lang aliwin din sana si Sasa."Galing po ako sa company, La. Sabay kaming nag-breakfast ni Lolo at ni Tito doon," malambing niyang sagot sa matanda.Matagal ko naman ng nakikita na ganiyan siya makitungo sa Lola niya, kahit noong mga panahong nadadatnan ko sila sa harap ng room ni Mama sa hospital. Kitang-kita ko talaga ang labis na pagmamahal at pag-aalala niya sa matanda.
ISLA’S POV“Nabalitaan niyo na ba kung sino ‘yong mga guest speaker natin sa graduation? Grabe! Ang gwapo no’ng isa.”“What do you mean sa mga?”“Narinig ko kasi kanina sa mga profs na nag-uusap na dalawa daw ang guest speaker natin.”“Ano raw pangalan?”“Hoy! Anong ginagawa mo dyan? Nakikitsismis ka na naman.” Sinamaan ko ng tingin si Sasa nang bigla niya akong gulatin.Hindi ako nakikitsismis ‘no. In my defense, sadyang malakas lang talaga ‘yong mga boses ng mg babae sa harap ko.“Eh kung ibato ko kaya sa ‘yo ‘tong hawak ko? Kung makagulat ka dyan,” pambabara ko sa kaniya. Tumawa siya at saka niya ako tinabihan.“Bakit mo naman ibabato ‘yong pagkain?” t
ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma
ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I
ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na
ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.
ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.
ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari
ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa
ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.
ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi